Chapter: CHAPTER 62Dalawang araw ding nasa U.S si Jake kasama ang pamilya ni Stephanie. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay maka ilang beses itong tumatawag at nagbi-video call kay Joyce kasama na ang kanilang anak na si Jonas. Hindi naman nakaramdam ng selos si Joyce kahit alam niyang magkasama ang dalawa dahil alam niya sa kaniyang sarili na tumutulong lamang si Jake para sa kabutihan ni Stephanie at dahil na rin sa pakiusap ng mga magulang nito. "Ma'm Joyce?" ani ng isang may edad na babae na nakasalamin ang lumapit kay Joyce. "Yes, po?" sagot ni Joyce sa may edad na babae. "Tawag po kayo ng Chairman sa kaniyang opisina," ani nito sabay ayos ng kaniyang salamin sa mata. Mula kasi ng umalis si Jake ay saka dumating ang Papa nito na Chairman ng GGC. Sa ilang araw ay hindi pa niya natetyempuhan ang ama ni Jake. Tumayo siya at inayos ang kaniyang sarili bago sumunod sa may edad na babae. Medyo kinakabahan si Joyce dahil sa pangalawang pagkakataon ay magkikita silang muli ng ama ni Jake. Pagpas
Last Updated: 2023-05-19
Chapter: CHAPTER 61JOYCE ANNE Masaya ako sa nangyari sa amin ni Jake. Akala ko no'ng magising ako ay isa lamang iyong wet dreams pero hindi pala dahil sa katabi ko pa itong natutulog at kapwa kami nakayakap sa isa't isa. "Ma'm mula po kaninang pagpasok ninyo ay napansin ko na po iyang ngiting yan... at sa pagkakaalam ko po kahapon ay namumula ang pisngi ninyo dahil sa mga sampal ng bruhang si Stephanie na yun... pero bakit po hanggang ngayon ay namumula pa rin iyan?" bating bigla sa akin ni Glenda na titig na titig sa akin. At hindi lang siya maging ang aking ka team ay gano'n rin."Ha? Namumula ako ngayon?" ang hindi ko makapaniwalang tanong sabay hipo ko sa sarili kong pisngi."Alam ko na kung bakit?!" masayang salita ni Carla. "Kinikilig kasi si Ma'm dahil sila na ni big boss," aniya."Ay, oo nga ano! Usap usapan nga pala kayo kahapon mula sa sweetness hanggang sa nagkagulo. Wow! Ang daming nangyari kahapong action na live pa talaga. At malamang may maganda uling nangyari kay Ma'm at kay Sir!" kini
Last Updated: 2023-05-18
Chapter: CHAPTER 60JOYCE ANNE"Mom... my?" excited na lumapit sa akin si Jonas pero napahinto ito ng may mapansin agad sa akin."Are you hurt?" pag-aalala nitong tanong ng hawakan nito ang suot kong cream slacks na may bahid na dugo. At saka napatingin ito kay Jake. "Hi, baby!" nakangiting bati ni Jake sabay upo nito upang salubungin ng yakap ang aming anak pero umatras ito sa kaniyang Daddy."Did you hurt my mommy?" aniyang mangiyak ngiyak.Nagulat kami ng marinig namin iyon at nagkatinginan kami ni Jake."Of course not! I can't hurt your mommy because i love her," ani ni Jake sabay akbay sa akin."He didn't hurt me Jonas," sabi ko rin."Why you have that?" sabay turo niya sa mga bahid ng dugo sa aking pants at blouse."It's a long story my baby... and it's not important now. The important is...the status of our relationship of your mommy," masayang sabi ni Jake."Don't tell me that both of you are okay now? I have now complete family?" biglang saya ng mukha ni Jonas.Sabay kaming tumango ni Jake sa a
Last Updated: 2023-05-18
Chapter: CHAPTER 59JOYCE ANNEPagbalik ko ng Department namin ay nabungaran ko agad si Glenda na sumenyas ang kaniyang mga mata at itinuturo nito ng palihim ang aking puwesto.Si Stephanie ay nakatayo sa gilid ng aking mesa at nakahalukipkip pa ito ng kaniyang mga braso dagdag pa ang matalim na tingin nito sa akin.Nagulantang ako ng salubungin ako nito ng napakalakas na sampal at hindi pa ito nakontento ay sinundan pa niya ito ng isa pang sampal.Hawak ko ang aking pisngi ng tumingin kay Stephanie. Si Carla na ka team ko at si Glenda ay naka alalay ka agad sa akin."Ano?! Kay Joyce ba kayo?! Gusto ninyong matanggal sa trabaho?!" sitang bigla ni Stephanie sa dalawa kong ka team."Ikaw! Masaya ka dahil nakuha mo na ng tuluyan si Jake at maging ang atensyon ng lahat ay nakuha mo. Pabida ang datingan mo! Kung hindi ko lang alam na isa kang mababang babae na bayaran para sa serbisyo ni Jake! Bakit? Akala mo hindi ko alam ang lahat ng iyon? Hindi ako tanga! Kung noon napatahimik ako ni Jake ngayon hindi na!
Last Updated: 2023-05-18
Chapter: CHAPTER 58JOYCE ANNENaging busy ang lahat sa muling pagbubukas ng Coffee shop ni Uncle. Kasabay no'n ay hindi ko na napagkikita si Jake mula ng magtapat ito ng kaniyang nararamdaman. Maka ilang beses na akong nagtatanong kay Jonas kung nagpupunta ba ito para dalawin siya na oo naman ang siyang sagot ng aking anak. Pero hindi ko ito nadadatnan sa aming bahay. Dagdag pa na tuluyan ng ibinenta ng buo ang extension house nito sa akin. Ang nakakainis pa ay minsan si Loi ang nagsundo kay Jonas upang mamasyal sila ni Jake at dalhin sa lolo at lola nito. Lalo na't parang nanadya si Stephanie na magparinig sa kaniya ng ilang beses na kesyo nagkakalinawagan na daw sila ni Jake at ilang beses ng nag de date. Kung makapag k'wento pa ito sa mga ka team niya ay ubod ng lakas. Para itong naka microphone para marinig ng buong Department ang status nila ni Jake na siyang kinaiinisan ko.At ngayon nga ay usap usapan ang nababasa ng mga empleyado sa celebrity news ang patungkol kay Jake at sa kanilang anak.Nag
Last Updated: 2023-05-18
Chapter: CHAPTER 57JAKE ANDREW"Umuwi ka na Loi, magpapahinga lang ako at mawawala rin itong lagnat ko mamaya," sabi ko kay Loi na nakatayo sa gilid ko. Sa mga oras no'n ay nakahiga ako sa sofa."Sir lumipat po kaya kayo sa inyong kuwarto," ani ni Loi."Don't worry Loi lilipat din ako roon maya maya. For now umuwi ka muna sa Misis mo at nakainom naman na ako ng gamot," sabi kong muli."Are you sure na hindi n'yo na po ako kailangan?" muling tanong ni Loi na tinanguan ko bago ako pumikit. Hindi ko na naramdaman ang pag-alis ni Loi dahil sa nakatulog ako agad. Epekto marahil ng gamot na ininom ko.Naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa aking noo. Hinawakan ko agad kung ano ba iyon. Isang basang towel pala ang nakapatong.Pero sino ang may gawa?Ilang oras ba akong nakatulog at hindi ko man lang naramdaman na may taong tumitingin sa akin?Marahil ay nagbalik si Loi o baka naman hindi ito umalis at binabantayan niya ako.Hindi na masakit at mabigat ang aking ulo ng maupo ako. Hawak ko ngayon ang bas
Last Updated: 2023-05-18
Chapter: CHAPTER 34GHIE ANNETama ba ang aking narinig?Si Nestor ba talaga ang kaharap ko?"Huwag mo akong niloloko ng ganyang salita," sabi ko na lamang na may ngiti sa aking mga labi kahit na nakikita ang pagkaseryoso nito sa kaniyang mukha."Hindi ako nagbibiro," mabilis na sagot sa akin ni Nestor."Nestor...huwag kang ganyan. Nakakailang," sabi ko sa kaniya na totoo naman talga. Napahinto na tuloy ako sa pagkain ng masarap na pagkain. "Ghie Anne...matagal na kitang gusto. Noon pa kung natatandaan mo ito. Hindi lang ako makalapit sayo noon dahil sa masyado kayong close ni Ken..kaya naman noong nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan nagkaroon ako ng pagkakataon na makalapit sayo. Maniwala ka na noon pa kita gusto," ani ni Nestor sabay hawak nito sa aking kamay na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ako agad naka react sa aking narinig. Dahil biglang nag flash back sa akin ang nakaraan ng mga panahon na si Nestor lamang ang nagpasaya ng mga araw ko sa panahon na iniiwasan ko si Ken. At alam ko na noon na may
Last Updated: 2023-06-09
Chapter: CHAPTER 33Tahimik ang lahat sa conference room ng dumating si Ken upang makinig at manood sa presentation ng dalawang team na hawak ni Ghie Anne. Syempre na roon din si Jacob at Nestor na nakatabi pareho kay Ghie Anne. "Sandali," pahinto ni Ken sa team one na nagpapaliwanag tungkol sa presentation ng bago nilang product packaging. "Do you think it will pass the standard in all convenience store on each of their shelves if the packaging is this big?" Tanong ni Ken sa leader ng team one. "Can you see guys na masyado itong malaki at kapag i-display ito sa shelves ilang piraso lang ang mailalagay," Nagtaas bigla ng kamay si Ghie Anne na agad tinanguan ni Ken. "Sir, can you please listen first to the presentation of my team? And nasa next page ang bawat sizes ng packaging ng ready to eat meal." Derektang salita ni Ghie Anne kay Ken. Lahat ng naroon sa kuwarto ay nakatingin sa kanilang dalawa. "So ibig sabihin nito na kapag sa convenient store ang ready to eat meal ay itong maliit na size ang n
Last Updated: 2023-05-03
Chapter: CHAPTER 32ANDIE "Ano ba ang mahalaga nating pag uusapan?" Bungad agad sa akin ni Nestor bago ito naupo banda sa aking harap. Inimbitahan ko kasi itong kumain sa labas upang alukin sa aking plano. Dahil alam ko na noon pa man ay gustong gusto na niya si Ghie Anne. Kaya nga hanggang ngayon ay nanatili itong single kahit na maraming mga babaeng nagkaka interes sa kaniya. Ni isa ay wala itong na i-date na babae. Dahil minsan ko na itong napanood sa interview na meron siyang inaantay na tao na noon pa niya gusto. "Let's eat first," sabi ko sabay buklat ko ng menu. "May mga bagay pa akong gagawin Andie kaya sabihin mo na ang dapat mong sabihin," ani ni Nestor sa seryosong mukha. "Ohhh, well...i'll go straight to the point. Do you like Ghie Anne?" Derekta kong tingin sabay lapag ko ng menu sa isang tabi. "Inimbitahan mo lang ba ako para sa ganyang tanong?" He smirked. "Alam mong mahal na mahal ko si Ken at gagawin ko ang lahat para mapasa akin siya. Ikaw? Gaano mo kagusto si Ghie Anne? Sa pagka
Last Updated: 2023-03-18
Chapter: CHAPTER 31GHIE ANNE Unti unting nagdilat ang aking mga mata at doon ko lang napansin na nasa ibang kuwarto ako. Mabilis ang aking pagkilos at napaupo akong bigla upang malaman lang na nasa opisina ako ni Ken. "How are you now?" Boses na aking ikinalingon. Si Ken nakaupo sa kaniyang office chair habang may ginagawa ito sa kaniyang personal na computer. "A...anong nangyari? Kasama ko kanina—" "Matagal mo na bang sakit iyan? Bigla ka na lang matutulog ng wala sa oras," sabay tingin nito sa akin. "Hindi. I mean oo! At bihira lang ito mangyari sa akin," sabi ko sabay tayo ko at inayos ko ang aking sarili. "My father wants to have a dinner with you," biglang sabi sa akin ni Ken. "Ha?" Ang tanging nasambit ko habang nakatingin sa kaniya na busy naman sa pagtingin nito sa monitor nh kaniyang computer. "Andito si Daddy at gusto ka niyang makita bago siya umuwi ng mansion," ani nito sabay sulyap niya saglit. "At kailangan mong magpa Psychiatry dahil sa kondisyon mong iyan," habol nitong salita.
Last Updated: 2023-03-17
Chapter: CHAPTER 30"Hi!" Bungad ni Nestor sa pintuan ng opisina ni Ghie Anne."Oh, ikaw pala. Tapos na ang show mo?" Tanong ni Ghie Anne kay Nestor na palapit na sa dalaga."Kain tayo sa baba," aya ni Nestor."Sure," mabilis na sagot ni Ghie Anne.Inayos ng dalaga ang kaniyang gamit sa ibabaw ng kaniyang mesa bago hinubad niya ang coat niya puti na uniform nila sa lab at isinabit. Nakangiti ang dalaga na sumabay kay Nestor tungo sa elevator pababa sa canteen."Masarap ang menu ng canteen ninyo ngayon kaya mag eenjoy tayo," ani ni Nestor.Maraming empleyado ang nakapila dahil sa mga oras na iyon at lunch time na. Pumila din sila at habang napila ay nag uusap sila ni Nestor.Sadyang kwela talaga ang binata kaya naman hindi maiwasan na tuwang tuwa si Ghie Anne sa presensiya nito. Ang saya ng mukha ni Ghie Anne ay hindi nakawala sa paningin ni Ken na kasalukuyang kumakain din sa canteen kasama ang Assistant nito at ang kaniyang Daddy na Chairman ng Company."Andito pala ang Chairman," mahinang salita ng i
Last Updated: 2023-03-15
Chapter: CHAPTER 29Napatitig si Ken sa hawak niyang stick ng sigarilyo na kasalukuyan niyang hinihithit. "Kailan ka pa natutong manigarilyo? Hindi ka naman naninigarilyo dati ah!" Sita ni Ghie Anne kay Ken. "Dati iyon Anne. Sa nagdaang limang taon sa palagay mo ba ako pa rin ang Ken na nakilala mo? Kung ikaw nga ang laki ng ipinagbago mo ako pa kaya?" Sabi ni Ken kay Ghie Anne. "Kung ganun huwag mong ipakita sa akin ang paninigarilyo mo," sabi ni Ghie Anne sabay talikod nito at padabog na isinara ang sliding door ng terrace. "What the heck!" Sabay pitik ni Ken sa stick na kaniyang hawak. Pagpasok niya ay dumeretso siya sa banyo upang maglinis ng kaniyang katawan. Matapos ang ilang minuto ay lumabas si Ken sa banyo ng tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa kaniyang pang ibabang bahagi ng kaniyang katawan at sobrang ikli nito. "Ano ba Ken! Sinabihan na kita na hindi lang ikaw ang narito sa kuwarto, bakit kailangan mong lumabas ng ganyan lang ang itsura mo?!" Ani ni Ghie Anne na nakapaling na ang k
Last Updated: 2023-03-11