JOYCE ANNE
Pumasok ako sa kuwarto na pinagsasaluhan namin ni Katrina. Siya ay natutulog sa malambot at maluwang na kama. Samantalang siya ay maglalatag ng foam na manipis sa sahig at iyon na ang kaniyang tulugan. Tinanggal ko ang mga nakapatong na unan at kumot sa ibabaw ng aking mega box upang kumuha ng aking damit pambahay. Pagbukas ko ay nanibago ako sa ayos ng aking mga damit.
“Bakit naiba ng ayos ang aking mga damit?” ani ng aking isipan.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Mabilis kong inangat ang aking mga damit upang makuha ang box na pinaglalagyan ko ng aking mga ipon. Nanlumo ako at pinanghinaan. Ang ilang taon kong ipon ay parang bulang biglang naglaho. Kuyom ang aking mga palad nang tumayo ako. Muling umusbong ang galit sa aking dibdib. Napapapikit ako habang nakatingala ang aking ulo sa kisame ng kuwarto. Pilit na pinipigil ko ang pagdaloy ng aking luha dahil sa aking nararamdaman. Mabilis kong kinuha ang box na pinaglalagyan ko ng inipon kong pera. Lumabas ako ng kuwarto upang lumapit sa nagtatawanang mag-ina.
“Pinakealaman n’yo po ba ang ipon ko?”
Ipinakita ko pa sa kanila ang box na aking hawak. Ramdam ko ang panggigigil ng aking panga. Nakakuyom palad pa ang isa kong kamay.
“At ano na naman iyan Joyce? Iduduro mo sa amin iyang box na iyan para sabihing pinakealaman namin ang pera mo? At talagang may pera ka na itinatago pala sa akin?” ani nito.
“Hindi ko ho kayo pinagtataguan. Nag-iipon ho ako para sa aking sarili.”
At Iyon ang totoo kaya masakit sa akin na matuklsan ko na nawawala ang kaniyang ipon. Inilipat ko ang aking tingin kay Katrina na noo’y umiwas sa aking tingin. Inayos pa nito ang sarili sa pagkakaupo.
“Kinuha mo ba Katrina ang pera ko?” direkta kong tanong kay Katrina.
Bigla itong nagulat sa aking tanong. “Pera? Wala akong alam diyan. At saka tanong ba iyan o pambibintang na?” mataray nitong sagot sabay irap sa akin.
Lumapit na ako ng husto sa mag-ina upang harap-harapan ko silang komprontahin. Lalo na si Katrina. Pinakita ko na sa kanila na nagagalit na talga ako dahil iyon ang totoo. Pero kahit papaano ay nagpipigil pa rin ako kahit gustong gusto ko na silang bulyawan.
Kay Katrina ako humarap at mismo sa tapat niya para hindi siya makapanood at sa akin siya tumingin.
“Matagal na tayong magkasama sa kuwarto Katrina. At alam na alam ko ang kilusan mo. Hindi ako kumibo kapag kulang ang laman ng wallet ko sa aking bag. Maging ang perang ipinapatong ko lang sa lamesita ay nababawasan. Baka akala mo siguro hindi ko alam kung magkano ‘yun. Kaya alam ko na nabawasan ito ng isangdaan.”
“At talagang pinagbibintang mo nga ako? Sinasabi mo na ako ang kumuha ng pera mo?” bigla itong nag-unat ng pagkakaupo.
“Aba! Ibang klase ka rin Joyce, ahh!Pinagbibintangan mo ba ang anak ko?” singit ng mommy nito sa amin ni Katrina. At tumayo na rin ito saka niya ako hinawakan sa balikat upang ipaling ko ang aking sarili mismo sa kaniya.
“Hindi ko siya pinagbibintangan dahil alam kong siya ang kumukupit ng pera ko. Nahuli ko na siya minsan pero hindi ko siya kinompronta dahil baka kailangan lang talaga ng anak n’yo po. Kaya ‘di malayong mangyari na siya rin ang kumuha ng ipon ko,” sabay angat ko ng hawak kong box sa tapat ng mukha nila. Naghahalong galit inis at pikon ang aking nadarama sa oras na iyon. Dahil hindi ko matanggap na gano’n lamang na biglang mawawala ang aking pinaghirapan.
Nangingilid ang aking luha sa sama ng loob sa mag-ina. Gustong-gusto ko ng ipadama sa kanila ang galit sa aking dibdib na naipon ng maraming taon.
“Wala akong kinalaman diyan sa perang nawawala sayo! Oo, inaamin ko na kinukupitan kita. Masaya ka na?” proud pa ito sa kaniyang sinabi imbes na magpakumbaba sa ginawa nitong kasalanan. Kaya naman napangisi ako at napa-iling sa aking narinig.
“Natural aaminin mo na iyon dahil nalaman mong nahuli na kita, pero syempre hindi mo aaminin itong ginawa mo.”
“Naku, Joyce! Tumigil-tigil ka na diyan sa sintemyento mo, kanina ka pa! ” bulyaw sa akin ni tiya. “Natural na hindi aamin ang anak ko sa bagay na hindi naman siya ang gumawa. Narinig mo naman siguro iyon? At p’wede lang umalis-alis ka nga sa harapan namin!”
Napangiti ako sa kawalan, ngiting naiinis. O tamang sabihin ngiting painsulto. Ang hawak ko sa box ay sobrang higpit na at parang gusto ko itong ibalibag sa pagmumukha nila. Hindi ko binago ang expression ng aking mukha dahil gusto kong ipakita sa kanila ang galit ko. Muli kong sinalubong ang inis na tingin sa akin ng aking madrasta.
“At sino naman kaya ang gagawa nito tiya? Si Katrina lang ang kasama ko sa k’warto at siya lang ang nakitaan na malikot ang kamay. Palagay n’yo ba may umakyat ditong magnanakaw? O baka mayro’n kayong pinapasok na ibang tao?”
“Hindi ka ba titigil, Joyce?! Kung nawala ang pera mo wala tayong magagawa!”muling bulyaw nito sa akin sabay sa pag-agaw nito sa hawak kong box at ibinalibag sa pader.
“Ang tigas mo rin ano? Talagang anak ko ang pinagkakadiinan mo! Nakakapikon ka na, hindi mo ba alam?” dugtong pa nito na matalim ang tingin sa akin.
“Hay,naku mommy, bayaan mo ‘yan. As in naman may magagawa pa siya kung wala na ang pera n’ya,” mataray naman na salita ng magaling kong step sister na sinabayan pa ng muling pag-irap sa akin.
Muli akong napangisi at iiling-iling. Kasabay no’n ang tuluyang pag-agos ng aking luha sa pisngi. “Palibhasa wala kang konsensiya, ilang taon kong inipon ang perang iyon mula sa pinag pawisan ko.” Matalim kong tinapunan ng tingin si Katrina na bigla naman itong napaatras sa pagkaka-upo ng mapansin ang paglapit ko rito.
”Ibalik mo sa akin ang pera ko!”
Kasabay noon ang paghablot ko ng manggas ni Katrina at hinatak ko ito dahilan na bigla nitong pagtayo. Wala siyang pakealam gasinong naroon sa tabi pa niya ang kaniyang ina.
“Ano ba?! Bitawan mo ako! Wala nga sa akin ang pera mo, ano ba?!” Pilit na tinatanggal ni Katrina ang aking kamay mula sa pagkakahawak ko sa kaniyang manggas. Naalis n’ya nga iyon pero inilipat ko naman ang hawak ko sa kaniyang braso. Unti-unti ko ng nararamdaman na makalimot na pamilya ko pala sila. Dahil sa mga oras na iyon ay nagdidilim na sa galit ang aking nadarama. Kaya hindi ko tinigilan si Katrina at hinawakan ko pa ng husto ang kaniyang braso.
“Ano ba Joyce?! Buwisit ka! Nasasaktan na ako!” tili nito sa aking mukha.
Syempre to the rescue ang ina nito. Hinablot nito ang aking buhok at iniwagwag upang mabitawan ko at mailayo sa kaniyang anak at saka niya ako sinampal ng malakas. Pakiramdam ko saglit na humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan sa lakas ng pagkakasampal ni tiya.
“Wala kang karapatan para saktan ang anak ko. Inggrata ka!” sigaw nito sabay duro ng daliri nito sa aking mukha.
Tumayo ako tuwid at inayos ko ang aking sarili bago ko hinarap ang mag-ina. Hawak ko pa rin ang aking pisngi dahil sa sakit na aking nadama.
“Ilabas mo Katrina! Alam ko na ikaw ang kumuha ng pera ko!” tili ko kay Katrina na agad na nagtago sa likuran ng kaniyang ina. Habang walang tigil ang pag-agos ng aking luha.
“Palagay mo kung kinuha ko ito ibabalik ko pa sa’yo? Hindi mo na makukuha ang pera mo dahil ginamit ko na ito!” salita na aking narinig na nagpahinto sa aking mundo. Pero saglit lang iyon dahil sa nakita ko ang
Pagmamalaki nito sa akin habang hinihimas himas pa nito ang kaniyang braso mula sa mahigpit kong pagkakahawak kanina.
Muli akong lumapit pero humarang si tiya sa akin. “So? Talagang ikaw ang kumuha ng pera ko? At proud ka pa talaga?” sabay na nagtaas ang isa kong kilay. Na anytime ay puwede ko uli siyang atakihin.
“Oo! Ako nga! May magagawa ka pa ba?” pagmamalaki nga nito sa likuran ng kaniyang ina. Humarap naman si tiya sa kaniyang anak na salubong ang kilay.
“Kinuha mo nga ang pera n’ya Katrina?” aniya sa kaniyang anak na hindi makapaniwala.
“Opo, ibinili ko ng laptop. Kasi ayaw mo akong ibili ng laptop eh. Gagamitin ko iyon sa pag- aaral ko mommy,” mahinang salita nito.
Para akong nabingi sa aking narinig. Yung pera kong pinagpaguran, pinaghirapan at inipon ng matagal…ibinili niya ng sarili niyang laptop?
“Yung pera ko? Ibinili mo ng laptop?”
Muli akong lumapit pero muli itong nagtago sa likuran ng kaniyang ina.
“Mommy!” sigaw ni Katrina sa ina na paghingi ng tulong sa anumang gagawin ko sa kaniya.
“Lumayo ka,Joyce!” Itinulak ako ng bahagya ng aking madrasta upang makalayo sa kaniyang anak. Pero hindi ako natinag rito.
Muli ay itinulak niya ako kaya naman salubong ang aking kilay na humarap ako ng tingin rito.
“Wala na tayong magagawa. Umamin na ang anak ko at hindi na maibabalik pa ang pera mo. At saka, maganda naman ang pinatunguhan ng pera mo, eh. Gagamitin n’ya daw sa pag-aaral. Narinig mo naman siguro iyon?” aning muli ng aking madrasta na nakapagpanting ng aking tenga. Napasabunot ako sa sarili kong buhok at napapikit ng husto.
“Naririnig nyo po ba ang sinasabi mo, tiya?” pag-angat ko ng mukha mula sa matindi kong pagkapikit dahil sa galit.
“Pera ko ‘yun at kinuha ng magaling mong anak! Hindi sa kaniya iyon tiya. Pinaghirapan ko iyon. Pinagpaguran at isang katerbang pawis ang ginugol ko para lang kuhanin ng anak nyo?! Na walang kahirap-hirap?” sabay tingin ko ng matalim kay Katrina na nananatiling nagkukubli sa likod ng kaniyang ina. “Hindi ako nag-ipon ng pera para iba ang makinabang. At hindi rin ako nagtabi ng pambayad ng upa para uli sa anak mo! Kung gusto niya ng laptop at makatapos sa pribadong school kayo dapat ang mag provide no’n! Huwag ninyong iasa sa akin lahat. Hindi ako! Hindi ang pera ko!” sigaw ko sa mag-ina habang umiiyak sa sama ng loob na itinuturo ko pa ang sarili kong dibdib sa harap nila.
“Aba, at talagang sinisigawan mo pa ako?Pinagsasalitaan mo pa talaga ako ng gan’yan?!” ani nito sabay duro sa aking dobdib na agad kong tinabig.
“Gumawa na ng kasalanan ang anak nyo tapos ako pa ito ang dapat na masaktan? Na dapat tanggapin ko na lang? Na para bang wala lang sa inyo ang lahat. Na walang nangyari? Ganun lang iyon para sa inyo?” patuloy kong salita. Napakagat labi ako habang walang tigil ang pag-agos ng aking luha sa aking pisngi. “Hindi ako humingi sa inyo ng kahit na anumang bagay. Hindi ako nagreklamo sa inyo noong sabihin ninyo sa akin na hindi nyo na ako kayang pag-aralin pa. Wala kayong narinig sa akin ni isang salita. Nagtiis ako sa kung anong meron lang sa akin. Pero tiya? Sobra na? Nakalaan iyon sa aking pag-aaral. May pangarap din ak9 na gusto ko ring matupad. Bakit naman ganun? May kasalanan ang anak ninyo, pero ipinagtatanggol n’yo pa. ‘Di mo po ba nakikita? Naging magnanakaw na siya!” sabay turo ko sa kaniyang anak.
Isang malakas na sampal ang muli kong natanggap na sa pangalawang pagkakataon ay halos ikatumba ko na dahil sa hilo. Naramdaman ko ang pag-agos ng munting dugo sa gilid ng aking labi dahil pumutok ito.
“Alalahanin mong andito ka sa poder ko kaya wala kang karapatan para sabihan ang aking anak ng kung anong salita!”
Hawak ko ang aking pisngi ng muli akong humarap sa mag-ina. Pinunasan ko ng isa kong palad ang aking mga luha saka ako tumalikod at nagtungo ng kuwarto. Inayos ko muna ang laman ng aking mega box. Kumuha ako ng ilang damit saka ko ipinasok sa aking back pack. Maging ang nakasampay kong uniporme sa aking trabaho ay ipinasok ko rin sa aking bag. Nang maayos ko ang dapat kong ayusin ay saka ko ito isinukbit sa aking likuran at humarap sa salamin na nakasabit sa dingding. Kitang kita ko roon ang pamumula ng aking kabilang pisngi at pagsimula ng pagmaga ng aking kabilang labi dahil sa pagkakasampal ng magaling kong madrasta. Pinunasan ko pa ang konting dugo sa aking labi bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Walang lingon-lingon kong dineretso ang pintuan at nagsuot ng rubber shoes. Kinuha ko rin sa shoe shelves ang duty shoes ko sa hotel.
“Hoy! Saan ka pupunta? May mga gagawin ka pa dito. Ano tatakas ka!?” habol na sigaw sa akin ni tiya. Pero hindi ko iyon pinansin bagkus ay dere-deretso akong lumabas upang makalayo sa kanila.
Maraming naka-abang na mga kapitbahay ko sa apartment namin nang lumabas ako. Kaya alam kong narinig nila ang pagtatalo naming iyon. Sadya talagang sikat ang pamilya namin sa mga ka apartment namin.
Pigil ko ang aking mga luha na gusto ng pumatak muli sa sobrang sama ng loob.
Ilang taon kong inipon ang perang iyon para sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Dahil wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang. Pangarap kong makapagtapos sa kurso na nais ko. Pero hindi pa ata iyon matutuloy dahil sa ginawa ng aking step sister…dahil sa mga ginawa nilang mag-ina. Kailangan kong umalis muna dahil kung magtatagal pa ako sa apartment ay baka sumabog na ng tuluyan ang sama ng aking loob at tuluyang makalimot.
Halos wala akong lakas ng pumara ako ng taxi upang magpahatid sa condo unit ng aking kaibigan. Pansamantala muna akong tutuloy roon dahil alam kong siya lamang ang buong tatanggap ng aking pagiging isa. Dahil siya lamang ang kakampi ko sa anumang problema. At doon nga ay hindi ko na napigilan pang lumuha at humagulgol. Inilabas ko na ng tuluyan ang kaninang gustong gusto ng sumabog. Hawak ang aking dibdib at buong katawan ko ay umuuga mula sa king pagkakahagulgol.
“Daddy, mommy…” tanging nabigkas ko na lamang. At muli sapol ng aking palad ang aking mukha sa muli kong pag-iyak.
“Miss, okay ka lang?” dinig niyang sabi ng driver ng taxi. Sumenyas lang ako rito na ipagpatuloy ang pagda-drive at huwag akong alalahanin.
JAKE ANDREWNakaupo ako sa mahabang sofa ng clinic na bahagya ko pang inayos ang aking suot na amerikano bago muling sumandal. Pangalawang beses ko na itong pagbisita sa clinic ng aking kaibigang psychiatrist na si Dr. David Tachie. Sa loob ng tatlong taong paghihirap sa aking karamdaman ay saka lang ako nakapag decide na magpatingin na in-advice ng aking private doctor.Pumasok sa k’wartong iyon ang aking kaibigan na nakasuot ng putting gown kasunod ang assistant nitong nurse na may dalang folder. Malamang ay iyon na ang result ng kaniyang blood test.Sinenyasan niya ang nurse na lumabas na at kinuha niya ang dalang resulta ng examine niya.“Kumusta, Jake?”aniyang nakangiti bago umupo banda sa kaniyang harapan.Nag-unat ako ng aking pagkakaupo upang makinig sa anumang sasabihin ni David.“Wala naman akong nakitang iba pang dahilan ng problema mo,” aniya sabay lapag ng records ko sa lamesing babasagin sa pagitan naming dalawa.“Kung wala akong problema sa ginawa mong test, bakit ko ka
JAKE ANDREWNapabalikwas ako ng bangon mula sa kaniyang pagkakatulog. Ramdam ko na puno ng butil ng pawis ang aking noo at habol ko ang aking hininga. Muli kong napanaginipan ang aking EX girlfriend na si Alyson. At ang panaginip na iyon ay paulit-ulit na eksena na kung saan nahuli ko ito sa malaswang scenario. At mula noon ay nawalan na ako ng gana sa mga babae. Lalo na sa mga babaeng nagpapapansin sa akin. Harap harapan kung magparamdam na gusto ako. Ang iba nga’y inaaya pa ako sa isang one night stand. O ‘di kaya’y friends with benefits. Pero ang lahat ng iyon ay tinanggihan ko. Dahil mababa na ang tingin ko sa mga babaeng lumalapit sa akin ng walang pag-aalinlangan.Akala ng iba dahil lapitin ako ng mga nag gagandahang babae ay babaero na ako o kaya’y sabihing chick boy, na matinik sa mga babae. Na papalit-palit ng mga girlfriend kahit wala naman akong girlfriend. Ako si Jake Andrew Gyunho. Half Korean half Filipino. A billionaire and known as a smart business man. I am famous b
JOYCE ANNKanina pa hindi nagpa-function ang aking utak. Hindi ako makapag concentrate sa aking trabaho. Marami na akong palpak na nagawa mula pa sa umpisa ng aking pagta trabaho. Hindi kasi maalis sa aking isipan ang sinabi ng aking kaibigang si Mystica. Binigyan kasi ako ng raket nito at dapat ko itong pag-isipan ng isang araw lang. Bukas na kasi magaganap ang raket na iyon at malaking halaga ang ibabayad sa kanila. Raket na first time ko kung sakaling gagawin ko iyon.Ang raket kasi na iyon ay ang pagsayaw niya sa isang stag party. Sasayaw, gigiling siya na nakasuot ng two-piece na kulay red at papatungan ng manipis na kulay red ding sexy lingerie.Kakayanin kaya niya iyon?Binigyan lamang siya ng isang araw ng kaibigan para mag desisyon. Kailangan niya ang pera dahil nangako siya sa kanilang land lady na magbabayad siya ng upa bukas. Hindi niya gusto ang ganung raket pero no choice siya dahil iyon lamang ang paraan upang makakuha siya ng pambayad sa upa.Napatigil ako bigla sa aki
JAKE ANDREW Matagal akong nakatayo sa harapan ng pintuan ng elevator. Ilan na rin ang nakasakay roon at nag tanong sa akin kung sasakay ba kami, kasama ko kasi ang aking personal assistant sa mga oras na iyon pero tumanggi lamang ako.“Sir Jake?” ani ng aking personal assistant sa aking likuran. Nilingon ko ito na seryosong nakatitig lamang sa akin at tulad ko ay nakasuot din ito ng amerikano. “Palagay mo dapat ba akong tumuloy?” sabay harap kong muli sa pintuan ng elevator na noo'y naka down na. Sabay no’n ang pagbunting hininga ko. “Sige na Loi, pwede ka ng umuwi. Hindi naman kita kailangan sa pupuntahan ko,” ngiti kong sabi sa aking assistant na halos kasing edad ko lamang. Nakita koang pagbabago ng expression ng mukha nito.Tulad ko ay nasa height din ito ng 188 cm at bigat na 68 kg. Pareho din kaming may magandang pangangatawan. Moreno ito samantalang ako ay mistiso. At higit sa lahat itinuturing ko itong kapatid. Para kaming magbarkada kung kami lamang. Natawa sa akin ang ak
JOYCE ANN Unti-unting nag dilat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang mahinang pag-alog sa aking balikat. Nagising na ako ng tuluyan at agad naupo at sumadal sa head board ng kama sabay hawak sa aking ulo dahil sa naramdaman ko ang sakit nito. “Masakit ba ang ulo mo?” si Mystica na naka-upo sa gilid ng aking hinihigaang kama. Tumango ako rito habang pupungas-pungas pa ng mata dahil ramdam ko pa ang aking pagka-antok, pero masakit ang aking ulo. “Bumangon ka na riyan maaga pa ang pasok mo ‘di ba?” muling salita ng aking kaibigan. “Anong oras na ba?” Sabay tingin ko sa alarm clock na nasa side table ng aking higaan. Alas y singko na ng madaling araw. Oras na iyon para ihanda na niya ang kaniyang sarili sa pagpasok niya sa trabaho. Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan dahilan para ako ay magulat. Nakasuot pa ako ng pulang lingerie na agad kong naalala ang nangyari sa nagdaang gabi. “Paanong—anong nangyari kagabi, Misty?” agad kong tanong sa nakatitig sa aking
Hawak ni Jake ang sintido ng kaniyang ulo habang nakikipag-usap siya sa kaniyang kaibigang psychiatrist na si David. Nasa loob siya ng kaniyang kotse na minamaneho naman ng kaniyang assistant na si Loi. Pauwi sila nang mga oras na iyon sa kaniyang unit. Masakit ang kaniyang ulo dahil sa mga nagdaang gabi ng kaniyang pag-iinom ng alak. "Loi," aniya nang matapos ang pag-uusap nila ni David sa phone."Yes, sir?" sagot naman nito kay Jake sabay silip nito sa salamin na nasa taas ng kaniyang ulo."Kumusta ang pinahahanap ko sa'yo?" tanong ni Jake habang nakamasid sa assistant."Walang ibinigay na impormasyon si Ally sa akin tungkol sa babaeng naka maskara. Ayon sa kaniya hindi daw ibinibigay ni Miss dela Cruz ang info ng mga hawak niyang babae lalo na raw sa nakamaskarang iyon. At sir, hindi raw iyon nag tatrabaho sa mismong club." report ni Loi kay Jake.Napakunot ng noo si Jake sa kaniyang narinig. "Ginawa mo rin bang puntahan ang restaurant na sinabi ko sayo?" dahil late na rin naalal
"Ano ang mga iyan?" bungad na tanong ni Susie kay Joyce ng maabutan siyang naglalagay ng kaniyang mga bag sa ibabaw ng locker nila."Pinalayas ka ba?" muli nitong tanong."Wala 'to, huwag mo akong intindihin. Ano? May on call ba tayo?" ani ni Joyce sabay ayos ng kaniyang sarili."Ikaw meron solo, kami ni Carla sa condo unit ng San Teatris." sagot ni Susie na nakatuon pa rin ang paningin sa mga bag na nasa ibabaw ng locker. "May problema ka ata sa inyo kasi mukhang umalis ka eh,""Sus, huwag mo akong intindihin at may pupuntahan akong bahay," sagot muli ni Joyce na talaga naman na may pupuntahan siyang bahay at iyon nga sa apartment ng kaibigan niyang si Mystica. Na text niya ito kanina pang nasa taxi siya na doon siya tutuloy dahil sa nangyari. At talaga naman ay pumayag ito at welcome na welcome raw siya roon anytime.Sabay na lumabas ng locker room sila Joyce pero nagkahiwalay lang sila ng pupuntahan. Si Susie ay kukuha ng kanilang gamit pang linis habang siya ay pupunta pa lang pa
Tama ba ang naririnig ni Joyce? Na ang Jake na ito ay sasama sa loob ng kanilang kompanya? At kasama rin ang kaniyang alalay na kanina pa niya iniisip kung sa'n ba niya ito nakita.Hindi mapakali si Joyce sa kaniyang paglalakad patungo sa elevator. Kinakabahan kasi siya sa kaniyang hinala. Iniisip niya na kaya ito ang naghatid para makapunta siya sa kompanya nila at direct itong mag complain sa kanilang manager. "Sir!" biglang pagharap ni Joyce sa binata na naka sunod sa kaniya. "Irereport mo po ba ako? May nagawa ba akong kasalanan? Ahhhh...yung kanina po ba? Yung pagduduro ko po ba sa picture? Ah! siguro kasama na rin 'yong pagbubulong ko kanina o di kaya sa bigla kong pagsara ng pinto ng elevator?" tarantang salita ni Joyce sa binata na ikinataas ng isa nitong kilay."At talagang inaamin mo ngayon sa akin ang mga nagawa mong kasalanan?" ani ni Jake sabay pamulsa niya ng dalawa nitong kamay sa kaniyang pants. Hinarap ni Jake ang assistant niyang si Loi."Tara na Loi, inaantay na t