Share

Zombie Apocalypse-Tagalog
Zombie Apocalypse-Tagalog
Author: DarrenChen858950

Prologue

Author: DarrenChen858950
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

PROLOGUE

"Mama! Ayokong maiwan dito!" sigaw ko kay Mama habang lahat ng tao ay nagpa-panic na sa nangyayari.

Ang bagay na hindi ko inaasahang magkakatotoo, Ay talagang mangyayari nga. Ang mga zombies ay nag-eexist.

Ginagawa ng mga tauhan ng gobyerno pati na rin ng pulisya at mga militar ang lahat upang mailigtas ang mga Pilipino. Ganun din sa ibang bansa. Halos lahat ng tao ay natatakot sa posibleng mangyari at higit sa lahat, Hindi sila sigurado kung makakaligtas pa ba kami sa panganib na dulot ng mga zombies na ito.

"Walang hihiwalay anak. Walang maiiwan" matigas na saad ni Papa dahil halos hindi na din mapakali si Mama sa pag-aasikaso ng mga gamit namin.

Ang lahat ng ito ay nagsimula dahil sa isang scientist. Si Dr. Rewil Wilson lll. Nadiskubre niya ang formula na maaaring bumuhay ng patay at nangyari nga. Ngunit dahil sa kasakimang taglay niya, Dahil sa hangarin niyang masakop ang mundo, Yumaman, Galangin at Kilalanin ng lahat, Hindi na niya naisip ang magiging epekto nito sa sangkatauhan.

Nang malaman niya ang formula, Sinuri muna niya ito ng maigi at sinubukan sa mga hayop. Nagtagumpay siya, Nagawa niya. Pero, Ang ka-dimonyohan niya ay mas lalong lumawak at eto, Pati sa mga tao ay itinurok din niya sa pamamagitan ng patagong galawan.

Hanggang ngayon ay hindi pa din mawari ng mga awtoridad kung paano nila susulosyunan ang epidemyang ito. Halos kalahati na ng populasyon ng mundo ang nahahawaan at nakakagat ng mga zombies na ito kaya't nahihirapan silang gumawa ng mga hakbang dahil maaaring buhay din nila ang maging kapalit.

Lahat ng tao ay may pangamba sa pamilya at nangyayari sa mundo. Maging ako at ang pamilya ko. Halos ang iba ay naiiyak na lang dahil hindi din sila makapaniwala sa nangyayari sa mundo. Bakit may mga taong handang gawin ang ganitong bagay upang yumaman at maging makapangyarihan?

"Bilisan niyo!" sigaw ni Papa habang ini-start ang kotse.

Patungo kami ngayon sa lugar na sinabi ng gobyerno sa balita. Ligtas daw doon at protektado dahil hindi basta-basta ang mga bagay pamproteksyon ang gamit doon. Mabuti na lamang at hindi ganoon kalayo sa lugar namin ang pook na iyon kaya't may posibilidad na makaligtas kami.

Halos sunod-sunod na pitada ang ginagawa ni Papa dahil halos nag-cause na ng traffic ang mga taong nag-uunahan. Hindi ko mawari at hindi ko kayang tingnan ang mga kotseng ngayon ay gutay-gutay na at maraming bahid ng dugo. May mga tao din sa loob non na wala ng buhay.

"Makakarating tayo roon" saad ni Mama sa dalawa kong nakababatang kapatid na naiiyak na sa sitwasyon namin ngayon.

Niyakap silang dalawa ni Mama para pagaanin ang kalooban nila. Alam kong hindi sapat iyon pero napaka-espesyal na noon sa talambuhay namin dahil yakap iyon ng aming ina. Sana lang ay hindi iyon ang huling yakap na aming madadama mula sa mga magulang namin.

"Tangina! Tumabi kayo!!" sigaw ko mula sa bintana.

Aayaw umusad ng trapiko dahil sa napakaraming sasakyan ang nag-uunahan papunta sa Safe Area.

Ilang saglit lamang ay umusad na ang mga sasakyan kaya't umandar na din ang sasakyan namin. Medyo mabagal ang usad dahil halos wala ng espasyo sa mga sasakyan sapagkat napakarami nito. Akala ko ay sa palabas ko lamang ito makikita ngunit ngayon ay aktwal na. Hindi ako makapaniwala.

"Magdasal tayo. Alam kong ang Diyos lamang ang makakapagligtas sa atin sa sitwasyon natin ngayon" naiiyak na sabi ni Mama.

Kumuha siya ng rosaryo mula sa bag na bitbit-bitbit niya kanina. Binigyan niya kami ng maliliit na imahe ng santo at sinabing hawakan iyon at itapat sa aming dibdib na siya naman naming ginawa.

"Diyos ko, Tulungan niyo po kami sa sitwasyon namin ngayon. Patnubayan niyo po ang mga awtoridad at militar ng gobyerno upang sa gayon ay mailigtas at maproteksyunan kami sa epidemyang unti-unting nagpapaguho ng mundo..." lumandas ang luha ni Mama na kanina pa niyang pinipigilan. Hindi na din namin mapigilan ang pag-iyak. Halos hagulhol at iyakan ang naririnig sa sasakyan.

Nakita ko naman si Papa na pinupunasan ang mga luha niya. Alam kong sa sitwasyon namin ngayon ay aayaw niyang ipakitang nasasaktan siya. Siya dapat ang nagpapakita ng kalakasan kahit alam kong hindi na din niya alam ang gagawin niya.

"....Nawa po ay pagbayarin niyo ang taong may kagagawan nito. Sa ngalan ni Hesus at ng butihing Diyos.... Amen"

Nagsign of the cross kami saka niyakap ang isa't isa.Pinapalakas ang kalooban ng isa't isa para malabanan ang problemang ito. Ngayon, Hindi lang ako o ang pamilya ko ang namomroblema kundi pati na din ang buong mundo.

"Kung sakali mang ito na ang huli nating pagkikita----" Pinutol ni Mama ang sinasabi ni Papa.

Pati ako ay nagulat sa mga katagang sinabi ni Papa. Hindi dapat siya mawalan ng pag-asa ngayon!

"Hindi matatapos ang buhay natin ngayon Eduardo!" matigas na saad ni Mama.

Kitang-kita ko kung paano lumandas ang mga luha sa mata niya. Parang sasabog ang puso ko sa nakikita ko. Hindi ko magawang tingnan ang mga kapatid ko na nahihirapan na din sa sitwasyon namin ngayon.

"Pero hindi sigurado ang bu---"

"Eduardo!"

"Papa!" halos sabay-sabay naming sambit.

"Ngayon ka pa ba mawawalan ng pag-asa mahal ko? Hindi dito magtatapos ang lahat Eduardo! Hindi tayo magiging Zombie, Tandaan mo iyan!" umiiyak na saad ni Mama habang hawak-hawak ang pisngi nito.

"Tandaan niyo..." hinarap kami ni Papa "...Kung sakali mang hindi tayo makaligtas sa nangyayaring ito, Patawarin ninyo si Papa ha? Gagawing lahat ni Papa para makaligtas kayo dito. Kahit hindi na ako basta..... Basta ligtas kayong pamilya ko. Mahal na mahal kayo ni Papa, Tandaan ninyo iyan?"

Hindi ko matingnan si Papa sa kaniyang mga mata. Nang lingunin niya ako ay nagpilit siya ng ngiti. Yung ngiting nagsasabi na mahal na mahal niya kami. Ngunit sa likod non ay ang takot at pangambang dinadala niya sa kaniyang kalooban. Ang lungkot na posibleng nararamdaman naming lahat ngayon.

"Papa..."

"Bella, Anak....." hinawakan niya ang kamay ko "....Ikaw ang unang prinsesa namin ng mama mo. Kung hindi man kami makaligtas dalawa ng mama mo, Siguraduhin mong magiging mabait kang ate sa mga kapatid mo o kung tayo mang lahat ang mapanganib, Siguraduhin mong lalaban ka at papanatilihin mong makakaligtas ka"

Napayuko ako nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Ewan ko pero parang untu-unting dinudurog non ang puso ko. Parang sinasabi na ito na ang huli naming pagkikita at pagsasama. Na ito na ang pamamaalam namin sa isa't isa.

"Papa. Lahat tayo makakaligtas.... S-Sabihin mo iyan please?"

Naramdaman kong mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa mga kamay ko. Ayoko nang bumitaw pa sa mga kamay na ito. Pakiramdam ko, Ligtas at protektado ako sa mga kamay na ito. Yung araw-araw na may gigising sa'yo at sasalubungin ka ng maiinit na yakap at matatamis na halik.

"Bella, Gusto ko mang palakasin ang loob mo pero, Hindi din kaya ni Papa. Hindi din niya alam ang gagawin niya. Patay na patay na siya sa loob at sinusubukan niyang lumaban para sa inyo." saad niya bago tingnan ang mga kapatid ko na ngayon ay yakap-yakap ni Mama at pinatatahan.

"Papa...."

"Mahal na mahal kita, Bella. Prinsesa ko"

"Mahal na ma---"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang may sumalpok na sasakyan mula sa likuran ng sasakyan namin. Dahil sa napakalakas na impact ay napahiwalay at napatalsik ako papunta sa isang convinient store. Nabitawan ko ang mga kamay ni Papa.

"Papa....Mama..." saad ko bago tuluyang ipikit ang aking mga mata. 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jagger Gege
I wish I could read your language. I feel with the few I could translate this would be an amazing story!! Hope this will come in English soon ...️...️
goodnovel comment avatar
Joker Kulup
Nama saya Adam Haziq
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 1

    Chapter 1

    Last Updated : 2024-10-29
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 2

    Chapter 2Narinig kong kinatok ni Klarence ang isang kwarto. Halos gibain na niya ito dahil sa pagkatok niya. Ang sakit ng ulo ko at sobrang lamig din."Ano ba? Gabi na Klarence" narinig kong sambit ni Zach."Check her!" sabay turo sa akin ni Klarence.Nakita kong lumabas na din ng kwarto ang iba pa pati na din si Ben na kinukusot pa ang mata. Mukhang nagising siya kasi wala ang kuya niya sa tabi niya. Agad na tinungo ni Zach ang kinahihigaan ko at hinawakan din

    Last Updated : 2024-10-29
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 3

    Chapter 3 Isang linggo na ang nakaraan simula nang dito ako manirahan sa pinagtataguan nina Klarence. Akala ko nung una ay palalayasin din nila ako kapag gumaling na ako at gumaan na ang pakiramdam ko pero hindi nila ako pinaalis. Naging maayos na din ang pakiramdam ko dahil sa mga gamot na ibinigay nina Zach sa akin. Medyo humuhupa na din ang mga sugat ko. "Kayo ni Bella ngayon ang kukuha ng pagkain, Klarence." sabi ni Aiden.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 4

    Chapter 4Ako na ang nag-presenta na tutulong kay Dan na magluto. Gusto ko rin namang matutong magluto kahit simpleng sangkap lang yung gagamitin ko."Dan.." tawag ko sa kaniya habang naghihiwa ng sibuyas."Hmm?""Marunong ka ba mag-bake ng cake?" nakatingin na ako sa kaniya ngayon.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 5

    Chapter 5Pumunta ako dito sa underground garden pagkatapos naming kumain. Nakita ko naman si Klarence na naghihintay sa akin. Nauna siya sa akin kanina kaya nandito na siya."Sorry ulit." sabi niya pagkaupo ko.Ngumiti naman ako sa kaniya pero hindi ko maiwasang hindi magdamdam. Ang sasakit ng mga salitang ibinato niya sa akin kanina kahit na prank lang yun. Grabe yung bigat sa dibdib nun at nasaktan ako dun masyado.May kinuha siyang paper bag at saka iyon iniabot sa akin. May nakasulat na 'Happy birthday' dun at For Bella. Na-appreciate ko naman yung regalo niya lalo na at alam kong mahirap maghanap ng regalo sa sitwasyon namin ngayon."Paano niyo nga pala nalaman na birthday ko ngayon?" tanong ko habang tinatanggal ang mga stapler sa paper bag.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 6

    Chapter 6Maaga akong nagising para ihanda ang mga gagamitin este dadalhin namin ngayon. Kailangan daw ay sama-sama kami ngayon na kukuha."Kasama pati si Ben?" tanong ko kay Klarence.Tumango siya sa sinabi ko. Naliligo si Ben ngayon sa CR kasama yung robot niya. Aayaw pa nga niya nung una dahil malamig daw ang tubig. Ipinag-init pa siya ng kuya niya para makaligo siya.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 7

    Chapter 7Sinabihan kami ni Klarence na bilisan namin ang mga kilos namin para maaga kaming makauwi. Nakita din naming paparating ang iba pa niyang mga kasamahan."Bwisit na kanta yan." saad ni Zach habang hinihingal.Gusto kong matawa sa mga pinaggagawa nina Dan dun sa bar. Siguro nga eh nakikiparty-party na din sila dun sa zombie. Bakit kasi kailangang patunugin pa yung ganung kanta. Pwede namang classic HAHAHA.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 8

    Chapter 8"Hmm... Ang talino mo talaga. Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko habang nakatuon ang tingin sa device na 'to."Oo ako." sabi niya.Gulat akong napatingin sa kaniya. Siya ang gumawa nito? Naks! Galing ah. Ang galing galing!!"Talaga? Ang galing mo naman!" proud kong sabi sa kaniya."Actually, Wala pang zombie apocalypse, Nagawa ko na yan."

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Epilogue

    A/N: HI! THIS IS ME, THE AUTHOR OF THIS STORY. SALAMAT SA INYO, SA PAGBABASA NITONG STORY KONG ITO. I REALLY TREASURED THIS STORY DAHIL ITO ANG PINAKAMAHABA KONG STORY AS OF NOW AT SOBRANG TUWANG-TUWA AKO NA NATAPOS KO NA ITO AT SALAMAT NG MARAMI SA MGA MAGAGANDA NIYONG FEEDBACKS. NAGPAPASALAMAT AKO SA SUPORTA NG PINSAN KO, HAHA, SHOUT SA'YO AT SA MGA KAIBIGAN KO NA ANDIYAN SA TABI KO KAPAG NAHIHIRAPAN AKO KASI WALANG IDEA MINSAN. NGAYONG NATAPOS KO NA ITO, SANA AY MATUWA KAYO KASABAY NG PAGIGING MASAYA KO DAHIL SA WAKAS, MAY NAIBAHAGI NA NAMAN AKONG PANIBAGONG ISTORYA. MARAMING SALAMAT SA INYO, MAHAL KO KAYO!!💜 -Iamawriter Epilogue Catherine's POV When they say ‘Love’, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang salitang ‘Sweetness’ at ‘Pain’. Bakit sweetness? Kasi kapag nagmam

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 54

    Chapter 54Catherine's POV“Isa pa. Oh pak!” saad ng photographer.Ngayon ang photoshoot namin ni Lukas para sa kasal namin. Damn, i can’t wait. It feels like the best day of my life. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya at mapag-isa ang puso naming dalawa.Hinawakan ni Lukas ang bewang ko. Kaagad na kumalabog ang puso ko dahil sa mga hawak niya. Suot ko ngayon ang kulay pulang gown na napakahaba habang siya ay naka tuxedo. Argh! He’s so hot. Hindi ko akalaing magiging hot siya kagaya nito.“Okay, one more. One more. Oh, pak! Good shot!” sabi ng baklang photographer sa amin.Nakailang shot na din kami. Mula sa garden, sa pond at kung saan-saan pa. Akala ko nung una, madali at mabilis lang pero hindi pala. Ang dami kong susuotin.“Okay, this is enough for today. Ang gaganda ng mga kuha. Grabe, excited na ako para sa kasal ninyo.” Wika ni Bading.&nbs

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 53

    Chapter 53Catherine's POV“Sinabi ko naman sa’yo, ako na ang maglilinis nitong kalat namin.” Sabi ni Lukas habang pinupulot ang mga bote.Kanina pang umalis ang mga kaibigan niya. Si Fiona ang nagmaneho ng van. Hindi naman sila gaanong nalasing dahil alam nilang may pupuntahan sila bukas.“Hindi, ayos lang. Ikaw, magpahinga ka na kaya? May pupuntahan ka pa bukas kasama sila, di’ba?” saad ko habang pinupunasan ang lamesa.“Tayo, Catherine. Tayo. Kasama ka bukas. Ayokong mag-isa dun dahil siguradong kasama din nila ang mga shota nila eh. Ikaw, sasama ka sa akin. Shita kita eh.” Saad pa niya.Agad na namula ang pisngi ko nang tawagin niya akong shota niya. Bakit ba ako kinikilig? Hayst.“S-Sige. Tapos na din ‘to, maglilinis lang ako ng katawan tas matutulog na tayo.”“Hindi ka ba gutom?” tanong niya at umiling naman ako. &nbs

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 52

    Chapter 52Catherine's POVIsang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sa akin na nakatakda akong ikasal kay Lukas. Jusko Lord, oo nga po at gwapo, mayaman, ‘di ko lang sure kung mabait, si Lukas pero ba’t naman kasal kaagad?Sinabi din nila sa akin na sa bahay ni Lukas ako mamamalagi at titira. In fairness, ang laki ng bahay NIYA. Yes, yes, yes! Niya, sa kaniya. Gara, may pabagay kaagad. Well, mayaman naman di Lukas eh.“Hey honeybunch. Anong gusto mong kainin para mamaya?” tanong sa akin ni Lukas. Simula nang maging kami ay honeybunch na ang tawag niya sa akin. Kairita ‘tong lalaking ‘to.“Anong honeybunch? Sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya bago siya pandilatan ng mga mata. Naupo naman siya sa tabi ko.“Hindi mo pa ako sinasagot, nasa sapak ka na kaagad. May gusto ka bang kainin?”“Para sa hapunan?” tanong ko at tumango naman si

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 51

    Chapter 51Catherine's POVHalos iisang oras pa lang ata akong nakakaidlip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang kakatok? Bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko eh—teka, tapos na ba ang party sa baba?Tumingin ako sa sarili ko, ganun pa din ang suot ko habang yakap-yakap ang blazer ni Lukas. Kaagad ko itong inilayo sa akin. Damn, bakit ko ba ‘yun yakap-yakap? Sino bang naglagay nito sa akin at yakap ko ‘to?“Sino ‘yan?” tanong ko saka mabilis na inayos at sinuklay ang buhok kong saburang dahil sa pagtulog ko. Bwisit. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hindi ko man lang ‘yun napansin.“Hey, Catherine. Bilisan mo diyan, may ipapakilala kami ng papa mo, mahalaga ‘to.” Sigaw ni mama.“Inaantok na ako ma, hindi ba pwedeng bukas na lang?” tanong ko para makalusot.

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 50- Lukas

    Chapter 50Catherine's POVIsinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 49

    Chapter 49Jenivah's POV"Aalis na po kami," paalam ni Dan kina Tata Dodong at Papa habang tumatayo. Lumapit siya sa akin at saka umakbay. "May pupuntahan pa po kasi kami eh." wika niya sabay kindat sa akin. Kaagad naman na nangunot ang noo ko sa inasta niya.Anong meron?Biglang nagtawanan ang mga tao dito kaya mas lalo akong nagtaka. May ihinagis si Ray kay Dan na maliit na bagay at hindi ko naman kaagad 'yun napagtanto kung ano.Kahon?"Sige na. Ang anak ko ha," wika ni Papa kay Dan. "Opo, ako pong bahala sa kaniya." saad naman ni Dan saka ngumiti ng napaka-pakalapad.Okay, this is awkward.Nakaakbay lang sa akin si Dan hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Ibinigay ko kay Papa kanina ang susi ng kotse at siya na lang daw ang magmamaneho nun kaya hindi na ako umalma pa.“Hey, Bakit b

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 48

    Chapter 48Jenivah's POVMabuti na lang at andito ako sa Batangas, hindi masyadong traffic. Mama gave me the adress, malapit lang naman pala dahil sa Anilao lang yun. Andun kasi si Tata Dodong.I smiled when I realized I was close to Anilao. I could already see the beautiful trees as I got closer and closer. I winced when the car I was using suddenly went crazy."What the fuck?" I tried to start the car again because the engine might have just moved but no, I think there was something wrong!I've tried this many times but it really doesn't want to work. I got out of the car and looked at the engine. Smoke immediately greeted me, luckily I was able to get away before the smoke ate me."Gago ngayon pa talaga nasiraan?" napatampal ako sa noo ko at saka napailing. Malapit na ako eh, tapos biglang nangyari 'to? "How lucky i am?" i murmured.Me

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 47

    Chapter 47Jenivah's POVAgad akong napabangon nang wala akong Dan na nadatnan sa tabi ko. Sisikat pa lang ang araw. Tiningnan ko ang paligid at wala pa din siya sa kwarto ko. Nagtungo na lamang ako sa banyo at nagsimulang mag-toothbrush.Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag nang madatnan sa terrace ng bahay si Dan at si Papa. Nagkakape sila habang nag-uusap. They look so happy, aren't they?Nasa kusina si mama at busy sa cellphone niya. Mabuti na lamang at nakapagpakabit kami ng wifi nung isang buwan para hindi na sila mahirapan ni papa na mag free data. Palagi na lang sila nagtitiis at pana'y din ang gastos ng mga ito sa pagpapa-load.

DMCA.com Protection Status