Chapter 2
Narinig kong kinatok ni Klarence ang isang kwarto. Halos gibain na niya ito dahil sa pagkatok niya. Ang sakit ng ulo ko at sobrang lamig din.
"Ano ba? Gabi na Klarence" narinig kong sambit ni Zach.
"Check her!" sabay turo sa akin ni Klarence.
Nakita kong lumabas na din ng kwarto ang iba pa pati na din si Ben na kinukusot pa ang mata. Mukhang nagising siya kasi wala ang kuya niya sa tabi niya. Agad na tinungo ni Zach ang kinahihigaan ko at hinawakan din niya ang noo ko.
"Ang taas ng lagnat niya! Kumuha kayo ng bimpo at tubig sa palanggana!" sambit ni Zach sa mga kasamahan niya.
Agad na nagsikilos sina Caleb at Aiden. Nang dumating sila ay dala-dala na nila ang pinakukuha ni Zach sa kanila. Binasa na niya ang bimpo at saka piniga at pinunasan ang mukha at leeg ko.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Zach.
Hindi ko siya sinagot kasi masakit din ang lalamunan ko kapag nagsasalita ako. Nakapikit ako habang balot ng kumot ang katawan ko.
"Kukuha lang ako ng gamot sa loob" sinamahan siya ni Caleb.
Sinulyapan ko si Klarence na malalim ang iniisip ngayon. Ano bang palaging iniisip non? Kinuha ni Ben ang pagkakaton para lapitan ako. Hinawakan niya din ang mukha ko pero agad niya ding binawi.
"Ay! Ang init mo ate. Ayos ka lang ba?" nginitian ko siya dahil hindi ko pa magawang makapagsalita.
Tiningnan ko ulit ang kuya niya na ngayon ay nakatingin sa amin. Nakakapagtaka lang na hindi niya sinasaway ay kapatid niya.
Kalma Bella. May sakit ka lang kaya ganiyan yan.
"Alam mo ate, Kapag may lagnat ako, Kinukumutan ako ni Kuya tapos niyayakap niya ako" bulong sa akin ni Ben.
Napatigil ako saglit. Kaya pala pakiramdam ko kanina ay parang may yumakap sa akin. Akala ko ay dahil sa mabigat lamang ang pakiramdam ko o dahil sa makapal ang kumot pero may yumakap pala sa akin.
Biglang bumukas ang pinto na pinasok kanina nina Zach at lumabas siya na may dala-dalang gamot.
"Eto Bella. Kaya mo bang tumayo?"
Hindi ako sumagot. Huminga siya ng malalim bago ako dahan-dahang ibangon. Tinulungan na din siya ng iba.
"Eto tubig oh" sabi ni Lukas habang inaalok ang isang basong tubig.
Ininom ko ito at pilit na nilunok.
"Mas mabuti sigurong dun muna siya sa isang kwarto" sambit ni Aiden.
May isang kwarto pala sila, Bakit pa nila ako hinayaang dito matulog. Edi sana, Wala akong sakit ngayon. Nadagdagan pa tuloy ang sakit ng katawan ko.
Alam kong hindi nila ako priority pero sana, Hinayaan o inalok man lang nila ako dun sa isang kwartong sinasabi nila. Kahit hanggang sa gumaling lang sana yung sugat ko para hindi ako mahirapan ng husto. Kahit makalat, Pipilitin kong linisin. Hindi naman ako tamad na nilalang.
"Ha? Sa bodega?!" halos sabay-sabay nilang saad maliban kay Klarence na walang emosyong pinapanood kami ngayon.
Nakapatong naman ang ulo ni Ben sa hita ko at mukhang inaantok na din.
"Patutulugin niyo siya sa bodega?!" narinig kong sabi ni Dan.
Narinig ko ang buntong-hininga ni Klarence.
"Dun siya sa kwarto namin" sabi niya bago buksan ang pinto.
Natigil kaming lahat sa sinabi niya. Nakatitig lang kami sa kaniya dahil mukhang pati mga kasamahan niya at si Ben ay hindi makapaniwala sa inaasta niya.
"Ano? Tutunganga na lang ba kayo?" malamig niyang saad.
Umirap siya. Mukhang hindi niya nagugustuhan ang tinititigan siya.
"Tss.." sambit niya bago ako lapitan at buhatin.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Shemay! Binuhat ako ni Klarence. Tumingin siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Pinili ko na lang na tumahimik pero sobrang naiilang talaga ako. Nakita ko ring sumunod sa amin si Ben. Dala-Dala pa din ang laruang robot niya.
"Ben." pagtawag niya kay Ben.
"Po?"
"Sa tabi muna kita. Si Ate Bella mo muna sa kama mo" sabi niya.
Tinawag niya ba ako sa pangalan ko? May ate pa! Totoo ba to? O nananaginip lang ako? Tsismoso siguro siya kanina ng nag-uusap usap kami ng mga kasamahan niya.
"Ate Bella...." nilingon ko siya "...Magpapagaling ka ha?"
Napatitig ako sandali sa kaniya. Ang gaganda ng mga mata niya. Kahawig niya talaga ang kuya niya. Ngumiti ako at tinanguan siya.
==
"Ikaw ang kukuha ng pagkain ngayon" pakinig kong usapan sa salas.
Medyo mabigat pa din ang pakiramdam ko na sinasabayan pa ng pagsakit ng likod ko dala ng pagkakatilapon ko mula sa kotse. Pasalamat na lang ako at hindi ganun kalala ang impact sa akin kaya't hindi ako nabalian o namatay.
Gusto kong uminat ngunit mas pinili ko na lamang na huwag munang gumalaw dahil makakaapekto iyon sa katawan ko. Nilingon ko ang kabilang kama at napansin kong malinis na ito at walang nakahiga. Siguro'y nasa labas na si Ben at Klarence. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng CR at iniluwa doon si Klarence na topless at basa ang buhok.
Agad ko namang tinakluban ang mukha ko. Baka isipin niyang sinisilipan ko siya. Agad naman akong napa-Aray nang maramdaman ang kirot ng katawan ko. Kung kelan naman kasi.
"Did you see anything?" tanong niya.
Hindi ko pa din tinatanggal ang pagkakataklob ng kumot ko. Pero, Alam kong nagbibihis na siya ngayon. Mukhang napansin niyang may nakita ako. Hindi ko naman kasi sinasadya. Siya nga tong basta-basta na lang lumabas ng Banyo tapos topless pa.
"H-Ha? W-Wala!"
Agad kong sagot. Dumagdag pa ang pagkautal ko.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"
Unti-Unti kong tinanggal ang pagkakataklob ng kumot ko sa mukha ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang nakabihis na siya. Sa wakas!
"Medyo masama pa din"
Lumapit siya sa akin at inalalayan ako para makatayo.
"Dun ka muna sa labas. Mababagot ka lang dito"
Inalalayan niya ako hanggang sa makalabas. Agad naming nakuha ang atensyon ng mga kasamahan niya. Naka-drugs siguro tong si Klarence. Ang careful niya ngayon. Baka nasobrahan sa kain ng cup noodles. Kelan lang ay halos ipagtabuyan at kulang na lang eh ipakain niya ako sa mga zombies tapos ngayon inaalalayan niya ako. Ipa-MMK ko kaya to tapos ang title ay Cup Noodles.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Zach pagkatapos akong painumin ng gamot.
"Medyo ayos na"
"Ayos naman kung ganon. Siguro after 3 days, Magaling ka na" nakangiti niyang saad. Yung ngiting akala mo siya yung nakahula ng numero at naka-jackpot sa lotto.
"Asan yung iba?" tanong ko.
Aapat lang kaming nandito ngayon. Ako, Si Ben, Si Klarence at si Zach.
"Ah, Kumukuha sila ng pagkain para may stocks tayo. Ganun talaga kada-araw"
Tumango ako sa sinabi niya. Pinilit kong maka-galaw dahil hindi naman ako lumpo at medyo gumagaan na din ang pakiramdam ko hindi katulad kanina na daig ko pa ang buhat-buhat yung problema ng buong mundo.
Pumasok ako sa isang kwarto na kulay yellow-green ang pinto. Ngayon ko lang napansin na may underground garden din pala dito! Pinahahanga talaga ako ng husto ng tatay ni Klarence. Napakaganda ng pagkakadisenyo at pagkakagawa ng bahay na ito. Umupo ako sa bench. Mas maganda siguro dito kung Nasisinagan ng araw. May ilang paru-paru din dito. Ang gaganda ng bulaklak.
"Ate Bella" tawag sa akin ni Ben.
Andito pala siya. Hindi ko siya napansin dahil masyado akong namangha sa mga bagay dito. Nilalaro niya ang robot niya na palagi niyang dala-dala.
"Aayaw mo bang palitan ang robot na yan?" nagtataka kong tanong.
Pinilit kong magsalita dahil hindi na ganun kakati ang lalamunan ko dahil sa gamot na ipinainom ni Zach sa akin.
Palagi na lang niya yung dala-dala. Yun lang ba ang laruan niya? Bakit hindi siya magpakuha sa kuya niya. Malapit lang naman ang toy store dito nung daanan namin.
Umiling siya sa tanong ko.
"Bakit naman?"
"Kasi, Ito ang bigay sa akin ni Daddy bago kami nagkahiwalay at nagi siyang zombie" malungkot niyang saad.
Para lang din pala yung maliit na santo na binigay sa amin ni Mama nung huli kaming nagkita-kita. May meaning pala sa kaniya yung laruan niyang iyon. Bakit ba hindi ko naisip yun?
"Alam mo, Hindi naman masamang humawak o magkaroon ka ng bagong laruan eh. Ang mahalaga lang ay hindi mo kalilimutan yung mensahe o kahulugan nung bagay na yun sa puso mo" sabi ko sa kaniya.
Tumango naman siya bago muling ituon ang sarili sa paglalaro. Naaalala ko sa kaniya si Maine. Aayaw niya ding palitan ang manika niya noon dahil bigay daw yun sa kaniya ni Santa Claus. Napangiti naman ako sa naisip ko.
Lumabas na kaming dalawa nang sabihin niya sa akin na nagugutom na daw siya. Nakita naman namin na kumpleto na muli ang barkadahan sa labas dahil dumating na yung iba pa nilang kasamahan.
"HAHA. Muntik na kami dun" natatawang sambit ni Aiden habang pinupunasan ang pawis niya.
Binigyan ko naman ng prutas si Ben para hindi siya magutom.
"Ang pangit nung zombie HAHAHAHA!!"
Kulang na lang eh magpagulong-gulong sila sa pagtawa. Pinag-uusapan nila siguro yung zombie na nakita nila kanina. Buwis buhay din pala ang pagkuha nila ng pagkain tapos kahapon muntik ko nang hindi maubos yung cup noodle na pinakain nila sa akin.
"Di'ba si Mrs. Morales yun? HAHA. Y-Yung HAHAHA. Yung PE teacher niyo" tawang-tawa na tawa na tawa na tawang sambit ni Dan.
"Oo HAHA. Yun yung nagbagsak sa akin sa PE. HAHAHA. Tangina HAHAHA. Ang mukha niya HAHA. Kung normal na tao siguro yun tapos nakitang ganun yung mukha niya, Baka umiyak na yun hanggang bagong taon HAHAHA!!"
Kung normal lang siguro yung PE teacher niyo ngayon tapos nalaman niya na tinatawan niyo siya ng ganiyan, Baka mas delikado pa sa Zombie Apocalypse yung marka niyo.
"Ano nahanap mo ba?" pakinig kong usapan ni Klarence at Caleb.
"Hindi pa eh. Kailangan ng Golden Blood type"
Ano daw? Golden blood type? Meron ba nun?
"Golden blood type?" nagtatakang tanong ni Klarence
"Yup. AB negative or Golden Blood type is the rarest of the eight main blood types.Isang pursyento lang sa mga donor ng mundo ang meron nito"
Ang talino pala talaga ni Caleb.
"San to makukuha?"
"Sa ngayon, Hindi ko pa alam dahil sobrang rare ng blood type na'to. Sa kabila ng pagiging bihira, mababa ang demand para sa AB negative blood type at hindi tayo o mababa ang tsansa na makahanap ng donor na may AB negatibong dugo."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Baka hindi na matapos ang apocalypse nato. Paano kung hindi sila makahanap ng taong may ganung klaseng dugo?
"Ate Bella, Ano yung pinag-uusapan nila?" tanong sa akin ni Ben habang patuloy na kinakain ang prutas na binigay ko sa kaniya.
"Ah, Siguro huwag muna tayong makialam. At saka, bata ka pa" sabi ko sa kaniya bago nginitian.
Pinagpatuloy na niya ang pagkain niya at nagpaalam ako na magpapahina muna ako. Antok na antok na ako kanina pa dumagdag pa ang bigat ng katawan at sakit ng ulo ko. Medyo gumagaling na ang sugat ko sa braso dahil na din siguro sa mga gamot o lunas na nilagay ni Zach dito.
Nagising ako nang katukin ang pinto ng kwarto ni Klarence at Ben. Kasalukuyang dito pa din ako natutulog. Dito daw muna ako hangga't hindi pa ako gumagaling. Hindi naman umangal si Klarence dun.
"Bella?" saad ng tao sa labas. Mukhang si Aiden yun.
"Kakain na. Papasok ako ha?" saad niya bago buksan ang pinto.
Aalalayan niya sana akong bumangon pero pinigilan ko siya. Hindi na naman kalala yung lagay ko hindi katulad ng mga unang araw. Inalalayan niya na lamang ako sa paglalakad kaya hindi na ako tumanggi.
Nasa labas na silang lahat kaya naupo na din ako. Hindi pa din nagbabago ang pwesto namin. Nasa tabi ko pa din si Ben at sa harap ko naman si Klarence na tahimik na kumakain.
"Kumain ka na, Tapos umimom ka na ng gamot." paalala ni Klarence bago likumin ang kinainan niya at inilagay ito sa lababo.
Self, Hindi siya concern sa'yo. Tandaan mo yan.
Sinimulan ko nang kumain. Noong una ay akala ko'y cup noodles ulit ang kakainin namin pero ngayon ay may gulay na. Ang galing nilang makakuha ng ganitong mga pagkain kahit mahirap at mapanganib ang tatahakin nilang daan.
Hindi sila sigurado kung makakarating pa ba sila ng normal at hindi pa zombies. Pag nakagaling ako, Sasama ako sa pagkuha nila ng pagkain para hindi naman ako maging pabigat sa kanila.
Nang maubos na ang pagkain ko ay dadalhin ko na ito sa lababo pero pinigilan ako ni Caleb. Siya na raw ang magdadala at maglilinis ng pinagkainan naming lahat dahil siya daw ang naka-assign sa paglilinis ng mga plato ngayon.
"Ehh ako? Kelan ako maglilinis?" tanong ko sa kaniya.
"Saka mo na itanong. Kapag magaling ka na" sabi niya bago kunin sa akin ang pinag-kainan ko.
Chapter 3 Isang linggo na ang nakaraan simula nang dito ako manirahan sa pinagtataguan nina Klarence. Akala ko nung una ay palalayasin din nila ako kapag gumaling na ako at gumaan na ang pakiramdam ko pero hindi nila ako pinaalis. Naging maayos na din ang pakiramdam ko dahil sa mga gamot na ibinigay nina Zach sa akin. Medyo humuhupa na din ang mga sugat ko. "Kayo ni Bella ngayon ang kukuha ng pagkain, Klarence." sabi ni Aiden.
Chapter 4Ako na ang nag-presenta na tutulong kay Dan na magluto. Gusto ko rin namang matutong magluto kahit simpleng sangkap lang yung gagamitin ko."Dan.." tawag ko sa kaniya habang naghihiwa ng sibuyas."Hmm?""Marunong ka ba mag-bake ng cake?" nakatingin na ako sa kaniya ngayon.
Chapter 5Pumunta ako dito sa underground garden pagkatapos naming kumain. Nakita ko naman si Klarence na naghihintay sa akin. Nauna siya sa akin kanina kaya nandito na siya."Sorry ulit." sabi niya pagkaupo ko.Ngumiti naman ako sa kaniya pero hindi ko maiwasang hindi magdamdam. Ang sasakit ng mga salitang ibinato niya sa akin kanina kahit na prank lang yun. Grabe yung bigat sa dibdib nun at nasaktan ako dun masyado.May kinuha siyang paper bag at saka iyon iniabot sa akin. May nakasulat na 'Happy birthday' dun at For Bella. Na-appreciate ko naman yung regalo niya lalo na at alam kong mahirap maghanap ng regalo sa sitwasyon namin ngayon."Paano niyo nga pala nalaman na birthday ko ngayon?" tanong ko habang tinatanggal ang mga stapler sa paper bag.
Chapter 6Maaga akong nagising para ihanda ang mga gagamitin este dadalhin namin ngayon. Kailangan daw ay sama-sama kami ngayon na kukuha."Kasama pati si Ben?" tanong ko kay Klarence.Tumango siya sa sinabi ko. Naliligo si Ben ngayon sa CR kasama yung robot niya. Aayaw pa nga niya nung una dahil malamig daw ang tubig. Ipinag-init pa siya ng kuya niya para makaligo siya.
Chapter 7Sinabihan kami ni Klarence na bilisan namin ang mga kilos namin para maaga kaming makauwi. Nakita din naming paparating ang iba pa niyang mga kasamahan."Bwisit na kanta yan." saad ni Zach habang hinihingal.Gusto kong matawa sa mga pinaggagawa nina Dan dun sa bar. Siguro nga eh nakikiparty-party na din sila dun sa zombie. Bakit kasi kailangang patunugin pa yung ganung kanta. Pwede namang classic HAHAHA.
Chapter 8"Hmm... Ang talino mo talaga. Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko habang nakatuon ang tingin sa device na 'to."Oo ako." sabi niya.Gulat akong napatingin sa kaniya. Siya ang gumawa nito? Naks! Galing ah. Ang galing galing!!"Talaga? Ang galing mo naman!" proud kong sabi sa kaniya."Actually, Wala pang zombie apocalypse, Nagawa ko na yan."
Chapter 9Lukas's POV"Hoy Lukas tangina ka!" pagmumura sa akin ni Dan habang patuloy na tinutuyo ang sarili niya.Ayan, Hindi kasi kaagad maligo. Ako tuloy nagligo sa'yo."Sinabi ko naman sayong maligo ka!"Ambaho mo! Nahahawaan ako ng germs mo. Eeww..."Maliligo ako
Chapter 10"Galit ata si Klarence." sabi ko habang nagmamaneho si Zach.Siya ang nagmamaneho ng kotse at ako naman ang nasa passenger seat, Katabi niya. Si Lukas naman ay nasa likod at panay ang kain ng pagkaing kinuha namin.Feeling ko tuloy ngayon, Mga magnanakaw kami sa gitna ng pandemya. Kumukuha kami ng walang paalam. Kung sakali mang makulong kami dahil sa pagnanakaw kapag nasulusyonan na 'tong pandemyang 'to, Syempre, Ilalaban namin yung side namin.Aba! Eh alangan namang magpaalam kami sa mga zo
A/N: HI! THIS IS ME, THE AUTHOR OF THIS STORY. SALAMAT SA INYO, SA PAGBABASA NITONG STORY KONG ITO. I REALLY TREASURED THIS STORY DAHIL ITO ANG PINAKAMAHABA KONG STORY AS OF NOW AT SOBRANG TUWANG-TUWA AKO NA NATAPOS KO NA ITO AT SALAMAT NG MARAMI SA MGA MAGAGANDA NIYONG FEEDBACKS. NAGPAPASALAMAT AKO SA SUPORTA NG PINSAN KO, HAHA, SHOUT SA'YO AT SA MGA KAIBIGAN KO NA ANDIYAN SA TABI KO KAPAG NAHIHIRAPAN AKO KASI WALANG IDEA MINSAN. NGAYONG NATAPOS KO NA ITO, SANA AY MATUWA KAYO KASABAY NG PAGIGING MASAYA KO DAHIL SA WAKAS, MAY NAIBAHAGI NA NAMAN AKONG PANIBAGONG ISTORYA. MARAMING SALAMAT SA INYO, MAHAL KO KAYO!!💜 -Iamawriter Epilogue Catherine's POV When they say ‘Love’, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang salitang ‘Sweetness’ at ‘Pain’. Bakit sweetness? Kasi kapag nagmam
Chapter 54Catherine's POV“Isa pa. Oh pak!” saad ng photographer.Ngayon ang photoshoot namin ni Lukas para sa kasal namin. Damn, i can’t wait. It feels like the best day of my life. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya at mapag-isa ang puso naming dalawa.Hinawakan ni Lukas ang bewang ko. Kaagad na kumalabog ang puso ko dahil sa mga hawak niya. Suot ko ngayon ang kulay pulang gown na napakahaba habang siya ay naka tuxedo. Argh! He’s so hot. Hindi ko akalaing magiging hot siya kagaya nito.“Okay, one more. One more. Oh, pak! Good shot!” sabi ng baklang photographer sa amin.Nakailang shot na din kami. Mula sa garden, sa pond at kung saan-saan pa. Akala ko nung una, madali at mabilis lang pero hindi pala. Ang dami kong susuotin.“Okay, this is enough for today. Ang gaganda ng mga kuha. Grabe, excited na ako para sa kasal ninyo.” Wika ni Bading.&nbs
Chapter 53Catherine's POV“Sinabi ko naman sa’yo, ako na ang maglilinis nitong kalat namin.” Sabi ni Lukas habang pinupulot ang mga bote.Kanina pang umalis ang mga kaibigan niya. Si Fiona ang nagmaneho ng van. Hindi naman sila gaanong nalasing dahil alam nilang may pupuntahan sila bukas.“Hindi, ayos lang. Ikaw, magpahinga ka na kaya? May pupuntahan ka pa bukas kasama sila, di’ba?” saad ko habang pinupunasan ang lamesa.“Tayo, Catherine. Tayo. Kasama ka bukas. Ayokong mag-isa dun dahil siguradong kasama din nila ang mga shota nila eh. Ikaw, sasama ka sa akin. Shita kita eh.” Saad pa niya.Agad na namula ang pisngi ko nang tawagin niya akong shota niya. Bakit ba ako kinikilig? Hayst.“S-Sige. Tapos na din ‘to, maglilinis lang ako ng katawan tas matutulog na tayo.”“Hindi ka ba gutom?” tanong niya at umiling naman ako. &nbs
Chapter 52Catherine's POVIsang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sa akin na nakatakda akong ikasal kay Lukas. Jusko Lord, oo nga po at gwapo, mayaman, ‘di ko lang sure kung mabait, si Lukas pero ba’t naman kasal kaagad?Sinabi din nila sa akin na sa bahay ni Lukas ako mamamalagi at titira. In fairness, ang laki ng bahay NIYA. Yes, yes, yes! Niya, sa kaniya. Gara, may pabagay kaagad. Well, mayaman naman di Lukas eh.“Hey honeybunch. Anong gusto mong kainin para mamaya?” tanong sa akin ni Lukas. Simula nang maging kami ay honeybunch na ang tawag niya sa akin. Kairita ‘tong lalaking ‘to.“Anong honeybunch? Sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya bago siya pandilatan ng mga mata. Naupo naman siya sa tabi ko.“Hindi mo pa ako sinasagot, nasa sapak ka na kaagad. May gusto ka bang kainin?”“Para sa hapunan?” tanong ko at tumango naman si
Chapter 51Catherine's POVHalos iisang oras pa lang ata akong nakakaidlip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang kakatok? Bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko eh—teka, tapos na ba ang party sa baba?Tumingin ako sa sarili ko, ganun pa din ang suot ko habang yakap-yakap ang blazer ni Lukas. Kaagad ko itong inilayo sa akin. Damn, bakit ko ba ‘yun yakap-yakap? Sino bang naglagay nito sa akin at yakap ko ‘to?“Sino ‘yan?” tanong ko saka mabilis na inayos at sinuklay ang buhok kong saburang dahil sa pagtulog ko. Bwisit. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hindi ko man lang ‘yun napansin.“Hey, Catherine. Bilisan mo diyan, may ipapakilala kami ng papa mo, mahalaga ‘to.” Sigaw ni mama.“Inaantok na ako ma, hindi ba pwedeng bukas na lang?” tanong ko para makalusot.
Chapter 50Catherine's POVIsinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.
Chapter 49Jenivah's POV"Aalis na po kami," paalam ni Dan kina Tata Dodong at Papa habang tumatayo. Lumapit siya sa akin at saka umakbay. "May pupuntahan pa po kasi kami eh." wika niya sabay kindat sa akin. Kaagad naman na nangunot ang noo ko sa inasta niya.Anong meron?Biglang nagtawanan ang mga tao dito kaya mas lalo akong nagtaka. May ihinagis si Ray kay Dan na maliit na bagay at hindi ko naman kaagad 'yun napagtanto kung ano.Kahon?"Sige na. Ang anak ko ha," wika ni Papa kay Dan. "Opo, ako pong bahala sa kaniya." saad naman ni Dan saka ngumiti ng napaka-pakalapad.Okay, this is awkward.Nakaakbay lang sa akin si Dan hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Ibinigay ko kay Papa kanina ang susi ng kotse at siya na lang daw ang magmamaneho nun kaya hindi na ako umalma pa.“Hey, Bakit b
Chapter 48Jenivah's POVMabuti na lang at andito ako sa Batangas, hindi masyadong traffic. Mama gave me the adress, malapit lang naman pala dahil sa Anilao lang yun. Andun kasi si Tata Dodong.I smiled when I realized I was close to Anilao. I could already see the beautiful trees as I got closer and closer. I winced when the car I was using suddenly went crazy."What the fuck?" I tried to start the car again because the engine might have just moved but no, I think there was something wrong!I've tried this many times but it really doesn't want to work. I got out of the car and looked at the engine. Smoke immediately greeted me, luckily I was able to get away before the smoke ate me."Gago ngayon pa talaga nasiraan?" napatampal ako sa noo ko at saka napailing. Malapit na ako eh, tapos biglang nangyari 'to? "How lucky i am?" i murmured.Me
Chapter 47Jenivah's POVAgad akong napabangon nang wala akong Dan na nadatnan sa tabi ko. Sisikat pa lang ang araw. Tiningnan ko ang paligid at wala pa din siya sa kwarto ko. Nagtungo na lamang ako sa banyo at nagsimulang mag-toothbrush.Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag nang madatnan sa terrace ng bahay si Dan at si Papa. Nagkakape sila habang nag-uusap. They look so happy, aren't they?Nasa kusina si mama at busy sa cellphone niya. Mabuti na lamang at nakapagpakabit kami ng wifi nung isang buwan para hindi na sila mahirapan ni papa na mag free data. Palagi na lang sila nagtitiis at pana'y din ang gastos ng mga ito sa pagpapa-load.