NASA apartment si Serena ngayon. Umalis na siya sa bahay ni Kevin at tanging gamit niya labg talaga ang dala niya. Pinpigilan siya ni Butler Gregory at sinahi ng matanda na doon na siya magpalipas ng gabi dahil malapit nang dumilim ngunit hindi na siya nagpapigil pa. Habang naroon siya, mas maiisip niya lang si Kevin. Mas lalong masakit.Bago soya umalis, tinanong niya kung nasaan si Kevin ngunit ang sagot ni Butler Gregory, wala raw ito at umalis na paglabas ng kwarto nila. Malungkot na ngumiti si Serena noong marinig iyon. Alam niya kung nasaan ito. Sa hula niya, kasama nito ang Tatiana na sinasabi nila, iyong babaeng mahal ni Kevin.Akala ni Serena, oras na umalis siya sa mansyon, mawawala man kahit konti sa gunita niya si Kevin. Pero kapag mag-isa ka pala, mas malakas ang atake ng mga alaala dahil iyon lang ang laging papasok sa isip mo. That's what her doing right now, nakatitig sa kisame habang nalulunod sa mga alaala na tungkol kay Kevin. Mariin siyang napapikit noong pumas
NAPANGANGA si Hanni sa nakita at agad na lumipad ang tingin nito sa katabing si Serena. Pag-aalala ang mababanaag sa mga mata ng kaibigan at mapait na ngiti ang sagot dito ni Serena. “A-Ayos lang ako, Hanni.” ‘Alam ko kung saan ako lulugar,’ bulong niya sa isip. Sinalubong ng executives si Kevin at si Tatiana at sinundan sila papasok sa private elavator at nanatili ang mga mata ni Serena sa bulto ni Kevin hanggang makapasok ito sa elavator at mawala sa paningin niya. Pagkatapos noon, humakbang siya ngunit muntik siyang mabuwal. “Bebs!” tili ni Hanni at mabilis siyang dinaluhan. “Nahihilo ka ba talaga? 'Wag na tayong pumasok this afternoon? Dalhin na kitang ospital?”“Hindi na, Hanni. Kailangan kong pumasok. Mag-isa na ako uli sa buhay kaya kailangan na wala akong absent. Kaya ko, maniwala ka. Kapag hindi ko kaya, padadala ako sa ospital, okay?”“Basta kapag nahihilo ka o sumama nang husto ang pakiramdam mo, tawagan mo ako, ha? Iiwan ko ang ginagawa ko para puntahan ka. Tara na, a
PUTING kwarto ang bumungad kay Serena noong magising siya. Ilang segundo pang tulala siya sa kawalan bago niya naisip na nasa ospital siya. Nilibot niya ng tingin ang buong lugar at saka niya napansin na nasa gilid si Sir Nathan at si Hanni na kinagulat niya. “Sir Nathan? Hanni?” tawag niya sa atensyon ng dalawa. Nakahalukipkip si Nathan na nakatungo habang nakasandal sa wall ng hospital room at nakaupo sa couch. Nang tawagin niya ito, napabalikwas ng upo si Nathan at agad s'yang sinilip. Maging si Hanni ay nagising dahil sa paggalaw ni Nathan. “Serena.”“Bebs, gising ka na!”Agad na pumunta sa gilid niya ang dalawa at sinuri siya ng tingin. Umupo si Serena at umalalay agad sa kanya si Hanni. “May masakit ba sa'yo?” agad na tanong ni Hanni. “Medyo nahihilo ako pero bukod doon, wala naman na. Bakit ako nandito? Sinong nagdala sa akin dito?”“I brought you here,” sagot ni Nathan kaya napatingin siya rito. “You lost consciousness that made me panic. Your friend also saw you passin
SERENA believed her life was back on track. However, a sudden phone call from the hospital disrupted it. Like a stone thrown into still water, it created ripples.Tumawag sa kanya ang hospital staff na may problema sa lola niya at mabilis naman siyang pumunta roon. Isa sa pasalamat niya kay Kevin na kahit wala na siyang koneksyon dito, hindi nito hininto ang tulong sa lola niya. Naalala niyang nag-message ito sa kanya at gustong ibigay sa kanya ang cards na galing dito dahil sa kanya naman daw nakapangalan iyon ngunit hindi nag-reply si Serena. Ayaw niyang masabihan na gold digger kaya kahit anong ibigay nito, aayaw siya. Sa gastusin lang sa ospital ng lola napapalunok ng pride si Serena at iyon ang ginawa ni Kevin na compensation sa kanya sa tingin niya. Binayaran nito ang lahat ng gastos at may advance payment pa kaya 'di siya mahihirapan pa. Nang makarating sa ospital, nagulat si Serena nang wala ang lola sa kwarto. Noong tanungin niya, mismong ang lola niya raw ang nagpa-discha
HELIA TATIANA gently touched Kevin's cheeks, but he avoided her gesture by turning his head to the side.“Why are you still hard-headed, Xavier? I'm the only one for you and not that girl you picked from the slums.”Umupo sa tabi ni Kevin ang babae ngunit dahil ayaw niyang madikit dito, umurong si Kevin palayo. Dumaan ang inis sa mukha ni Helia ngunit nagpigil ito ng sarili. “Nasa tabi na kita pero ganito ka pa rin! Are you still thinking about that bïtch, Xavier? You can't do this to me! I was the first to know you! I was the first to own you and not her! Stop thinking about her!”Marahas na tumingin si Kevin kay Helia at kung maaari lang, gusto ni Kevin ibalot ang dalawang kamay sa leeg nito at masakál ito. But he still has a conscience. “I don't have time for your shïts, Helia. Knock it off.”Tumayo siya at balak nang lumabas ng kwarto ngunit pinigil siya ni Helia. Pinulupot nito ang dalawang kamay mula sa likuran niya at dinikit pa ang sarili kay Kevin. Pigil na pigil si Kevin i
Kevin was pushed by Helia, and in response, he ran after her. He grabbed her by the hair and when she turned back, he delivered a harsh slap. Blinded by rage, Kevin didn't consider that the person he was holding was a woman.Maybe the loud commotion between them was heard by Helia's men and they checked on them. Nang makita na halos hindi na makagalaw si Helia habang hawak ni Kevin, agad na rumesponde ang mga ito at kanya-kanyang labas ng báril at tinutok kay Kevin. Hinatak din nila si Helia mula sa pagkakahawak ni Kevin at hindi na sinubok ni Kevin kunin pabalik ang babae. Ngunit ang mga mata niya, halos tumusok sa katawan ng babae. Galit at poot ang mababasa sa mga mata ni Kevin ng mga oras na iyon. Kahit nasaktan, noong makita na tinutukan ng báril si Kevin, agad na gumitna si Helia. “Don't shoót him! Listen to me! Let him leave!”“But, Señorita—”“Let him leave! He's just mad at me right now!”Galit man ang mga tauhan ni Helia at gustong saktan si Kevin, sumunod sila. Bibitbitin
Broken Marriage: Stay Away, Mr. Billionaire(Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire Part 2)Description It's been three years since Serena was declared dead but Kevin Xavier won't have it. Despite the evidence indicating her passing, he brushed it off. Ayaw niyang maniwala na sa isang iglap ay wala na ang babaeng mahal niya. Kevin still looks for Serena and makes his family think he's going crazy. During a business trip, he encounters a girl who bears a striking resemblance to Serena, albeit with blue eyes instead of Serena's hazelnut eyes. Despite this difference, Kevin is convinced that she is his wife.But how can Kevin prove to her that she's Serena and make her remember him when Cinder, as the girl introduced herself, pushes him away in every chance he gets close to her? *****Excerpt:“Xavier, I told you, move on na. It's been what? Three years since your wife died. I know it's easier said than done but you need to move forward, hindi iyong stuck ka sa past.”
THE entire place was dark as it was midnight. The occupants of the house were fast asleep. Cinder moved quietly as she surveyed the corridor. Maingat na maingat siyang huwag gumawa ng ingay dahil isang maling gawa niya, alam niyang ikapapahamak niya. Kokolektahin na niya ngayon ang miniature cameras na nilagay niya sa buong kabahayan. Naroon kasi ang mga ebidensya nakuhanan sa taong iniimbestigahan niya ngayon. In order to complete this mission, she needs to collect the strong evidence against that person in a quiet way. Fortunately, the man she was investigating felt comfortable carrying out activities within his house, assuming it was his private property. This made it simple for her to gather evidence.“Chione, don't overestimate yourself and underestimate your enemies. Always make sure you're safe,” ani Cyprus sa earpiece na nakalagay sa tenga ni Cinder. “I know, Cyprus. I won't mess up, hmm?” halos bulong na aniya. Alam ni Cinder na nakamasid ito sa kanyang ginagawa gamit ang