JOYCE ANN
Kanina pa hindi nagpa-function ang aking utak. Hindi ako makapag concentrate sa aking trabaho. Marami na akong palpak na nagawa mula pa sa umpisa ng aking pagta trabaho. Hindi kasi maalis sa aking isipan ang sinabi ng aking kaibigang si Mystica. Binigyan kasi ako ng raket nito at dapat ko itong pag-isipan ng isang araw lang. Bukas na kasi magaganap ang raket na iyon at malaking halaga ang ibabayad sa kanila. Raket na first time ko kung sakaling gagawin ko iyon.
Ang raket kasi na iyon ay ang pagsayaw niya sa isang stag party. Sasayaw, gigiling siya na nakasuot ng two-piece na kulay red at papatungan ng manipis na kulay red ding sexy lingerie.
Kakayanin kaya niya iyon?
Binigyan lamang siya ng isang araw ng kaibigan para mag desisyon. Kailangan niya ang pera dahil nangako siya sa kanilang land lady na magbabayad siya ng upa bukas. Hindi niya gusto ang ganung raket pero no choice siya dahil iyon lamang ang paraan upang makakuha siya ng pambayad sa upa.
Napatigil ako bigla sa aking iniisip nang bigla akong kalabitin ng kasama ko.
“Ang manager natin papunta dito,” aniya sa akin sabay nguso sa dereks’yon ng naglalakad na manager.
Umayos ako ng tayo sa aking p’westo dahil wala pa naman akong ia- assist na costumer. Tsinek ko ang suot kong uniporme kung maayos ba itong naka tack-in sa aking skirt at ang name tag ko na tabinging naka pin sa kaliwang dibdib ko ay idineretso ko ito.
“Ikaw Miss Hernandez, mag focus ka sa trabaho mo! Kanina ka pa wala sa ulirat, anim na oras lang ang trabaho mo pumapalpak ka pa!” ang masungit na bungad kaagad sa kaniya ng manager.
“Oh, ano pang inaantay mo? May bagong pasok na costumer.” Sabay hawak nito sa aking balikat para itulak niya ako ng bahagya.
Mabilis akong lumapit sa bagong pasok na costumer. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya ng ito ay tumingin sa akin. “Can I take your order, sir?” sabi ko sa guwapong costumer.
“No. Later, may inaantay pa ako,” sarcastic nitong sagot na agad ko naman pagtango at ngumiti uli ako ng tipid dito.
Bumalik ako sa aking p’westo kung saan ang mga katulad naming waitress ay nakatayo sa isang corner ng restaurant. Nag-aantay ng mga costumer na aming seserbisyuhan.
“Nakita mo ba? Ang guwapo niya talaga,” ani sa akin ng katrabaho ko.
Napakunot ang aking noo, “Sino?”
“Iyong nilapitan mo kanina. Kilalang kilala iyan sa social media. May malaki nga ‘yang billboard sa edsa at sa mga malls,” may halong kilig na salita ng kasamahan.
Sinulyapan ko naman ang costumer na iyon na tinitingnan ng kaniyang katabi.
“Guwapo nga ito. Bakit? Artista ba siya?” ani kong muli sabay sulyap sa kinauupuan ng guwapong costumer na noo’y nakatingin na rin sa kanilang p’westo. Ngumiti ako rito ng tipid.
“Ano ka ba? Hindi ka ba updated sa social media or nagbabasa ng magazine? Hindi siya artista pero sikat siya kasi siya lamang ang batang naging successful sa negosyo noh. Biro mo sa edad niyang bente y tres nagsimula na siyang mag handle ng business nila sa company ng kaniyang mga magulang. Tas’ ayun na nga— sa huli kong binasa sa article tungkol sa kaniya eh,” bigla itong napahinto sa pag kukuwento ng palihim dahil nakita niya ang pagtawag ng lalake sa akin.
Agad akong lumapit dito at napansin ko agad ang napaka gandang dalaga na nagsasalita sa harapan nito at titig na titig sa lalake. Nakahawi sa side ng balikat ang mahaba at kulot nitong buhok. At lalong nagpatingkad sa kaniyang kagandahan ang suot nitong damit na sobrang hapit at may malaking uka sa bandang dibdib dahilan upang ma-expose ang nagyayaman nitong dibdib.
Habang eto namang lalake na sikat daw eh, parang wala itong naririnig sa mga sinasabi ng babae. At parang balewala ang ganda nito sa kaniya.
“Are you gonna order,sir?” tipid kong tanong rito. Napansin ko agad ang pagsalubong ng kilay nito sa akin. As in wala naman siyang ginagawang masama. Nag-isip pa ako, tama ba ang sinabi ko o baka may mali akong nasabi rito?
Inabot ko na lamang ang menu sa dalawa. At inihanda ko ang dala kong maliit na pad para doon isulat ang kanilang order.
Masyadong seryoso ang mukha ng lalake habang nagsasabi ng order sa akin. Hindi ito ngumingiti. Pero aaminin niya na hindi nababawasan ang ka guwapuhan ng lalake kahit na hindi ito naka ngiti. At aaminin niya na malakas nga ang appeal nito at parang kay bango nito sa itsura ng kaniyang porma at pananamit.
Ano ba ang relasyon na meron dito sa dalawa? Usal ng kaniyang isipan.
Pagkatapos niyang ma-ibigay ang mga order ng mga ito ay bumalik na siya sa kaniyang puwesto. Ang kasama niya kanina ay wala sa kaniyang puwesto dahil sa mag-aasikaso na rin ito ng bagong pasok na costumer.
Napansin niyang masiyadong seryoso ang pag-uusap ng dalawa. Nakaharap kasi sa kaniyang dereksiyon ang puwesto ng lalake at nakatalikod naman sa kaniya ang kausap nitong babae. Pero sa kaniyang pagmamasid ay malamang tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan ng mga ito. Wala kasi siyang lambing na makikita sa mukha ng lalake.
Nakita niya ang pagtayo ng magandang babae na may hawak na kopita.
Bigla akong napatakip ng kamay sa aking bibig ng masaksihan ko ang pagbuhos ng champaign ng magandang babae sa ulo ng lalake na walang reaksiyon. Para bang alam na nito ang mangyayari sa kaniya. At doon ay umalis ang babae.
Nagmadali akong kumuha ng table napkin sa aking likurang devider at tinungo ang lalake na noo’y nagpupunas na ng kaniyang suot na amerikano. Hindi ko alam kung saan ko ba pupunasan ang lalake. Pero kusa na lang umangat ang aking kamay para punasan ang kaniyang ulo pati na ang kaniyang mukha.
“Are you okay, sir?” tanong ko rito na may halong pag-aalala na ikinagulat nito sa aking ginawa.
“Yes, I am,” sagot naman nito.
Napansin niya na kumulay na sa panloob nitong polo ang kulay ng champaign.
“Sir, kailangan mo sigurong magpalit?” muli kong salita kasabay noon ang pagpunas ko sa kaniyang balikat.
“Don’t touch me!” salita ng lalake na aking ikinagulat.
“Sorry po,”
Sa sobrang hiya ko sa aking ginawa ay napayuko na lamang ako.
“Sir, may problema po bang nangyari?Manager po ako rito, may ginawa po ba sayo ang waitress namin?” ani ng aming manager na hindi ko namalayan ang kaniyang paglapit.
“Nothing,” sagot na mabilis ng lalake sabay kuha nito ng wallet at kinuha ang kaniyang credit card saka iniabot sa aming manager na agad naman nitong tinanggap.
Naramdaman ko ang paghawak ng aming manager sa aking braso at hinila niya ako sa corner ng counter. Inabot nito sa kahera ang card at sinabi rito kung anong table. Bago ako naman ang hinarap nito. Nagagalit ang mga mata nitong nakatitig sa akin, kaya naman napayuko na lamang ako.
“Mula pang kaninang pumasok ka ay kung anong kapalpakan na ang nagawa mo. Yung order kanina nabitawan mo, tapos nagkapalit ang order ng table 14 sa table 13. Tapos ngayon ano? Nabuhusan mo ng something ang costumer natin na si Mr. Jake?” galit nitong salita. “Hindi mo ba naiisip kung sinong tao ang nabuhusan mo, ha?”
“Pero sir—” pagtatangka kong pagpapaliwanag pero naudlot ito dahil nakaduro agad sa mukha ko ang hintuturo ng aming manager. Sobra akong naaawa sa aking sarili dahil alam niyang nakatingin na sa kanilang p’westo ang ilan niyang kasamahang waiter at waitress maging ang kahera sa counter.
“Ano? Magpapaliwanag ka pa? Kung may problema ka sa inyo, wag mong dalhin dito! Kaya nagsisisi ako kung bakit pa kita tinanggap wala ka naman experience! Akala ko ay okay ka pero eto, lumabas na mga kapalpakan mo!” pagdidiin pang salita nito sa aking mukha.
Tumulong bigla ang aking luha dahil wala akong magawa. Sobra akong nasasaktan sa aking naririnig. Parang kay baba ng pagtingin sa akin ng aming manager. Hindi ko man lang madepensahan ang aking sarili sa bagay na hindi ko naman ginawa. Ang masakit pa ay sobra siyang napapahiya.
“What are you doing?” boses na ikinagulat naming pareho ng aming manager. Pareho kaming napalingon sa kinaroroonan nito.
Mabilis kong pinunasan ng aking palad ang luhang umagos sa aking pisngi dahil nakatingin ang costumer kong lalake sa akin.
“Sir! Eto na po pala ang credit card mo. At ako na po ang humihingi ng pasensya sa ginawa sayo ng aming tao. Hayaan nyo po at tatanggalin ko na po siya sa kaniyang trabaho. Sorry po talaga, sir.” Salitang narinig ko na halos hindi ko matanggap. Nangungusap ang aking mata sa aking manager.
Bakit naman biglaan? Bakit ngayon pa? Mga salitang gusto niyang sabihin sa kaniyang manager.
Nagsalubong ng kilay ang lalake ng kuhanin nito ang kaniyang credit card at ipasok sa kaniyang wallet. Saka muli itong sumulyap sa akin.
Bigla kong naramdaman ang pagsiko sa akin ng aking manager.
“Humingi ka ng sorry sa kaniya,” bulong nito sa akin kasabay ng pagtuturo ng mukha nito sa lalake.
“Why would she apologize to me? She has done nothing wrong. So why would you fire her?” seryoso nitong salita sa ‘di nakakibong manager. Bahagyang nagulat ito sa salitang narinig niya. Maging ako ay nagulat din. At parang bigla akong nagkaro’n ng pag-asa. Hindi ako nakakibo nang muli itong tumingin sa akin.
“Actually, you should be fired on your job. Don’t treat your employee like that in front of me and to her co-worker’s and to the other’s costumer’s too. Hindi isang ugali ng isang matinong manager ang ipahiya ang kaniyang tao dito mismo sa kinatatayuan nyo.”
Pagdidiin nito sa huling salita sa manager namin na ngayon ay gulat na gulat sa kaniyang narinig. Halos hindi ito makasagot sa kaharap na lalake.Na noo’y ipinakita nito ang paligid na kinatatayuan nila. At nakuha ko agad ang ibig sabihin nito.
Napatulala akong bigla sa magandang awra na lumitaw sa lalakeng ito. Para bang naging isa ko siyang super hero na nagtatanggol ng naaapi. Nagkaroon ng pag-asang muli mula sa kaniyang pagkakalugmok.
“Ahhh, sir sorry po,” paghingi ng paumanhin ng manager.
“Hindi ka dapat sa akin humingi ng sorry kundi sa employee mo na hinusgahan mo agad without asking her kung ano ba talaga ang nangyari.” Sarcastic nitong salita sa aming manager na kitang kita ko sa mukha nito ang pagkapahiya.
“Kung tutuusin p’wede kong kausapin ang may-ari ng restaurant na ito para i-report sa kaniya ang ginawa mo or bilhin ko kaya para ikaw ang unang-una kong sisisantehin,” dugtong nitong muli sabay pamulsa ng isa nitong kamay.
“Sir, huwag po. Hindi na po mauulit. Sorry po talaga, sorry Ms. Joyce sa ginawa ko sayo ngayon. I sincere ipologize for what I told you earlier.” Aniya na humarap pa sa akin at ang mukha ay nagsusamo.
“Sir, okay lang po. Sorry din po kanina sa mga nagawa ko po,” sagot ko naman na sabay senyas ng aking kamay na ibig sabihin ay wala po iyon.
Bago pa ako makapagsalita sa costumer kong lalake para magpasalamat ay umalis na ito agad-agad. Nalungkot ako bigla sa mabilis nitong pag-alis. Kaya naman nang
Hahabulin ko na sana ito ay bigla akong pinigilan ng aking manager.
“Baka akala mo ay ayos na ang lahat dahil sa sinabi ni Mr. Jake. Oo, ma-impluwensiya siyang tao at anuman ang sabihin nito ay makukuha niya. Pero since wala na ito ay p’wede ka ng umuwi.” Yun lang at tinalikuran na siya ng kanilang manager.
Para akong na-istatwa sa aking kinatatayuan sa aking narinig. Akala ko ay ayos na dahil sa tulong na ginawa ng lalakeng iyon, pero nagkamali pala ako dahil palabas lang pala ang paghingi ng sorry ng kaniyang manager. Tanggal pa rin pala ang kinasadlakan ko.
“Ganyan ‘yan lagi, kaya maraming nagagalit sa kaniyang mga empleyadong regular. Wala sa ayos kung magtanggal lang ng mga employee,” ani ng kahera sa kaniya na habol pa ang tingin sa manager na noo’y may itinuturo sa isang waiter.
Wala akong nagawa kundi ang magpalit na lamang ng damit sa aming locker room. Malungkot akong lumabas at nagtungo sa opisina ng aming manager dahil pinatawag ako roon. Nalaman ng mga kasama ko ang nangyari sa akin. Tulad ko ay wala rin sila magawa para magreklamo sa maling pamamalakad ng manager lalo na sa mga tulad kong part timer lamang.
Ibinigay lamang sa akin ang sahod ko sa ilang araw na ipinasok at ikinaltas roon ang mga nabasag kong utensils kanina.
“Nakakadismaya ang araw na ito sa akin,” usal ng aking isipan. Wala akong dapat sisihin kundi ang aking sarili. Dahil dinala ko sa aking trabaho ang pag-iisip ko sa raket na sinabi sa akin ng aking kaibigan.
Kinuha ko sa aking bag ang aking wallet at inilagay roon ang pera. Bago kinuha ko ang de pindot kong cellphone upang i-text si Mystica at sabihin na pumapayag na ako sa raket na ibibigay niya sa akin. Dahil wala na rin akong ibang choice para kumita ng malaki.
At pagkatapos ng raket na iyan ay kailangan niyang gumawa ng paraan para mapuno ng trabaho ang bawat oras na dadaan sa buong isang araw niya.
“Kaya mo ‘yan, Joyce! Fight lang!” muling usal ng aking isipan. Saka isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan.
JAKE ANDREW Matagal akong nakatayo sa harapan ng pintuan ng elevator. Ilan na rin ang nakasakay roon at nag tanong sa akin kung sasakay ba kami, kasama ko kasi ang aking personal assistant sa mga oras na iyon pero tumanggi lamang ako.“Sir Jake?” ani ng aking personal assistant sa aking likuran. Nilingon ko ito na seryosong nakatitig lamang sa akin at tulad ko ay nakasuot din ito ng amerikano. “Palagay mo dapat ba akong tumuloy?” sabay harap kong muli sa pintuan ng elevator na noo'y naka down na. Sabay no’n ang pagbunting hininga ko. “Sige na Loi, pwede ka ng umuwi. Hindi naman kita kailangan sa pupuntahan ko,” ngiti kong sabi sa aking assistant na halos kasing edad ko lamang. Nakita koang pagbabago ng expression ng mukha nito.Tulad ko ay nasa height din ito ng 188 cm at bigat na 68 kg. Pareho din kaming may magandang pangangatawan. Moreno ito samantalang ako ay mistiso. At higit sa lahat itinuturing ko itong kapatid. Para kaming magbarkada kung kami lamang. Natawa sa akin ang ak
JOYCE ANN Unti-unting nag dilat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang mahinang pag-alog sa aking balikat. Nagising na ako ng tuluyan at agad naupo at sumadal sa head board ng kama sabay hawak sa aking ulo dahil sa naramdaman ko ang sakit nito. “Masakit ba ang ulo mo?” si Mystica na naka-upo sa gilid ng aking hinihigaang kama. Tumango ako rito habang pupungas-pungas pa ng mata dahil ramdam ko pa ang aking pagka-antok, pero masakit ang aking ulo. “Bumangon ka na riyan maaga pa ang pasok mo ‘di ba?” muling salita ng aking kaibigan. “Anong oras na ba?” Sabay tingin ko sa alarm clock na nasa side table ng aking higaan. Alas y singko na ng madaling araw. Oras na iyon para ihanda na niya ang kaniyang sarili sa pagpasok niya sa trabaho. Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan dahilan para ako ay magulat. Nakasuot pa ako ng pulang lingerie na agad kong naalala ang nangyari sa nagdaang gabi. “Paanong—anong nangyari kagabi, Misty?” agad kong tanong sa nakatitig sa aking
Hawak ni Jake ang sintido ng kaniyang ulo habang nakikipag-usap siya sa kaniyang kaibigang psychiatrist na si David. Nasa loob siya ng kaniyang kotse na minamaneho naman ng kaniyang assistant na si Loi. Pauwi sila nang mga oras na iyon sa kaniyang unit. Masakit ang kaniyang ulo dahil sa mga nagdaang gabi ng kaniyang pag-iinom ng alak. "Loi," aniya nang matapos ang pag-uusap nila ni David sa phone."Yes, sir?" sagot naman nito kay Jake sabay silip nito sa salamin na nasa taas ng kaniyang ulo."Kumusta ang pinahahanap ko sa'yo?" tanong ni Jake habang nakamasid sa assistant."Walang ibinigay na impormasyon si Ally sa akin tungkol sa babaeng naka maskara. Ayon sa kaniya hindi daw ibinibigay ni Miss dela Cruz ang info ng mga hawak niyang babae lalo na raw sa nakamaskarang iyon. At sir, hindi raw iyon nag tatrabaho sa mismong club." report ni Loi kay Jake.Napakunot ng noo si Jake sa kaniyang narinig. "Ginawa mo rin bang puntahan ang restaurant na sinabi ko sayo?" dahil late na rin naalal
"Ano ang mga iyan?" bungad na tanong ni Susie kay Joyce ng maabutan siyang naglalagay ng kaniyang mga bag sa ibabaw ng locker nila."Pinalayas ka ba?" muli nitong tanong."Wala 'to, huwag mo akong intindihin. Ano? May on call ba tayo?" ani ni Joyce sabay ayos ng kaniyang sarili."Ikaw meron solo, kami ni Carla sa condo unit ng San Teatris." sagot ni Susie na nakatuon pa rin ang paningin sa mga bag na nasa ibabaw ng locker. "May problema ka ata sa inyo kasi mukhang umalis ka eh,""Sus, huwag mo akong intindihin at may pupuntahan akong bahay," sagot muli ni Joyce na talaga naman na may pupuntahan siyang bahay at iyon nga sa apartment ng kaibigan niyang si Mystica. Na text niya ito kanina pang nasa taxi siya na doon siya tutuloy dahil sa nangyari. At talaga naman ay pumayag ito at welcome na welcome raw siya roon anytime.Sabay na lumabas ng locker room sila Joyce pero nagkahiwalay lang sila ng pupuntahan. Si Susie ay kukuha ng kanilang gamit pang linis habang siya ay pupunta pa lang pa
Tama ba ang naririnig ni Joyce? Na ang Jake na ito ay sasama sa loob ng kanilang kompanya? At kasama rin ang kaniyang alalay na kanina pa niya iniisip kung sa'n ba niya ito nakita.Hindi mapakali si Joyce sa kaniyang paglalakad patungo sa elevator. Kinakabahan kasi siya sa kaniyang hinala. Iniisip niya na kaya ito ang naghatid para makapunta siya sa kompanya nila at direct itong mag complain sa kanilang manager. "Sir!" biglang pagharap ni Joyce sa binata na naka sunod sa kaniya. "Irereport mo po ba ako? May nagawa ba akong kasalanan? Ahhhh...yung kanina po ba? Yung pagduduro ko po ba sa picture? Ah! siguro kasama na rin 'yong pagbubulong ko kanina o di kaya sa bigla kong pagsara ng pinto ng elevator?" tarantang salita ni Joyce sa binata na ikinataas ng isa nitong kilay."At talagang inaamin mo ngayon sa akin ang mga nagawa mong kasalanan?" ani ni Jake sabay pamulsa niya ng dalawa nitong kamay sa kaniyang pants. Hinarap ni Jake ang assistant niyang si Loi."Tara na Loi, inaantay na t
JAKE ANDREWNasa kamay ko na ang resulta ng pag-iimbistiga sa buong pagkatao ni Joyce Anne. Maging ang kuha sa cctv ng hotel kung saan naganap ang stag party ng aking kaibigang si Beltran. Sa mga kuha nito ay hindi nga ako nagkamali na ang babaeng nakamaskara at ang babaeng naglilinis ng kaniyang unit at ang babaeng nasa restaurant ay iisa lamang. Marahil nga ay lubos ang pangangailangan ng dalagang ito sapagkat base sa kaniyang mga nabasa ay hindi lang ito nagtatrabaho sa isang Happiness clean kundi sa gabi ay sa hotel din bilang isang house keeping. Joyce Anne Hernandez ang nag-iisang anak ng dating beauty pageant at masipag na asawang namayapa na rin. At ngayon nasa poder siya ng kaniyang step mother at step sister na ayon sa mga kapit bahay nila sa apartment ay minamaltrato ng mag-ina. At siya ang halos lahat gumagastos sa mga pangangailangan ng mga ito at dagdag pa sa nahinto ito sa pag-aaral dahil sa hindi na ito pinag-aral ng kaniyang step mom.Akala ko ang ganitong pangyayari
Ngumisi sa akin ang kaharap kong si Jake bago yumukong bigla na mabilis kong iniwasan sapagkat kung magkataon ay mahahalikan niya ako."Hindi ko dinadamay ang maganda mong reputasyon dito sa hotel. Sinasabi ko lang ang kaya kong gawin," aniya sa akin sabay tingin nito sa aking mga labi.Mabilis ang aking pagkilos at agad akong lumayo sa kaharap kong si Jake."Ganyan ba talaga kayo? Kapag tinanggihan kayo sa gusto ninyong mangyari ay gagawa kayo ng paraan para malugmok kami para hindi kami makatanggi sa alok nyo?" sabi ko dahil iyon talaga ang nakikita kong gagawin ng mayamang si Jake. Ang gipitin ako upang hindi na makatanggi sa alok nito. Pero hindi ako ganong tao. Minsan na akong nakagawa ng bagay na labag sa aking kalooban at ayoko ng maulit iyon.Tumalikod ako saka muling inihakbang ko ang aking mga paa palayo sa Jake na ito."Bukas na bukas ay hindi ka na makakapasok dito sa hotel," muli nitong sabi na sobra ko na talagang kinaiinisan."Gawin mo sir. Wala naman akong laban sa isa
Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin na agad na nagpamulat sa aking mga mata. "Narito na tayo," sabi ng katabi kong si Jake na nakatingin sa akin. Mabilis ang pagderetso ko ng upo sapagkat hindi ko napansin na ibinaba pala ng lalakeng ito ang sandalang upuan dahilan ng aking malalim na pagkakatulog. Hinila ko ang nakapatong na americano at nag-isip ako kung ibibigay ko pa ba ito o lalabhan ko muna. Nabasa na kasi ito ng aking basang damit dahil sa ulan kanina."Sige na para makapagpalit ka agad at baka magkasakit ka pa," mahinahon nitong salita. "Saka na lang uli tayo mag-usap kapag okay ka ng humarap sa akin," dugtong nito. Napangiti ako sa aking sarili. Akala ko ay bukal sa kaniyang kalooban ang tulungan ako ngayong gabi pero parang may plano ito kaya naging mabait ito ng ilang minuto sa akin.Binuksan ko ang pinto at lumabas ako na hawak ko ang kaniyang suit."Lalabhan ko muna ito bago ibalik sa'yo. Pasensya na sa abala," sabi ko sa kaniya."Alam kong may mabigat kang pinagdada
Dalawang araw ding nasa U.S si Jake kasama ang pamilya ni Stephanie. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay maka ilang beses itong tumatawag at nagbi-video call kay Joyce kasama na ang kanilang anak na si Jonas. Hindi naman nakaramdam ng selos si Joyce kahit alam niyang magkasama ang dalawa dahil alam niya sa kaniyang sarili na tumutulong lamang si Jake para sa kabutihan ni Stephanie at dahil na rin sa pakiusap ng mga magulang nito. "Ma'm Joyce?" ani ng isang may edad na babae na nakasalamin ang lumapit kay Joyce. "Yes, po?" sagot ni Joyce sa may edad na babae. "Tawag po kayo ng Chairman sa kaniyang opisina," ani nito sabay ayos ng kaniyang salamin sa mata. Mula kasi ng umalis si Jake ay saka dumating ang Papa nito na Chairman ng GGC. Sa ilang araw ay hindi pa niya natetyempuhan ang ama ni Jake. Tumayo siya at inayos ang kaniyang sarili bago sumunod sa may edad na babae. Medyo kinakabahan si Joyce dahil sa pangalawang pagkakataon ay magkikita silang muli ng ama ni Jake. Pagpas
JOYCE ANNE Masaya ako sa nangyari sa amin ni Jake. Akala ko no'ng magising ako ay isa lamang iyong wet dreams pero hindi pala dahil sa katabi ko pa itong natutulog at kapwa kami nakayakap sa isa't isa. "Ma'm mula po kaninang pagpasok ninyo ay napansin ko na po iyang ngiting yan... at sa pagkakaalam ko po kahapon ay namumula ang pisngi ninyo dahil sa mga sampal ng bruhang si Stephanie na yun... pero bakit po hanggang ngayon ay namumula pa rin iyan?" bating bigla sa akin ni Glenda na titig na titig sa akin. At hindi lang siya maging ang aking ka team ay gano'n rin."Ha? Namumula ako ngayon?" ang hindi ko makapaniwalang tanong sabay hipo ko sa sarili kong pisngi."Alam ko na kung bakit?!" masayang salita ni Carla. "Kinikilig kasi si Ma'm dahil sila na ni big boss," aniya."Ay, oo nga ano! Usap usapan nga pala kayo kahapon mula sa sweetness hanggang sa nagkagulo. Wow! Ang daming nangyari kahapong action na live pa talaga. At malamang may maganda uling nangyari kay Ma'm at kay Sir!" kini
JOYCE ANNE"Mom... my?" excited na lumapit sa akin si Jonas pero napahinto ito ng may mapansin agad sa akin."Are you hurt?" pag-aalala nitong tanong ng hawakan nito ang suot kong cream slacks na may bahid na dugo. At saka napatingin ito kay Jake. "Hi, baby!" nakangiting bati ni Jake sabay upo nito upang salubungin ng yakap ang aming anak pero umatras ito sa kaniyang Daddy."Did you hurt my mommy?" aniyang mangiyak ngiyak.Nagulat kami ng marinig namin iyon at nagkatinginan kami ni Jake."Of course not! I can't hurt your mommy because i love her," ani ni Jake sabay akbay sa akin."He didn't hurt me Jonas," sabi ko rin."Why you have that?" sabay turo niya sa mga bahid ng dugo sa aking pants at blouse."It's a long story my baby... and it's not important now. The important is...the status of our relationship of your mommy," masayang sabi ni Jake."Don't tell me that both of you are okay now? I have now complete family?" biglang saya ng mukha ni Jonas.Sabay kaming tumango ni Jake sa a
JOYCE ANNEPagbalik ko ng Department namin ay nabungaran ko agad si Glenda na sumenyas ang kaniyang mga mata at itinuturo nito ng palihim ang aking puwesto.Si Stephanie ay nakatayo sa gilid ng aking mesa at nakahalukipkip pa ito ng kaniyang mga braso dagdag pa ang matalim na tingin nito sa akin.Nagulantang ako ng salubungin ako nito ng napakalakas na sampal at hindi pa ito nakontento ay sinundan pa niya ito ng isa pang sampal.Hawak ko ang aking pisngi ng tumingin kay Stephanie. Si Carla na ka team ko at si Glenda ay naka alalay ka agad sa akin."Ano?! Kay Joyce ba kayo?! Gusto ninyong matanggal sa trabaho?!" sitang bigla ni Stephanie sa dalawa kong ka team."Ikaw! Masaya ka dahil nakuha mo na ng tuluyan si Jake at maging ang atensyon ng lahat ay nakuha mo. Pabida ang datingan mo! Kung hindi ko lang alam na isa kang mababang babae na bayaran para sa serbisyo ni Jake! Bakit? Akala mo hindi ko alam ang lahat ng iyon? Hindi ako tanga! Kung noon napatahimik ako ni Jake ngayon hindi na!
JOYCE ANNENaging busy ang lahat sa muling pagbubukas ng Coffee shop ni Uncle. Kasabay no'n ay hindi ko na napagkikita si Jake mula ng magtapat ito ng kaniyang nararamdaman. Maka ilang beses na akong nagtatanong kay Jonas kung nagpupunta ba ito para dalawin siya na oo naman ang siyang sagot ng aking anak. Pero hindi ko ito nadadatnan sa aming bahay. Dagdag pa na tuluyan ng ibinenta ng buo ang extension house nito sa akin. Ang nakakainis pa ay minsan si Loi ang nagsundo kay Jonas upang mamasyal sila ni Jake at dalhin sa lolo at lola nito. Lalo na't parang nanadya si Stephanie na magparinig sa kaniya ng ilang beses na kesyo nagkakalinawagan na daw sila ni Jake at ilang beses ng nag de date. Kung makapag k'wento pa ito sa mga ka team niya ay ubod ng lakas. Para itong naka microphone para marinig ng buong Department ang status nila ni Jake na siyang kinaiinisan ko.At ngayon nga ay usap usapan ang nababasa ng mga empleyado sa celebrity news ang patungkol kay Jake at sa kanilang anak.Nag
JAKE ANDREW"Umuwi ka na Loi, magpapahinga lang ako at mawawala rin itong lagnat ko mamaya," sabi ko kay Loi na nakatayo sa gilid ko. Sa mga oras no'n ay nakahiga ako sa sofa."Sir lumipat po kaya kayo sa inyong kuwarto," ani ni Loi."Don't worry Loi lilipat din ako roon maya maya. For now umuwi ka muna sa Misis mo at nakainom naman na ako ng gamot," sabi kong muli."Are you sure na hindi n'yo na po ako kailangan?" muling tanong ni Loi na tinanguan ko bago ako pumikit. Hindi ko na naramdaman ang pag-alis ni Loi dahil sa nakatulog ako agad. Epekto marahil ng gamot na ininom ko.Naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa aking noo. Hinawakan ko agad kung ano ba iyon. Isang basang towel pala ang nakapatong.Pero sino ang may gawa?Ilang oras ba akong nakatulog at hindi ko man lang naramdaman na may taong tumitingin sa akin?Marahil ay nagbalik si Loi o baka naman hindi ito umalis at binabantayan niya ako.Hindi na masakit at mabigat ang aking ulo ng maupo ako. Hawak ko ngayon ang bas
JOYCE ANNEIlang araw ang lumipas ay napansin kong hindi nagpupunta si Jake sa aming bahay upang dalawin niya si Jonas. At nagtataka ako kung bakit hindi naman ito hinahanap ni Jonas. Maging si Loi ay hindi ko nakikita kaya naman agad kong tinawagan si Mystica upang alamin kung na saan ito."Anong nakain mo at bigla bigla mo akong tinawagan ha? At kailan mo kaya ako dadalawin hindi puro yung lagi na lang kita nakaka text? Nabuburyo na ako dito besh! Baka naman..." bungad na salita agad sa akin ni Misty."Napaka daldal mo talaga. Hindi ako makasingit ah! Sige mamaya labas tayo pag out ko dito. Manood tayo ng sine at kumain sa paborito nating restaurant. Okay na ba? Payagan ka kaya ng mahal mong asawa na si Mr. Loi?""Wala dito si Loi. Hindi mo ba alam na mayron silang meeting outside the country? Limang araw sila roon," "Saang bansa sila nagpunta," "Sa US tapos sabi ni Loi dederetso sila ng Singapore kasi may kakausapin pa daw silang tao dun," Kaya pala hindi ko ito nakikita dahil u
JAKE ANDREW"Why you closed your eyes?" takang tanong ko kay Joyce ng pumikit ito at animo'y may inaantay. Napangiti ako ng maisip ko bigla ang isang bagay na noon ko pa nais."Ha?" ani nito ng mapadilat.Isang dangkal lamang ang layo ng mukha ko sa mukha niya."Inaantay mo ba na halikan kita?" ngiting tanong ko sa kaniya sabay tingin ko sa kaniyang mapang akit na labi.Bigla ay itinulak niya ako ng sabihin ko iyon."Do you fantasize that I'm kissing you now?" biro kong tanong kay Joyce na biglang namula ang magkabila niyang pisngi."Sir! Kung wala ka namang importanteng sasabihin aalis na ako," aniya sabay talikod nito sa akin. Pero sadyang mabilis ang aking pagkilos upang harangin ko ito sa kaniyang paglabas."No! Gusto kong maging malinaw ang lahat sa pagitan nating dalawa. Gusto kong malaman kung ang lahat ng sinabi mo noong nakaraang gabi ay totoo?" tanong ko sa kaniya."Ano ba ang sinabi ko sa'yo na hindi ko naman natatandaan?" kunot noong tanong nito. Kanina pa ako naiinis sa
JOYCE ANNEPagpasok ko ng Marketing Department nagtaka ako kung bakit lahat ng kasama ko ay mga nakatayo sa kanilang gilid ng mesa at puros sila nakayuko. "So you are here now?" ani ng pamilyar na boses na aking ikinalingon.Si Stephanie nakasandal sa gilid ng aking mesa at nakahalukipkip ang kaniyang mga braso na nakangiting nakatingin sa akin. "Ma'm, kapalit po ng head natin," bulong sa akin ng aking ka team.Deretso akong nagtungo sa aking mesa at inilapag roon ang aking gamit na dala."Hindi mo ba ako babatiin?" ani nito."Good morning," sarcasm kong pagbati pero hindi ko ito pinag-ukulan ng pansin."Lahat sila ay magalang na binati ako bakit parang ang bastos mo," sabi nito.Ngumiti ako ng mapakla bago ko siya tiningnan ng deretso.."Hello ma'm... good morning po," sabi ko sabay pilit akong ngumiti at nag bow sa kaniya na labis nitong ikinatuwa."Okay guy's! For now on lahat ng mga projects na ipe-present ninyo ay dadaan muna sa akin," ani nito sa kanila."We will ma'm," sabi k