Share

CHAPTER 3

JAKE ANDREW

Nakaupo ako sa mahabang sofa ng clinic na bahagya ko pang inayos ang aking suot na amerikano bago muling sumandal. Pangalawang beses ko na itong pagbisita sa clinic ng aking kaibigang psychiatrist na si Dr. David Tachie. Sa loob ng tatlong taong paghihirap sa aking karamdaman ay saka lang ako nakapag decide na magpatingin na in-advice ng aking private doctor.

Pumasok sa k’wartong iyon ang aking kaibigan na nakasuot ng putting gown kasunod ang assistant nitong nurse na may dalang folder. Malamang ay iyon na ang result ng kaniyang blood test.

Sinenyasan niya ang nurse na lumabas na at kinuha niya ang dalang resulta ng examine niya.

“Kumusta, Jake?”aniyang nakangiti bago umupo banda sa kaniyang harapan.

Nag-unat ako ng aking pagkakaupo upang makinig sa anumang sasabihin ni David.

“Wala naman akong nakitang iba pang dahilan ng problema mo,” aniya sabay lapag ng records ko sa lamesing babasagin sa pagitan naming dalawa.

“Kung wala akong problema sa ginawa mong test, bakit ko kailangan maranasan ang ganito?” naiinis kong tanong rito na sinabayan ko pa ng pagsuklay ko ng daliri sa aking buhok.

“So? What now? Palagay mo— ano?” muli kong tanong. Dahil minsan ay may nabasa akong ganitong kaso.

Tumayo si David at nagtungo sa lagayan niya ng gamot at may kinuha roon bago siya naupo sa sarili niyang upuan. Inilagay ni David ang nakuhang gamot sa ibabaw ng mesa bago ako pinagmasdan nito.

“What? Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin? Para bang may gusto kang malaman?” ani ko sabay na napatayo na rin ako at lumapit sa mesa nito. Nanatili akong nakatayo sabay pamulsa ko ng dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng aking pants.

Ipinatong ni David ang dalawang kamay sa ibabaw ng kaniyang mesa.

“Sa loob ng tatlong taon, hindi ko naisip na magkakaroon ka ng ganyang problema? Hindi halata sayo na may matindi ka pa lang pinagdadaanan dahil maraming mga babaeng nakapaligid sayo. Mas’yado kang sikat sa magazine lalo na sa social media na iba-iba ang iyong girlfriend. Kung tutuusin para kang artista na laman ng balita.”

Umiling ako kay David sa kaniyang mga sinabi. “Hindi ko sila girlfriend at wala pa akong naging girlfriend mula no’ng nakipaghiwalay ako kay Alyson. At alam mo kung ano ang dahilan. At isa pa, hindi malayong mangyari na dumikit sa akin ang mga nag gagandahang mga babae dahil nakikita mo naman kung bakit?” sabay ngiti ko sa seryoso kong kaibigan para ipakita ko rito na hindi nagbabago ang aking kaguwapuhan at lakas ng appeal mula pa noong mga high school pa lang kami hanggang sa kolehiyo.

“Ha?! Magmalaki ka sa akin kapag buong buo ka na,” batong salita naman ni David sabay tawa nito.

Si David ay isa sa mga matalik kong kaibigan mula pa noong high school kami. Anim kaming magbabarkada at mayron na silang kaniya kaniyang profession sa buhay.

Si Ally ay nagmamay-ari ng isang malaking coffee shop at ilan na rin ang branch nito. Kasosyo niya si Dexter sa shop na iyon. Sila Christopher at Beltran naman ay may sariling kompanya na parehong nag-invest sa Gyunho Group of Company na siya naman ang CEO. At si David ang nag-iisang naiba ng profession ang pagiging Psychiatrist.

Sa kanilang anim ay siya lamang ang maagang naging tanyag sa larangan ng negosyo. Sa edad niyang twenty three ay nakapag sarado na kaagad siya ng sunod-sunod na deal sa iba’t-ibang kompanya. Na naging dahilan upang ipamahala sa kaniya ng kaniyang koreanong ama ang GGC.

“David, may dapat pa ba akong malaman na magandang resulta sa mga ginawa mong test? Bukod sa wala talaga itong positve result?” halos pabulong kong tanong dahil sa nararadaman kong kawalan ng pag-asa.

“Yes. As a matter of fact hindi kasing lala iyan ng iba kong pasyente. Lalo na’t hindi ka naman dating ganyan. And that was only started when you discovered your EX Alyson was doing obscenity right in front of your eyes. Mula noon ay nagkaganyan ka na.” Mabilis nitong tugon na kaagad nagbigay sa akin ng pag-asa.

Umikot ako sa kabilang side ng mesa nito saka ko siya muling hinarap.

“Then tell me, what should I do?”

Ang aking mga mata ay kumikinang sa pag-asa na gagaling pa ako at kitang kita iyon ni David.

“Please…gamutin mo ang problema kong ito. I don’t want to be in this condition for the rest of my life,” muli kong pakiusap sa aking kaibigan na hawak ko na ang magkabila niyang balikat na siya naman ang pag-angat ng paningin nito sa akin.

“Then, please be seated,” sabay turo nito sa upuan sa harapan ng kaniyang mesa. Na agad ko naman tinungo ito at naupo. Hawak ni David ang file ko habang may binabasa. Saka muli itong tumingin sa akin.

“Trauma ang tawag sa nararanasan mo. Nadala ng utak mo ang insidenteng iyon. At iyon ang kailangan nating magamot. P’wede rin na maaaring dulot ito ng mga Psychological causes of ED. Tulad ng sobrang stress mo sa trabaho, pangamba o kawalan mo ng tiwala sa sarili mong kakayahan. Bukod do’n wala na akong makitang iba pang dahilan ng erectile dysfunction mong iyan.” Paliwanag nito habang nagsusulat sa isang maliit na papel.

“Bibigyan kita ng gamot pansamantala at makakatulong ito sayo. Sa ngayon ay magdadagdag ako ng ilang tamang pagkain na masusustansiya na dapat mong kainin.” Saka inabot sa akin ang papel kasama ang gamot na kinuha niya kanina na kailangan kong inumin.

Agad ko naman itong kinuha at binasa saka tinitigan ko ang gamot na hawak ko.

“Makakatulong ba ito sa pagbalik ng pagkalalaki ko?” tanong ko kasabay ng paglipat ko ng tingin sa kaniya.

“Hindi ko masasabing 100 percent itong makakatulong sayo. Pero matutulungan ka niyan para gumanda ang daloy ng dugo sa pagkalalake mo at magdulot ng erection muli sa’yo,” paliwanag ni David.

Huminga ako ng malalim at muling tumingin sa aking kaibigan. Tumayo ako at ipinasok ko sa inner pocket ang gamot at reseta ni David sa aking suot na amerikano saka ibinotones ko ito.

“Please, secure my medical condition,” seryoso kong salita.

“Don’t worry, ‘di ako tsismoso,” sabay tawa ng kaniyang kaibigan na sumandal pa sa kaniyang upuan.

“Yung record ko ‘wag na ‘wag mong ipakikita sa assistant mo o kahit sa kaninong staff mo dito,” pagpapaalala ko rito dahil ayokong malagay sa alanganin ang aking katayuan sa harap ng media.

“As if naman makalalabas ang record’s mo sa media? ‘Wag kang mag-alala ako ang magtatabi nito. At s’yempre ang bawat problema ng mga pasyente ko dito ay confidential. Rules and policy yan. Ayaw kong mawalan ng lisensya,” aniya.

Inayos ko na ang aking sarili saka nagpaalam rito.

Malapit na ako sa pintuan ng bigla akong tawaging muli ni David

“Jake!” habol na tawag sa akin saka tumayo ito sa kaniyang kinauupuan at lumapit sa aking kinatatayuan sabay akbay nito.

“Nakalimutan kong sabihin sayo na may magaganap na stag party sa makalawa. Imbitado ang lahat ng kaibigan. Um-attend ka at baka makatulong ito sa’yo.”

Ani ni David

Hinarap ko ito na noo’y nakangisi pa habang ang isang kamay nito ay busy sa pag papaikot ng hawak nitong pen sa kaniyang mga daliri.

“Paanong makakatulong ito sa akin? Sige nga explain mo?” kunot ang noo kong tanong.

“I think you have to go there. It’s better if you find out for yourself why you need to go,” sabay tapik nito sa aking balikat.

“Nagpapatawa ka ba?” sabi ko at tinalikuran ko na ito upang pihitin na ang seradura

Ng pintuan pero pinigilan iyon ni David.

“Im not joking. I told you, makakatulong ito sa’yo. At alam ko isa ito sa magandang solusyon sa problema mo. And one of that is you to attend on that party. And in fact it’s our friend’s stag party,” paliwanag muli ni David. “You know what I mean? Stag party? May performance na magaganap. Baka sakaling isa iyon sa mag papa-erect ng—sa’yo. Glamorous Hotel-8 pm sharp. 17th floor, Room 723. I will wait you there, I mean we will wait you there,” dugtong muli ng kaibigang psychiatrist.

“I don’t think so? Marami na ang nag-perform sa harapan ko, nakapanood na rin ako ng porn pero lahat ay bigo,” malungkot kong salita na nagpabago ng aking awra sa mga oras na iyon.

“Ohhh..c’mon! Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil hindi iyan kasing lala sa iniisip mo.Tingnan na lang natin, hindi naman siguro mababawasan ang pride mo? At saka kaibigan natin ang nag-iinvite. Kaya kailangan mong pumunta,” aniya.

Nagtaas balikat lamang ako kay David na sinabi ko rito na, “sige tingnan natin,” saka tuluyan na akong tumalikod at lumabas ng kaniyang clinic.

Hinatid pa ako nito sa labas hanggang sa aking sasakyan. Napansin ako agad ng personal secretary ko na agad nagbukas ng pinto sa kabila ng driver seat.

“So? See you there,” habol na salita ng kaibigan ko bago kami tuluyan ng umalis.

Pasipa-sipa ang kanang paa ni Joyce habang inaantay niya sa unit ang kaibigan niyang si Mystica. Isang oras na rin kasi siyang nag-aantay rito. Dahil sa nangangalay na ang kaniyang mga binti mula sa matagal na pagkakatayo ay naisipan na niyang sumalampak na lamang sa sahig, mismo sa harapan ng pintuan ng unit ng kaniyang kaibigan. Kinuha niya ang kaniyang de pindot na cellphone at nagkabit siya ng earphone dito saka siya nakinig ng kaniyang music. Dahil sa sobrang pagod ng kaniyang katawan maging ang kaniyang isipan ay hindi na niya namalayan na unti-unti na pala siyang nakakatulog.

Pasipol-sipol pa si Mystica habang palabas siya ng elevator saka inaangat pa niya ang dala-dala niyang mga paper bag mula sa mga pinamili niyang mga damit. Nagpadala kasi ng pera ang nobyo nitong hapon kaya naman todo ang pamimili niya ng mga bagong damit.

Paliko na siya ng hallway na nilalakaran nang magulantang siya kung sino ang nakaharang sa kaniyang pintuan. Malayo pa kasi siya ng isang metro kaya hindi niya mapag sino ang nakaupo roon.

Marahan niyang nilapitan ang nakasalampak na babae upang magulat lamang siya sa kaniyang nakita. It was Joyce! Ang kaniyang kaibigan.

“Omg! Totoo ba itong nakikita ko?” usal ni Mystica.

Ang kaibigan niya na nakasalampak ng upo sa harapan ng pintuan ng kaniyang unit na inuupahan. Nakayukyok na ang ulo nito mula sa pagkakatulog. Umupo siya at pilit na inaaninag ang mukha ng dalaga. Napansin niya ang pamumula ng kabilang pisngi nito at may bahid na pamamaga sa gilid ng kaniyang labi. Dalawang linggo nya na ring hindi nakikita si Joyce at talagang na miss n’ya ito. Pero ang ngayon na makita niya ito sa gano’ng kalagayan ay nakaramdam siya ng awa sa kaibigan. Suot ng dalaga ang huling blouse na may patak pa ng konting dugo na binili nila sa isang mall. Matagal na iyon sobra kaya naman nangupas na at naging luma na ito. Nakaramdam uli siya ng habag sa dalaga dahil sa sitwasyon nito na hindi makabili ng bagong damit.

Inilapag niya sa tabi nito ang hawak niyang paper bag saka niya niyugyog ang balikat ng kaibigan na natutulog sa ganoong posisyon.

”Joyce, gising,” mahina niyang salita.

Agad naman itong nagmulat ng mata na pupungas-pungas pa sa sobrang antok nito.

Saka nag-ayos ng kaniyang sarili ng makita si Mystica. Tinanggal nito ang nakakabit na earphone at itinago sa bulsa ng pantalon na kupas na rin saka tumayo at nagpagpag ng kaniyang puwetan.

“Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako andito,” Pagmamaktol ng dalaga sa kaibigan na salubong na ang mga kilay nito.

“Eh,bakit dito ka sa labas nag-aantay? Alam mo naman ang password ng unit ko ‘di ba?” inis nitong sagot dahil sa ganoong kalagayan niya naabutan ang dalaga.

“Binago mo ata ang password mo, eh? Hindi ko kasi mabuksan. Mali daw ang code na ipinapasok ko,” aniya sabay brush up nito ng daliri sa kaniyang buhok na nakalugay.

Inayos ni Joyce ang suot na back pack saka ito nagbigay ng daan sa nakapamewang ng kaibigan.

“Hindi ako nag-iba ng password, malamang nakalimutan mo lang. At saka kung ‘di umubra ang password ko dapat ginamit mo iyong binigay kong duplicate key, noh!” sabay ismid nito kay Joyce.

“Nakalimutan kong dalhin ang duplicate ng unit mo,” nakayukong sagot naman ni Joyce sa kaibigan.

“Hay,naku! Sa itsura mong iyan malamang may problema ka na naman,” Kasabay noon ang pagpasok ni Mystica ng code sa pinto ng kaniyang unit. Saka muling humarap sa nakayuko pa ring si Joyce. Isang malalim na buntong hininga ang inilabas ni Mystica sa nakakaawang itsura ng kaibigan. Bukod sa namumula nitong pisngi at sugat sa gilid ng labi ay namumugto din ang mga mata nito.

Huminga ng isang malalim na hininga si Mystica.

“Halika na, pumasok na tayo,” aniya.

Si Joyce na ang kumuha ng mga pinamili ng kaibigan na ibinaba nito kanina saka sumunod ito sa pagpasok.

Inilapag niya ang mga paper bag sa mahabang sofa maging ang kaniyang back pack. Habang si Mystica naman ay nagtungo sa kusina at nagbukas ng kaniyang ref.

“Ang dami mo namang pinamiling damit? Nagpadala siguro sayo ng pera ang s’yota mong hapon, ano?” ani ni Joyce habang sinisilip ang mga nasa loob ng paper bag.

“Now, tell me… may problema ka ano? Sinaktan ka ba nila?” ani ni Mystica habang papalapit sa kinauupuan ni Joyce. Umiling si Joyce sa kaniya na nakayuko. Itinatago nito ang kaniyang mukha sa kaibigan.

“Baka may iba kang raket na makukuha agad ang bayad?” halos pabulong na salita ni Joyce.

“Financial na naman? Pero sabihin mo sa akin, ano ang ginawa sa’yo ng mag-inang iyon?” Saka pabagsak nitong upo sa harapang ni Joyce. Iniabot nito ang hawak na juice na nasa lata.

“Hindi ibinayad ni tiya ang perang pambayad ng upa. Nagpunta kanina ang landlady at nagagalit sa amin. Lagi na lang daw delay ang bayad namin sa upa,” malungkot na salita ni Joyce.

Napangisi ng pangiwi si Mystica sa kaniyang narinig. “May aasahan ka pa bang iba sa ginagawa sayo ng magaling mong madrasta? Lagi naman talaga niyang ginagawa iyon ha,”

“Inuna niyang bayaran ang tuition ng anak niya, ang masakit pa nawala ng parang bula ang inipon kong pera.”

Kasabay no’n ang pagpatak ng luha ni Joyce. Bumalik muli sa kaniyang alaala ang pag-aamin ni Katrina sa kaniya na kinampihan ng kaniyang ina at siya pa ang nasaktan.

“Kinuha ni Katrina ang lahat ng ipon ko, ibinili ng laptop.” At tuluyan na itong humagulgol hawak ang kaniyang dibdib sa sakit na kaniyang nararamdaman.

“What the?” Nagpanic bigla si Mystica at hindi alam kung ano ba ang kaniyang uunahin. Ang yakapin at aluin ang dalaga o ang damputin ang tissue na nasa harapan nila sa ibabaw ng lamesita. She feel the pain of her friend kaya naman niyakap na niya at inalo ang likuran ng dalaga.

“The hell of them! Hindi ba nila naisip na may pangangailangan ka rin? So, anong ginawa ng magaling mong madrasta? Huwag mong sabihin kinampihan pa niya ang magaling niyang anak?” gigil na salita ni Mystica habang nakayap kay Joyce. Lalo tuloy umiyak si Joyce sa mga narinig niya kay Mystica.

“Okay, tumigil kana…huwag kang mag-alala, yung nawala sayo doble pa ang kapalit nun.” Pagpapagaan ng loob nito sa kaawa-awang sinapit ng kaibigan.

“Hindi na ako makakapag-enroll sa college kasi wala na yung pera ko,” sabay hikbi ni Joyce.

“Who told you? Makakapag-aral ka. Ano ba ako sayo? ‘Di ba ate mo ako at best friend pa?” salubong na ngiti ni Mystica ng humiwalay ito sa pagkakayakap sa dalaga.

“Kailangan ko ng extra pang trabaho Mysty. Tulungan mo ako, alam kong marami kang raket at saka nangako ako kay Ms. Domingo na magbabayad ako ng renta sa makalawa.” Sabay pahid nito ng luha sa kaniyang mukha.

Nanlaki at napataas pa ang isang kilay ni Mystica sa kaniyang narinig.

Niloko,ninakawan at sinaktan na ay kalagayan pa rin ng apartment ang inaalala nito para sa mag-ina?

“Alam mo nakakainis ka na talaga. Ginagago ka na nga ng mag-ina, iniisip mo pa rin ‘yung pambayad sa renta.Tingnan mo nga ang sarili mo!” Sabay hawak nito sa baba ni Joyce at ipaling ang mukha nito sa magkabilang side.

“Sa itsura mo sinaktan ka pa nila!” sabay bitaw nito at tumayo ng padabog. Kiinuha ang mga paper bag sa tabi ni Joyce saka muling humarap sa dalaga na noo’y walang imik at hihikbi hikbi na lamang.

“Huwag mong bayaran ang renta ng apartment nyo, hayaan mo sila ang dumiskarte ng pambayad doon! Tutal kasalanan naman nila kung bakit eh. At saka ikaw, Joyce ha! Tumigil tigil ka nga sa ginagawa mong iyan.“ Dumeretso ito sa kaniyang k’warto, “Kaya ka sinasamantala ng mag-inang iyon kasi hinahayaan mo lang!” dugtong ni Mystica habang nasa loob ito.

“Bakit hindi ka magalit sa kanila o kaya layasan mo sila. Malaki ang unit na ito para sa akin, kaya p’wede ka dito.” Sabay labas nito na nagsusuot pa ng kaniyang pang-itaas na damit.

“Hindi ko puwedeng gawin iyon kay tiya, malaki pa rin ang utang na loob ko roon,” paliwanag ni Joyce sabay pahid nito ng kaniyang luha. Ikinalingon naman iyon bigla ni Mystica.

“Hello?! Naririnig mo ba ang sinasabi mong utang na loob? Gigil mo na ako Joyce, ha!” pagpipigil na inis ni Mystica sa dalaga na biglang napayuko. “Matagal ka ng nakapag bayad ng lintek na utang na loob na iyan, Joyce! P’wede ba, sarili mo naman ang isipin mo. Tingnan mo nga ang ginawa nila sayo? Ginagatasan ka na, ninanakawan ka pa!“ Habang ang palad nito ay kumukumpas sa harapan ni Joyce sa kasesermon. “Ang sarap mong kotongan!” dagdag na salita pa nito.

“Kung hindi naman dahil sa kanila baka sa kangkungan ako pupulutin,” halos pabulong na salita ni Joyce kay Mystica.

“Haler?! Naririnig ko ‘yang sinasabi mo. Sa kangkungan? Natural naman na arugain ka nila dahil anak ka ng daddy mo. P’wede ba Joyce, wag ka ngang mag feeling kawawa! Dahil hindi mo deserve yan. Minsan kasi tiisin mo sila, ano ba?!” Sabay halukipkip ng mga braso ni Mystica.

“Sige, last na ito. Bigyan mo ako ng raket na may bayad agad. Kailangan kong magbayad ng upa,” pagmamakaawa ng dalaga.

Muling huminga ng malalim si Mystica bago nag taas ito ng isang kilay. Pinagmasdan niya mula ulo hanggang paa ang dalaga.

Maganda si Joyce at alam niya na mas gaganda pa ito kapag naayusan. Ang balingkinitan nitong katawan ay bagay lamang sa height nito. Dagdag pa na nakuha niya ang malaporselanang kutis ng kaniyang ina na minsan ay ipinakita ang picture nito sa kaniya. Bakit hindi gaganda si Joyce? Ang ina nito at formal na Ms. International ng bansa at ang daddy naman nito ay isang modelo. Hindi sana hahantong sa ganitong kalagayan si Joyce kung hindi parehong nawala ang kaniyang mga magulang. Saka ito umirap sa dalaga.

“Hindi kita matitiis na hindi kita bigyan ng raket. Ang problema lang ay kung kakayanin mo kaya?” Sabay kuha nito ng cellphone sa kaniyang sling bag.

“Anong raket ba ang ibibigay mo sa akin?” sabay lapit at hawak ni Joyce sa kamay ni Mystica na noo’y may dina-dial sa cellphone n’ya.

“Mam’ya ko na sasabihin, o-order lang ako ng makakain natin dahil kahit hindi mo sabihin nag rereklamo na ‘yang tiyan mo sa gutom,” sabay turo ng nguso nito sa tiyan ng dalaga.

Doon lang napagtanto ni Joyce na nagugutom na nga siya. Mula pa kasi kaninang tanghali ang huli pa niyang kain. Ilang oras na rin iyon at talagang ngayon n’ya lang naramdaman ang gutom. Hindi na kasi iyon pumasok pa sa kaniyang isipan dahil nga sa nangyari sa pagitan nila ng kaniyang step mom at step sis. Tumahimik na lamang siya at nakinig sa kaibigang si Mystica na kasalukuyang nakikipag-usap sa phone.

Yes! Si Mystica, ang kaniyang kaibigan, best friend, best body at higit sa lahat tinuturing niyang kapatid. Matanda ito sa kaniya ng anim na taon. Siya ay labing siyam at si Mystica naman ay nasa bente y singko sa kasalukuyan.

Nasa labing pito lamang siya no’n ng makilala niya si Mystica. Na meet niya ito sa restaurant na kaniyang pinag tatrabahun bilang part time. Madalas itong kumain sa kanila kasama ang ilan nitong mga kaibigan sa isang malaki at kilalang bar. Napalapit ng husto ang loob nila sa isa’t-isa kahit na sa simpleng pagkukwentuhan kapag kumukuha siya ng order at naghahatid ng order sa mga ito.

Minsan ay natyempuhan siya ni Mystica sa oras ng labas niya sa restaurant . Kumain silang dalawa sa isang kilalang food chain. Ang isang beses ay naulit ng pangalawa hanggang sa maulit ito ng maulit. Nagkapalagayan sila ng loob hanggang mag k’wento na si Mystica sa kaniya ng kaniyang buhay at kung bakit siya nag tatrabaho sa bar. Maging siya ay nag k’wento na rin. Kaya naman binigyan siya ni Mystica ng dagdag na trabaho para sa pag-aaral niya sa senior high. Naging P.A. siya nito sa gabi at sa umaga naman ay naglilinis siya ng unit nito bago pumasok sa kaniyang school. Kaya naman nakakaipon siya ng husto. Isang taon din siya naging P.A. nito hanggang sa makakuha siya ng part time job sa isang kompanya na on call sa paglilinis ng mga condo unit. At sa gabi naman ay service maintenance sa isang maliit na hotel.

Mahalaga kay Joyce ang kumita ng pera. Bawat oras sa kaniya ay dapat may bayad. Kaya kapag may bakante siyang oras at kaya pa ng kaniyang katawan ay naghahanap pa ito ng mapapasukan, ‘yan ang takbo ng kaniyang buhay. Walang pahinga at kayod kalabaw talaga ang kaniyang trabaho. Sapat na sa kaniya ang makatulog siya ng limang oras at sa pagdilat ng kaniyang mata ay trabaho na agad.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status