Anong klaseng panggugulo naman kaya ang gagawin ni Salvatore? hehehe
SalvatoreKahit ayaw ko at gusto ko siyang pigilan ay wala na rin akong nagawa ng umalis si Angel. Sa ngayon ay wala pa akong magagawa, pero after niyang pumirma ng kontrata ay sisiguraduhin kong matatali na siya sa kumpanya.Sa lunes ay babalik si Angel dito para sa kontrata at magsimula na rin. Sa ngayon ay inatasan ko muna si Mauro na asikasuhin ang silid na ookupahin ni Angel bilang head ng design. Kasalukuyan akong nasa aking opisina ng bigla na lang bumukas ang pintuan.“Damn, Nadia!” gulat kong sabi. “Hindi ka ba marunong kumatok?” tanong ko.“Where is she? Is it true?” magkasunod niyang tanong.“Who?”“Alam mo kung sino ang tinutukoy ko, Sir!” Manang-mana ang babaeng ito kay Mauro. Amo niya ako pero may mga time na kung kausapin ako ay parang hindi.“Hindi ko alam kaya diretsahin mo na ako.” yes, alam ko. Pero hindi ako papayag na gawin niya ang gusto niya.“Si Angel, totoong nandito na siya?” “Huli ka na sa balita, kahapon pa yon.”“Bakit hindi mo man lang pinapunta sa akin?”
Salvatore“Hindi ba dapat ay sa HR ako pumunta? Bakit kailangan dito?” tanong niya pagpasok na pagpasok habang inilalagay ko naman ang folder sa drawer ng aking table.“Alam mong hindi normal hiring ang nangyari sa’yo.” Hindi ko na dinagdagan ang sasabihin ko bagkus ay itinuro ko siya sa receiving area ng makatapat na siya sa table ko. Tumayo ako upang sundan na niya dahil mukhang wala siyang balak gawin ang gusto ko.Inilapag ko ang folder na naglalaman ng kontrata niya sa center table bago ako prenteng umupo na at naghintay sa kanya. Narinig ko pang bumunttunghininga siya bago ko naramdaman ang paglakad niya hanggang sa nakita ko na siyang naupo sa kanang side ko pa rin. At least alam pa rin niya kung saan ang lugar niya sa akin.“Read and then sign.” Kinuha niya ang folder at nag simulang magbasa. Okay sa simula hanggang sa kumunot na ang kanyang noo.“I already said na isang taon lang ako dito.”“Ganun ka ba ka-confident na magiging successful nga ang project within a year?” tanong
Angel“Mommy, how’s work?” curious na tanong ni Savinna. Kasalukuyan kaming nasa living room at kakatapos lang mag dinner. I am preparing their laptops para sa online class nila. Tumingin ako sa kanya pati na kay Savanna na nakatingin na rin pala sa akin.“Okay naman, why?” I casually replied. Ayaw ko kasing may mahalata sila sa nararamdaman ko. Ang lakas pa naman nilang maka-tunog and when that happen ay hindi nila ako tinatantanan ng kakatanong.“Nothing. Para lang you feel different.” Muli kong tiningnan ang kambal at kumunot ang aking noo dahil sa sagot ni Savinna.“What do you mean, different?”“You normally tells us what happens to you kapag umaalis ka ng bahay. Even when you just went to a grocery without us, ikukwento mo pa rin how the cashier was so beautiful or annoying or slow.”“Yon ba? Wala naman kasi akong mai-kwento dahil wala pa naman masyadong ginawa si Mommy but to draw.” Pagdadahilan ko. Mahirap na talagang mag dahilan sa kanila. They’re both smart and sa tingin ko
AngelAng akala ko ay makakaligtas na ako kay Nadia, ngunit ng lumabas ako ng design department ay nandoon na siya at nakaabang. Hindi naman pala totoo na sa office ni Salvatore ako mamamalagi, nagkataon lang na hindi pa na-deliver ang table ko kaya naman doon muna ako pinag-stay ng lalaki.“Wala talaga akong kawala sa’yo ano?” nakangiti kong tanong.“At inaasahan mo pa talaga na makakawala ka sa akin?” tanong din niya bago ikinawit ang kanyang mga kamay sa braso ko. Nagpatuloy na lang ako sa paglakad at syempre pa ay nakasunod na rin siya.“Sasama ka sa bahay?” tanong ko.“At sa tingin mo ay hindi? Nagpaalam na ako kila nanay.” Natawa ako sa sinabi niya kaya naman wala na rin akong nagawa kung hindi ang magbook ng grab.“Mommy!!!” sigaw ni Savinna habang si Savanna at tahimik lang na nakasunod sa kanya pagpasok namin ni Nadia ng condo.“Hello, girls…” sabi ko sabay luhod at buka ng aking mga kamay para mayakap sila. “Meet tita Nadia.”“She’s tita Nadia?” nanlalaki ang mga mata ni Sava
SalvatoreNaibato ko ang cellphone ng i-end ni Angel ang call. Inis na inis ako dahil pakiramdam ko ay ayaw niya talaga akong makausap at ayaw niyang pag-usapan ang nakaraan. Naiintindihan ko naman ang galit niya, pero sana naman ay maintindihan niya rin ako at subukang pagbigyan kahit na isang beses lang.Excited pa naman akong pumasok ngayon at inaabangan ang pagdating niya tapos ay hindi pala siya papasok. Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano kami magkakasarilinan. Yung hindi siya makakawala sukdulang kidnap-in at ikulong ko siya sa condo ko.“Anong nangyayari sa’yo, bakit para kang bakang hindi maire?” tanong ni Mauro ng mapasukan niya ako sa aking opisina na paikot-ikot. “At bakit nasa lapag ang cellphone mo?”“Hindi papasok si Angel.”“Yun lang eh binato mo na ang phone mo.”“You don’t understand. Ayaw niyang makipag-usap sa akin.”“Which is normal naman. Bakit ba kasi hindi mo habaan ang pasensya mo? Alam mo naman na na ganito ang mangyayari di ba?”“Pero merong David na
Angel“Ate,” sabi ni Angelo ng makita ako. Tinawagan ko siya at nalaman kong nasa eskwelahan pa siya kaya naman sinabihan kong puntahan ako after class. Hindi pa siya makapaniwala noong una ng sabihin ko kung sino ako at buti na lang at number ni Nadia ang gamit ko dahil kung hindi ay malamang na binabaan lang niya ako ng telepono.“Angelo,” sabi ko rin. Ang laki laki na niya at binatang binata na rin. Maluha luha siyang yumapos sa akin. Nasasalat ko ang tigas ng kanyang katawan kaya naman alam kong regular siyang nagji-gym. Sa edad niyang disiotso ay aakalain ng kahit sino na nasa bente na siya mahigit.“Grabe, mas malaki ka pa sa akin! Akala ko ba ay mamaya pa pala ang uwian niyo, bakit naririto ka na?” bulalas ko ng maghiwalay kami. Tinignan ko pa siya ng husto at ganun din ang ginawa niya sa akin habang bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat.“Hindi na ako makapaghintay eh. Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?” tanong niya na may bahid ng lungkot at pagtatampo sa kanyang mukh
AngelNang kasunod na araw ay maaga akong pumasok hoping i would be able to see Salvatore. Pero hindi ganon ang nangyari dahil wala siya. Tatanungin ko sana si Mauro pero ayaw ko namang mag-isip siya ng kung ano dahil nakakahiya kaya naman pinagpaliban ko na lang ang tangka kong pagkausap sa lalaki at hinintay na pumasok siya.Lumipas na ang isang linggo ay hindi pa rin pumapasok si Salvatore at kung hindi lang mukhang masaya si Mauro sa tuwing makikita ko siya ay iisipin kong may nangyari ng masama sa lalaki.“Mom, I thought you’re going to let us meet our Daddy?” tanong ni Savanna, araw ng Sabado at nasa bahay lang kami.“Hindi ko pa siya nakakausap eh, hindi pa siya pumapasok.”“What do you mean hindi pa pumapasok? Did something bad happen to him? Bakit hindi mo itanong kay Tita Nadia or kay Tito Angelo?”Oo nga naman, kaya lang ay ayaw ko dahil nahihiya akong malaman nila na concern ako. “I’m sure na walang anomang nangyaring masama sa kanya dahil okay naman ang kaibigan niya sa of
Angel“Kung maibabalik ko lang ang panahon ay iibahin ko ang paraan ng pagtataboy ko sa’yo. Believe me baby, I have my reasons.” Hindi ako umimik at nanatiling nakatingi sa kanya kasabay ang pag-alala sa sinabi sa akin ni Angelo na mahal nga daw ako ni Salvatore at hindi iyon nagbago hanggang ngayon.“Yeah and one of them is that you already like someone.”Mabilis siyang umiling ng sunod sunod habang tigmak pa rin ng luha ang kanyang mga mata na dumadaloy na ngayon sa kanyang pisngi.“And it’s you.”“Me?”“I only like you. Simula ng makita kita ay ikaw lang talaga ang babaeng nagustuhan ko.” “Sino ang babaeng sinasabi mong nagustuhan mo na?”“It’s you. I just say it para umalis ka na. Para magalit ka sa akin at hindi masaktan.” Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya.“Para hindi ako masaktan? Iniisip mo na hindi ako masasaktan sa paghihiwalay natin kung magagalit ako sa’yo?”Yumuko siya pagkasabi ko non. Hindi siya nakasagot, siguro ay alam niya na hindi naman talaga pwedeng hindi