Nagulat ako ng biglang lumabas si Mystica mula sa kaniyang kuwarto. Kasulukuyan itong nagbibihis upang sugurin ang aking stepmom. At aawatin ko nga sana ito na huwag ng magtungo roon pero bigla nga itong lumabas at iniabot sa akin bigla ang kaniyang phone."Ano yan?" tanong ko rito. Pero sumenyas ito na para raw ito sa akin.Kinuha ko ito at alanganin pa akong sagutin ito."Hello?" tanong ko sa kabilang linya."Joyce, I said i'll call you, didn't I? Why did you leave the phone I gave you?" boses na seryoso na aking ikinagulat bigla. Hindi ko expect na tatawagan niya ang number uli ni Misty. "Wala naman kasi sa usapan natin ang tungkol sa phone," sabi ko."At dahil ba diyan kaya mo iniwan ang phone na iyon? At paano kita tatawagan? Paano kung sa akin ka na nagtatrabaho? Alangan pa lang lagi mong kasama ang kaibigan mo para sa kaniya na lang ako tatawag? Magtatrabaho ka under me kaya kailangan mo ang phone na iyon." "Okay! Sorry... hindi naman kasi iyon—""No more arguments! My assist
Hawak ko at binabasa ang nakasulat sa kontrata."Mr. Jake... hindi ba't sinabi mo sa akin kanina lang na naudlot ko ang... alam mo na po. Pero bakit eto pa rin ang kontrata ko? Ang magtrabaho sa'yo? Hindi ba ibabalik mo uli ako sa mga trabaho ko talaga?" sabi ko sa kaniya na iilag ilag ang aking paningin."Meron ba akong sinabing failed ka? Wala naman di ba? Kaya sa akin ka magta trabaho sa loob ng anim na buwan," paliwanag niya.Muli kong binasa ang kontrata at napataas bigla ang aking kilay sa nabasa ko."Kapag nais mong tumabi sa akin ay tatabi ka ng hindi ako tatanggi? Pero walang mangyayari? Gusto mo lang na makayakap ako in 30 minutes? Ano ito?" kunot noo kong tanong."Hindi na lingid sa kaalaman mo kung ano ang sakit ko. Hindi kita kukuhanin empleyado ko para lang sumayaw sa akin. Walang magaganap na pagsayaw sa pagitan mo at sa akin tulad sa nangyari kagabi. Tulad ng nabasa mo. Oo... kapag nais kong tumabi sa'yo ay hindi ka p'wedeng tumanggi. Tatabi ako dahil gusto kong maramd
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin dito sa loob ng unit? Nakaalis na kasi sila Susie at Carla at eto... ako na lamang mag-isa na nakaupo sa malambot na sofa habang nakaharap sa malaking flat na tv na hindi naman nakabukas. Gusto kong manood, gusto kong kumain pero hindi ko magawa dahil walang iniwang note ang amo na niyang si Jake kung ano ang p'wede kong galawin sa unit na ito. Kanina pa rin ako nauuhaw at gusto kong uminom ng malamig na tubig. Baka naman kahit tubig ay p'wede kong galawin? Tumayo ako at mabilis akong nagtungo sa side by side niyang malaking refrigerator. Wala naman ang Jake na iyon para sitahin ako kung mangealam man ako sa ref dahil sa talagang nauuhaw ako. Pagbukas ko ng dalawang side na pinto ay nagulat ako sa aking nakita. Ang laki ng refrigerator pero bakit aalog alog ang laman? Wala akong makita kundi bottle water, beer in can, softdrinks in can, juice in can. At mas lalong wala akong makitang laman sa freezer ng ref at sa chiller nito!Ano ang
JOYCE ANNEAng bango ng niluluto ni Jake. Hindi ko akalain na ang tulad niya ay marunong magluto. Napaka swerte ng mapapangasawa nito dahil sa bukod na guwapo, matangkad na mistiso at may makinis na kutis, mayaman pa at marunong magluto. Iyon nga lang ay may problema. Kung sino pa ang binayayaan ng napaka alwang pamumuhay ay may mabigat palang problema. At iyon nga ay ang sakit ni Jake.Napansin ko na bakit ulam lamang ang niluluto nito at hindi nag saing? Nasa may mesa kasi niya ako at nakatalikod si Jake sa akin habang nagluluto ng napakabangong ulam pero wala ngang kanin."Sir... bakit po wala pang sinaing? Gusto n'yo po bang ako na lamang ang magsaing?" sabay lapit ko rito at naghanap ako ng mapagsasaingan."Hindi ako kumakain ng kanin sa gabi," aniyang bigla sa akin ng makita ko ang rice cooker niya."Aahhh... ganoon po ba? Pero ako po kumakain ng kanin," nakangiti kong sabi dahil sa hindi ako sanay na hindi kumain ng kanin lalo na't napakasarap ng niluluto niyang ulam."Wala ako
Nanibago ako ng husto sa way ng pag-asikaso sa akin ni Jake. Dahil sa wala sa karakter nito ang ganoong pag -aalala sa akin ng sumakit ang aking sikmura. Hindi pa ito nakontento sa pagbibigay sa akin ng tea kundi umalis pa ito upang bumili ng gamot para maibsan ang sakit ng aking sikmura. Tulad ngayon sa aking paggising ay nadatnan kong may pagkaing nakalapag sa ibabaw ng mesa. Parang baliktad ata ang nangyari? Imbes na ako ang maghanda ng almusal ng akin amo ay siya pa ang nag asikaso para sa akin. Nakita ko agad ang note sa ibabaw ng mesa. Maaga itong umalis tulad ng sinabi niya kagabi at sisikapin daw niyang makauwi bukas. Nakalagay sa note din niya na p'wede kong gawin ang lahat at pakealaman maliban sa pagpasok sa kaniyang kuwarto."Sus! At bakit naman ako papasok sa kaniyang kuwarto? Eh, no'ng ngang on call kami sa paglilinis ay ibinilin na rin niya ito." sabi ko sabay upo ko at kuha ng sinangag na kanin. "Sandali... ano bang meron doon sa kaniyang kuwarto na ayaw niyang ipaki
"Malamang naipasa mo na ang bracelet sa kasamahan mo na nasa banyo para kapag sinita ka ay wala kang ipapakita. Alam ko na ang mga style n'yong magnanakaw," muli nitong salita sa akin na talagang ikinapanting ng aking tenga."Hoy!" sabay duro ko sa pagmumukha nito sa sobrang inis. "Hindi ako magnanakaw tulad ng ibinibintang mo sa akin. Pang ilan ka na sa mga taong mapanghusga sa aking pagkatao! Wala kang alam sa lahat ng pinag daanan ko! Kaya huwag na huwag mo akong pagbibintangan na magnanakaw!" kasabay no'n ang muling pagbaliktad ng aking sikmura dahilan upang itulak ko ng malakas ang lalakeng nasa harapan ko para makadaan ako."Ang tagal mo naman! Natulog ka na ba sa banyo?!" sigaw sa akin ni Misty ng makabalik na ako sa aming upuan. Buti na lamang na sa paglabas ko ng banyo ay wala na ang gagong lalakeng iyon. Dahil pikang pika talaga ako sa kung paano ito mambintang sa akin."Hey! Kaya mo pa ba? Gusto mo na bang umuwi?" bulong na sa akin ni Misty ng mapansin siguro nito na hindi
JOYCE ANNE"Ano bang sinasabayan mo Sir? Bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong ginagawang masama. At isa pa iyong dalawang lalakeng sinasabi mo mag lovers iyon na kaibigan ni Mystica. At iyong Dennis na sinasabi mo humingi lamang iyon ng apologize sa akin dahil may nagawa siyang kasalanan sa loob ng club," paliwanag ko."At sa club mo pa rin pala siya nakilala?" taas kilay nitong tanong."Hindi ko siya nakilala nakabangga ko siya dahil on the way ako sa banyo ng mangyari iyon," muli kong paliwanag. "Sinabihan na kita na huwag kang iinom dahil hindi mo naman iyon kaya!" muli nitong bulyaw."Bakit ba ako nagpapaliwanag sa'yo kung hindi mo naman ito naiintindihan... Sir?" sabay talikod ko rito at buksan ang pinto ng unit niya."Pangalawang araw ka pa lang pero sakit na ng ulo ang binibigay mo sa akin!" habol na sigaw nito sa akin."Then fire me!" galit kong sigaw sa kaniya dahil sa naiinis na ako sa kung anong ugali ang nakikita ko kay Jake.Mabilis akong lumapit dito at sinalubong ng
Pag angat ng ulo ni Jake at pagpaling nito sa nilalakaran namin ni Mr. Loi ay napahinto ito sa kaniyang paglalakad kasabay ng mga tauhan din nito na napatigil din at napatingin din sa dereksyon namin. Nakita ko kung paano niya sinabihan ng palihim ang kasama nitong babae na agad na tumango at inaya palayo ang mga kasama pang mga tauhan. Saka mabilis kaming sinalubong ni Jake. Nasa harapan ko na si Jake pero tanging titig lamang ang ipinakikita nitong reaksyon sa akin. Hindi ito ngumingiti bagkus ay nagpamulsa ito."You're here..." ang tanging nasambit lamang nito."Bakit kailangan ko pang magsuot ng ganitong damit para makipagkita sa'yo, sir?" mahina kong tanong."Dahil ayaw kong husgahan ka ng mga taong masasalubong mo base sa iyong kasuotan. Hindi basta basta ang lugar na ito Joyce, kung pupunta ka rito sa nakasanayan mong pananamit ay baka masaktan at mainsulto ka sa kung anong reaksyon ang makikita mo sa mga taong masasalubong mo. Hindi ba't ayaw mo iyong mangyari? At simple lam