Ngumisi sa akin ang kaharap kong si Jake bago yumukong bigla na mabilis kong iniwasan sapagkat kung magkataon ay mahahalikan niya ako."Hindi ko dinadamay ang maganda mong reputasyon dito sa hotel. Sinasabi ko lang ang kaya kong gawin," aniya sa akin sabay tingin nito sa aking mga labi.Mabilis ang aking pagkilos at agad akong lumayo sa kaharap kong si Jake."Ganyan ba talaga kayo? Kapag tinanggihan kayo sa gusto ninyong mangyari ay gagawa kayo ng paraan para malugmok kami para hindi kami makatanggi sa alok nyo?" sabi ko dahil iyon talaga ang nakikita kong gagawin ng mayamang si Jake. Ang gipitin ako upang hindi na makatanggi sa alok nito. Pero hindi ako ganong tao. Minsan na akong nakagawa ng bagay na labag sa aking kalooban at ayoko ng maulit iyon.Tumalikod ako saka muling inihakbang ko ang aking mga paa palayo sa Jake na ito."Bukas na bukas ay hindi ka na makakapasok dito sa hotel," muli nitong sabi na sobra ko na talagang kinaiinisan."Gawin mo sir. Wala naman akong laban sa isa
Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin na agad na nagpamulat sa aking mga mata. "Narito na tayo," sabi ng katabi kong si Jake na nakatingin sa akin. Mabilis ang pagderetso ko ng upo sapagkat hindi ko napansin na ibinaba pala ng lalakeng ito ang sandalang upuan dahilan ng aking malalim na pagkakatulog. Hinila ko ang nakapatong na americano at nag-isip ako kung ibibigay ko pa ba ito o lalabhan ko muna. Nabasa na kasi ito ng aking basang damit dahil sa ulan kanina."Sige na para makapagpalit ka agad at baka magkasakit ka pa," mahinahon nitong salita. "Saka na lang uli tayo mag-usap kapag okay ka ng humarap sa akin," dugtong nito. Napangiti ako sa aking sarili. Akala ko ay bukal sa kaniyang kalooban ang tulungan ako ngayong gabi pero parang may plano ito kaya naging mabait ito ng ilang minuto sa akin.Binuksan ko ang pinto at lumabas ako na hawak ko ang kaniyang suit."Lalabhan ko muna ito bago ibalik sa'yo. Pasensya na sa abala," sabi ko sa kaniya."Alam kong may mabigat kang pinagdada
JAKE ANDREWAgad kong tinapos ang outside meeting ko ng ibulong sa akin ni Loi ang nangyaring eskandalo sa tinitirhan ni Joyce. At ayon dito ay nasa presinto na rin ang dalaga. Kaya naman agad ko itong pinuntahan without thinking why should i? Di ba nga't ito na ang best na maging dahilan upang mapapayag na niya si Joyce? Pero bakit sa kasuluksulukan ng kaniyang pagkatao ay bakit siya nakakaramdam ngayon ng pag-aalala? Lalo na't hindi na nito naabutan ang dalaga sa presinto. Habang nagmamaneho ako ay nasa isip ko pa rin ang dalagang si Joyce. Lalo na't nagpunta ito sa aking unit kaninang umaga para komprontahin sa pagkakatanggal nito sa trabaho. Iba ang dating ng dalaga sa akin at hindi ko iyon maipaliwanang. Sa ilang beses naming pagkikita ay may kung ano ang nabubuhay sa aking damdamin. Ayaw ko man isipin pero nanghihinayang ako sa dalaga dahil sinira nito ang kaniyang pagkatao sa pagtrabaho sa bar. Sa pagtanggap ng trabaho bilang taga aliw sa mga costumer tulad sa nangyari sa pagi
JAKE ANDREW "Sa maniwala ka at hindi... ikaw lang ang bumuhay ng pagkalalake ko kaya ginawa ko ang lahat para mahanap ka," napansin ko na parang hindi na mapakali si Joyce sa kaniyang kinauupuan. "Don't panic! Wala akong gagawing masama sa'yo," mabilis kong salita sa kaniya. "Mr. Jake... noong araw na iyon hindi ko rin expect na gagawin ko ang bagay na iyon. I mean... bago ako sumang ayon sa pagsayaw ay makailang beses ko iyong pinag-isipan. Nagkataon lang talagang kailangan ko ang pera na pambayad sa apartment. At walang wala ako noon tapos tinanggal pa ako sa trabaho sa restaurant kung saan tayo unang nagkakilala. Kaya kinagat ko iyon sa pangako ng aking kaibigan na itatago niya ang aking identity. At bago ako sumayaw nakaisang bote ako ng alak na ininom noon kaya talagang na lasing ako ng husto." mahabang paliwanag ni Joyce sa akin na nakayuko pa. "Pero ikaw lang ang babaeng nagpa—" "Mr. Jake ano po ba ang gusto ninyo? Ang muli akong sumayaw sa harapan ninyo?" tanong bigla sa a
JOYCE ANNENakaramdam ako ng sakit ng aking sikmura kaya naman napilitan na akong gumising. Hindi lang sakit ng aking sikmura maging ang aking ulo ay masakit rin. Ano ba ang nangyari? Tanong ko sa aking sarili habang hawak ko ang aking ulo.Doon ko lamang napansin na nasa ibang kuwarto pala ako at bukod tanging kumot lamang ang nakabalot sa aking katawan. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakasuot ako ng bra at bikini panty. Shit! Anong nakakahiyang eksena na naman ang aking ginawa at wala akong maalala? Inikot ko ang aking paningin na baka na roon lamang si Jake at nagmamasid sa akin. Pero tahimik ang kabuuang kuwarto at ni kaluskos ng lalakeng iyon ay wala siyang marinig.Joyce... mag-isip ka... anong kahibangan ang ginawa mo kagabi?Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi.Pumasok ako ng kuwartong ito na kinakabahan. Nakita ko pa si Jake na nakaupo sa mahabang sofa at sinabihan na ako nito na magpalit ng aking damit. Natandaan ko pa na nagbigay ako ng kondisyon sa lalake at tina
Nagulat ako ng biglang lumabas si Mystica mula sa kaniyang kuwarto. Kasulukuyan itong nagbibihis upang sugurin ang aking stepmom. At aawatin ko nga sana ito na huwag ng magtungo roon pero bigla nga itong lumabas at iniabot sa akin bigla ang kaniyang phone."Ano yan?" tanong ko rito. Pero sumenyas ito na para raw ito sa akin.Kinuha ko ito at alanganin pa akong sagutin ito."Hello?" tanong ko sa kabilang linya."Joyce, I said i'll call you, didn't I? Why did you leave the phone I gave you?" boses na seryoso na aking ikinagulat bigla. Hindi ko expect na tatawagan niya ang number uli ni Misty. "Wala naman kasi sa usapan natin ang tungkol sa phone," sabi ko."At dahil ba diyan kaya mo iniwan ang phone na iyon? At paano kita tatawagan? Paano kung sa akin ka na nagtatrabaho? Alangan pa lang lagi mong kasama ang kaibigan mo para sa kaniya na lang ako tatawag? Magtatrabaho ka under me kaya kailangan mo ang phone na iyon." "Okay! Sorry... hindi naman kasi iyon—""No more arguments! My assist
Hawak ko at binabasa ang nakasulat sa kontrata."Mr. Jake... hindi ba't sinabi mo sa akin kanina lang na naudlot ko ang... alam mo na po. Pero bakit eto pa rin ang kontrata ko? Ang magtrabaho sa'yo? Hindi ba ibabalik mo uli ako sa mga trabaho ko talaga?" sabi ko sa kaniya na iilag ilag ang aking paningin."Meron ba akong sinabing failed ka? Wala naman di ba? Kaya sa akin ka magta trabaho sa loob ng anim na buwan," paliwanag niya.Muli kong binasa ang kontrata at napataas bigla ang aking kilay sa nabasa ko."Kapag nais mong tumabi sa akin ay tatabi ka ng hindi ako tatanggi? Pero walang mangyayari? Gusto mo lang na makayakap ako in 30 minutes? Ano ito?" kunot noo kong tanong."Hindi na lingid sa kaalaman mo kung ano ang sakit ko. Hindi kita kukuhanin empleyado ko para lang sumayaw sa akin. Walang magaganap na pagsayaw sa pagitan mo at sa akin tulad sa nangyari kagabi. Tulad ng nabasa mo. Oo... kapag nais kong tumabi sa'yo ay hindi ka p'wedeng tumanggi. Tatabi ako dahil gusto kong maramd
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin dito sa loob ng unit? Nakaalis na kasi sila Susie at Carla at eto... ako na lamang mag-isa na nakaupo sa malambot na sofa habang nakaharap sa malaking flat na tv na hindi naman nakabukas. Gusto kong manood, gusto kong kumain pero hindi ko magawa dahil walang iniwang note ang amo na niyang si Jake kung ano ang p'wede kong galawin sa unit na ito. Kanina pa rin ako nauuhaw at gusto kong uminom ng malamig na tubig. Baka naman kahit tubig ay p'wede kong galawin? Tumayo ako at mabilis akong nagtungo sa side by side niyang malaking refrigerator. Wala naman ang Jake na iyon para sitahin ako kung mangealam man ako sa ref dahil sa talagang nauuhaw ako. Pagbukas ko ng dalawang side na pinto ay nagulat ako sa aking nakita. Ang laki ng refrigerator pero bakit aalog alog ang laman? Wala akong makita kundi bottle water, beer in can, softdrinks in can, juice in can. At mas lalong wala akong makitang laman sa freezer ng ref at sa chiller nito!Ano ang