Share

Chapter 1

last update Huling Na-update: 2021-05-20 12:24:41

Chapter 1



"Mukhang buhay pa siya" pakinig kong saad ng isang tao.

Alam kong lalaki ito dahil halata sa boses nito. Pinilit kong buksan ang namimigat na talukap ng aking mata upang tingnan kung sino ang taong nagsalitang iyon. Tama ang hinala ko, Lalaki nga ito. Mga nasa pitong kalalakihan sila at lahat ay may itsura.

Mukha naman silang hindi Zombie dahil halata namang normal sila.

"Aray!" sigaw ko nang maramdaman ang sakit ng likod at braso ko.

Huwag naman sana akong mabalian. Mahihirapan akong makagalaw nito.

"Shhh...." sinenyasan niya ako ng silent at saka lumingon sa paligid "....Huwag kang maingay" sabi ng isang lalaki saka ako inalalayang tumayo.

Ramdam ko pa din ang sakit ng likod ko na wari'y tinutusok ito ng daan-daang pako.

"Buhay siya!" pabulong na sigaw ng isang bata.

Ngayon ko lang napansin na batang lalaki pala ang isa sa kanila. Siguro ay nasa pitong taong gulang pa lamang ito. Kahit na masakit ang likod at ulo ko ay pinilit ko pa ring alalahanin ang mga nangyari kanina bago ako mapunta dito sa Convenient store.


(FLASHBACK)

"Papa. Lahat tayo makakaligtas.... S-Sabihin mo iyan please?"

Naramdaman kong mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa mga kamay ko. Ayoko nang bumitaw pa sa mga kamay na ito. Pakiramdam ko, Ligtas at protektado ako sa mga kamay na ito. Yung araw-araw na may gigising sa'yo at sasalubungin ka ng maiinit na yakap at matatamis na halik.

"Bella, Gusto ko mang palakasin ang loob mo pero, Hindi din kaya ni Papa. Hindi din niya alam ang gagawin niya. Patay na patay na siya sa loob at sinusubukan niyang lumaban para sa inyo." saad niya bago tingnan ang mga kapatid ko na ngayon ay yakap-yakap ni Mama at pinatatahan.

"Papa...."

"Mahal na mahal kita, Bella. Prinsesa ko"

"Mahal na ma---"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang may sumalpok na sasakyan mula sa likuran ng sasakyan namin. Dahil sa napakalakas na impact ay napahiwalay at napatalsik ako papunta sa isang convinient store. Nabitawan ko ang mga kamay ni Papa.

"Papa...." saad ko bago tuluyang ipikit ang aking mga mata.

(END OF FLASHBACK)


"Papa!" halos paos kong saad saka pinilit na tumayo ngunit agad din akong napaupo dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa likod ko.

Mabuti na lamang at maraming nakaalalay sa akin. Nakaalalay sila sa akin maliban sa isang lalaking naka-poker face sa gilid at mukhang malalim ang iniisip.

"Dapat hindi ka na sumama. Ang tigas ng ulo mo!" pabulong niyang sigaw sa bata.

Napayuko naman ang bata. Naaalala ko tuloy ang mga kapatid ko. Ganiyan din sila sa tuwing pinapagalitan.

"Pero, Natatakot ako dun. Wala akong kasama" umiiyak na sabi ng bata.

Yumuko ang lalaki saka niya hinarap ang bata sa kaniya at tiningnan ito sa mata.

"Okay. Don't cry" saka niya ito niyakap.

Kumuha ng tubig ang isang lalaki sa ref dito sa tindahan pero ang mga kilos niya ay sinisigurado niyang hindi ganoon kaingay. Ibinigay niya ito sa akin at ininom ko namin. Nabawasan maski papaano ang gutom at uhaw na nararamdaman ko.

"Umalis na tayo. Baka dumilim na. Delikado" malamig na saad ng lalaki sa gilid habang naka-poker face pa din.

Inalalayan akong tumayo ng dalawang lalaki.

"Paano siya?" turo ng isa pang lalaki sa akin.

Walang emosyon na tumingin sa amin ang lalaki habang hawak-hawak ang kamay ng batang lalaki.

"Dito na lang siya"

"Teka! Hindi ka ba naaawa sa kaniya?" tanong ng isang lalaki na umaalalay sa akin.

"Oo nga. Kakaunti na nga lang tayong nabubuhay ng normal dito" saad pa ng isa.

"Dagdag pakainin lang siya" wala pa ring emosyon niyang saad.

Napakamot na lamang sa ulo ang ilan sa mga kasama niya. Hindi ako umiimik dahil wala naman akong karapatan na sumapaw sa usapan nila.

"Pero Klarence"

So Klarence pala ang pangalan niya.

"Oo nga naman! Isama na natin siya"

Tumingin lang siya sa aming lahat. Tiningnan niya muna ng malamig ang mga kasama niya saka ako tinitigan ng mga anim na sigundo. Bigla siyang tumalikod at naglakad.

Napailing na lamang ang mga kasama niya saka ako inalalayan.

"Bilisan natin. Baka maabutan tayo ng mga Zombie. Delikado na" saad ng ilan.

Pinilit kong humakbang kahit na patuloy na kumikirot ang katawan ko.

Nagpunta kami sa isang sementadong bahay na malapit lang sa lugar kung saan nila ako nakita kanina. Medyo mabagal nga lang kaming naglakad dahil inaalalayan ako ng iba. Pumasok kami sa bahay ngunit nagtaka ako nang hindi nila ako iupo sa sofa.

Saan naman nila ako dadalhin? Magtatanong sana ako ngunit sinenyasan ako ng silent ng katabi ko. Pinili ko na lang na tumahimik. Bumaba kami sa hagdanan at doon ko napagtanto na patungo pala kami sa isang underground na kwarto. Napakatalino ng nag-disenyo ng bahay na ito.

Nang pasukin namin ito ay napamangha ako sa taglay na istraktura nito. Kumpleto ito sa gamit at hindi mo masasabing nasa isang underground na bahay ka dahil mukha lang itong normal na bahay. May kusina, Mga kwarto, Palikuran at sari-saring armas ang nandito.

Mukhang ka-edad ko lang siguro sila maliban dun sa batang mukhang pitong taon. Nakita kong pumasok sina Klarence at yung bata sa isang kwarto. Kumuha naman ng first-aid-kit ang isang lalaki na umalalay sa akin kanina.

"Kaano-ano niya yung bata?"

Sa totoo lamang, Aayaw ko talagang magtanong pero hindi naman pwedeng wala akong nalalaman sa mga taong makakasama ko dito. Una, Mga lalaki sila. Pangalawa, Hindi ko sila kilala. Stranger kumbaga. At pangatlo, Baka mga zombie sila.

"Sino si Klarence?" tanong niya sa akin habang nilalagyan ng betadine ang may sugat kong braso.

Hindi naman ganoon kalalaki at karamu ang mga sugat ko pero talagang nananakit ito. Tumanho naman ako bilang tugon sa tanong niya.

"Si Ben yun. Yung bata. Kapatid niya yun" sabi niya bago muling ilagay ang ginamit niya sa maliit na lalagyan.

"Patingin ng likod mo" sabi niya.

Nag-aalinlangan pa ako nung una ngunit wala namang magagawa ang paga-alinlangan ko. Hindi naman nun magagamot ang mga sugat ko.

Itinaas niya ang damit ko.

"Aray!" saad ko nang maramdaman ang kirot sa likod ko.

"Sorry" sabi niya.

Yung iba ay may ginagawa. May nagluluto at kung ano-ano pa. Ang isa naman ay nanduon sa mga gadgets. Akala ko nung una ay naglalaro siya ng video games pero mali ako. Ngayon ko lamang napagtanto na may CCTV pala sa mga lugar na dinaanan namin at sila ang may hawak ng kopya ng mga iyon.

"Lalagyan ko na lamang ng benda ang likod mo. May pain killers din kami dito para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo" sabi niya.

Inilagay niya ang benda paikot sa likod ko pero tumigil siya nang nasa harap na ang benda

"Ahh. Ano nga ulit name mo?" tanong niya pero nakatigil pa din siya.

"B-Bella"saad ko.

Umubo siya ng kunwari saka muling nagsalita.

"B-Bella. Pwede bang ikaw ang mag-ikot kapag nasa harap ng dibdib mo. M-Masasagi ko kasi yung ano ehh..." tumikhim siya "...Yung d-dibdib mo" sabi niya.

Nilingon ko siya at nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin. Namumula din siya. Agad ko namang kinuha ang benda at ipinulupot ito sa dibdib ko saka muling inabot sa kaniya dahil hindi ko abot ang likod. Medyo kumirot ang mga sugat ko dahil sa paggalaw ko.

"Wag ka munang gumalaw para hindi sumakit yang likod mo" sabi niya saka ako tinulungang mahiga sa sofa.

Nagpahinga muna ako saglit saka nila ako ginising. May nakahandang cup noodles sa harap ko at dahil sa medyo kaya ko naman na igalaw ang kamay ko. Ako na lang kumain mag-isa. Sinamahan nila ako at dahil doon ay nakilala ko sila isa isa.

Si Klarence ay ang pinaka-leader nila. Kanila ding bahay itong tinutuluyan namin ngayon. Engineer ang Papa niya kaya maganda ang pagkakagawa ng bahay na ito. Siya yung cold at naka-poker face kanina. Pero kung susumahin silang lahat, Si Klarence talaga ang pinakagwapo sa mga tao dito.

Si Ben naman ang bunso at nag-iisanh kapatid ni Klarence. Istrikto si Klarence sa kaniya dahil nangangamba itong maging zombie din ang kapatid kagaya ng mga magulang nila. Mabait naman daw na bata si Ben kaya hindi ako mahihirapang makasundo siya.

Si Zach naman ang nanggamot sa akin kanina. Nag-aaral daw kasi siya ng medisina kaya medyo may alam siya sa panggagamot. Hindi pa din daw niya nakikita ang pamilya niya simula nang mapahiwalay siya sa mga ito.

Ganun din ako sa pamilya ko. Sana, Buhay pa sila kagaya ko.

Si Aiden naman ay ang katulong ni Zach kanina sa pag-alalay sa akin. Pinsan siya ni Zach kaya magkasundo sila.

Si Dan naman ang kusinero nila. Gusto daw kasi talaga niyang maging chef someday at ito din ang kurso niya. Namana daw niya ito sa ama niya.

Si Lukas naman ang pinaka-best friend ni Klarence dito. Mabait din siya pero may pagka-masungit din katulad ni Klarence. Kaso, Talagang mukhang masungit si Klarence. Tagos sa dugo at buto ang kasungitan niya.

At huli, Si Caleb. Siya ang nag-aasikaso ng mga gadgets dito. Pero sa armas, Mas magaling sa kaniya si Klarence dahil eksperto daw ito sa paghawak ng mga armas. Siya din ang naghahanap i mean---isa sa naghahanap ng lunas para maging tao muli ang mga zombie kaya palagi siyang busy.

Nasa gitna na kami ng pagkain nang lumabas si Klarence na topless at basa ang buhok. Kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Payat pero six packs! Pakshet!Kasama niyang lumabas si Ben na hawak-hawak ang isang laruang robot na kanina pa niyang hawak. Nakapantulog ito at napaka-cute. May pagkakahawig din siya sa kuya Klarence niya.

Napaiwas naman ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin ni Klarence.

"Aw!" saad ko nang mapaso ako dahil sa sabaw na hinihigop ko.

Nakalimutan ko ng hipan ang sabaw sa kutsara ko dahil sa pagkakatingin ko kay Klarence kaya ang ending, Napaso tuloy ako.

Dali-Dali namang iniabot sa akin Ni Zach ang tubig na may yelo para daw mabawasan ang pagkapaso ng dila ko. Nilagpasan lang ako ni Klarence pero nakita ko si Ben na tumingin sa akin. Nag-wave siya kaya ngumiti naman ako sa kaniya. Mukhang mabait naman siya di katulad ng kuya niya.

Nagdala ng cup noodles si Klarence. Mukhang hati silang dalawa dun ni Ben. Shocks! Nakaupo siya sa tapat ko at sa tabi ko naman si Ben. Mukhang mahihirapan ata akong makakain nito ngayon.

"Hi!" nakangiting bati sa akin ni Ben.

"H-Hello" sabi ko sa kaniya.

Nahihiya akong makipag-usap sa kaniya. Gustong-Gusto ko talagang makipag-close sa kaniya kaso presensiya palang ng kuya niya, Umaatras na ako.

"So, What's your name po?" tanong niya sa akin.

"Ben Shut up" pagsasaway sa kaniya ni Klarence.

Ang kj naman ng kuya niya. Nakikipag-usap lang eh. Napailing nalang sina Zach at ang iba pang mga kasam niya.

"Strict brother" pakinig kong saad ni Aiden.

Hindi sila pinansin ni Klarence bagkus ay nagsimula na itong subuan si Ben. Bigla ko tuloy namiss ang mga kapatid ko. Si Jena at si Maine. Buhay pa kaya sila?

"Ayoko na" matamlay kong saad.

Nawalan na ako ng gana nang maalala ko ang pamilya ko. Pakiramdam ko ay nauulila ako sa kanila.

"Kainin mo yan. Pakainin ka na nga lang dito, Magsasayang ka pa" sabi ni Klarence nang hindi ako tinitingnan.

Wala akong choice kundi sundin ang utos niya. Utos ng boss eh, Wala tayong magagawa. Eh sa convenient store din naman nila kinuha tong mga pagkain nila. Hindi na ako nagsalita at sinimulan nang kumain muli. Pinilit kong ubusin ang cup noodles na kinakain ko.

Nagsimula na silang pumunta sa mga kwarto nila at dahil sa babae ako tapos hindi pa makagalaw ng maayos dahil sa mga sugat ko, Dito ako sa sofa matutulog. Pero sana naman, Nagbigay sila ng kumot. Naka-aircon dito ehh. Halatang sanay sa cold ang mga tao dito. Naka-aircon tapos medyo malakas pa. Baka sipunin ako nito kinabukasan.

Nakatingin ako sa kisame. Iniisip ko kung buhay pa ba ang pamilya ko. Asan kaya sila? Sana buhay pa sila. Sana nakapunta sila sa Safe Area para mapanatiling ligtas sila.

Kinuha ko ang maliit na santo na hawak-hawak ko kanina ng magising ako. Yung santo na binigay sa amin ni Mama noong nasa sasakyan kami.

Nag sign of the cross ako para simulang magdasal.

"Lord, Sana po buhay pa ang pamilya ko. Sana, Hindi sila nag-aalala sa akin. Panatilihin niyo po sila at kaming naririto na ligtas at malayo sa kapahamakan..." tumulo ang mga luha ko  "...S-Sana po, Hindi pa iyon ang huli naming pagkikita at sana rin po, Matapos na ang epidemyang nangyayari sa mundo at maparusahan ang dapat parusahan. Amen"

Untu-Unting bumigat ang talukap ng aking mga mata at pumikit upang matulog.

Goodnight Mama, Papa. Jena at Maine. Mahal ko kayo.

Kalaliman ng gabi ng maramdaman ko ang lamig dahil ng aircon. Halos nakabaluktot amg katawan ko ngayon dahil sa ginaw. Dinaig ko pa ang nasa ibang bansa. Medyo nauubo-ubo din ako at sumasakit ang ulo ko.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto galing sa kwarto ni Klarence.

Lumapit siya sa nanginginig kong katawan at nagulat ako nang maramdaman ang palad niya sa noo ko.

"Fuck! You're sick!" sabi niya saka ako kinumutan. 


Kaugnay na kabanata

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 2

    Chapter 2Narinig kong kinatok ni Klarence ang isang kwarto. Halos gibain na niya ito dahil sa pagkatok niya. Ang sakit ng ulo ko at sobrang lamig din."Ano ba? Gabi na Klarence" narinig kong sambit ni Zach."Check her!" sabay turo sa akin ni Klarence.Nakita kong lumabas na din ng kwarto ang iba pa pati na din si Ben na kinukusot pa ang mata. Mukhang nagising siya kasi wala ang kuya niya sa tabi niya. Agad na tinungo ni Zach ang kinahihigaan ko at hinawakan din

    Huling Na-update : 2021-05-20
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 3

    Chapter 3 Isang linggo na ang nakaraan simula nang dito ako manirahan sa pinagtataguan nina Klarence. Akala ko nung una ay palalayasin din nila ako kapag gumaling na ako at gumaan na ang pakiramdam ko pero hindi nila ako pinaalis. Naging maayos na din ang pakiramdam ko dahil sa mga gamot na ibinigay nina Zach sa akin. Medyo humuhupa na din ang mga sugat ko. "Kayo ni Bella ngayon ang kukuha ng pagkain, Klarence." sabi ni Aiden.

    Huling Na-update : 2021-07-07
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 4

    Chapter 4Ako na ang nag-presenta na tutulong kay Dan na magluto. Gusto ko rin namang matutong magluto kahit simpleng sangkap lang yung gagamitin ko."Dan.." tawag ko sa kaniya habang naghihiwa ng sibuyas."Hmm?""Marunong ka ba mag-bake ng cake?" nakatingin na ako sa kaniya ngayon.

    Huling Na-update : 2021-07-09
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 5

    Chapter 5Pumunta ako dito sa underground garden pagkatapos naming kumain. Nakita ko naman si Klarence na naghihintay sa akin. Nauna siya sa akin kanina kaya nandito na siya."Sorry ulit." sabi niya pagkaupo ko.Ngumiti naman ako sa kaniya pero hindi ko maiwasang hindi magdamdam. Ang sasakit ng mga salitang ibinato niya sa akin kanina kahit na prank lang yun. Grabe yung bigat sa dibdib nun at nasaktan ako dun masyado.May kinuha siyang paper bag at saka iyon iniabot sa akin. May nakasulat na 'Happy birthday' dun at For Bella. Na-appreciate ko naman yung regalo niya lalo na at alam kong mahirap maghanap ng regalo sa sitwasyon namin ngayon."Paano niyo nga pala nalaman na birthday ko ngayon?" tanong ko habang tinatanggal ang mga stapler sa paper bag.

    Huling Na-update : 2021-07-12
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 6

    Chapter 6Maaga akong nagising para ihanda ang mga gagamitin este dadalhin namin ngayon. Kailangan daw ay sama-sama kami ngayon na kukuha."Kasama pati si Ben?" tanong ko kay Klarence.Tumango siya sa sinabi ko. Naliligo si Ben ngayon sa CR kasama yung robot niya. Aayaw pa nga niya nung una dahil malamig daw ang tubig. Ipinag-init pa siya ng kuya niya para makaligo siya.

    Huling Na-update : 2021-07-12
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 7

    Chapter 7Sinabihan kami ni Klarence na bilisan namin ang mga kilos namin para maaga kaming makauwi. Nakita din naming paparating ang iba pa niyang mga kasamahan."Bwisit na kanta yan." saad ni Zach habang hinihingal.Gusto kong matawa sa mga pinaggagawa nina Dan dun sa bar. Siguro nga eh nakikiparty-party na din sila dun sa zombie. Bakit kasi kailangang patunugin pa yung ganung kanta. Pwede namang classic HAHAHA.

    Huling Na-update : 2021-07-15
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 8

    Chapter 8"Hmm... Ang talino mo talaga. Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko habang nakatuon ang tingin sa device na 'to."Oo ako." sabi niya.Gulat akong napatingin sa kaniya. Siya ang gumawa nito? Naks! Galing ah. Ang galing galing!!"Talaga? Ang galing mo naman!" proud kong sabi sa kaniya."Actually, Wala pang zombie apocalypse, Nagawa ko na yan."

    Huling Na-update : 2021-07-17
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 9

    Chapter 9Lukas's POV"Hoy Lukas tangina ka!" pagmumura sa akin ni Dan habang patuloy na tinutuyo ang sarili niya.Ayan, Hindi kasi kaagad maligo. Ako tuloy nagligo sa'yo."Sinabi ko naman sayong maligo ka!"Ambaho mo! Nahahawaan ako ng germs mo. Eeww..."Maliligo ako

    Huling Na-update : 2021-07-17

Pinakabagong kabanata

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Epilogue

    A/N: HI! THIS IS ME, THE AUTHOR OF THIS STORY. SALAMAT SA INYO, SA PAGBABASA NITONG STORY KONG ITO. I REALLY TREASURED THIS STORY DAHIL ITO ANG PINAKAMAHABA KONG STORY AS OF NOW AT SOBRANG TUWANG-TUWA AKO NA NATAPOS KO NA ITO AT SALAMAT NG MARAMI SA MGA MAGAGANDA NIYONG FEEDBACKS. NAGPAPASALAMAT AKO SA SUPORTA NG PINSAN KO, HAHA, SHOUT SA'YO AT SA MGA KAIBIGAN KO NA ANDIYAN SA TABI KO KAPAG NAHIHIRAPAN AKO KASI WALANG IDEA MINSAN. NGAYONG NATAPOS KO NA ITO, SANA AY MATUWA KAYO KASABAY NG PAGIGING MASAYA KO DAHIL SA WAKAS, MAY NAIBAHAGI NA NAMAN AKONG PANIBAGONG ISTORYA. MARAMING SALAMAT SA INYO, MAHAL KO KAYO!!💜 -Iamawriter Epilogue Catherine's POV When they say ‘Love’, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang salitang ‘Sweetness’ at ‘Pain’. Bakit sweetness? Kasi kapag nagmam

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 54

    Chapter 54Catherine's POV“Isa pa. Oh pak!” saad ng photographer.Ngayon ang photoshoot namin ni Lukas para sa kasal namin. Damn, i can’t wait. It feels like the best day of my life. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya at mapag-isa ang puso naming dalawa.Hinawakan ni Lukas ang bewang ko. Kaagad na kumalabog ang puso ko dahil sa mga hawak niya. Suot ko ngayon ang kulay pulang gown na napakahaba habang siya ay naka tuxedo. Argh! He’s so hot. Hindi ko akalaing magiging hot siya kagaya nito.“Okay, one more. One more. Oh, pak! Good shot!” sabi ng baklang photographer sa amin.Nakailang shot na din kami. Mula sa garden, sa pond at kung saan-saan pa. Akala ko nung una, madali at mabilis lang pero hindi pala. Ang dami kong susuotin.“Okay, this is enough for today. Ang gaganda ng mga kuha. Grabe, excited na ako para sa kasal ninyo.” Wika ni Bading.&nbs

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 53

    Chapter 53Catherine's POV“Sinabi ko naman sa’yo, ako na ang maglilinis nitong kalat namin.” Sabi ni Lukas habang pinupulot ang mga bote.Kanina pang umalis ang mga kaibigan niya. Si Fiona ang nagmaneho ng van. Hindi naman sila gaanong nalasing dahil alam nilang may pupuntahan sila bukas.“Hindi, ayos lang. Ikaw, magpahinga ka na kaya? May pupuntahan ka pa bukas kasama sila, di’ba?” saad ko habang pinupunasan ang lamesa.“Tayo, Catherine. Tayo. Kasama ka bukas. Ayokong mag-isa dun dahil siguradong kasama din nila ang mga shota nila eh. Ikaw, sasama ka sa akin. Shita kita eh.” Saad pa niya.Agad na namula ang pisngi ko nang tawagin niya akong shota niya. Bakit ba ako kinikilig? Hayst.“S-Sige. Tapos na din ‘to, maglilinis lang ako ng katawan tas matutulog na tayo.”“Hindi ka ba gutom?” tanong niya at umiling naman ako. &nbs

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 52

    Chapter 52Catherine's POVIsang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sa akin na nakatakda akong ikasal kay Lukas. Jusko Lord, oo nga po at gwapo, mayaman, ‘di ko lang sure kung mabait, si Lukas pero ba’t naman kasal kaagad?Sinabi din nila sa akin na sa bahay ni Lukas ako mamamalagi at titira. In fairness, ang laki ng bahay NIYA. Yes, yes, yes! Niya, sa kaniya. Gara, may pabagay kaagad. Well, mayaman naman di Lukas eh.“Hey honeybunch. Anong gusto mong kainin para mamaya?” tanong sa akin ni Lukas. Simula nang maging kami ay honeybunch na ang tawag niya sa akin. Kairita ‘tong lalaking ‘to.“Anong honeybunch? Sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya bago siya pandilatan ng mga mata. Naupo naman siya sa tabi ko.“Hindi mo pa ako sinasagot, nasa sapak ka na kaagad. May gusto ka bang kainin?”“Para sa hapunan?” tanong ko at tumango naman si

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 51

    Chapter 51Catherine's POVHalos iisang oras pa lang ata akong nakakaidlip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang kakatok? Bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko eh—teka, tapos na ba ang party sa baba?Tumingin ako sa sarili ko, ganun pa din ang suot ko habang yakap-yakap ang blazer ni Lukas. Kaagad ko itong inilayo sa akin. Damn, bakit ko ba ‘yun yakap-yakap? Sino bang naglagay nito sa akin at yakap ko ‘to?“Sino ‘yan?” tanong ko saka mabilis na inayos at sinuklay ang buhok kong saburang dahil sa pagtulog ko. Bwisit. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hindi ko man lang ‘yun napansin.“Hey, Catherine. Bilisan mo diyan, may ipapakilala kami ng papa mo, mahalaga ‘to.” Sigaw ni mama.“Inaantok na ako ma, hindi ba pwedeng bukas na lang?” tanong ko para makalusot.

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 50- Lukas

    Chapter 50Catherine's POVIsinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 49

    Chapter 49Jenivah's POV"Aalis na po kami," paalam ni Dan kina Tata Dodong at Papa habang tumatayo. Lumapit siya sa akin at saka umakbay. "May pupuntahan pa po kasi kami eh." wika niya sabay kindat sa akin. Kaagad naman na nangunot ang noo ko sa inasta niya.Anong meron?Biglang nagtawanan ang mga tao dito kaya mas lalo akong nagtaka. May ihinagis si Ray kay Dan na maliit na bagay at hindi ko naman kaagad 'yun napagtanto kung ano.Kahon?"Sige na. Ang anak ko ha," wika ni Papa kay Dan. "Opo, ako pong bahala sa kaniya." saad naman ni Dan saka ngumiti ng napaka-pakalapad.Okay, this is awkward.Nakaakbay lang sa akin si Dan hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Ibinigay ko kay Papa kanina ang susi ng kotse at siya na lang daw ang magmamaneho nun kaya hindi na ako umalma pa.“Hey, Bakit b

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 48

    Chapter 48Jenivah's POVMabuti na lang at andito ako sa Batangas, hindi masyadong traffic. Mama gave me the adress, malapit lang naman pala dahil sa Anilao lang yun. Andun kasi si Tata Dodong.I smiled when I realized I was close to Anilao. I could already see the beautiful trees as I got closer and closer. I winced when the car I was using suddenly went crazy."What the fuck?" I tried to start the car again because the engine might have just moved but no, I think there was something wrong!I've tried this many times but it really doesn't want to work. I got out of the car and looked at the engine. Smoke immediately greeted me, luckily I was able to get away before the smoke ate me."Gago ngayon pa talaga nasiraan?" napatampal ako sa noo ko at saka napailing. Malapit na ako eh, tapos biglang nangyari 'to? "How lucky i am?" i murmured.Me

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 47

    Chapter 47Jenivah's POVAgad akong napabangon nang wala akong Dan na nadatnan sa tabi ko. Sisikat pa lang ang araw. Tiningnan ko ang paligid at wala pa din siya sa kwarto ko. Nagtungo na lamang ako sa banyo at nagsimulang mag-toothbrush.Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag nang madatnan sa terrace ng bahay si Dan at si Papa. Nagkakape sila habang nag-uusap. They look so happy, aren't they?Nasa kusina si mama at busy sa cellphone niya. Mabuti na lamang at nakapagpakabit kami ng wifi nung isang buwan para hindi na sila mahirapan ni papa na mag free data. Palagi na lang sila nagtitiis at pana'y din ang gastos ng mga ito sa pagpapa-load.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status