“WIFE?! You have a wife, Xavier? Why didn't we know about her? What about the wedding? When did you get married?” Iyon ang tanong ng babaeng kanina lang ay nakaangkla ang kamay sa braso ni Kevin. Bakas sa mukha nito ang kalituhan at pagpinta ng sakit dahil mukhang nasaktan ito sa hinayag ni Kevin na kasal na ito. “Do I have to inform you that I married my wife?” supladong ani Kevin. “B-But—” Nangilid ang luha sa mga mata ng babae. “I-I heard my father mentioned to your grandpa that you're going to be engaged with me. You're supposed to be my fiancé!”Lumakas ang bulong-bulungan dahil doon. Instead of answering her, Kevin turned to Serena who was still silent. She seemed shocked by what he did. Ngunit naiintindihan iyon ni Kevin dahil ngayon lang nito nalaman ang tungkol sa kanya. “You okay, wife?”Tumingala si Serena at nagtagpo ang mga mata nila. Kalituhan din ang nakikita ni Kevin sa mukha ni Serena. Mabuti na lang at hindi niya nababasa ang galit sa ekspresyon nito dahil kung
HABANG binabagtas ng sasakyan ang daan patungo sa pupuntahan nila na sinasabi ni Kevin, kakaibang kaba ang sumasalakay sa dibdíb ni Serena na pakiramdam niya, ang sikip para huminga. Namamawis na rin ang kamay niya dahil doon. ...Paano kung hindi siya magustuhan ng pamilya ni Kevin? Lalo pa ngayong nalaman niya na ito pala ang tagapagmana na pinag-uusapan nila ni Hanni. Wala sa hinagap niya na iyong pinaniniwalaan niyang Xander ay Xavier pala! Maybe Hanni mistakenly thought that the Sanchez heir's name is Xander but it's really Xavier. Ngayon, may paliwanag na kung bakit ang tao sa paligid niya ay Xavier ay tawag kay Kevin. Dahil iyon pala ang nakasanayan nila. Bukod tanging siya ang Kevin ang tawag dito. Sa ngayon, hindi niya alam kung paano pakikisamahan si Kevin dahil magkaiba ang estado nila. Mas lalo itong lumayo sa kanya samantalang siya ay nananatili sa ibaba. Paano niya tatawirin ang pagitan nila kung una pa lang ay malayong-malayo na ang distansya nila sa isa't-isa? Mapai
ILANG segundo yata na tulala si Serena at kahit naiintindihan niya ang sinabi ng lolo ni Kevin, parang hindi iyon nag-register sa utak niya. “You're just staying with him because of his money. Now, if I give you what you want, would you leave him?” anito sa boses na parang nagkukuwento lang, parang hindi nito alam na nasasaktan siya sa mga salitang binitiwan nito. “Grandpa—”Masungit na tumingin sa kanya ang matanda. “Hindi kita kaano-ano kaya huwag mo akong tawagin nang ganyan. Address me as ‘Sir’.”Napalunok si Serena. “S-Sir, hindi po ako sumama kay Kevin dahil sa pera niya. Katunayan, hindi ko po siya kilala noong kinasal kami—”“Really? But my investigation says otherwise. Kevin bought you from your family. Aren't you his possession? Even if you didn't know he’s my heir, you knew that he's rich. Katulad ka lang din ng iba na habol sa apo ko ay pera. Sabihin mo, magkano ang kailangan mo? Twenty million? Thirty? Forty? Or do you want a hundred million? Aren't you greedy if that's
HAWAK ni Helia Tatiana ang full result ng investigation sa babae ni Xavier. She read the information about her: her birthday, her family, her education, everything. And there's one thing she could say about the girl, a low-class. Hindi ito kailanman pwede maikumpara sa kanya kaya hindi niya matanggap at maintindihan kung bakit ito ang pinili ni Xavier! Why did he marry this kind of girl? Míerda!But she noticed something. This girl really looks like her. Baka nga akalain na kakambal niya itong babaeng ito dahil sa unang tingin niya, parang nagsasalamin siya. Pero ngayong narito na siya, Xavier doesn't need to stick to that girl anymore. Narito na siya para bawiin ito. She's taking him back and she knows that Xavier will welcome her. Siya lang naman ang babaeng pinangakuan nitong pakasalan kaya tiwala siya na mahal pa rin siya ni Xavier. Feelings won't go away easily. Katulad niya na mahal pa rin ito kahit ilang taon na ang nakalipas. Helia picked her bag and called the driver. Nagpa
KEVIN was hugging Serena after they made love. Nakapatong ang ulo nito sa hubad niyang dibdíb at hinahaplos naman ni Kevin ang buhok ni Serena ngunit may gumugulo pa rin sa isipan. Helia was back and she's messing with his head. Now, he regrets mistaking her for the girl who saved him when he was young. Bumaba ang tingin ni Kevin kay Serena na inaantok na ang itsura ngunit nakatingala pa rin sa kanya habang nilalaro nito ang stubbles na naipon sa gilid ng kanyang panga dahil dalawang araw nang walang shave.Kevin pressed his lips on her forehead and gently whispered, “Sleep, Serena. I'll be here.”Pumikit si Serena, naghanap ng komportableng pwesto, mas siniksik ang sarili nito sa kanya, at nahulog na sa mahimbing na tulog. Kevin then fell into a trance once again. He met Helia Tatiana right after he was kidnapped and was saved by someone. That someone was a little girl who introduced herself as Linlin. And when he saw Helia and he heard her name, he mistook her as his savior. Even
“WHY, shout at me, Xavier? I'm just telling the truth, right? She's a substitute of mine. From head to toe, she looks like me. That's the reason why you took her. Why deny that?”Kevin was glaring at the girl but he didn't deny it that made Serena's heart hurt. Hindi niya alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Ano bang dapat gawin kapag nalaman mong iyong taong mahal mo ay pinakasalan ka dahil hindi ito maka-move on sa first love nito? Ngayon bang bumalik na ito, anong mangyayari sa kanya? Will Kevin leave her? Umiling si Serena at tinanggi iyon. Kevin made a promise to her. Hindi nito sisirain iyon, alam niya. “Kevin,” marahan niyang tawag dito. Kevin turned to her and smiled at her gently. Doon napanatag ang loob ni Serena at binalik ang tingin sa babaeng kaharap.“I'm Serena Jade Sanchez, Kevin's wife. Nice to meet you.”Nabura ang ngiti sa mukha ng babaeng kaharap niya at masama siyang tinitigan. Kita sa mukha nito ang inis dahil sa naging sagot niya. “I don't like the tone
AKALA ni Serena ay maayos na ang pagsasama nila ni Kevin. Naipakilala na siya nito sa pamilya nito, kilala rin naman ito ng lola niya at alam niya na ito ang Sanchez heir. Ibig sabihin no'n, seryoso si Kevin sa kanya, hindi ba? Ganoon ang pinaramdam sa kanya ng asawa, eh. Sinabi rin ni Kevin sa kanya na kahit kailan, hindi nito minahal ang ‘first love’ na sinasabi ng mga tao sa paligid nito. Maayos na dapat ang lahat, diba? Mahal nila ang isa't-isa, sabi pa nito. Kaya bakit parang pakiramdam niya, lumalayo ang loob nito sa kanya? Ilang linggo nang hindi umuuwi si Kevin at noong tanungin niya si Butler Gregory, ang tanging sinabi lang nito ay busy talaga si Kevin sa mga ginagawa nito. Tanging si Butler Gregory lang ang kasama niya sa mansyon at ang mga katulong. Gustuhin man niyang umalis doon dahil naho-homesick siya, baka kasi dumating si Kevin at hindi siya nito makita kaya hindi niya rin tinuloy ang planong umalis. “Serena, bebs, oy! Nag-aya kang kumain sa labas tapos ngayon na
THROUGHOUT the party, Kevin didn't even glance at Serena. Alam ni Serena na aware itong naroon din siya lalo't sinusundan din ito ng tingin ni Hanni na kung laser lang ang mga mata ng kaibigan, baka nabutas na ang tuxedo na suot ni Kevin. Hanni wanted to walk towards Kevin to interrogate him but Serena held her back. Ayaw niyang gumawa ng gulo dahil maraming tao roon. Pero napapansin niya ang panaka-nakang tingin ng mga dati niyang katrabaho sa department nila ni Hanni. Kilala nila si Kevin dahil dinala niya ito noong team building at pinakilalang asawa at alam niyang tanda pa ng mga ito ang itsura ni Kevin. Kaya alam din ni Serena na nagtataka sila na iba ang kasama nitong babae samantalang siya ang asawa. Isa pa, kalat na rin sa mga empleyado ang mukha ni Kevin bilang Sanchez heir. “Serena, asawa mo siya 'diba? Bakit iba ang kasama? Tapos siya rin daw iyong apo ni Chairman? Totoo ba 'yon?” Hindi nakatiis, lumapit si Rose na dati niyang katrabaho. Bumuka ang bibig ni Serena nguni