Ayan na... ready na si Angel.
AngelNang kasunod na araw ay maaga akong pumasok hoping i would be able to see Salvatore. Pero hindi ganon ang nangyari dahil wala siya. Tatanungin ko sana si Mauro pero ayaw ko namang mag-isip siya ng kung ano dahil nakakahiya kaya naman pinagpaliban ko na lang ang tangka kong pagkausap sa lalaki at hinintay na pumasok siya.Lumipas na ang isang linggo ay hindi pa rin pumapasok si Salvatore at kung hindi lang mukhang masaya si Mauro sa tuwing makikita ko siya ay iisipin kong may nangyari ng masama sa lalaki.“Mom, I thought you’re going to let us meet our Daddy?” tanong ni Savanna, araw ng Sabado at nasa bahay lang kami.“Hindi ko pa siya nakakausap eh, hindi pa siya pumapasok.”“What do you mean hindi pa pumapasok? Did something bad happen to him? Bakit hindi mo itanong kay Tita Nadia or kay Tito Angelo?”Oo nga naman, kaya lang ay ayaw ko dahil nahihiya akong malaman nila na concern ako. “I’m sure na walang anomang nangyaring masama sa kanya dahil okay naman ang kaibigan niya sa of
Angel“Kung maibabalik ko lang ang panahon ay iibahin ko ang paraan ng pagtataboy ko sa’yo. Believe me baby, I have my reasons.” Hindi ako umimik at nanatiling nakatingi sa kanya kasabay ang pag-alala sa sinabi sa akin ni Angelo na mahal nga daw ako ni Salvatore at hindi iyon nagbago hanggang ngayon.“Yeah and one of them is that you already like someone.”Mabilis siyang umiling ng sunod sunod habang tigmak pa rin ng luha ang kanyang mga mata na dumadaloy na ngayon sa kanyang pisngi.“And it’s you.”“Me?”“I only like you. Simula ng makita kita ay ikaw lang talaga ang babaeng nagustuhan ko.” “Sino ang babaeng sinasabi mong nagustuhan mo na?”“It’s you. I just say it para umalis ka na. Para magalit ka sa akin at hindi masaktan.” Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya.“Para hindi ako masaktan? Iniisip mo na hindi ako masasaktan sa paghihiwalay natin kung magagalit ako sa’yo?”Yumuko siya pagkasabi ko non. Hindi siya nakasagot, siguro ay alam niya na hindi naman talaga pwedeng hindi
Angel“Are you done?” tanong ko. Pilit kong pinatatag ang sarili ko kahit na gusto ko na siyang yakapin ng mga oras na iyon. Ayaw kong makita na ganyan ang itsura niya. He looks helpless. Malayo sa Salvatore na kilala ko.“Baby, please…” pagsamo niya.“Pinakinggan na kita,” sabi ko. “Pero kung inaasahan mo na mapapatawad kita pagkatapos kong marinig ang paliwanag mo ay nagkakamali ka. You could have talked to me and explain everything bago ka nagdesisyon na ipagtabuyan ako matapos mong pira-pirasuhin ang puso ko. Tinanong mo muna sana ako kung kaya ko bang makipag tulungan sa kung ano mang plano mo. Pero hindi–”“I just didn’t—” hindi niya ako pinatapos kaya naman hindi ko rin hinayaan na magpatuloy siya sa pagsasalita.“Kung tapos ka ng magpaliwanag, you can leave. May gagawin pa ako.” Iyon lang at ibinaba ko na ang aking mga paa at tumayo. Ngunit bigla niya akong niyakap dahilan upang mailang ako dahil nga nakaluhod siya at isinubsob pa ang kanyang mukha sa tiyan ko.“Baby, please…”
SalvatoreIsang linggo akong hindi pumasok sa opisina para lang mag-isip ng paraan kung paano ko mapapabalik sa piling ko si Angel kasama na ang aming kambal. Walang pagsidlan ang kaligayahan ko sa kaalamang may pamilya na kami ng babaeng mahal ko.Sa buong isang linggo ay nasa condo lang ako at nag-eensayo ng mga salitang pwede kong sabihin kay Angel para lang mapatawad niya ako at kagabi nga ay parang nabalewala lang iyon because my apology didn’t go according to plan.Hindi ko talaga kaya na marinig sa bibig niya kung paano ko siya noon pinagtabuyan at iyon ang talagang nagpapaguilty sa akin. Matapos ang aming usapan ay pinauwi na niya ako ngunit hindi ako pumayag. Lasing na ako pero kaya ko pa naman ang sarili. But no, I stand my ground at nagpilit na matulog sa condo nila kahit na sa sofa lang ako.Nakarinig ako ng kaluskos at tila bulungan mula sa kung saan at kahit na medyo masakit pa ang aking ulo ay idinilat ko ang aking mga mata.“He’s awake!” sabi ng maliit na tinig kaya nam
Salvatore“Papa, why did you leave Mom?” tanong ni Savinna. Kita ko ng ito ang nagmana ng husto kay Angel. Tumingin ako kay Savanna na nasa tabi ko at nakatingin lang sa akin, naghihintay ng aking sagot.“Because I’m an idiot.”“We already know that.” Walang kagatol gatol na sagot ni Savanna. She’s really exactly like me. “What Sav wants to know is the exact reason. Like do you have another woman? Do we have another sibling?”“Of course not! I only love your mother!” mabilis kong sagot at nakita ko kung paano magbago ang mukha ni Savanna. Nagustuhan yata ng husto ang sagot ko.“Then you are really an idiot.”“Savanna, watch your language.” Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Angel. Pagkatapos kong maglinis sa kusina ay dinaluhan ko na sila sa living room. Kung ganito ang pakiramdam na makita sila in one place, I would trade everything I have just to keep moments like this for the rest of my life.“Sorry, Mom.” I love how the twins apologize to their mother sa tuwing tinutuwid sila
Angel“Tingnan niyong mabuti yung magiging yari at ang telang gagamitin. Casual wear iyan kaya dapat komportable din ang magsusuot,” paliwanag ko sa isa sa mga designers ng SA Clothing. Sa totoo lang ay magagaling ang mga ito kaya hindi ko maintindihan kung bakit kumaharap sa malaking financial crisis ang kumpanya.“Yes, Ma’am,” sagot ni Jek. Nasa meeting room kami at nagdi-discuss ng tungkol sa mga bagong designs ng kumpanya.“Gusto ko na ma-finalize ang lahat ng designs for the third quarter catalogue.”“Copy Ma’am.” sabay sabay na tugon ng 4 na designers na kasama ko kung saan isa sa kanila ay assistant ko na rin. Nagtayuan ang mga ito na siya namang bukas ng pintuan kaya naman lahat kami ay napatingin doon.“Good morning, baby,” sabi ni Salvatore na ikinalaki ng aking mga mata. Nag-ngitian ang mga nakarinig kaya naman naningkit ang mga mata ko sa inis.“Sinabi ko ng huwag mo akong tatawagin ng ganyan lalo na kung may mga makakarinig,” gigil kong sabi ng tuluyan ng makaalis ang laha
Salvatore“Papa, ready na?” tanong ni Savinna. Ako ang nag-aayos ng laptop nilang magkapatid para sa online class nila. Gusto ko ng ipa-transfer sila sa skwelahan dito sa Pilipinas dahil alanganin naman masyado ang klase nila gawa ng umaga sa Michigan eh gabi naman dito.“Okay na, sweetheart. Sige at pumwesto ka na, ikaw din Savanna.” Masayang sumunod ang dalawa at ako naman ay tumabi na sa baby ko na nasa sofa at busy sa kanyang tablet. Inangat ko ang likod niya ng bahagya tsaka ko iniunat ang aking braso para nakayapos ako sa kanya. Wala naman siyang tutol at patuloy lang sa kanyang ginagawa.Salitan ang naging tingin ko sa kambal at kay Angel na ngayon ay nakasandig na sa akin. Nahuli ko pang nakangiti ang kambal habang nakatingin sa amin na tila masaya sa kanilang nakikita. Sinenyasan ko sila na sa laptop lang ang tingin at mabilis naman din nilang ginawa iyon.Dapat ay mabagot ako dahil wala naman akong ginagawa, ngunit sa pagtingin lang sa pamilya ko ay parang kuntento na ang pak
SalvatoreFor 3 weeks now ay parang nasa langit na ang pakiramdam ko dahil nasa next level na ang samahan namin. Nagdala ako ng ilang damit sa condo ng mag-ina ko. Gusto ko sanang sa akin na sila tumira pero alam ko na kailangan kong maghinay hinay. Ayaw kong isipin ni Angel na masyado na akong nagiging demanding.Sabay kaming pumapasok ni Angel araw araw at sa gabi ay magkatabi na kaming matulog ngunit hanggang doon pa lang. May weekends na nagkikita kami nila Angelo at Nadia sa tuwing dinadalaw nila ang mag-iina.Hindi ko rin naisip na ganito kalakas ang self control ko dahil sa pagtitimpi kong angkinin ang mahal ko. Nakatulong na din siguro yung fear na baka magalit ang mahal ko kung sakaling ipipilit ko ang sarili ko sa kanya. “Mukhang busy ka ah?” Nag angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Mauro. “Ni hindi mo narinig ang pagkatok ko.”Nag unat ako ng likod at sumandal. “Hindi naman. Gusto ko lang matapos ang trabaho ko bago mag-uwian.”“Dahil kay Angel?” tanong habang lum