Chapter 4
Ako na ang nag-presenta na tutulong kay Dan na magluto. Gusto ko rin namang matutong magluto kahit simpleng sangkap lang yung gagamitin ko.
"Dan.." tawag ko sa kaniya habang naghihiwa ng sibuyas.
"Hmm?"
"Marunong ka ba mag-bake ng cake?" nakatingin na ako sa kaniya ngayon.
"Oo. Bakit?" takang tanong niya.
"Gusto ko kasing gawan ng cake si Klarence sa birthday niya. Malapit na kasi tapos, Parang pan-Thank you ko na din. Ganun."
Balak ko kasi pati siyang pasalamatan dahil sa pagpapatuloy nila sa akin dito sa bahay nila. Kung hindi lang naman kasi nila ako inampon, Baka wala na ako sa sarili kong katinuan at kumakahat na ng mga normal na tao.
Hanggang ngayon, Iniimagine ko pa din kung ano ba ang itsura ko kapag naging zombie ako. Siguro sobrang duguan yung damit ko kagaya ng nakikita kong zombies kapag lumalabas kami para kumuha ng pagkain.
Hinalo na ni Dan ang mga sangkap saka ito tinakluban. Nagluluto kami ngayon ng kaldereta. Yung karneng ginamit namin eh frozen meat. Sobrang tigas na nga nun eh nung nakuha namin. Mala-bato na yung katigasan. Binanlian na lang nila ng mainit na tubig para daw lumambot yung karne at hindi na kami mahirapan.
"Ipaggagawa mo talaga siya ng cake?" tanong niya sa akin habang nakaupo sa lababo.
"Oo naman." sagot ko sa kaniya.
Gusto ko din pati mag-try mag-bake. Cookery din sana ang kukuhanin kong major sa TLE ko kaso nahumaling talaga ako sa Beauty Care kaya ayun, Puro make-up at nail polish yung kwarto ko.
"Sige tutulungan kita. Kumpleto naman yung sangkap dito eh."
Inayos na namin yung niluluto namin nang maluto ito. Tinawagan na din namin yung mga kasamahan niya para kumain.
"Kamusta luto?" tanong ni Dan.
Ako ang kinakabahan sa tanong niya eh. Baka kasi pumalpak. Siguradong kasalanan ko yun kapag may kulang sa lasa ng kaldereta. Hindi naman ako ganun ka-expert sa pagluluto eh. Prito nga lang kaya kong lutuin.
"Ayos lang. Sana dinamihan niyo ng patatas." sabi ni Aiden.
Kakaunti kasi yung stocks nilang patatas dito sa bahay. Nung tumingin naman kami ay mga bulok na yung gulay kaya hindi na lang kami kumuha.
Dumiretso na kami sa pagkain namin. Walang emosyon at walang imik pa din si Klarence. Parang iba siya kagabi. Nakita ko pa nga siyang ngumiti tapos kinantahan pa niya ako. Si Caleb na lang daw ang maglilinis ng plato ngayon kasi siya ang naka-assign. Hindi pa din nila ako pinaglilinis miski man lang pinagwawalis.
Meron naman daw mga gadgets si Caleb kaya hindi na kailangang maglinis. Parang may sakit pa din ako kung ituring nila kahit hindi na naman masama ang pakiramdam ko.
Ewan ko ba pero hanggang ngayon, Hindi pa din nila ako pinaghuhugas ng plato. Parang babasagin ko naman yung mga plato nila dito eh ako ang tagahugas ng plato sa amin noon. Expert na ko dyan buddy!
Niyaya ako ni Ben na pumunta sa Garden. Mababagot lang daw kasi siya lalo na at hindi naman daw niya nage-gets yung mga topic nila. Huli kong nakita si Klarence na kausap si Caleb. Pinag-uusapan pa din nila kung saan at paano sila makakakuha ng Golden Blood type.
Sa pagkakaalam ko lang ay yun na lang yung kulang na sangkap para sa formula na makakapagbalik sa pagiging normal na tao ang mga zombies. Kaso dahil nga daw sa sobrang rare nito, Mahihirapan daw talaga sila at baka yung taong may ganung blood type ay zombie na din ngayon.
"Hindi ka ba natatakot sa Zombie?" tanong ko kay Ben.
Masyado pa siyang bata para saksihan ang mga ganitong bagay. Nakakatakot para sa isang 7 years old ang masaksihan ang ganitong mga pangyayari sa talambuhay niya. Lalo na siguro't sa pagkakaalam nila ay sa palabas lang nila nakikita to. Kung sa palabas nga eh nakakatakot na, Actual pa kaya?
"Hindi" maikli niyang tugon.
"Bakit naman hindi?" tanong ko sa kaniya.
"Kasi, Madalas din dating manood si Kuya ng mga palabas tungkol sa zombie. Mahilig kasi siyang manood ng Action-Romace na palabas tapos may mga koleksyon din siya ng armas kagaya ng makikita mo sa isang kwarto dito" sabi niya nang hindi man lang ako nililingon.
Kaya siguro mukha siyang expert at sanay na sa mga galawan kapag pupunta siya sa labas. Mahilig din pala siyang manood ng mga palabas na kagaya nun. Siguro iniimagine niya na isa siyang bidang karakter tapos itong nangyayaring ito ay ang palabas. Ang galing!
Sunod-sunod na katok ang gumulat sa amin ni Ben. Kaagad kong binuksan ang pinto ng underground garden at nakita ko si Aiden na pawis na pawis.
"Guys! Andito sila!" huminga siya ng malalim bago ako muling lingunin.
"Shit! Akala namin kung saan na kayo nagpunta!" sabi ni Dan.
Nakita kong binuhat ni Klarence si Ben. Tumigil siya sa tapat ko at tiningnan ako ng walang emosyon. Agad akong umiwas ng tingin saka napalunok na tila ba'y meron akong maling bagay na nagawa. Binabalot ng kaba ang pagkatao ko ngayon. Parang last day na to ng buhay ko.
"Bakit niyo ba kami hinahanap? Eh kapapasok lang naman namin dito kanina ah?" tanong ko sa kaniya.
Mukhang alalang-alala sila dahil bakas iyon sa mga mukha nila. Hindi ko naman mapigilang hindi kabahan sa nangyayari.
"Kanina kasi, May narinig kaming nabasag sa bodega. Nang tingnan namin yun, Nawawala na yung lason dun kaya bigla kaming kinabahan na baka pinakialaman ninyo."
"Kanina pa namin kayong hinahanap. Akala namin pumunta kayo sa labas" sabi pa ni Caleb.
Kaya siguro mukhang alalang-alala sila maliban kay Klarence na mukhang galit sa akin ngayon. Hindi ba nila naisip na dito ako slash kami ni Ben tumatambay kapag wala kaming magawa? Andito lang kami sa isang kwarto kasi naboboring yung bata?
"Galit ka ba?" tanong ko kay Klarence pagkatapos niyang dalhin si Ben sa kwarto.
Nanatili pa rin ang walang emosyon niyang mukha.
"Dun lang naman kam--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"Pwede bang layuan mo ang kapatid ko?!" bigla niyang sigaw sa akin.
Awtomatikong sumabay sa pagtayo ng mga kasamahan niya ang mga balahibo ko. Daig ko pa ang sinisigawan ng isang dragon ngayon. Bakas na bakas sa mukha niya ang galit.
"Pre tama na yan." awat ni Aiden sa amin.
Hindi siya pinansin ni Klarence bagkus ay hinawakan ako nito sa papulsuhan ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa papulsuhan ko. Dahilan para maibuka ko ang palad ko dahil sa sobrang sakit.
"Tol! Babae yan!" sabi ni Dan.
"Aray." pag-iinda ko sa sakit. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Hindi naman kami lumabas." sabi ko.
"Hindi nga kayo lumabas pero paano kung dun kayo sa bodega napapunta? Kung kayo yung nakaalam ng lason? Paano kung mamatay ang kapatid ko dahil sa kagagawan mo?!"
Kung pagalitan niya ako ay parang kasalanan kong lahat. Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa papulsuhan ko ngunit talagang mas malakas siya kumpara sa akin. Untu-unting bumagsak ang mga luhang kanina pang nagbabadya.
"Pero hindi naman kam--"
"Pero paano kung kayo?! Tatanga-tanga ka pa naman! Bago ka pa lang dito Bella. Tandaan mo yan. Paano kung mamatay siya ha? Mas okay sana kung ikaw na lang yung mama--" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang salubungin siya ng isang malakas na sampal mula sa akin.
Bago lang ako dito pero never kong inexpect na magiging ganito siya sa akin. Tao din ako at hindi ko hinihiling na mamatay! Gusto ko ding maka-survive sa bwisit na epidemyang to tapo ano? Hihilingin niya lang na mamatay ako?
Parang nakikipag-usap siya sa Zombie ah? Tangina. Normal pa ako pero gusto na niya akong mawala sa mundo? Hayop. Lason lang yun pero parang ang epekto nun ako yung may dahilan ng lahat-lahat ah?
"Kahit kailan, Hindi ko gustong ipahamak ang kapatid mo o kahit sino man sa inyo. Tandaan mo yan. Simula nung inampon niyo 'ko, Utang ko na yung buhay ko sa inyo! Tinanong ko kayo kung anong pwede kong gawin para masuklian ko yung ginagawa niyo pero ano? Wala kayong sinabi diba? Miski paghuhugas ng plato, Pinilit ko kayo!" pinunasan ko ang luha sa mukha ko.
Diretso siyang nakatingin sa nga mata ko ngayon kaya't nilabanan ko siya.
"Parang sinasabi mo na wala kong kwentang tao ah? Sa tingin mo ba ikaw lang yung nauulila? Damn Klarence! Ulila din ako! Ulilanh ulila ako! Pasalamat ka nga kasi kasama mo pa yung kapatid mo eh. Eh ako?...." itinuro ko yung sarili ko habang patuloy ang pagbagsak ng luha ko.
"Klarence, Hindi ko pa nakikita yung pamilya ko! Miski kaklase o kaibigan man lang wala pa akong nakikita miski isa sa kanila. Ni hindi ko nga alam kung normal pa ba sila? Buhay pa ba sila? O kung ako lang ba ang naka-survive sa amin! Kaya huwag mong ipamukha sa akin na parang hindi ko pinahahalagahan yang kapatid mo!" sabi ko sa mismong mukha niya.
==
Caleb's POV
"Klarence, Hindi ko pa nakikita yung pamilya ko! Miski kaklase o kaibigan man lang wala pa akong nakikita miski isa sa kanila. Ni hindi ko nga alam kung normal pa ba sila? Buhay pa ba sila? O kung ako lang ba ang naka-survive sa amin! Kaya huwag mong ipamukha sa akin na parang hindi ko pinahahalagahan yang kapatid mo!" sigaw ni Bella sa mismong mukha ni Klarence.
Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Bella kay Klarence. Parang sinisisi ni Klarence kay Bella ang lahat ng nangyayari. Hanggang ngayon ay nasa dibdib at isip ko pa din ang pagtataka kung paanong nawala ang lason sa bodega.
Hindi man lang ito nakuhanan ng CCTV. Tanging sa Underground garden lang walang CCTV kaya't talagang nakakapagtaka lamang na biglang nawala ang lason sa bodega. Masyadong mapanganib ang lasong iyon.
"Mas mabuti sigurong umalis na lang ako." mahinahong saad ni Bella.
Agad akong napatingin sa kaniya. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mukha ng mga kasamahan ko. Lahat kami ay nakatingin sa kaniya dahil sa gulat. Ganun din si Klarence.
"Anong aalis? Walang aalis?!" matigas na sabi ko.
Umiling si Bella saka pinunasan ang mga luha niya.
"M-Mag iimpake lang ako." sabi niya bago tuluyang pumasok sa kwarto kung saan siya natutulog.
==
Bella's POV
Pumasok ako sa kwarto nina Ben para mag-impake ng mga gamit ko. Yung mga damit ay yung kinuha lang nina Dan sa isang tindahan sa labas kaya may naisusuot ako. Hindi ko na kinayang makipagsagutan pa sa kaniya kaya mas pinili kong mag-walk-out na lang.
Sinulyapan ko si Ben na natutulog na pala sa kabilang kama. Pinuntahan ko siya at saka pinatakan ng halik sa pisngi. Para siyang anghel habang natutulog pero kita ko pa din kung paano gumalaw ang talukap ng mga mata niya.
"Sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita." sabi ko bago ilagay sa tabi niya ang maliit na santong bigay sa akin ni Mama.
Lumabas ako sa kwarto niya.
"Talagang aalis ka?" tanong ni Klarence. Nakakapagtaka na siya na lang ang tao dito sa salas.
Hindi ko siya nilingon at saka naglakad palampas sa kaniya ngunit yakap mula sa likod ang nagpahinto sa akin.
"Talagang iiwan mo kami?" tanong niya.
Binalot naman ng pagtataka ang pagkatao ko. Tinatanong niya ba kung gusto ko talaga siyang iwan? Sila? Di'ba kanina lang eh parang gustong-gusto na niya akong paalisin? Yung parang sinisisi niya ako sa nangyayari sa mundo?
"Diba yun naman ang gus—" natigil ako sa pagsasalita nang lumabas ang mga kasama niya at si Ben na may hawak-hawak na banner at banderitas.
Si Dan naman ay may hawak na cake.
"It's A prank!" sabay-sabay nilang sigaw.
Hindi pa din inaalis ni Klarence ang pagkakayakap niya sa akin.
"Happy Birthday, Bella." bulong niya sa akin bago ako pakawalan sa pagkakayakap.
Happy Birthday to you
Happy Birthday to you
Happy Birthday
Happy Birthday.
Happy Birthday to you~
Sabay sabay nilang kanta. Parang gustong sumabog ng puso ko. Sinurprise nila ako. Nakalimutan kong July 21 nga pala ngayon. Ngayong araw ako ipinanganak, Ngayon ang birthday ko. Dahil sa sobrang daming tumatakbo sa utak ko, Birthday ko, Nakalimutan ko.
"Blow your candle na ate Bella!" nakangiting saad ni Ben.
Pagkatapos kong hipan ang kandila ay hinararap ko si Klarence.Kasabay ng paglingon ko sa kaniya ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang gusto na nitong kumawala dahil sa bilis ng tibok nito.
"I'm sorry." he whispered.
"Ang galing talagang um-acting ni Klarence HAHA."
"DABEST!" saad pa ni Caleb saka sinundot yung cake.
It means, Prank lang lahat ng yun?!
"Mukha nang maging prank gone wrong yun ahh HAHAHA," Saka tinapik ni Zach ang balikat ni Klarence. Ngumisi naman si Klarence.
Kinuha ni Klarence ang kamay ko noong nasa kusina na ang lahat at kami ay nandito pa din sa sala. Ngayon ko lang napagtanto na nagkapasa pala yung braso ko dahil sa hugpit ng pagkakahawak niya.
"I'm sorry again. Don't worry,Ako ang gagamot diyan. Pumunta ka mamaya dun sa garden. May ibibigay ako sa'yo" sabi niya bago ako iwan at dumiretso sa Kusina.
Chapter 5Pumunta ako dito sa underground garden pagkatapos naming kumain. Nakita ko naman si Klarence na naghihintay sa akin. Nauna siya sa akin kanina kaya nandito na siya."Sorry ulit." sabi niya pagkaupo ko.Ngumiti naman ako sa kaniya pero hindi ko maiwasang hindi magdamdam. Ang sasakit ng mga salitang ibinato niya sa akin kanina kahit na prank lang yun. Grabe yung bigat sa dibdib nun at nasaktan ako dun masyado.May kinuha siyang paper bag at saka iyon iniabot sa akin. May nakasulat na 'Happy birthday' dun at For Bella. Na-appreciate ko naman yung regalo niya lalo na at alam kong mahirap maghanap ng regalo sa sitwasyon namin ngayon."Paano niyo nga pala nalaman na birthday ko ngayon?" tanong ko habang tinatanggal ang mga stapler sa paper bag.
Chapter 6Maaga akong nagising para ihanda ang mga gagamitin este dadalhin namin ngayon. Kailangan daw ay sama-sama kami ngayon na kukuha."Kasama pati si Ben?" tanong ko kay Klarence.Tumango siya sa sinabi ko. Naliligo si Ben ngayon sa CR kasama yung robot niya. Aayaw pa nga niya nung una dahil malamig daw ang tubig. Ipinag-init pa siya ng kuya niya para makaligo siya.
Chapter 7Sinabihan kami ni Klarence na bilisan namin ang mga kilos namin para maaga kaming makauwi. Nakita din naming paparating ang iba pa niyang mga kasamahan."Bwisit na kanta yan." saad ni Zach habang hinihingal.Gusto kong matawa sa mga pinaggagawa nina Dan dun sa bar. Siguro nga eh nakikiparty-party na din sila dun sa zombie. Bakit kasi kailangang patunugin pa yung ganung kanta. Pwede namang classic HAHAHA.
Chapter 8"Hmm... Ang talino mo talaga. Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko habang nakatuon ang tingin sa device na 'to."Oo ako." sabi niya.Gulat akong napatingin sa kaniya. Siya ang gumawa nito? Naks! Galing ah. Ang galing galing!!"Talaga? Ang galing mo naman!" proud kong sabi sa kaniya."Actually, Wala pang zombie apocalypse, Nagawa ko na yan."
Chapter 9Lukas's POV"Hoy Lukas tangina ka!" pagmumura sa akin ni Dan habang patuloy na tinutuyo ang sarili niya.Ayan, Hindi kasi kaagad maligo. Ako tuloy nagligo sa'yo."Sinabi ko naman sayong maligo ka!"Ambaho mo! Nahahawaan ako ng germs mo. Eeww..."Maliligo ako
Chapter 10"Galit ata si Klarence." sabi ko habang nagmamaneho si Zach.Siya ang nagmamaneho ng kotse at ako naman ang nasa passenger seat, Katabi niya. Si Lukas naman ay nasa likod at panay ang kain ng pagkaing kinuha namin.Feeling ko tuloy ngayon, Mga magnanakaw kami sa gitna ng pandemya. Kumukuha kami ng walang paalam. Kung sakali mang makulong kami dahil sa pagnanakaw kapag nasulusyonan na 'tong pandemyang 'to, Syempre, Ilalaban namin yung side namin.Aba! Eh alangan namang magpaalam kami sa mga zo
Chapter 11Bella's POV"Hayaan mo na yun, May topak siguro." sabi ni Caleb.Nandirito na naman ako sa kwarto nina Caleb kasama si Lukas, Dan, Aiden at si Ben. Kasama pati si Caleb siyempre. Naglalaro si Lukas at si Ben kaya busy silang dalawa."Tangina. Hindi na ako uulit." sabi ni Dan"Uulit ng?" tanong ni Aiden habang nakahalukipkip s
Chapter 12Ack! Goodmorning. Ngayon na ang birthday ni Klarence! Sa wakas. Nandito ako ngayon sa kusina kasama si Dan. Kaming dalawa ang nag-aayos ng ihahanda maya-maya. Nililibang naman ni Zach at Ben si Klarence ganun din si Caleb sa pamamagitan ng paghahanap nila sa golden blood type.Potek naman kasing Golden Blood Type yan, Pinahihirapan kami ng husto. Hindi ba pwedeng magpakita na lang siya kaagad okay?"Saan ba ilalagay 'to Bella?" tanong ni Lukas na hawak-hawak ang mga lobo."Lukas! Ang icing na
A/N: HI! THIS IS ME, THE AUTHOR OF THIS STORY. SALAMAT SA INYO, SA PAGBABASA NITONG STORY KONG ITO. I REALLY TREASURED THIS STORY DAHIL ITO ANG PINAKAMAHABA KONG STORY AS OF NOW AT SOBRANG TUWANG-TUWA AKO NA NATAPOS KO NA ITO AT SALAMAT NG MARAMI SA MGA MAGAGANDA NIYONG FEEDBACKS. NAGPAPASALAMAT AKO SA SUPORTA NG PINSAN KO, HAHA, SHOUT SA'YO AT SA MGA KAIBIGAN KO NA ANDIYAN SA TABI KO KAPAG NAHIHIRAPAN AKO KASI WALANG IDEA MINSAN. NGAYONG NATAPOS KO NA ITO, SANA AY MATUWA KAYO KASABAY NG PAGIGING MASAYA KO DAHIL SA WAKAS, MAY NAIBAHAGI NA NAMAN AKONG PANIBAGONG ISTORYA. MARAMING SALAMAT SA INYO, MAHAL KO KAYO!!💜 -Iamawriter Epilogue Catherine's POV When they say ‘Love’, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang salitang ‘Sweetness’ at ‘Pain’. Bakit sweetness? Kasi kapag nagmam
Chapter 54Catherine's POV“Isa pa. Oh pak!” saad ng photographer.Ngayon ang photoshoot namin ni Lukas para sa kasal namin. Damn, i can’t wait. It feels like the best day of my life. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya at mapag-isa ang puso naming dalawa.Hinawakan ni Lukas ang bewang ko. Kaagad na kumalabog ang puso ko dahil sa mga hawak niya. Suot ko ngayon ang kulay pulang gown na napakahaba habang siya ay naka tuxedo. Argh! He’s so hot. Hindi ko akalaing magiging hot siya kagaya nito.“Okay, one more. One more. Oh, pak! Good shot!” sabi ng baklang photographer sa amin.Nakailang shot na din kami. Mula sa garden, sa pond at kung saan-saan pa. Akala ko nung una, madali at mabilis lang pero hindi pala. Ang dami kong susuotin.“Okay, this is enough for today. Ang gaganda ng mga kuha. Grabe, excited na ako para sa kasal ninyo.” Wika ni Bading.&nbs
Chapter 53Catherine's POV“Sinabi ko naman sa’yo, ako na ang maglilinis nitong kalat namin.” Sabi ni Lukas habang pinupulot ang mga bote.Kanina pang umalis ang mga kaibigan niya. Si Fiona ang nagmaneho ng van. Hindi naman sila gaanong nalasing dahil alam nilang may pupuntahan sila bukas.“Hindi, ayos lang. Ikaw, magpahinga ka na kaya? May pupuntahan ka pa bukas kasama sila, di’ba?” saad ko habang pinupunasan ang lamesa.“Tayo, Catherine. Tayo. Kasama ka bukas. Ayokong mag-isa dun dahil siguradong kasama din nila ang mga shota nila eh. Ikaw, sasama ka sa akin. Shita kita eh.” Saad pa niya.Agad na namula ang pisngi ko nang tawagin niya akong shota niya. Bakit ba ako kinikilig? Hayst.“S-Sige. Tapos na din ‘to, maglilinis lang ako ng katawan tas matutulog na tayo.”“Hindi ka ba gutom?” tanong niya at umiling naman ako. &nbs
Chapter 52Catherine's POVIsang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sa akin na nakatakda akong ikasal kay Lukas. Jusko Lord, oo nga po at gwapo, mayaman, ‘di ko lang sure kung mabait, si Lukas pero ba’t naman kasal kaagad?Sinabi din nila sa akin na sa bahay ni Lukas ako mamamalagi at titira. In fairness, ang laki ng bahay NIYA. Yes, yes, yes! Niya, sa kaniya. Gara, may pabagay kaagad. Well, mayaman naman di Lukas eh.“Hey honeybunch. Anong gusto mong kainin para mamaya?” tanong sa akin ni Lukas. Simula nang maging kami ay honeybunch na ang tawag niya sa akin. Kairita ‘tong lalaking ‘to.“Anong honeybunch? Sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya bago siya pandilatan ng mga mata. Naupo naman siya sa tabi ko.“Hindi mo pa ako sinasagot, nasa sapak ka na kaagad. May gusto ka bang kainin?”“Para sa hapunan?” tanong ko at tumango naman si
Chapter 51Catherine's POVHalos iisang oras pa lang ata akong nakakaidlip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang kakatok? Bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko eh—teka, tapos na ba ang party sa baba?Tumingin ako sa sarili ko, ganun pa din ang suot ko habang yakap-yakap ang blazer ni Lukas. Kaagad ko itong inilayo sa akin. Damn, bakit ko ba ‘yun yakap-yakap? Sino bang naglagay nito sa akin at yakap ko ‘to?“Sino ‘yan?” tanong ko saka mabilis na inayos at sinuklay ang buhok kong saburang dahil sa pagtulog ko. Bwisit. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hindi ko man lang ‘yun napansin.“Hey, Catherine. Bilisan mo diyan, may ipapakilala kami ng papa mo, mahalaga ‘to.” Sigaw ni mama.“Inaantok na ako ma, hindi ba pwedeng bukas na lang?” tanong ko para makalusot.
Chapter 50Catherine's POVIsinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.
Chapter 49Jenivah's POV"Aalis na po kami," paalam ni Dan kina Tata Dodong at Papa habang tumatayo. Lumapit siya sa akin at saka umakbay. "May pupuntahan pa po kasi kami eh." wika niya sabay kindat sa akin. Kaagad naman na nangunot ang noo ko sa inasta niya.Anong meron?Biglang nagtawanan ang mga tao dito kaya mas lalo akong nagtaka. May ihinagis si Ray kay Dan na maliit na bagay at hindi ko naman kaagad 'yun napagtanto kung ano.Kahon?"Sige na. Ang anak ko ha," wika ni Papa kay Dan. "Opo, ako pong bahala sa kaniya." saad naman ni Dan saka ngumiti ng napaka-pakalapad.Okay, this is awkward.Nakaakbay lang sa akin si Dan hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Ibinigay ko kay Papa kanina ang susi ng kotse at siya na lang daw ang magmamaneho nun kaya hindi na ako umalma pa.“Hey, Bakit b
Chapter 48Jenivah's POVMabuti na lang at andito ako sa Batangas, hindi masyadong traffic. Mama gave me the adress, malapit lang naman pala dahil sa Anilao lang yun. Andun kasi si Tata Dodong.I smiled when I realized I was close to Anilao. I could already see the beautiful trees as I got closer and closer. I winced when the car I was using suddenly went crazy."What the fuck?" I tried to start the car again because the engine might have just moved but no, I think there was something wrong!I've tried this many times but it really doesn't want to work. I got out of the car and looked at the engine. Smoke immediately greeted me, luckily I was able to get away before the smoke ate me."Gago ngayon pa talaga nasiraan?" napatampal ako sa noo ko at saka napailing. Malapit na ako eh, tapos biglang nangyari 'to? "How lucky i am?" i murmured.Me
Chapter 47Jenivah's POVAgad akong napabangon nang wala akong Dan na nadatnan sa tabi ko. Sisikat pa lang ang araw. Tiningnan ko ang paligid at wala pa din siya sa kwarto ko. Nagtungo na lamang ako sa banyo at nagsimulang mag-toothbrush.Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag nang madatnan sa terrace ng bahay si Dan at si Papa. Nagkakape sila habang nag-uusap. They look so happy, aren't they?Nasa kusina si mama at busy sa cellphone niya. Mabuti na lamang at nakapagpakabit kami ng wifi nung isang buwan para hindi na sila mahirapan ni papa na mag free data. Palagi na lang sila nagtitiis at pana'y din ang gastos ng mga ito sa pagpapa-load.