“SERENA, sumama ka sa akin ngayon din!”Weekend ngayon at nagpapahinga si Serena noong nagulat siya sa lakas ng boses ni Leila noong makapasok ito sa loob ng bahay nila. Wala si Kevin dahil tulad ng dati, may inaasikaso raw itong importante. Kaya siguro malakas ang loob ni Leila na pumunta rito dahil wala ang pinsang lalaki. “Saan tayo pupunta?”Hindi niya malimot na noong huling beses na sumama siya rito ay sa club siya dinala. Ano na naman kaya ang plano nitong pinsan ni Kevin? “Saan mo ako dadalhin?” Tiningala ni Serena si Leila na nasa harapan niya huminto. Nakahalukipkip naman ito at nakatitig sa kanya pabalik. “Birthday ng kaibigan ko at gusto kong samahan mo ako.”Binaba ni Serena ang hawak na iPad at umiling kay Leila. “Hindi ako sasama. Hindi ko rin naman kilala ang mga kaibigan mo kaya magiging out of place lang ako roon.”“Magagalit ako kung hindi mo ako sasamahan!” Nagpapapadyak na ani Leila. Ngumiwi si Serena.“Sige magalit ka.”Napasinghap sa bigla si Leila. “...What
“WIFE?! You have a wife, Xavier? Why didn't we know about her? What about the wedding? When did you get married?” Iyon ang tanong ng babaeng kanina lang ay nakaangkla ang kamay sa braso ni Kevin. Bakas sa mukha nito ang kalituhan at pagpinta ng sakit dahil mukhang nasaktan ito sa hinayag ni Kevin na kasal na ito. “Do I have to inform you that I married my wife?” supladong ani Kevin. “B-But—” Nangilid ang luha sa mga mata ng babae. “I-I heard my father mentioned to your grandpa that you're going to be engaged with me. You're supposed to be my fiancé!”Lumakas ang bulong-bulungan dahil doon. Instead of answering her, Kevin turned to Serena who was still silent. She seemed shocked by what he did. Ngunit naiintindihan iyon ni Kevin dahil ngayon lang nito nalaman ang tungkol sa kanya. “You okay, wife?”Tumingala si Serena at nagtagpo ang mga mata nila. Kalituhan din ang nakikita ni Kevin sa mukha ni Serena. Mabuti na lang at hindi niya nababasa ang galit sa ekspresyon nito dahil kung
HABANG binabagtas ng sasakyan ang daan patungo sa pupuntahan nila na sinasabi ni Kevin, kakaibang kaba ang sumasalakay sa dibdíb ni Serena na pakiramdam niya, ang sikip para huminga. Namamawis na rin ang kamay niya dahil doon. ...Paano kung hindi siya magustuhan ng pamilya ni Kevin? Lalo pa ngayong nalaman niya na ito pala ang tagapagmana na pinag-uusapan nila ni Hanni. Wala sa hinagap niya na iyong pinaniniwalaan niyang Xander ay Xavier pala! Maybe Hanni mistakenly thought that the Sanchez heir's name is Xander but it's really Xavier. Ngayon, may paliwanag na kung bakit ang tao sa paligid niya ay Xavier ay tawag kay Kevin. Dahil iyon pala ang nakasanayan nila. Bukod tanging siya ang Kevin ang tawag dito. Sa ngayon, hindi niya alam kung paano pakikisamahan si Kevin dahil magkaiba ang estado nila. Mas lalo itong lumayo sa kanya samantalang siya ay nananatili sa ibaba. Paano niya tatawirin ang pagitan nila kung una pa lang ay malayong-malayo na ang distansya nila sa isa't-isa? Mapai
ILANG segundo yata na tulala si Serena at kahit naiintindihan niya ang sinabi ng lolo ni Kevin, parang hindi iyon nag-register sa utak niya. “You're just staying with him because of his money. Now, if I give you what you want, would you leave him?” anito sa boses na parang nagkukuwento lang, parang hindi nito alam na nasasaktan siya sa mga salitang binitiwan nito. “Grandpa—”Masungit na tumingin sa kanya ang matanda. “Hindi kita kaano-ano kaya huwag mo akong tawagin nang ganyan. Address me as ‘Sir’.”Napalunok si Serena. “S-Sir, hindi po ako sumama kay Kevin dahil sa pera niya. Katunayan, hindi ko po siya kilala noong kinasal kami—”“Really? But my investigation says otherwise. Kevin bought you from your family. Aren't you his possession? Even if you didn't know he’s my heir, you knew that he's rich. Katulad ka lang din ng iba na habol sa apo ko ay pera. Sabihin mo, magkano ang kailangan mo? Twenty million? Thirty? Forty? Or do you want a hundred million? Aren't you greedy if that's
HAWAK ni Helia Tatiana ang full result ng investigation sa babae ni Xavier. She read the information about her: her birthday, her family, her education, everything. And there's one thing she could say about the girl, a low-class. Hindi ito kailanman pwede maikumpara sa kanya kaya hindi niya matanggap at maintindihan kung bakit ito ang pinili ni Xavier! Why did he marry this kind of girl? Míerda!But she noticed something. This girl really looks like her. Baka nga akalain na kakambal niya itong babaeng ito dahil sa unang tingin niya, parang nagsasalamin siya. Pero ngayong narito na siya, Xavier doesn't need to stick to that girl anymore. Narito na siya para bawiin ito. She's taking him back and she knows that Xavier will welcome her. Siya lang naman ang babaeng pinangakuan nitong pakasalan kaya tiwala siya na mahal pa rin siya ni Xavier. Feelings won't go away easily. Katulad niya na mahal pa rin ito kahit ilang taon na ang nakalipas. Helia picked her bag and called the driver. Nagpa
KEVIN was hugging Serena after they made love. Nakapatong ang ulo nito sa hubad niyang dibdíb at hinahaplos naman ni Kevin ang buhok ni Serena ngunit may gumugulo pa rin sa isipan. Helia was back and she's messing with his head. Now, he regrets mistaking her for the girl who saved him when he was young. Bumaba ang tingin ni Kevin kay Serena na inaantok na ang itsura ngunit nakatingala pa rin sa kanya habang nilalaro nito ang stubbles na naipon sa gilid ng kanyang panga dahil dalawang araw nang walang shave.Kevin pressed his lips on her forehead and gently whispered, “Sleep, Serena. I'll be here.”Pumikit si Serena, naghanap ng komportableng pwesto, mas siniksik ang sarili nito sa kanya, at nahulog na sa mahimbing na tulog. Kevin then fell into a trance once again. He met Helia Tatiana right after he was kidnapped and was saved by someone. That someone was a little girl who introduced herself as Linlin. And when he saw Helia and he heard her name, he mistook her as his savior. Even
“WHY, shout at me, Xavier? I'm just telling the truth, right? She's a substitute of mine. From head to toe, she looks like me. That's the reason why you took her. Why deny that?”Kevin was glaring at the girl but he didn't deny it that made Serena's heart hurt. Hindi niya alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Ano bang dapat gawin kapag nalaman mong iyong taong mahal mo ay pinakasalan ka dahil hindi ito maka-move on sa first love nito? Ngayon bang bumalik na ito, anong mangyayari sa kanya? Will Kevin leave her? Umiling si Serena at tinanggi iyon. Kevin made a promise to her. Hindi nito sisirain iyon, alam niya. “Kevin,” marahan niyang tawag dito. Kevin turned to her and smiled at her gently. Doon napanatag ang loob ni Serena at binalik ang tingin sa babaeng kaharap.“I'm Serena Jade Sanchez, Kevin's wife. Nice to meet you.”Nabura ang ngiti sa mukha ng babaeng kaharap niya at masama siyang tinitigan. Kita sa mukha nito ang inis dahil sa naging sagot niya. “I don't like the tone
AKALA ni Serena ay maayos na ang pagsasama nila ni Kevin. Naipakilala na siya nito sa pamilya nito, kilala rin naman ito ng lola niya at alam niya na ito ang Sanchez heir. Ibig sabihin no'n, seryoso si Kevin sa kanya, hindi ba? Ganoon ang pinaramdam sa kanya ng asawa, eh. Sinabi rin ni Kevin sa kanya na kahit kailan, hindi nito minahal ang ‘first love’ na sinasabi ng mga tao sa paligid nito. Maayos na dapat ang lahat, diba? Mahal nila ang isa't-isa, sabi pa nito. Kaya bakit parang pakiramdam niya, lumalayo ang loob nito sa kanya? Ilang linggo nang hindi umuuwi si Kevin at noong tanungin niya si Butler Gregory, ang tanging sinabi lang nito ay busy talaga si Kevin sa mga ginagawa nito. Tanging si Butler Gregory lang ang kasama niya sa mansyon at ang mga katulong. Gustuhin man niyang umalis doon dahil naho-homesick siya, baka kasi dumating si Kevin at hindi siya nito makita kaya hindi niya rin tinuloy ang planong umalis. “Serena, bebs, oy! Nag-aya kang kumain sa labas tapos ngayon na
Ano raw yung pagpapapayat at pagpapaganda… Ngayon lang niya naintindihan kung bakit napunta sa ospital si Patricia! Kaya pala!Patuloy pa rin si Zaldy sa pag-ikot-ikot ng sagot, parang tuwang-tuwa pa siya na naririnig ang pagkabahala sa boses ni Daemon: “Mr. Alejandro, ayaw mo bang makita siyang gumanda? Sa tono ng boses mo, parang gusto mong guluhin ang plano.”“Maikli lang ang pasensya ko.” Parang bomba si Daemon na pwedeng sumabog kahit anong oras.Ramdam ni Zaldy na nasa sukdulan na talaga ang pasensya nito, kaya napabuntong-hininga na lang siya: “Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung saan talaga sila pumunta. Pero noong minsan na nagkwentuhan kami ni Witch, nabanggit niya na madalas siyang mag-ehersisyo sa Berry Road…”Hindi na nagsalita pa si Daemon. Binaba na lang niya ang tawag. Tapos sinabi niya sa assistant niya, “Kunin mo yung sasakyan sa parking. May pupuntahan ako. Ikaw na muna bahala sa mga gawain sa kompanya.”Halos umiyak na ang assistant, “Pero ang dami pa pong kailan
Chapter 70ISANG tawag ang nagpabalik sa ulirat ni Patricia mula sa pagbabasa ng mga dokumento. Sa caller ID, nakalagay na si Zaldy ang tumatawag. Bigla siyang napabuntong-hininga.Hindi pa tapos ang rebolusyon, kailangan pa ring magpursigi sa pagpapapayat!Pagkatapos niyang mangakong darating siya sa oras, itinago na ni Patricia ang lahat ng dokumento sa drawer, nagpalit ng sportswear at naghanda nang umalis. Luto na rin ang pagkain ni Patrick at ang bango-bango pa. Pero kinailangan niyang tiisin ang tukso ng tiyan niyang kumakalam. "Pa, lalabas muna ako saglit, babalik din ako."Sumakay siya ng taxi papunta sa gym.Pero pagdating niya sa gym, wala roon si Chastain. Ang dumating ay si Zaldy, kasama ang isang magandang babae na naka-vest at sports shorts. Nakatayo ito malapit sa mga gym equipment at parang naghihintay sa kanya.Medyo nalito si Patricia. Magpapalit na ba siya ng coach? Pero totoo naman, dapat matagal na. Anong klaseng coach ba si Chastain? Palaging pinapatakbo siya han
Kaya pala ang daming tao ang gustong ma-promote at tumaas ang sweldo. Ang sarap pala ng feeling kapag na-promote ka!Pero pagkatapos niyang pumirma ng kontrata, biglang inilapag ng supervisor niya ang isang makapal na folder ng mga documents, halos 10 sentimetro ang kapal sa harap ni Patricia. “Basahin mo ito mamaya pag-uwi mo. Lahat ng impormasyon tungkol kay Andrei nandito, pati mga ginawa niya mula noong nag-debut siya. Dati mo nang hinawakan si Hennessy kaya alam mo na siguro kung para saan ang mga ganitong files. Ayusin mo na lang sa bahay.”Tumango si Patricia, kinuha ang mga papeles at ang kontrata, at naglakad palabas ng meeting room. Pero bigla siyang pinigilan ng supervisor niya.“Ah, oo nga pala. Kailangan din kitang paalalahanan. Si Andrei ay medyo kakaibang artista. Bukod sa taping o shooting, may limang araw siya kada buwan na naka-day off. Baka hindi mo siya makita o makontak sa limang araw na 'yon. Pero wag kang kabahan, babalik din siya pagkatapos.”“Ha?” Gulat na gul
Chapter 69NANG maisip ito ni Chester, bigla siyang napangisi, tapos unti-unting lumakas nang lumakas ang tawa niya, parang nawalan siya ng katinuan. “Oo! Wala akong magawa kay Daemon ngayon! Pero hindi habangbuhay! Balang araw, pagpuputul-putulin ko siya! Paiinumin ko siya ng tubig na pinagbanlawan ng paa ko bago siya mamatay at paluluhurin ko siya sa harap ko habang humihingi ng tawad!”Bahagyang ngumiti si Chase, tumayo mula sa sofa, at tumango. “Kaya sana maintindihan mo na, ikaw na ang bahala sa susunod mong hakbang. Ang masasabi ko lang, nasa panig mo ako.”Pagkasabi nun, tumalikod na si Chase at lumabas ng kwarto, iniwan ang lahat na nakatitig sa kanya habang papalayo.Sa wakas, natauhan si Chester. Hindi na niya muling tiningnan si Paris. Sa halip, paulit-ulit niyang sinasabi habang nagngangalit ang mga ngipin, “Papatayin ko si Daemon! Babalatan ko siya ng buhay! Iinumin ko ng dugo niya! Sisipain ko ulo niya parang bola!”Wala ni isang sumagot o umimik sa paligid. Alam ng laha
Nang marinig ni Chester ang iyak ng ina niya, mas lalo siyang nagwala. Tinulak niya ito at sumigaw, “Bakit ka umiiyak?! Sino nagsabing wala na akong silbi?! Tumawag ka ng mga babae! Patutunayan ko sa inyong lahat na hindi ako inutil! Hahaha! Hindi ako inutil!”Halos matumba ang ina sa pagkakatulak. Pagkatayo niya, di na siya muling umiyak. Alam niyang mas lalo lang magagalit si Chester.Mayamaya, napansin ni Chester si Paris na nagtatago sa likod ng mga tao at ayaw lumapit.Bigla siyang sumigaw. “Paris! Lumapit ka rito! Bilis!”Nang marinig ang pangalan niya, halos manginig si Paris… Parang demonyo si Chester! Lahat ng lumapit sa kanya, parang kinakain ng buo!Pero wala siyang magawa… Andami ng matatandang miyembro ng pamilya Beltran sa paligid. Kahit kunwari lang, kailangan niyang lumapit.Kaya pinisil niya ang sarili niya nang malakas para lumabas ang luha, at lumapit sa kama habang umiiyak: “Bakit ganito ang nangyari… Bakit ganito… Master Chester, masakit ba…?”Pero imbes na maawa,
Chapter 68ISANG bungkos ng mga gulay na mukhang walang lasa ang nakahain sa tanghalian. Pagkakita pa lang ni Chastain, parang sumakit agad ang tiyan niya at nawalan siya ng gana.Si Patricia naman, kalmado lang sa pagkain. Alam niya kasing ang may-ari ng karinderyang ito ay mahilig magdagdag ng tubig habang nagluluto at matipid sa mantika, kaya ang “ginisa” ay parang pinakuluan lang.Ganito rin talaga ang kain niya dahil iniisip pa rin niyang magpapayat, at sinabihan din siya ng doktor na iwasan ang matatabang at maaanghang na pagkain. Mas okay na raw ang mga masustansyang gulay.Pero si Chastain ay normal na tao! Paano naman siya gaganahang kumain ng ganitong luto na parang nilaga lang? Kaya dalawang subo lang ng kanin ang nakain niya, sumuko na agad.Nakita ni Patricia ang itsura niyang parang mamamatay na sa gutom, kaya napabuntong-hininga ito at itinuro ang kabinet sa kusina gamit ang kanyang kutsara. “Naalala ko may bote ng chili oil d'yan. Kung sobrang wala talagang lasa sa'yo,
Sa wakas, luminga-linga si Chastain at tumigil ang tingin niya kay Patricia. “Kahit na parang ordinaryo at hindi kapansin-pansin ka sa paningin ng iba, para sa ’kin isa kang interesting na tao. Kaya handa akong maglaan ng oras para maging kaibigan ka. Kung tutulong ka man sa’kin sa hinaharap, nasa ‘yo na ‘yon.”Medyo natulala si Patricia.Ang salitang “kaibigan” ay parang isang luho para sa kanya. Ang buong buhay niya dati ay punong-puno ng mga taong minamaliit siya at gustong yurakan ang pagkatao niya.Ngayon lang siya nagsimulang magkaroon ng mga totoong kaibigan. Pero hindi rin siya sigurado kung totoo bang mabait sila sa kanya, o ginagamit lang siya para sa pansariling interes.Pero si Chastain yata ang unang nagsabi na gusto siyang maging kaibigan.Habang tulala pa si Patricia, hinawakan ni Chastain ang braso ni Patrick at binuhat ito sa likod niya. “Patricia, wag mo nang gawing komplikado pa ang pag-iisip sa’kin. Oo, may ambisyon ako, pero hindi ibig sabihin gusto kong agawin an
Chapter 67NGUMITI si Chastain ng bahagya. "Wala akong pakialam kung anong gulo meron kayo ng pamilya Alejandro. Basta, wala kang karapatan dito. Kung aalis ka, umalis ka na agad para hindi ka nakakaabala. Habang wala si Daemon, ako ang magpoprotekta sa babaeng 'to."Napakagat ng labi si Carmina sa inis, tinitigan si Chastain nang masama, at sa huli, napasipa siya sa lupa: "Hindi ko kalilimutan 'to!"Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad papunta sa kanyang Maybach...Ang dalawa niyang tauhan ay napabagsak na ni Chastain, hindi man lang nakaporma o nakapalag.Sa huli, umalis si Carmina na halos nakakahiya, iniwan ang alikabok habang papalayo ang Maybach. Nakatingin pa rin si Patricia sa direksyong nilisan nito, tila tulala pa rin.Kahit na hindi talaga kaaya-aya si Carmina, totoo pa rin ang mga sinabi niya. Para bang tinamaan si Patricia sa pinakasensitibong parte ng damdamin niya.Tama... parang naging pabigat na lang talaga siya kay Daemon...Habang nag-iisip pa siya, bigla siyang t
Tahimik lang si Patricia, kagat labi. Paano niya malalaman?“Dahil hindi mo alam kung nasaan ka, at hindi mo alam ang lugar mo!” Sobrang linaw at diin ng bawat salitang binitiwan ng babae, parang gusto siyang durugin sa salita pa lang!Pero hindi umiwas ng tingin si Patricia, kalmado siyang tumingin pabalik: “sa labindalawang taon ng buhay ko, sobra na akong naging mabait. Ngayon naman, gusto ko na lang piliin sarili ko, hindi ba pwede iyon?”SLAP! Isa pang sampal mula sa kabila! Lalong naging matalim ang mga mata ng babae. “Akala mo ba may karapatan kang magsalita ng ganyan sa harap ko?!”Na-off guard si Patricia at nasampal ulit. Nainis na siya bigla. Ang babaeng ‘to bigla na lang sumulpot na parang baliw tapos nanampal pa nang walang dahilan. Pero alam ni Patricia na malakas ang koneksyon ng babaeng ‘to kaya pinilit na lang niyang pigilan ang inis niya, “Hindi ko alam kung sino ka, at hindi ko rin alam kung anong nagawa ko sa’yo, pero pwede bang kahit konti lang, igalang mo naman