ILANG segundo yata na tulala si Serena at kahit naiintindihan niya ang sinabi ng lolo ni Kevin, parang hindi iyon nag-register sa utak niya. “You're just staying with him because of his money. Now, if I give you what you want, would you leave him?” anito sa boses na parang nagkukuwento lang, parang hindi nito alam na nasasaktan siya sa mga salitang binitiwan nito. “Grandpa—”Masungit na tumingin sa kanya ang matanda. “Hindi kita kaano-ano kaya huwag mo akong tawagin nang ganyan. Address me as ‘Sir’.”Napalunok si Serena. “S-Sir, hindi po ako sumama kay Kevin dahil sa pera niya. Katunayan, hindi ko po siya kilala noong kinasal kami—”“Really? But my investigation says otherwise. Kevin bought you from your family. Aren't you his possession? Even if you didn't know he’s my heir, you knew that he's rich. Katulad ka lang din ng iba na habol sa apo ko ay pera. Sabihin mo, magkano ang kailangan mo? Twenty million? Thirty? Forty? Or do you want a hundred million? Aren't you greedy if that's
HAWAK ni Helia Tatiana ang full result ng investigation sa babae ni Xavier. She read the information about her: her birthday, her family, her education, everything. And there's one thing she could say about the girl, a low-class. Hindi ito kailanman pwede maikumpara sa kanya kaya hindi niya matanggap at maintindihan kung bakit ito ang pinili ni Xavier! Why did he marry this kind of girl? Míerda!But she noticed something. This girl really looks like her. Baka nga akalain na kakambal niya itong babaeng ito dahil sa unang tingin niya, parang nagsasalamin siya. Pero ngayong narito na siya, Xavier doesn't need to stick to that girl anymore. Narito na siya para bawiin ito. She's taking him back and she knows that Xavier will welcome her. Siya lang naman ang babaeng pinangakuan nitong pakasalan kaya tiwala siya na mahal pa rin siya ni Xavier. Feelings won't go away easily. Katulad niya na mahal pa rin ito kahit ilang taon na ang nakalipas. Helia picked her bag and called the driver. Nagpa
KEVIN was hugging Serena after they made love. Nakapatong ang ulo nito sa hubad niyang dibdíb at hinahaplos naman ni Kevin ang buhok ni Serena ngunit may gumugulo pa rin sa isipan. Helia was back and she's messing with his head. Now, he regrets mistaking her for the girl who saved him when he was young. Bumaba ang tingin ni Kevin kay Serena na inaantok na ang itsura ngunit nakatingala pa rin sa kanya habang nilalaro nito ang stubbles na naipon sa gilid ng kanyang panga dahil dalawang araw nang walang shave.Kevin pressed his lips on her forehead and gently whispered, “Sleep, Serena. I'll be here.”Pumikit si Serena, naghanap ng komportableng pwesto, mas siniksik ang sarili nito sa kanya, at nahulog na sa mahimbing na tulog. Kevin then fell into a trance once again. He met Helia Tatiana right after he was kidnapped and was saved by someone. That someone was a little girl who introduced herself as Linlin. And when he saw Helia and he heard her name, he mistook her as his savior. Even
“WHY, shout at me, Xavier? I'm just telling the truth, right? She's a substitute of mine. From head to toe, she looks like me. That's the reason why you took her. Why deny that?”Kevin was glaring at the girl but he didn't deny it that made Serena's heart hurt. Hindi niya alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Ano bang dapat gawin kapag nalaman mong iyong taong mahal mo ay pinakasalan ka dahil hindi ito maka-move on sa first love nito? Ngayon bang bumalik na ito, anong mangyayari sa kanya? Will Kevin leave her? Umiling si Serena at tinanggi iyon. Kevin made a promise to her. Hindi nito sisirain iyon, alam niya. “Kevin,” marahan niyang tawag dito. Kevin turned to her and smiled at her gently. Doon napanatag ang loob ni Serena at binalik ang tingin sa babaeng kaharap.“I'm Serena Jade Sanchez, Kevin's wife. Nice to meet you.”Nabura ang ngiti sa mukha ng babaeng kaharap niya at masama siyang tinitigan. Kita sa mukha nito ang inis dahil sa naging sagot niya. “I don't like the tone
AKALA ni Serena ay maayos na ang pagsasama nila ni Kevin. Naipakilala na siya nito sa pamilya nito, kilala rin naman ito ng lola niya at alam niya na ito ang Sanchez heir. Ibig sabihin no'n, seryoso si Kevin sa kanya, hindi ba? Ganoon ang pinaramdam sa kanya ng asawa, eh. Sinabi rin ni Kevin sa kanya na kahit kailan, hindi nito minahal ang ‘first love’ na sinasabi ng mga tao sa paligid nito. Maayos na dapat ang lahat, diba? Mahal nila ang isa't-isa, sabi pa nito. Kaya bakit parang pakiramdam niya, lumalayo ang loob nito sa kanya? Ilang linggo nang hindi umuuwi si Kevin at noong tanungin niya si Butler Gregory, ang tanging sinabi lang nito ay busy talaga si Kevin sa mga ginagawa nito. Tanging si Butler Gregory lang ang kasama niya sa mansyon at ang mga katulong. Gustuhin man niyang umalis doon dahil naho-homesick siya, baka kasi dumating si Kevin at hindi siya nito makita kaya hindi niya rin tinuloy ang planong umalis. “Serena, bebs, oy! Nag-aya kang kumain sa labas tapos ngayon na
THROUGHOUT the party, Kevin didn't even glance at Serena. Alam ni Serena na aware itong naroon din siya lalo't sinusundan din ito ng tingin ni Hanni na kung laser lang ang mga mata ng kaibigan, baka nabutas na ang tuxedo na suot ni Kevin. Hanni wanted to walk towards Kevin to interrogate him but Serena held her back. Ayaw niyang gumawa ng gulo dahil maraming tao roon. Pero napapansin niya ang panaka-nakang tingin ng mga dati niyang katrabaho sa department nila ni Hanni. Kilala nila si Kevin dahil dinala niya ito noong team building at pinakilalang asawa at alam niyang tanda pa ng mga ito ang itsura ni Kevin. Kaya alam din ni Serena na nagtataka sila na iba ang kasama nitong babae samantalang siya ang asawa. Isa pa, kalat na rin sa mga empleyado ang mukha ni Kevin bilang Sanchez heir. “Serena, asawa mo siya 'diba? Bakit iba ang kasama? Tapos siya rin daw iyong apo ni Chairman? Totoo ba 'yon?” Hindi nakatiis, lumapit si Rose na dati niyang katrabaho. Bumuka ang bibig ni Serena nguni
BECAUSE Serena looked so distraught, Nathan decided to go with her. Umaayaw nga si Serena ngunit sinabi ni Nathan na mas alam nito ang pupuntahan kesa sa address lang na binigay ni Maeve. Dahil doon, pumayag na si Serena. While driving, Nathan glanced at Serena who had red eyes from crying earlier. “A-Are you okay?”Hindi tumingin si Serena kay Nathan ngunit nagsalita siya. “I-I'm trying to be fine, Sir Nathan. Pero magiging maayos naman siguro ako. Gusto ko lang makausap muna si Kevin.”Nathan sighed. He couldn't offer her advice because he didn't even know what had happened between them. He could see that Xavier loves Serena and not the girl they claimed was his first love, but he also didn't have an explanation for why his cousin is hurting his wife.Ayaw ni Nathan na gumawa ng excuse para kay Xavier ngunit sa tingin nito ay may dahilan naman si Xavier kung bakit ganito ang ginagawa ng pinsan. He let out a deep sigh and shifted his focus to driving. The address Maeve provided to
NAGPUPUNAS ng mukha si Serena noong makarating sa bahay ni Kevin. Hindi niya alam kung saan pupunta at dahil wala na siya halos sa sarili, dito ang naibigay niyang address sa taxi driver. Pagbaba ng sasakyan, nag-aalalang mukha ni Butler Gregory ang nakita niya. Nagpilit si Serena na ngumiti sa matandang lalaki ngunit nagtanong ito sa kanya. “Madamé, are you okay? You're crying.”Lumunok ng bikig sa lalamunan si Serena bago maliit ang tinig na nagsalita. “...Butler Gregory, huwag mo na akong tawaging Madamé, mukhang sa susunod, hindi na ako magtatagal dito.”“Madamé?!” patanong na anito. “Butler Gregory, aakyat lang muna ako, ha? Salamat sa paghihintay mo sa akin.”Tumakbo si Serena papasok ng malaking mansyon at nagtuloy sa kwarto nila ni Kevin. Doon, inayos niya ang gamit dahil aalis na siya rito. Ngayong narinig niya ang mga kailangan niyang marinig mula kay Kevin, hindi na niya kailangang manatili pa rito. Ang sabi naman niya kay Kevin, oras na sabihin nitong ayaw na nito sa
Chapter 38“AT SINO ka para paalisin kami? Hindi ako papayag na umalis kami rito! Yaya ako ni Zephyr mula pa pagkabata at parang ina na niya ako! Mas close pa nga siya sa akin kaysa sa ina niya kaya siya rin ang magagalit sa gagawin mo! Hah! Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin 'yan!”Hinarangan ni Manang Gina si Leila na papasok sana sa loob. Tumalim ang tingin niya sa matandang babae at pinagkrus niya ang mga braso. Tumikwas ang kilay niya habang nakatitig dito. Hindi na siya ang Leila na magpapaapi rito. Ngayong alam niyang may importansya na siya kay Zephyr, may tapang na rin siya na harapin ito. At oras na saktan siya nito, ihaharap niya si Zephyr sa mag-titang si Gina at Sienna. Kung kaya nilang magpanggap na inosente at walang kasalanan na ginawa, kayang-kaya niya rin iyong gawin. “Ako ang may kapal ng mukha? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo 'yan, Manang Gina? Ako ang asawa ng 'amo' mo. Yes, you were his yaya and you watched him grow up. But that doesn't mean you ca
Chapter 37“I'LL BE DONE AFTER A WEEK HERE. Wait for me, hmm? Listen to me, Leila, okay? Stay away from guys. I don't want to see guys hovering around you.”Napalingon si Leila sa magkabilang gilid, hinahanap ang lalaking sinasabi ni Zephyr pero wala naman siyang nakita. Nagulat siya nang tumawag muli si Zephyr at imbes na manatili ito ng dalawang buwan sa importante nitong ginagawa, sinabi nito sa kanya na sa isang linggo na lang ang lilipas at uuwi na ito. Syempre, natuwa siya. Miss na miss na niya si Zephyr, e. Nasanay na siyang kasama ito kaya nang marinig niyang pauwi na ito, halos pumalakpak ang tenga niya.Pero natigil ang tuwa niya nang sabihin iyon ni Zephyr. Lalaki? Tsaka niya naalala na noong huling videocall ni Zephyr sa kanya, nakita nito sa likuran niya si Mark na kapatid ni March. Before she could explain things to Zephyr, the call was cut. At ngayon, ito ang sumunod na tawag ni Zephyr sa kanya. “Guys? Wala namang lumalapit sa akin, Zephyr. Kulang na nga lang magin
Chapter 36“WHY DO you look so glum, dude? Anong nangyari? We're in the middle of the mission when you open your fire and kill one of their men. Dati naman, hindi ka ganyan, Zeph. What happened?” litanya ni Cash. Instead of answering him, pinunasan ni Zephyr ang hawak na baril. Hindi pa rin naaalis sa isipan niya ang lalaking nakita sa likod ni Leila. Alam niyang walang ginagawang mali si Leila. He knows how crazy his wife for him. Pero hindi niya maiwasan na hindi mainis dahil nararamdaman niya na habang wala siya ay may pumoporma sa asawa niya. Paano kung mas magtagal siya rito sa misyon na ginagawa at unti-unting mawala sa kanya si Leila? Damn it. Bakit niya ba naiisip iyon? Leila won't love anyone other than him. Kung mayroon man, he will make sure he will shoot that person first. Leila's his. Sa kanya lang. Ang pagtapik sa balikat niya ang nagpabalik sa huwisyo ni Zephyr. Matalim ang tinging binigay niya kay Cash na parang sinasabi na tigilan siya nito. Kung hindi niya map
Chapter 35SA TULONG ni March at Mark, nai-report ang mga taong nagtangkang gawan ng masama si Leila. Pero hindi bago pakantahin ni March ang mga babaeng iyon ng binabalak nila kay Leila at nang malaman ang totoong balak nila na pagkatapos bugbugin ay gusto nilang dalhin sa kung saan si Leila at hayaan kung ano ang mangyari sa kanya, halos manlamig ang buong katawan ni Leila. Sa isip niya, paano kung nagtagumpay sila sa balak nila? Saan na lang siya pupulutin? Paano kung sa masasamang tao siya napasakamay? Paano kung na-rapé siya sa balak nilang pag-iwan sa kanya? Ano na lang ang magiging kapalaran nya? Mas lalong sumidhi ang galit na nararamdaman ni Leila kay Sienna. Kung nasa harap niya lang ang babae, ipapakita niya ang kaya niyang gawin dito. Pero maghintay lang ito, matitikman nito ang bagsik niya. Pinapangako niya iyon. Sa gulong kinasangkutan nila, nagharap-harap sila sa dean's office. May mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang mga babaeng gustong saktan si Leila ha
Chapter 34PARANG WALANG gana na pumasok si Leila sa school. Noong una nga ay wala siyang balak na pumasok pero mas lalo lang siyang mabo-bored kung mananatili sa bahay. Kaya ang ginawa niya ay pumasok na lang. Mas malilibang siya sa school, hindi ba? Pero hindi niya alam kung tama ba desisyon na iyon dahil pagtapak pa lang ng paa niya sa eskwelahan, ramdam niya na ang mga nakakatusok na tingin na galing sa mga tao sa paligid. Mas tumindi pa iyon noong makarating siya sa loob ng campus. Palihim na siyang tumingin sa sarili kung may mali ba sa suot niya. Inamoy niya na rin ang sarili at wala rin namang mali sa kanya - mabango siya at hindi mabaho. Ano ba ang dahilan at nakatingin ang halos lahat ng naroon sa kanya? May ginawa ba siyang hindi niya alam?Dahil walang sasagot sa tanong niya, pinilit ni Leila na ibaon sa limot ang tanong na iyon at dumiretso siya sa designated seat. Nag-aayos siya ng bag nang makarinig siya ng lagabog ng pinto. Napatingin siya roon at mariin ang pagkaka
Chapter 33NAKAKABINGI ang katahimikan sa loob ng condo ni Zephyr kaya hindi sanay si Leila roon. Mabuti na lang at hindi sobrang laki ng condo unit ni Zephyr kaya hindi siya natatakot kahit pa mag-isa siya. Pero noong gabing iyon, nakakaramdam ng kahungkagan si Leila lalo't mag-isa lang siya sa kama. Sa ilang linggo niyang katabi si Zephyr sa kama, hinahanap na niya ang presensiya nito. See? Ang bilis ng attachment niya kay Zephyr. Wala pang isang taon pero heto siya't nababaliw na dahil hinahanap-hanap na niya ito. She's really crazy for him, huh? Kaya noong tumawag ito sa kanya noong sinabi ni Zephyr na nakarating na ito sa pinuntahan at may libreng oras para matawagan siya, halos lumundag sa tuwa si Leila. Nang may incoming call mula kay Zephyr, mabilis pa sa alas kwatro na sinagot ni Leila iyon at bago pa mag-connect ang tawag, nakangiti nang nakabungad si Leila. When she saw Zephyr, she smiled sweetly at him. “I missed you.”Hindi niya mapigil na sabihin iyon. Nakita rin ni
Chapter 32NAKAISIP ng kalokohan si March habang nasa gilid at naririnig ang mga babaeng nag-uusap. Pinalalabas pala ni Sienna na stalker si Leila ni Zephyr at 'palabas' lang lahat iyon. Pero may tao bang matino mag-isip na ide-date ang stalker nila? March thought that Zephyr wouldn't do that. Bakit naman gagawin iyon ni Zephyr kung titingnan eh, kaya nitong protektahan ang sarili? Kung siya si Zephyr, bakit naman siya susunod sa isang babae? Takot ba ito kung ganoon? Nah. She wouldn't buy that. She could read on that guy's eyes that he feels something about Leila. March really calls this farce; a búllshît. But sadly, may tao talagang uto-uto. Tulad ng mga kasama nitong si Sienna. Narinig ni March na nagsinghapan ang mga kausap ni Sienna at agad na sinabi na igaganti nila si Sienna kay Leila. Tuturuan daw nila ng leksyon si Leila nang malaman nito kung saan dapat ilugar ang sarili. “Tsk tsk. There's something wrong with their brains. Oh God, help me,” bulong ni March at patuloy pa
Chapter 31EVERYONE was surprised to see Zephyr leading Leila. Lalo na't ang kamay nito ay nakasalikop sa kamay ng babae at hindi pinapansin ang mga tinging binabato nila. Kahit na gaano ka-close si Zephyr kay Sienna ay hindi ito ganito sa babae. Kaiba sa nakikita nilang galaw nito kay Leila. Doon lang sila naniwala sa balita na nakita sa forum. Si Zephyr na mismo ang nagsabi na hindi nito girlfriend si Sienna at kahit kailan ay hindi naging ex. Zephyr is now with Leila and even though they're not clear with his relationship with her, they could see that Leila's a special person for Zephyr. Ang mga taong pinag-uusapan ng mga tao sa campus ay magkatabi ngayon sa upuan. Leila could feel the piercing gaze of the people around her that made her uncomfortable but she didn't voice out her sentiments. Pero nawala ang atensyon niya noong ipatong ni Zephyr ang ulo nito sa gilid ng balikat niya. Napipilan si Leila at dahan-dahang napatingin kay Zephyr na nakapikit ngayon. “I'm sleepy…” bu
Chapter 30NATAPOS na sila Leila at Zephyr na monood ng movie at noong mga oras na iyon ay nasa kama na sila para matulog. Nakatulong ang hot compress sa period ni Leila pero hindi pa rin ganoon kakomportable ang tummy niya kaya ang pabiling biling siya sa higaan. Maingat naman ang bawat kilos niya dahil ayaw niyang masira ang pahinga ni Zephyr. Naghahanap ng komportableng pwesto si Leila noong maramdaman niyang may braso na humawak sa beywang niya. Pagkatapos, inikot siya ni Zephyr at napunta siya sa ibabaw nito. “Sleep, Leila,” he uttered in raspy voice. Halatang inaantok na si Zephyr. “M-Matutulog na ako. A-Ano alisin mo iyong kamay mo sa akin para makabalik ako sa pwesto ko—”“Sleep on top of me, Leila.”“H-Ha? Ano 'yang sinasabi mo?”“Sleep there so you'll get comfortable. Close your eyes and hug me,” maawtoridad nitong sabi sa kanya. Nahihiya na iniyakap ni Leila ang mga braso kay Zephyr at pinikit ang mga mata kahit pa parang hindi siya makakatulog dahil halos mabingi siya s