Share

Chapter 81: A sudden change of heart

AKALA ni Serena ay maayos na ang pagsasama nila ni Kevin. Naipakilala na siya nito sa pamilya nito, kilala rin naman ito ng lola niya at alam niya na ito ang Sanchez heir. Ibig sabihin no'n, seryoso si Kevin sa kanya, hindi ba?

Ganoon ang pinaramdam sa kanya ng asawa, eh. Sinabi rin ni Kevin sa kanya na kahit kailan, hindi nito minahal ang ‘first love’ na sinasabi ng mga tao sa paligid nito. Maayos na dapat ang lahat, diba? Mahal nila ang isa't-isa, sabi pa nito.

Kaya bakit parang pakiramdam niya, lumalayo ang loob nito sa kanya? Ilang linggo nang hindi umuuwi si Kevin at noong tanungin niya si Butler Gregory, ang tanging sinabi lang nito ay busy talaga si Kevin sa mga ginagawa nito.

Tanging si Butler Gregory lang ang kasama niya sa mansyon at ang mga katulong. Gustuhin man niyang umalis doon dahil naho-homesick siya, baka kasi dumating si Kevin at hindi siya nito makita kaya hindi niya rin tinuloy ang planong umalis.

“Serena, bebs, oy! Nag-aya kang kumain sa labas tapos ngayon na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status