See you po sa next chapter!
“David, punong puno ng ano?”“Well, punong puno ng pasa at love bites.”“Love bites?” tanong ko at tsaka ko lang naintindihan ang ibig niyang sabihin kaya naman nakaramdam na naman ako ng hiya. “Pero unti-unti na raw naghihilom ngayon sabi ng nurse.”“Hindi ako ni-rape ni Salvatore, David. Kung ano mang masama ang iniisip mo sa kanya ay nagkakamali ka.”“Hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin.”“Hindi naman, sinasabi ko lang dahil ayaw kong pag-isipan mo siya ng masama. Sabi niya ay mahal niya ako kaya hindi niya ako sasaktan.”“Pero nagawa na niya, Angel. Kaya ka nga nandito eh di ba? Dahil sinaktan ka na niya…” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya dahil totoo naman iyon. Pero alam kong dahil sa nagselos lang siya. “Magpahinga ka na at ng lumakas ka agad.”Tumango na lang ako sa sinabi niya. Kung kailangan kong maging malakas para lang makaharap ko siya ulit ay gagawin ko.Lumipas pa ang limang araw at naging maayos na rin ako pati na ang pakiramdam ko, physically. Emotionally ay ganun
Angel“Angel, kumain ka na,” sabi ni David sabay lapag ng tray ng pagkain sa bedside isang maliit na lamesa na ipinatong niya sa kama. Limang araw na mahigit ng malaman ko ang tungkol sa pagpapakasal ni Salvatore at simula pa non ay wala na rin akong ganang kumain ngunit kailangan kong gawin dahil ng dalhin ako sa ospital ay nalaman kong nagdadalantao pala ako. Hindi ko alam ang gagawin ko non dahil ni sarili ko ay hindi ko rin alam kung paano bubuhayin ang batang nasa sinapupunan ko. Ramdam ko pa nga ang sakit at bigat ng katawan ko dahil sa nangyari sa amin ni Salvatore ay may panibago pa akong intindihin. Salamat na lang kay David na laging nakasaklolo sa akin. “Salamat,” mahina kong sabi dahil sa hiya. Pero nakapag-isip na ako. “Sa susunod ay hindi mo na kailangang dalhan pa ako rito ng pagkain. Nakakahiya naman sayo dahil nakikitira na nga ako ay alagain mo pa.”“Maliit na bagay, Angel, masaya akong makatulong sayo.” Huminga ako ng malalim bago ngumiti sa kanya at nagsimulang ku
“Okay ka lang ba, Angel?” tanong ni Erika.“Ha? Oo, ayos lang ako.” Nakangiti kong sabi habang karga ko si Savinna at nagtitimpla ng dede nila ni Savanna na ngayon ay nasa crib.“Akin na nga yang baby na yan at ng magawa mo ng maayos yan.” Inabot ko naman sa kanya ang ngayon ay 8 buwan kong anak bago siya naglakad papunta sa isa pa na nasa living room, di kalayuan sa amin.Binilisan ko ang pagtitimpla dahil nahihiya ako sa kanya sa tuwing nag-aalaga siya ng kambal lalo na kung bigla silang nagising habang nag-o-online class ako.Napakaswerte ko dahil nakilala ko ang pamilya ni David. Kahit na mahirap ang mag-aral at mag-alaga ng kambal ay wala akong naging problema dahil para sa akin ay napagaan pa rin dahil sa tulong nila Dom at Erika ang buhay ko.Sila ang naghanap ng online class ko para sa advance learning. Sakto ang dating ko dito as Amerika dahil simula ng klase at dahil online, tuluy tuloy lang ang pag-aaral ko kahit na buntis ako. Isang taon lang ay nag-exam ako para ma-acceler
Angel“Mommy, are we going to transfer school here in Manila too?” tanong ni Savinna. Sa kambal ay ito ang sadyang matanong. Lahat na lang yata ay gusto niya alam niya. Complete opposite ni Savanna na tahimik lang at seryosong nakasakay sa maletang tinutulak ko.“No dear, online lang naman ang klase niyo so no need to transfer. Nainform ko na rin ang school na lumipat tayo pansamantala dito.”“I can't wait to see Daddy, I'm sure he's excited to see us too.” Ang bilis naman niyang mag change topic.Napailing na lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagtulak sa dalawang maletang sinasakyan nga ng kambal hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng arrival area. “There's Daddy, Mommy,” marahang sabi ni Savanna sabay turo sa aming kaliwa at natanaw ko na nga ang ngiting ngiting si David na kumakaway pa bago kami sinalubong.“Daddy!” masiglang tawag ni Savinna sabay yakap ng makarga na siya ni David.“Kamusta ang magagandang kambal na manang mana sa Mommy?” tanong din naman ni David sa da
Salvatore“You had been telling me about d'yan sa sinasabi mong kaibigan na si Sasa pero hanggang ngayon ay wala pa rin,” yamot kong sabi. Naiinis akong kailangan kong maghintay sa kung sino mang nirerecommend niya para maging head designer namin. “I'm sorry talaga, pero nandito na siya sa Pilipinas kapag nakapag pahinga na siya ay pwede ko ng papuntahin dito,” sabi ni Camille na anak ng mag-asawang kasosyo ko sa clothing business. Ako sana ang kukuha ng designer pero mapilit siya sa gusto niya kaya naman pinagbigyan ko na rin. “No, I want to meet kung sino man siya bukas na bukas din,” tugon ko. Kahit na kasosyo ko ang mga magulang niya ay ako naman ang may hawak ng controlling share. “Sigurado naman ako na magaling talaga ang kaibigan ko, naipakita ko na sayo ang mga gawa niya at nagustuhan mo naman. Baka kasi pagod pa sa biyahe kaya sana–”Hindi ko na pinatapos ang kung ano mang sasabihin ni Camille at malakas kong hinampas ang aking kamay sa lamesa. Nasa meeting room kami kasama
Salvatore*** Flashback ***Pumasok ako sa aking opisina matapos kong makapaglinis ng katawan at magpalit ng damit. Mag-uusap pa kami ni Mauro tungkol sa mga plano kong pagbabago sa buhay ko at namin ni Angel.Nagulat na lang ako ng maratnan ko rin doon si Dad. Naupop ako at nagsimula na siyang dumaldal. “As I was saying, because you love your woman so much, that’s where I will attack you.”“Whatever you’re planning, it’s not going to work.”“Of course it is. You are my son and I only want the best for you but you can’t see it.” I chuckled after hearing him. Organisasyon lang ang mahalaga sa kanya at never kami ni Sandicho.“I saved you. I did everything I could to get you out of that hole and you promised to do one thing for me without hesitation.” Saan ka nakakita ng amang humihingi ng kapalit sa ginawa niya para sa kanyang anak? Siya lang.“What is it?” tanong ko.“Marry Caterina.” Sinasabi ko na nga ba eh. Pero hindi ako makakapayag doon. Si Angel lang ang gusto kong makasama haban
Salvatore“Oh, Angel. Finally, you’re here,” narinig kong sabi ni Camille habang titig na titig ako sa pinakamagandang babaeng nakilala ko.“I’m really sorry, I didn’t think about the traffic ng mag-allocate ako ng travel time. Hindi ko akalain na sobrang traffic pa rin pala kahit na maaga pa.” Parang musika sa aking pandinig ang tinig niya kaya naman bahagya akong napapikit upang namnamin iyon.“Kamusta ang kambal?” Napadilat ako ng marinig ko ang tanong na iyon ni Camille. Kambal?“Okay naman sila, maaga ding dumating si David kaya may kasama sila sa bahay.” Tila gumuho ang lahat ng nasa paligid ko. Hindi ko na naintindihan pa ang ibang sinabi nila dahil kambal at David lang ang paulit ulit na nagsusumiksik sa utak ko.“Salvatore, siya si Angel. Mas kilala bilang Sasa sa fashion design industry.” Hindi ko inaalis ang tingin ko sa babaeng laman ng puso’t isipan ko. Nakatingin lang din siya sa akin na tila naghihintay ng sasabihin ko. Bakit wala siyang reaksyon? Alam ba niya na makikit
Salvatore“What’s going on here?” tanong niya habang inililibot ulit ang paningin sa loob ng aking opisina.“I’m sorry, hindi ko na napigilan,” habol ang hiningang sabi ni Mauro bago nagpapalit palit ang tingin niya sa amin ni Angel na nakatingin na rin sa kanya. “Ah, eh, pasensya ka na at nainis kasi ako kanina kaya ayan, hindi ko na-control ang galit ko eh nagwala ako.”Nagsalubong ang kilay ni Angel dahil sa sinabi ng bugok na si Mauro. Ang akala ba niya ay maniniwala ito sa kanya? “It’s not him. It’s me.”Sabay na tumingin sa akin ang dalawa kaya naman tumayo na ako mula sa couch at lumapit sa kanila. “Anong kailangan mo?” tanong kong hindi na inaalis ang tingin sa mahal ko.“About sa designs–”“Hindi ba at sinabi ko ng si Mauro na ang bahala?” inis kong tugon. “Ah, boss kasi–”“Shut up, Mauro.” Minasahe ko ang aking sintido dahil sumasakit na sa kakapigil ko sa sarili kong yakapin at halikan ang babaeng halos walong taon ko ng hinahanap.“Babalik na lang ako. Pakisabi kay Camill