Ano kayang sasabihin ni Angel?
Angel“Mommy, are you sure you’re still going to wait for Papa?” tanong ni Savanna na tinanguan ko naman. Kakatapos lang ng klase nila at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin dumarating si Salvatore.“Madami kasi siyang ginagawa kanina bago ako umuwi kaya nauna na ako.”“But you’re still not eating.” Si Savinna na ang sumagot.“Hindi pa rin kumakain ang Papa niyo kaya sabay na kami.” Hindi umimik ang dalawa at nanatiling nakatingin sa akin. “You know what, why don’t you go to your rooms now and sleep?”“Okay,” sabay nilang sabi bago nagsibalikan sa aking pisngi at tsaka pumasok na sa kanilang silid. Ako naman ay naiwan na sa sala at nanatiling nakaupo sa sofa para maghintay pa ng konti. Napatingin ako sa aking phone at nangangati na akong tawagan siya ngunit pinigilan ko pa rin ang aking sarili.May isang oras pa akong naghintay bago tumayo mula sa sofa at niligpit ko na lang ang laptop na gamit ng kambal. Nawalan na rin ako ng ganang kumain dahil sobrang late na. Papunta na ako sa pint
Mature ContentSalvatorePara akong mababaliw ng makita ko ang suot niyang pantulog na walang itinago lalo at napakanipis lang non at wala pa siyang underwear. Ngani ngani ko na talagang buhatin siya at dalhin sa kama para angkinin ng paulit-uilt ngunit itinulak niya ako palabas.Nanatili ako sa sala at sinibukan kong makatulog ngunit ako’y bigo kaya makalipas ang ilan pang minuto ay pumasok na ako sa kwarto. Kitang kita ko ang pigura niyang nakahiga sa kama at payapang natutulog.Bakit ang bilis niyang makatulog na tila hindi man lang apektado ng sinabi niya kanina? Fuck, sundan na daw namin ang kambal. Ang tanga ko talaga kahit kailan!Naghubad ako ng aking damit bago ako tumabi sa kanya at pumwesto sa kanyang likuran. Alanganin kong dinampian ng magaan na halik ang nakalabas niyang balikat ngunit hindi siya gumalaw.“Baby..” tawag ko sa kanya habang patuloy ko siyang kinikintalan ng magagaan na halik mula sa kanyang balikat hanggang sa kanyang pisngi. Marahan kong hinagod ang kanya
AngelMasakit man ang katawan ko ay maaga pa rin akong nagising ng kasunod na araw. Nasanay na talaga kasi ako sa ganitong routine kaya walang kaso sa akin no matter how tired or kulang ako sa tulog. Tumingin ako sa aking tabi at nakita ko ang mahimbing pang natutulog na si Salvatore. Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng maalala ko kung paano niya ako inangkin kagabi habang sinasabi niya na kaya pa niya akong sabayan.Nagtaka ako at napansin kong naka ulo pala kami sa bandang paanan ng kama. Muli kong tiningnan si Salvatore at hindi ko mapigilang haplusin ang kanyang pisngi.Pinagsawa ko ang aking mga mata hanggang sa may napansin ako sa aking daliri. Inilapit ko ang aking kamay at tinitigan iyon.“Do you still remember?” tinignan ko si Salvatore na nakadilat na. Inabot niya ang aking kamay at tsaka dinala iyon sa kanyang bibig at hinalikan. “When did you—”“I never took that off my body lagi lang nakakabit sa necklace ko.” Iyon pala ang napansin ko kagabi.“I'm sorry, I took it off.”
MauroKinakabahan ako sa plano ko. Hindi naman talaga tatagal ng isang linggo ang pag-uusap namin ni Angelo ngunit iyon na rin ang ipinaalam ko kay Salvatore just in case may mangyaring hindi ko inaasahan. Mahal ko si Nadia at gusto ko na ring makasama siya. Fuck, ang tanda ko na pero heto at single pa rin ako dahil sa kakahintay sa makulit na babaeng iyon.Kung tutuusin ay okay lang dahil nabigyan ko ng pagkakataon si Nadia na magawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nakapagtrabaho siya at kita ko sa mukha niya ang kaligayahn ng tuluyan niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang.At ngayon nga na nandito na ulit si Angel ay inisip ko ng seryosohin ang pakikipag-usap din sa babaeng maligalig na ‘yon pagkatapos naming mag-usap ni Angelo. Mabuti pa si Salvatore at may kambal na, samantalang ako a bubuo pa lang kung sakali.“Ano ba kasi ang pag-uusapa natin?” tanong ni Angelo. Tinignan ko siyang mabuti at hindi ko maiwasan ang mapailing at mapangiti. Nasa balcony kam
Angel“Ikaw na babae ka, wala kang silbi!” galit na sigaw sa akin ni Tita Anacleta habang sabusabunot niya ako kaya naman hawak hawak ko rin ang kanyang kamay at nagsusumikap na makakawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa mahaba kong buhok.“Tita please po, masakit...” ang umiiyak kong sabi habang sige pa rin siya sa pagsabunot niya sa akin.“Sasama ka sa mga lalaking pupunta dito mamaya o si Angelo ang ibibigay ko sa kanila. Sabagay, lalaki ang kapatid mo, mas mapapakinabangan nila iyon kapag naturuan nilang manggulpi at pumatay ng tao, siguradong lalaking kriminal ang pinakamamahal mong kapatid.”“Huwag po tita,ang bata bata pa po ni Angelo. Tsaka nangako po ako kila mama at papa na aalagaan ko at papalakihin siya ng wasto.” Hindi pwedeng hindi ako mangatwiran dahil ayaw ko namang bumangon sa hukay ang mga magulang ko o kaya naman ay multuhin ako dahil pinabyaan ko ang aming bunso.“Hindi pa ba tapos yan? Kanina mo pa kinakausap eh hindi mo pa mapa-oo.” Napatingin kami pareho sa b
AngelDahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Parang inaantok ako na ewan na tumingin sa aking paligid. Naikunot ko ang aking noo nang ma-realize ko na hindi pamilyar ang lugar. Nasa isang magarang silid ako at higit sa lahat ay nasa kama ako. As in kama!Tapos ay bigla kong naalala ang nangyari. “Nasaan na ang mga lalaki?” nanghihilakbo kong tanong ng malakas na wala namang sumagot dahil mag-isa lang ako sa silid. Totoo bang pangyayari iyon o nanaginip lang ako?Naipilig ko ang aking ulo dahil sigurado akong totoo ang nakita ko. May pinatay at naalala kong palapit sa akin ang lalaking may magandang boses pero nakakatakot na pagkatao. Anong nangyari pagkatapos non?Natampal ko ang aking noo ng maalala kong wala na akong matandaan ng tuluyang makalapit sa akin ang lalaki at tanungin ang katabi kong si Mauro kung sino ako. Hinimatay ako! Kinapa ko ang aking sarili para siguraduhing hindi ako isang kaluluwa lang. Kinurot ko ang aking sarili. “Aray!” Nakahinga ako ng maluwag ng mapa
Angel“Ha?” Sigurado akong mukha akong tanga ng mga oras na ito pero hindi ko mapigilan ang maging ganon. Paano ba naman, hindi normal na makarinig ng ganon sa unang beses na pagkikita. “Pasensya na po kasi parang nagkamali ako ng pandinig.” Nasa mga tatlong metro ang distansya namin sa isa’t isa kaya baka nga mali lang talaga ang intindi ko.“Ano ba ang pagkakarinig mo?” tanong niya na nahihiya naman akong sagutin. Paano nga kung mali ako ng pandinig tapos ay isipin niyang may pagnanasa ako sa kanya?“P-Pwede pong pakiulit ng sinabi mo?” kinakabahan kong tanong. Bahala na, kaysa naman mas magmukha akong tanga dahil nga mali ang pagkakariniig ko.“I said, maghubad ka na.” Mahina lang ang pagkakasabi niya pero may diin at kababakasan ng pagkainis. Siguro ay dahil kailangan pa niyang ulitin ang sinabi niya kaya lang.“Ano ho?” ang nanghihilakbo kong tanong. “Eh bakit ho?”“Dahil gusto kong makita ang katawan mo.” Parang wala lang na sabi niya. Manyakis pa yata ito ah. Kung kanina ay par
AngelHindi ko akalain na ang silid na tinulugan ko ay silid din pala ng lalaking iyon. Marapos niya akong paalisin ng kanyang opisina ay pinabalik niya ako sa silid at sinabihang ayusin ang mga gamit na dinala doon ng tauhan niya.Nagulat ako ng puro mga pambabaeng damit at kung ano anong mga cosmetics na hindi ko naman ginagamit ang laman ng paperbag na nasa sahig. Medyo may kapirasong saya ang agad na nagdaan sa aking puso, ngunit ng maalala ko ang pinagawa niya sa akin kanina ay mabilis din iyong nawala.Nagbukas ako ng closet matapos kong matagpuan iyon na nasa isang silid din sa bandang kanan ng kwarto. Gusto kong malula sa laki non dahil halos kasing laki na iyon ng aming sala samantalang lalagyan lang ng mga damit dito sa mansyon ng lalaking iyon.Lumapit ako sa isa sa mga pintuan ng closet na nandoon at nanlaki ang aking mga mata ng makita kong mga damit panlalaki ang naroon. At doon ko naalala ang sinabi ng lalaking pumasok sa opisina kanina, ‘ang iba ay nasa silid niyo na.’