JOYCE ANNENaging busy ang lahat sa muling pagbubukas ng Coffee shop ni Uncle. Kasabay no'n ay hindi ko na napagkikita si Jake mula ng magtapat ito ng kaniyang nararamdaman. Maka ilang beses na akong nagtatanong kay Jonas kung nagpupunta ba ito para dalawin siya na oo naman ang siyang sagot ng aking anak. Pero hindi ko ito nadadatnan sa aming bahay. Dagdag pa na tuluyan ng ibinenta ng buo ang extension house nito sa akin. Ang nakakainis pa ay minsan si Loi ang nagsundo kay Jonas upang mamasyal sila ni Jake at dalhin sa lolo at lola nito. Lalo na't parang nanadya si Stephanie na magparinig sa kaniya ng ilang beses na kesyo nagkakalinawagan na daw sila ni Jake at ilang beses ng nag de date. Kung makapag k'wento pa ito sa mga ka team niya ay ubod ng lakas. Para itong naka microphone para marinig ng buong Department ang status nila ni Jake na siyang kinaiinisan ko.At ngayon nga ay usap usapan ang nababasa ng mga empleyado sa celebrity news ang patungkol kay Jake at sa kanilang anak.Nag
JOYCE ANNEPagbalik ko ng Department namin ay nabungaran ko agad si Glenda na sumenyas ang kaniyang mga mata at itinuturo nito ng palihim ang aking puwesto.Si Stephanie ay nakatayo sa gilid ng aking mesa at nakahalukipkip pa ito ng kaniyang mga braso dagdag pa ang matalim na tingin nito sa akin.Nagulantang ako ng salubungin ako nito ng napakalakas na sampal at hindi pa ito nakontento ay sinundan pa niya ito ng isa pang sampal.Hawak ko ang aking pisngi ng tumingin kay Stephanie. Si Carla na ka team ko at si Glenda ay naka alalay ka agad sa akin."Ano?! Kay Joyce ba kayo?! Gusto ninyong matanggal sa trabaho?!" sitang bigla ni Stephanie sa dalawa kong ka team."Ikaw! Masaya ka dahil nakuha mo na ng tuluyan si Jake at maging ang atensyon ng lahat ay nakuha mo. Pabida ang datingan mo! Kung hindi ko lang alam na isa kang mababang babae na bayaran para sa serbisyo ni Jake! Bakit? Akala mo hindi ko alam ang lahat ng iyon? Hindi ako tanga! Kung noon napatahimik ako ni Jake ngayon hindi na!
JOYCE ANNE"Mom... my?" excited na lumapit sa akin si Jonas pero napahinto ito ng may mapansin agad sa akin."Are you hurt?" pag-aalala nitong tanong ng hawakan nito ang suot kong cream slacks na may bahid na dugo. At saka napatingin ito kay Jake. "Hi, baby!" nakangiting bati ni Jake sabay upo nito upang salubungin ng yakap ang aming anak pero umatras ito sa kaniyang Daddy."Did you hurt my mommy?" aniyang mangiyak ngiyak.Nagulat kami ng marinig namin iyon at nagkatinginan kami ni Jake."Of course not! I can't hurt your mommy because i love her," ani ni Jake sabay akbay sa akin."He didn't hurt me Jonas," sabi ko rin."Why you have that?" sabay turo niya sa mga bahid ng dugo sa aking pants at blouse."It's a long story my baby... and it's not important now. The important is...the status of our relationship of your mommy," masayang sabi ni Jake."Don't tell me that both of you are okay now? I have now complete family?" biglang saya ng mukha ni Jonas.Sabay kaming tumango ni Jake sa a
JOYCE ANNE Masaya ako sa nangyari sa amin ni Jake. Akala ko no'ng magising ako ay isa lamang iyong wet dreams pero hindi pala dahil sa katabi ko pa itong natutulog at kapwa kami nakayakap sa isa't isa. "Ma'm mula po kaninang pagpasok ninyo ay napansin ko na po iyang ngiting yan... at sa pagkakaalam ko po kahapon ay namumula ang pisngi ninyo dahil sa mga sampal ng bruhang si Stephanie na yun... pero bakit po hanggang ngayon ay namumula pa rin iyan?" bating bigla sa akin ni Glenda na titig na titig sa akin. At hindi lang siya maging ang aking ka team ay gano'n rin."Ha? Namumula ako ngayon?" ang hindi ko makapaniwalang tanong sabay hipo ko sa sarili kong pisngi."Alam ko na kung bakit?!" masayang salita ni Carla. "Kinikilig kasi si Ma'm dahil sila na ni big boss," aniya."Ay, oo nga ano! Usap usapan nga pala kayo kahapon mula sa sweetness hanggang sa nagkagulo. Wow! Ang daming nangyari kahapong action na live pa talaga. At malamang may maganda uling nangyari kay Ma'm at kay Sir!" kini
Dalawang araw ding nasa U.S si Jake kasama ang pamilya ni Stephanie. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay maka ilang beses itong tumatawag at nagbi-video call kay Joyce kasama na ang kanilang anak na si Jonas. Hindi naman nakaramdam ng selos si Joyce kahit alam niyang magkasama ang dalawa dahil alam niya sa kaniyang sarili na tumutulong lamang si Jake para sa kabutihan ni Stephanie at dahil na rin sa pakiusap ng mga magulang nito. "Ma'm Joyce?" ani ng isang may edad na babae na nakasalamin ang lumapit kay Joyce. "Yes, po?" sagot ni Joyce sa may edad na babae. "Tawag po kayo ng Chairman sa kaniyang opisina," ani nito sabay ayos ng kaniyang salamin sa mata. Mula kasi ng umalis si Jake ay saka dumating ang Papa nito na Chairman ng GGC. Sa ilang araw ay hindi pa niya natetyempuhan ang ama ni Jake. Tumayo siya at inayos ang kaniyang sarili bago sumunod sa may edad na babae. Medyo kinakabahan si Joyce dahil sa pangalawang pagkakataon ay magkikita silang muli ng ama ni Jake. Pagpas
JOYCE ANNE“Joyce!” habol na sigaw ng isang may edad na ginang ang aking narinig nang dumaan ako papasok sa building na tinutuluyang kong apartment. Pamilyar ang boses na iyon kaya agad akong lumingon at hindi nga ako nagkamali. Ang landlady iyon na mabilis na naglalakad patungo sa aking kinatatayuan.“Asan na?“ Sabay lahad ng kamay nito sa aking harapan na agad kong ipinagtaka.”Ang alin ho?” ngiting tanong ko sa kaniya habang nakatingin ako sa kaniyang palad at saka ko siya muling binalikan ng tingin.“Huwag ka ng mag maang-maangan pa. Bayaran n’yo na ng apartment. At tulad ng dati pinabalik-balik n’yo ako dito. Puro kayo wala o kaya’y bumalik sa susunod na araw!” reklamo at nakapamewang ng ang ginang.Hindi ako kaagad nakapag-react dahil mataas na ang boses ng ginang. At sa pagkakaalam ko nagbigay na ako sa aking tiyahin nakaraan pang linggo dahil nga ayaw na niyang maulit ang mga dati na panay late sila magbayad sa upa. Hinawi ko ng bahagya ang ilang buhok na tumatakip sa aking mu
JOYCE ANNEPumasok ako sa kuwarto na pinagsasaluhan namin ni Katrina. Siya ay natutulog sa malambot at maluwang na kama. Samantalang siya ay maglalatag ng foam na manipis sa sahig at iyon na ang kaniyang tulugan. Tinanggal ko ang mga nakapatong na unan at kumot sa ibabaw ng aking mega box upang kumuha ng aking damit pambahay. Pagbukas ko ay nanibago ako sa ayos ng aking mga damit.“Bakit naiba ng ayos ang aking mga damit?” ani ng aking isipan.Bigla akong nakaramdam ng kaba. Mabilis kong inangat ang aking mga damit upang makuha ang box na pinaglalagyan ko ng aking mga ipon. Nanlumo ako at pinanghinaan. Ang ilang taon kong ipon ay parang bulang biglang naglaho. Kuyom ang aking mga palad nang tumayo ako. Muling umusbong ang galit sa aking dibdib. Napapapikit ako habang nakatingala ang aking ulo sa kisame ng kuwarto. Pilit na pinipigil ko ang pagdaloy ng aking luha dahil sa aking nararamdaman. Mabilis kong kinuha ang box na pinaglalagyan ko ng inipon kong pera. Lumabas ako ng kuwarto upa
JAKE ANDREWNakaupo ako sa mahabang sofa ng clinic na bahagya ko pang inayos ang aking suot na amerikano bago muling sumandal. Pangalawang beses ko na itong pagbisita sa clinic ng aking kaibigang psychiatrist na si Dr. David Tachie. Sa loob ng tatlong taong paghihirap sa aking karamdaman ay saka lang ako nakapag decide na magpatingin na in-advice ng aking private doctor.Pumasok sa k’wartong iyon ang aking kaibigan na nakasuot ng putting gown kasunod ang assistant nitong nurse na may dalang folder. Malamang ay iyon na ang result ng kaniyang blood test.Sinenyasan niya ang nurse na lumabas na at kinuha niya ang dalang resulta ng examine niya.“Kumusta, Jake?”aniyang nakangiti bago umupo banda sa kaniyang harapan.Nag-unat ako ng aking pagkakaupo upang makinig sa anumang sasabihin ni David.“Wala naman akong nakitang iba pang dahilan ng problema mo,” aniya sabay lapag ng records ko sa lamesing babasagin sa pagitan naming dalawa.“Kung wala akong problema sa ginawa mong test, bakit ko ka