JOYCE ANNE
“Joyce!” habol na sigaw ng isang may edad na ginang ang aking narinig nang dumaan ako papasok sa building na tinutuluyang kong apartment. Pamilyar ang boses na iyon kaya agad akong lumingon at hindi nga ako nagkamali. Ang landlady iyon na mabilis na naglalakad patungo sa aking kinatatayuan.
“Asan na?“ Sabay lahad ng kamay nito sa aking harapan na agad kong ipinagtaka.
”Ang alin ho?” ngiting tanong ko sa kaniya habang nakatingin ako sa kaniyang palad at saka ko siya muling binalikan ng tingin.
“Huwag ka ng mag maang-maangan pa. Bayaran n’yo na ng apartment. At tulad ng dati pinabalik-balik n’yo ako dito. Puro kayo wala o kaya’y bumalik sa susunod na araw!” reklamo at nakapamewang ng ang ginang.
Hindi ako kaagad nakapag-react dahil mataas na ang boses ng ginang. At sa pagkakaalam ko nagbigay na ako sa aking tiyahin nakaraan pang linggo dahil nga ayaw na niyang maulit ang mga dati na panay late sila magbayad sa upa. Hinawi ko ng bahagya ang ilang buhok na tumatakip sa aking mukha dahil sa hangin.
“Hindi po ba naibigay sa inyo? Nag-abot na po ako ng pambayad ng upa sa aking tiyahin,” paliwanag ko sa may edad na ginang. Nakita ko ang biglang pagsalubong ng kilay nito at saka ito napahalukipkip ng kaniyang braso. Kinabahan ako dahil sa seryoso ang mukha nitong nagagalit.
“Huwag n’yo akong pinag luluko ha. Sabi ng tiyahin mo ay wala ka pa raw inaabot sa kaniya,” aniya na aking ikinagulat.
“Sandali ho…hindi ho ako nagluluko, ibinigay ko na po talaga sa kan’ya,” mahinahon kong salita rito.
“Puwes! Wala siyang ibinigay sa akin ni singkong duling! Kaya magbayad ka na!” muling sigaw nito dahilan upang makakuha na ito ng atensiyon ng ibang tao. Nakaramdam tuloy ako ng hiya sa pangyayaring iyon. Napakagat ako ng pang-ilalim kong labi at huminga ng malalim. Nalalaman tuloy nila na hindi pa kami bayad dahil sa pagtataas ng boses ng aming landlady. Napapikit na lamang ako sa hiya at inis na aking nararamdaman. Dahil matagal n’ya na itong ibinigay sa kaniyang tiya.
“Oh,ano na?” muling salita nito na nakataas pa ang isang kilay at ang isang kamay ay nasa bewang nito.
“Pasensya na po wala po akong pera ngayon.Kung gusto n’yo po ibigay mo na lamang po ang inyong bank account at doon ko na lamang po ihuhulog.” Kinuha ko agad ang aking de pindot na cellphone sa aking bulsa para makuha ang contact number ng ginang.
“Lagi na lamang ganyan! Lagi kayong delay magbayad,” padabog nitong binuksan ang zipper ng kaniyang bag na nakasukbit sa balikat nito saka kinuha ang touch screen na cellphone.
“Pasensiya na po talaga. Baka bukas o sa makalawa ay maihuhulog ko na po ang bayad sa apartment. At pakibigay na rin po ng contact number n’yo dahil hindi po iyon ibinibigay ng tiyahin ko kapag kinukuha ko iyon para derekta ko na pong maibigay ang bayad sa inyo,” pinagmamasdan ko ito habang may hinahanap sa kaniyang cellphone. Saglit akong tumingin sa paligid at hindi nga siya nagkakamali. Pakiramdam niya ay nasa central of attraction sila ng ginang. Lahat ay nagbubulungan lalo na ang mga may edad na mga babae ay siya ang pinagtitinginan. Ang bawat floor ay hindi pwedeng walang nakadungaw.
Malamang?! Nag e-echo ba naman ang paniningil ng landlady sa buong gusali ng apartment na iyon.
“Naku, ‘yang tiyahin mong iyan ha—ewan ko ba! Kung totoo man na naibigay mo na sa kaniya ang bayad, malamang iniipit n’ya para dobleng makahingi sayo.Tsk! tsk! Tsk!” sabay abot ng kaniyang cellphone upang ipinakita ang contact number niya na agad kong kinopya. ”Saka ko ibibigay sayo ang bank account ko kapag magbabayad ka na. Kung puwede sana huwag mo na itong patagalin at sa susunod na bayaran huwag mo ng ibibigay sa tiyahin mo. Pareho tuloy tayong nagkakaproblema sa pera!” Padabog nitong pinatay ang hawak na phone at muling ipinasok sa kaniyang bag.
“Salamat po,” sabay yuko ko dito bilang paggalang.
“Oh, siya! Aasahan ko Joyce iyang sinabi mo ha? Pasalamat ka at mabait pa ako sa inyo kahit na ilang beses na itong ginagawa ng tiyahin mo,” aniya na walang ka rea-reaksiyon ang mukha. Saka ito umalis sa aking harapan at tuluyan ng lumabas ng gusali.
Nalulungkot na naiinis siya sa kaniyang nararamdaman. Inayos niya ang kaniyang sarili saka dumeretso ako sa hagdanan patungong 3rd floor kung saan naroon ang inakopang apartment namin mula ng namatay ang daddy ko. Sinasalubong ko lamang ng ngiti ang mga nakakasalubong kong kapitbahay sa apartment. Nahihiya ako sa pangyayaring iyon.
“Kawawa naman itong dalagang ito, siya lagi ang humaharap ng problema ng mag-ina.” Rinig niyang bulong ng isang ginang sa isa pang ginang.
“Hay, naku! Sinabi mo pa,” sagot naman ng isa.
Buti pa ang ibang tao naaawa sa kaniya.
Pagpasok na pagpasok ko sa pinto ay nabungaran ko na agad ang aking tiya at ang kaniyang anak na babae na kasing edad ko na nakaupo at kumakain ng sitsiria habang nanonood ng movie. Ang mga itsura nila ay parang walang iniintindi sa buhay.
Agad kong ibinaba ng padabog ang dala kong backpack at naghubad ng suot kong rubber saka lumapit sa kanila. Si Katrina ay naka idian-sit pa at kampanteng-kampate sa kaniyang pagkaka-upo.
“Tiya, bakit hindi n’yo ho ibinigay ang pera para sa upa?” bungad ko sa mag-ina na noo’y hindi man lang natinag sa kanilang pinanonood. Para bang wala silang narinig sa akin.
“Tiya?” muli kong salita na nakasalubong na ang aking kilay.
Nilingon ako nito na parang wala lang. ”Inuna kong ibayad sa tuition ni Katrina ang pera.” Sabay balik ng paningin nito sa kanilang pinanonood.
Nagulat ako sa aking narinig. Ganun lang iyon? Ang ibinigay niyang pambayad ng upa ay napunta sa kaniyang anak? Ang sampung libo na itinabi niya para sa apartment ay inilaan niya sa pag-aaral ng kaniyang anak?
Huminga ako ng malalim at pigil ang inis sa aking narinig. Napahawak pa ako sa aking noo at sabay na napapikit
“Bakit iyon ho ang inuna n’yo kesa bayaran ang upa dito sa bahay? Maaga ko nga hong ibinigay sa inyo ang pera para hindi na po tayo ma-late sa pagbayad at hindi na po tayo babalik-balikan pa ng landlady.” Inis kong salita. Umupo ako sa harapan nila at salubungin ang biglang pagkairita ng magaling kong madrasta.
“At bakit hindi? Eh, due na ng bayarin ng tuition n’ya,” aniya na para bang magmamalaki pa.
“Tiya due na rin ho ng bayarin natin sa upa,” mahinahon kong salita at pigil ang inis sa mga ito. Sinulyapan ko pa si Katrina na para bang wala siyang naririnig sa pagitan nilang dalawa.
Ibinaling ng aking madrasta ang kaniyang katawan paharap sa akin. “Ay, naku!Makapag-aantay yan!” sigaw nito sa akin.
“Bakit n’yo ho inuna pa iyon? Ibinigay ko ho iyon pambayad sa apartment hindi ho sa pag-aaral ng anak n’yo. At ikaw naman Katrina dapat alam mo rin iyon. Kung gusto mong magpatuloy sa pag-aaral mo magsumikap ka rin. Huwag mong iasa ang lahat lahat sa amin.” Inis kong salita kay Katrina na noo’y napakunot noo na rin.
“At bakit pati ako nadamay diyan? Sinabi ko lang naman kay mommy na due ng bayarin sa school at hindi ko sinabi sa kaniya na ibayad niya yung pera para sa upa,” sabay irap nito sa akin at muling ibinalik ang tingin nito sa screen ng tv.
“Oh, eh anong problema dun?” singit bigla ng aking madrasta. “Bakit si Katrina ang pinagbubuntungan mo?” Tumayo na ito upang harapin ang aking reklamo sabay halukipkip nito ng kaniyang braso.
Nanatili pa rin akong kalmado kahit na napupuno na talaga ako sa mga ginagawa nila.
“Sinagot ko na nga po tiya ang sa kuryente, tubig, upa. Tapos pati sa pang tuition sa akin pa manggagaling? Parang hindi naman po ata tama yun? Kung nahihirapan kayo sa pagpapa-aral kay Katrina bakit hindi mo siya obligahing mag part-time para makatulong din siya dito sa bahay. Hindi iyong puro sa akin manggagaling lahat at ako ang mamomoblema. Hindi tamang iuna ninyo ang sa anak ninyo kesa ang paulit-ulit na pupunta dito si Mrs. Domingo para maningil sa upa.” Anito ko na palipat-lipat ang aking paningin sa mag-ina.
“At ano ang tama? Sige nga? Sabihin mo sa akin? Ang mag trabaho ang anak ko? ‘Yan ang gusto mong mangyari na porket mas malaki ang kita mo kesa sa trabaho ko?!” muling pagtataas ng boses nito.
Napasabunot na ako sa sarili kong buhok dahil sa hindi nito makuha ang gusto kong mangyari. Muli akong huminga ng malalim bago sinalubong ito ng tingin. Pakiramdam ko kasi lagi ay dapat ako ang umunawa sa kanila.
”Tiya, hindi ako nakikipagtalo sa inyo. Ang sa akin lang ay kung nagbigay po ako ng pambayad sa mga bills at sa upa, sana po ibayad n’yo na. Ilang beses n’yo na po kasi itong ginawa, tapos eto malalaman ko yung pambayad ng upa ibinayad n’yo para sa pag-aaral ni Katrina. Kung hindi nyo na po kaya pang magbayad sa private school ng anak nyo po huwag n’yong ipilit. Hindi iyong pati pera na nakalaan dito sa apartment ay pakekealaman n’yo,” mahinahon ko pa ring salita kahit na alam kong sobrang napipikon na ito sa mga naririnig niya sa akin. Hindi ako kailangan matinag sa galit nito o kung kasehodang napipikon pa ito sa akin.
”Dalawa po tayong nag tatrabaho. Bakit hindi mismo sa sahod n’yo doon kuhanin ang kay Katrina. At matanong ko lang po, saan ba napupunta ang sahod n’yo?” sabay sulyap ko sa kaniyang anak habang noo’y ngingiti-ngiti lang at para bang balewala ang usapin namin ng kaniyang mommy.
“Tinuturuan mo ba ako sa kung alin at kung ano ang dapat kong gawin ha? At kung saan man napupunta ang sahod ko wala kang pakealam! At nagmamalaki ka ba sa akin dahil may trabaho ka?” muli nitong sagot.
Naiinis ako sobra sa aking naririnig. Lagi na lamang itong ginagawa. Paulit-ulit na lang at nakakapuno na talaga. Tumayo na ako at humarap banda sa kusina. Napamewang na ako sobra at napatingin sa kisame.
“Sinakripisyo ko ho ang pag-aaral ko para makatulong sa inyo. Sa mga gastusin po dito sa bahay, para matulungan po kita. Sana naman po pahalagahan n’yo naman po iyon. Mahirap pong kumita ng pera tiya. Ngayon po ba iniisip ninyo kung paano ninyo papalitan ang pera para sa apartment? Makukuha ba ninyo kaagad iyon sa sahod ninyo?” Sinabayan ko ito ng pag-alis sa kanilang harapan. Dumeretso ako sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig sa ref. Pakiwari ko kasi ay naninikip na ang aking dibdib sa pagpigil ng aking galit.
”Hoy, Joyce! Alam mo naman pala na mahirap kumita ng pera ‘di sana alam mo rin kung paano kita binuhay na ako lang ang nag tatrabaho mula no’ng namatay ang daddy mo. Nakikita mo pag hihirap mo? Bakit? Nung mga taon na ginugugol ko sayo nakita mo ba iyon?” sumbat na salita nito sa akin. Hindi ko namalayan kasi na nakasunod pala ito sa akin.
Alam ko na walang patutunguhan ang usapan naming iyon. Ibinaba ko sa lababo ang basong ginamit ko sa pag-inom saka muling hinarap ang nagagalit na mukha nito. “Alam ko ang hirap ninyo sa akin sa loob ng maraming taon, kaya hindi na ninyo kailangan isumbat iyon sa akin. Kesa ang magsumbatan tayo tiya, bakit hindi n’yo na lang isipin kung paano n’yo masusulusyunan ang pambayad sa upa ng ganoong kalaki. Dahil sinasabi ko po sa inyo wala na po akong pera.” Kasabay na paglampas ko na lamang at padabog kong kinuha ang back pack na aking ibinaba kanina.
Limang taon siya ng mamatay ang kaniyang mommy dahil sa kidney failure. At ng sumapit siya sa ika-pitong taong gulang ay muling nag-asawa ang kaniyang daddy na may anak din na isang babae na halos kasing edad n’ya rin. No’ng una akala niya ay gusto siya ng mag-ina, pero hindi pala. Ang pagmamahal ng kaniyang mommy ay iba sa ipinakikita sa kaniya ng mag-ina. Nakita niya ang pagmamahal ng kaniyang daddy sa dalawa, pero ang dalawa ay hindi n’ya iyon makita sa kaniya. Kabaliktaran ito. Kapag magkakasama sila ay mabuti ang ipinakikita sa kaniya ng mag-ina. Todo ang asikaso sa kaniya pero kapag wala na ang kaniyang daddy ay para siyang katulong ng mga ito. Halos siya na ang nag-aasikaso ng lahat ng trabaho sa bahay. Maging sa pagbibigay sa kaniya ng kaniyang daddy ng baon ay kinukuha ng kaniyang madrasta ang kalahati. Masiyado daw itong malaki samantalang ang kay Katrina ay hindi nito binabawasan. Nang lumaon ay lumala na ito lalo na ng mamatay ang kaniyang daddy. Oo nga’t hindi siya inabandona dahil sabi ng mga ito ay malaki ang pakinabang nila sa akin.
Nanatili si Katrina sa private school hanggang senior high. Samantalang siya ay inilipat na sa public school. Hindi na siya kumontra pa dahil ayaw niyang mahinto sa pag-aaral.
Pagsapit nga niya ng senior high ay siya na mismo ang nagpaaral sa kaniyang sarili dahil hindi na siya sinoportahan pa ng kaniyang madrasta. Hindi na daw nito kaya magpaaral ng dalawa sa senior high kung siya lamang ang nag tatrabaho.Kaya naman siya na ang nag pursige na pag-aralin ang kaniyang sarili kahit na nahihirapan siya. Nag-working student siya para matustusan niya ang gastusin sa kaniyang pag-aaral at makatulong na rin sa bayarin sa kanilang inuupahan.
JOYCE ANNEPumasok ako sa kuwarto na pinagsasaluhan namin ni Katrina. Siya ay natutulog sa malambot at maluwang na kama. Samantalang siya ay maglalatag ng foam na manipis sa sahig at iyon na ang kaniyang tulugan. Tinanggal ko ang mga nakapatong na unan at kumot sa ibabaw ng aking mega box upang kumuha ng aking damit pambahay. Pagbukas ko ay nanibago ako sa ayos ng aking mga damit.“Bakit naiba ng ayos ang aking mga damit?” ani ng aking isipan.Bigla akong nakaramdam ng kaba. Mabilis kong inangat ang aking mga damit upang makuha ang box na pinaglalagyan ko ng aking mga ipon. Nanlumo ako at pinanghinaan. Ang ilang taon kong ipon ay parang bulang biglang naglaho. Kuyom ang aking mga palad nang tumayo ako. Muling umusbong ang galit sa aking dibdib. Napapapikit ako habang nakatingala ang aking ulo sa kisame ng kuwarto. Pilit na pinipigil ko ang pagdaloy ng aking luha dahil sa aking nararamdaman. Mabilis kong kinuha ang box na pinaglalagyan ko ng inipon kong pera. Lumabas ako ng kuwarto upa
JAKE ANDREWNakaupo ako sa mahabang sofa ng clinic na bahagya ko pang inayos ang aking suot na amerikano bago muling sumandal. Pangalawang beses ko na itong pagbisita sa clinic ng aking kaibigang psychiatrist na si Dr. David Tachie. Sa loob ng tatlong taong paghihirap sa aking karamdaman ay saka lang ako nakapag decide na magpatingin na in-advice ng aking private doctor.Pumasok sa k’wartong iyon ang aking kaibigan na nakasuot ng putting gown kasunod ang assistant nitong nurse na may dalang folder. Malamang ay iyon na ang result ng kaniyang blood test.Sinenyasan niya ang nurse na lumabas na at kinuha niya ang dalang resulta ng examine niya.“Kumusta, Jake?”aniyang nakangiti bago umupo banda sa kaniyang harapan.Nag-unat ako ng aking pagkakaupo upang makinig sa anumang sasabihin ni David.“Wala naman akong nakitang iba pang dahilan ng problema mo,” aniya sabay lapag ng records ko sa lamesing babasagin sa pagitan naming dalawa.“Kung wala akong problema sa ginawa mong test, bakit ko ka
JAKE ANDREWNapabalikwas ako ng bangon mula sa kaniyang pagkakatulog. Ramdam ko na puno ng butil ng pawis ang aking noo at habol ko ang aking hininga. Muli kong napanaginipan ang aking EX girlfriend na si Alyson. At ang panaginip na iyon ay paulit-ulit na eksena na kung saan nahuli ko ito sa malaswang scenario. At mula noon ay nawalan na ako ng gana sa mga babae. Lalo na sa mga babaeng nagpapapansin sa akin. Harap harapan kung magparamdam na gusto ako. Ang iba nga’y inaaya pa ako sa isang one night stand. O ‘di kaya’y friends with benefits. Pero ang lahat ng iyon ay tinanggihan ko. Dahil mababa na ang tingin ko sa mga babaeng lumalapit sa akin ng walang pag-aalinlangan.Akala ng iba dahil lapitin ako ng mga nag gagandahang babae ay babaero na ako o kaya’y sabihing chick boy, na matinik sa mga babae. Na papalit-palit ng mga girlfriend kahit wala naman akong girlfriend. Ako si Jake Andrew Gyunho. Half Korean half Filipino. A billionaire and known as a smart business man. I am famous b
JOYCE ANNKanina pa hindi nagpa-function ang aking utak. Hindi ako makapag concentrate sa aking trabaho. Marami na akong palpak na nagawa mula pa sa umpisa ng aking pagta trabaho. Hindi kasi maalis sa aking isipan ang sinabi ng aking kaibigang si Mystica. Binigyan kasi ako ng raket nito at dapat ko itong pag-isipan ng isang araw lang. Bukas na kasi magaganap ang raket na iyon at malaking halaga ang ibabayad sa kanila. Raket na first time ko kung sakaling gagawin ko iyon.Ang raket kasi na iyon ay ang pagsayaw niya sa isang stag party. Sasayaw, gigiling siya na nakasuot ng two-piece na kulay red at papatungan ng manipis na kulay red ding sexy lingerie.Kakayanin kaya niya iyon?Binigyan lamang siya ng isang araw ng kaibigan para mag desisyon. Kailangan niya ang pera dahil nangako siya sa kanilang land lady na magbabayad siya ng upa bukas. Hindi niya gusto ang ganung raket pero no choice siya dahil iyon lamang ang paraan upang makakuha siya ng pambayad sa upa.Napatigil ako bigla sa aki
JAKE ANDREW Matagal akong nakatayo sa harapan ng pintuan ng elevator. Ilan na rin ang nakasakay roon at nag tanong sa akin kung sasakay ba kami, kasama ko kasi ang aking personal assistant sa mga oras na iyon pero tumanggi lamang ako.“Sir Jake?” ani ng aking personal assistant sa aking likuran. Nilingon ko ito na seryosong nakatitig lamang sa akin at tulad ko ay nakasuot din ito ng amerikano. “Palagay mo dapat ba akong tumuloy?” sabay harap kong muli sa pintuan ng elevator na noo'y naka down na. Sabay no’n ang pagbunting hininga ko. “Sige na Loi, pwede ka ng umuwi. Hindi naman kita kailangan sa pupuntahan ko,” ngiti kong sabi sa aking assistant na halos kasing edad ko lamang. Nakita koang pagbabago ng expression ng mukha nito.Tulad ko ay nasa height din ito ng 188 cm at bigat na 68 kg. Pareho din kaming may magandang pangangatawan. Moreno ito samantalang ako ay mistiso. At higit sa lahat itinuturing ko itong kapatid. Para kaming magbarkada kung kami lamang. Natawa sa akin ang ak
JOYCE ANN Unti-unting nag dilat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang mahinang pag-alog sa aking balikat. Nagising na ako ng tuluyan at agad naupo at sumadal sa head board ng kama sabay hawak sa aking ulo dahil sa naramdaman ko ang sakit nito. “Masakit ba ang ulo mo?” si Mystica na naka-upo sa gilid ng aking hinihigaang kama. Tumango ako rito habang pupungas-pungas pa ng mata dahil ramdam ko pa ang aking pagka-antok, pero masakit ang aking ulo. “Bumangon ka na riyan maaga pa ang pasok mo ‘di ba?” muling salita ng aking kaibigan. “Anong oras na ba?” Sabay tingin ko sa alarm clock na nasa side table ng aking higaan. Alas y singko na ng madaling araw. Oras na iyon para ihanda na niya ang kaniyang sarili sa pagpasok niya sa trabaho. Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan dahilan para ako ay magulat. Nakasuot pa ako ng pulang lingerie na agad kong naalala ang nangyari sa nagdaang gabi. “Paanong—anong nangyari kagabi, Misty?” agad kong tanong sa nakatitig sa aking
Hawak ni Jake ang sintido ng kaniyang ulo habang nakikipag-usap siya sa kaniyang kaibigang psychiatrist na si David. Nasa loob siya ng kaniyang kotse na minamaneho naman ng kaniyang assistant na si Loi. Pauwi sila nang mga oras na iyon sa kaniyang unit. Masakit ang kaniyang ulo dahil sa mga nagdaang gabi ng kaniyang pag-iinom ng alak. "Loi," aniya nang matapos ang pag-uusap nila ni David sa phone."Yes, sir?" sagot naman nito kay Jake sabay silip nito sa salamin na nasa taas ng kaniyang ulo."Kumusta ang pinahahanap ko sa'yo?" tanong ni Jake habang nakamasid sa assistant."Walang ibinigay na impormasyon si Ally sa akin tungkol sa babaeng naka maskara. Ayon sa kaniya hindi daw ibinibigay ni Miss dela Cruz ang info ng mga hawak niyang babae lalo na raw sa nakamaskarang iyon. At sir, hindi raw iyon nag tatrabaho sa mismong club." report ni Loi kay Jake.Napakunot ng noo si Jake sa kaniyang narinig. "Ginawa mo rin bang puntahan ang restaurant na sinabi ko sayo?" dahil late na rin naalal
"Ano ang mga iyan?" bungad na tanong ni Susie kay Joyce ng maabutan siyang naglalagay ng kaniyang mga bag sa ibabaw ng locker nila."Pinalayas ka ba?" muli nitong tanong."Wala 'to, huwag mo akong intindihin. Ano? May on call ba tayo?" ani ni Joyce sabay ayos ng kaniyang sarili."Ikaw meron solo, kami ni Carla sa condo unit ng San Teatris." sagot ni Susie na nakatuon pa rin ang paningin sa mga bag na nasa ibabaw ng locker. "May problema ka ata sa inyo kasi mukhang umalis ka eh,""Sus, huwag mo akong intindihin at may pupuntahan akong bahay," sagot muli ni Joyce na talaga naman na may pupuntahan siyang bahay at iyon nga sa apartment ng kaibigan niyang si Mystica. Na text niya ito kanina pang nasa taxi siya na doon siya tutuloy dahil sa nangyari. At talaga naman ay pumayag ito at welcome na welcome raw siya roon anytime.Sabay na lumabas ng locker room sila Joyce pero nagkahiwalay lang sila ng pupuntahan. Si Susie ay kukuha ng kanilang gamit pang linis habang siya ay pupunta pa lang pa
Dalawang araw ding nasa U.S si Jake kasama ang pamilya ni Stephanie. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay maka ilang beses itong tumatawag at nagbi-video call kay Joyce kasama na ang kanilang anak na si Jonas. Hindi naman nakaramdam ng selos si Joyce kahit alam niyang magkasama ang dalawa dahil alam niya sa kaniyang sarili na tumutulong lamang si Jake para sa kabutihan ni Stephanie at dahil na rin sa pakiusap ng mga magulang nito. "Ma'm Joyce?" ani ng isang may edad na babae na nakasalamin ang lumapit kay Joyce. "Yes, po?" sagot ni Joyce sa may edad na babae. "Tawag po kayo ng Chairman sa kaniyang opisina," ani nito sabay ayos ng kaniyang salamin sa mata. Mula kasi ng umalis si Jake ay saka dumating ang Papa nito na Chairman ng GGC. Sa ilang araw ay hindi pa niya natetyempuhan ang ama ni Jake. Tumayo siya at inayos ang kaniyang sarili bago sumunod sa may edad na babae. Medyo kinakabahan si Joyce dahil sa pangalawang pagkakataon ay magkikita silang muli ng ama ni Jake. Pagpas
JOYCE ANNE Masaya ako sa nangyari sa amin ni Jake. Akala ko no'ng magising ako ay isa lamang iyong wet dreams pero hindi pala dahil sa katabi ko pa itong natutulog at kapwa kami nakayakap sa isa't isa. "Ma'm mula po kaninang pagpasok ninyo ay napansin ko na po iyang ngiting yan... at sa pagkakaalam ko po kahapon ay namumula ang pisngi ninyo dahil sa mga sampal ng bruhang si Stephanie na yun... pero bakit po hanggang ngayon ay namumula pa rin iyan?" bating bigla sa akin ni Glenda na titig na titig sa akin. At hindi lang siya maging ang aking ka team ay gano'n rin."Ha? Namumula ako ngayon?" ang hindi ko makapaniwalang tanong sabay hipo ko sa sarili kong pisngi."Alam ko na kung bakit?!" masayang salita ni Carla. "Kinikilig kasi si Ma'm dahil sila na ni big boss," aniya."Ay, oo nga ano! Usap usapan nga pala kayo kahapon mula sa sweetness hanggang sa nagkagulo. Wow! Ang daming nangyari kahapong action na live pa talaga. At malamang may maganda uling nangyari kay Ma'm at kay Sir!" kini
JOYCE ANNE"Mom... my?" excited na lumapit sa akin si Jonas pero napahinto ito ng may mapansin agad sa akin."Are you hurt?" pag-aalala nitong tanong ng hawakan nito ang suot kong cream slacks na may bahid na dugo. At saka napatingin ito kay Jake. "Hi, baby!" nakangiting bati ni Jake sabay upo nito upang salubungin ng yakap ang aming anak pero umatras ito sa kaniyang Daddy."Did you hurt my mommy?" aniyang mangiyak ngiyak.Nagulat kami ng marinig namin iyon at nagkatinginan kami ni Jake."Of course not! I can't hurt your mommy because i love her," ani ni Jake sabay akbay sa akin."He didn't hurt me Jonas," sabi ko rin."Why you have that?" sabay turo niya sa mga bahid ng dugo sa aking pants at blouse."It's a long story my baby... and it's not important now. The important is...the status of our relationship of your mommy," masayang sabi ni Jake."Don't tell me that both of you are okay now? I have now complete family?" biglang saya ng mukha ni Jonas.Sabay kaming tumango ni Jake sa a
JOYCE ANNEPagbalik ko ng Department namin ay nabungaran ko agad si Glenda na sumenyas ang kaniyang mga mata at itinuturo nito ng palihim ang aking puwesto.Si Stephanie ay nakatayo sa gilid ng aking mesa at nakahalukipkip pa ito ng kaniyang mga braso dagdag pa ang matalim na tingin nito sa akin.Nagulantang ako ng salubungin ako nito ng napakalakas na sampal at hindi pa ito nakontento ay sinundan pa niya ito ng isa pang sampal.Hawak ko ang aking pisngi ng tumingin kay Stephanie. Si Carla na ka team ko at si Glenda ay naka alalay ka agad sa akin."Ano?! Kay Joyce ba kayo?! Gusto ninyong matanggal sa trabaho?!" sitang bigla ni Stephanie sa dalawa kong ka team."Ikaw! Masaya ka dahil nakuha mo na ng tuluyan si Jake at maging ang atensyon ng lahat ay nakuha mo. Pabida ang datingan mo! Kung hindi ko lang alam na isa kang mababang babae na bayaran para sa serbisyo ni Jake! Bakit? Akala mo hindi ko alam ang lahat ng iyon? Hindi ako tanga! Kung noon napatahimik ako ni Jake ngayon hindi na!
JOYCE ANNENaging busy ang lahat sa muling pagbubukas ng Coffee shop ni Uncle. Kasabay no'n ay hindi ko na napagkikita si Jake mula ng magtapat ito ng kaniyang nararamdaman. Maka ilang beses na akong nagtatanong kay Jonas kung nagpupunta ba ito para dalawin siya na oo naman ang siyang sagot ng aking anak. Pero hindi ko ito nadadatnan sa aming bahay. Dagdag pa na tuluyan ng ibinenta ng buo ang extension house nito sa akin. Ang nakakainis pa ay minsan si Loi ang nagsundo kay Jonas upang mamasyal sila ni Jake at dalhin sa lolo at lola nito. Lalo na't parang nanadya si Stephanie na magparinig sa kaniya ng ilang beses na kesyo nagkakalinawagan na daw sila ni Jake at ilang beses ng nag de date. Kung makapag k'wento pa ito sa mga ka team niya ay ubod ng lakas. Para itong naka microphone para marinig ng buong Department ang status nila ni Jake na siyang kinaiinisan ko.At ngayon nga ay usap usapan ang nababasa ng mga empleyado sa celebrity news ang patungkol kay Jake at sa kanilang anak.Nag
JAKE ANDREW"Umuwi ka na Loi, magpapahinga lang ako at mawawala rin itong lagnat ko mamaya," sabi ko kay Loi na nakatayo sa gilid ko. Sa mga oras no'n ay nakahiga ako sa sofa."Sir lumipat po kaya kayo sa inyong kuwarto," ani ni Loi."Don't worry Loi lilipat din ako roon maya maya. For now umuwi ka muna sa Misis mo at nakainom naman na ako ng gamot," sabi kong muli."Are you sure na hindi n'yo na po ako kailangan?" muling tanong ni Loi na tinanguan ko bago ako pumikit. Hindi ko na naramdaman ang pag-alis ni Loi dahil sa nakatulog ako agad. Epekto marahil ng gamot na ininom ko.Naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa aking noo. Hinawakan ko agad kung ano ba iyon. Isang basang towel pala ang nakapatong.Pero sino ang may gawa?Ilang oras ba akong nakatulog at hindi ko man lang naramdaman na may taong tumitingin sa akin?Marahil ay nagbalik si Loi o baka naman hindi ito umalis at binabantayan niya ako.Hindi na masakit at mabigat ang aking ulo ng maupo ako. Hawak ko ngayon ang bas
JOYCE ANNEIlang araw ang lumipas ay napansin kong hindi nagpupunta si Jake sa aming bahay upang dalawin niya si Jonas. At nagtataka ako kung bakit hindi naman ito hinahanap ni Jonas. Maging si Loi ay hindi ko nakikita kaya naman agad kong tinawagan si Mystica upang alamin kung na saan ito."Anong nakain mo at bigla bigla mo akong tinawagan ha? At kailan mo kaya ako dadalawin hindi puro yung lagi na lang kita nakaka text? Nabuburyo na ako dito besh! Baka naman..." bungad na salita agad sa akin ni Misty."Napaka daldal mo talaga. Hindi ako makasingit ah! Sige mamaya labas tayo pag out ko dito. Manood tayo ng sine at kumain sa paborito nating restaurant. Okay na ba? Payagan ka kaya ng mahal mong asawa na si Mr. Loi?""Wala dito si Loi. Hindi mo ba alam na mayron silang meeting outside the country? Limang araw sila roon," "Saang bansa sila nagpunta," "Sa US tapos sabi ni Loi dederetso sila ng Singapore kasi may kakausapin pa daw silang tao dun," Kaya pala hindi ko ito nakikita dahil u
JAKE ANDREW"Why you closed your eyes?" takang tanong ko kay Joyce ng pumikit ito at animo'y may inaantay. Napangiti ako ng maisip ko bigla ang isang bagay na noon ko pa nais."Ha?" ani nito ng mapadilat.Isang dangkal lamang ang layo ng mukha ko sa mukha niya."Inaantay mo ba na halikan kita?" ngiting tanong ko sa kaniya sabay tingin ko sa kaniyang mapang akit na labi.Bigla ay itinulak niya ako ng sabihin ko iyon."Do you fantasize that I'm kissing you now?" biro kong tanong kay Joyce na biglang namula ang magkabila niyang pisngi."Sir! Kung wala ka namang importanteng sasabihin aalis na ako," aniya sabay talikod nito sa akin. Pero sadyang mabilis ang aking pagkilos upang harangin ko ito sa kaniyang paglabas."No! Gusto kong maging malinaw ang lahat sa pagitan nating dalawa. Gusto kong malaman kung ang lahat ng sinabi mo noong nakaraang gabi ay totoo?" tanong ko sa kaniya."Ano ba ang sinabi ko sa'yo na hindi ko naman natatandaan?" kunot noong tanong nito. Kanina pa ako naiinis sa
JOYCE ANNEPagpasok ko ng Marketing Department nagtaka ako kung bakit lahat ng kasama ko ay mga nakatayo sa kanilang gilid ng mesa at puros sila nakayuko. "So you are here now?" ani ng pamilyar na boses na aking ikinalingon.Si Stephanie nakasandal sa gilid ng aking mesa at nakahalukipkip ang kaniyang mga braso na nakangiting nakatingin sa akin. "Ma'm, kapalit po ng head natin," bulong sa akin ng aking ka team.Deretso akong nagtungo sa aking mesa at inilapag roon ang aking gamit na dala."Hindi mo ba ako babatiin?" ani nito."Good morning," sarcasm kong pagbati pero hindi ko ito pinag-ukulan ng pansin."Lahat sila ay magalang na binati ako bakit parang ang bastos mo," sabi nito.Ngumiti ako ng mapakla bago ko siya tiningnan ng deretso.."Hello ma'm... good morning po," sabi ko sabay pilit akong ngumiti at nag bow sa kaniya na labis nitong ikinatuwa."Okay guy's! For now on lahat ng mga projects na ipe-present ninyo ay dadaan muna sa akin," ani nito sa kanila."We will ma'm," sabi k