Hmm... Si Salvatore niya nga ba iyon? See you po sa next chapter. PS: Pakisuyo naman sa review. Pa-rate po para naman mapromote pa po ang story nila Salvatore at Angel. Maraming salamat!
Salvatore“You had been telling me about d'yan sa sinasabi mong kaibigan na si Sasa pero hanggang ngayon ay wala pa rin,” yamot kong sabi. Naiinis akong kailangan kong maghintay sa kung sino mang nirerecommend niya para maging head designer namin. “I'm sorry talaga, pero nandito na siya sa Pilipinas kapag nakapag pahinga na siya ay pwede ko ng papuntahin dito,” sabi ni Camille na anak ng mag-asawang kasosyo ko sa clothing business. Ako sana ang kukuha ng designer pero mapilit siya sa gusto niya kaya naman pinagbigyan ko na rin. “No, I want to meet kung sino man siya bukas na bukas din,” tugon ko. Kahit na kasosyo ko ang mga magulang niya ay ako naman ang may hawak ng controlling share. “Sigurado naman ako na magaling talaga ang kaibigan ko, naipakita ko na sayo ang mga gawa niya at nagustuhan mo naman. Baka kasi pagod pa sa biyahe kaya sana–”Hindi ko na pinatapos ang kung ano mang sasabihin ni Camille at malakas kong hinampas ang aking kamay sa lamesa. Nasa meeting room kami kasama
Salvatore*** Flashback ***Pumasok ako sa aking opisina matapos kong makapaglinis ng katawan at magpalit ng damit. Mag-uusap pa kami ni Mauro tungkol sa mga plano kong pagbabago sa buhay ko at namin ni Angel.Nagulat na lang ako ng maratnan ko rin doon si Dad. Naupop ako at nagsimula na siyang dumaldal. “As I was saying, because you love your woman so much, that’s where I will attack you.”“Whatever you’re planning, it’s not going to work.”“Of course it is. You are my son and I only want the best for you but you can’t see it.” I chuckled after hearing him. Organisasyon lang ang mahalaga sa kanya at never kami ni Sandicho.“I saved you. I did everything I could to get you out of that hole and you promised to do one thing for me without hesitation.” Saan ka nakakita ng amang humihingi ng kapalit sa ginawa niya para sa kanyang anak? Siya lang.“What is it?” tanong ko.“Marry Caterina.” Sinasabi ko na nga ba eh. Pero hindi ako makakapayag doon. Si Angel lang ang gusto kong makasama haban
Salvatore“Oh, Angel. Finally, you’re here,” narinig kong sabi ni Camille habang titig na titig ako sa pinakamagandang babaeng nakilala ko.“I’m really sorry, I didn’t think about the traffic ng mag-allocate ako ng travel time. Hindi ko akalain na sobrang traffic pa rin pala kahit na maaga pa.” Parang musika sa aking pandinig ang tinig niya kaya naman bahagya akong napapikit upang namnamin iyon.“Kamusta ang kambal?” Napadilat ako ng marinig ko ang tanong na iyon ni Camille. Kambal?“Okay naman sila, maaga ding dumating si David kaya may kasama sila sa bahay.” Tila gumuho ang lahat ng nasa paligid ko. Hindi ko na naintindihan pa ang ibang sinabi nila dahil kambal at David lang ang paulit ulit na nagsusumiksik sa utak ko.“Salvatore, siya si Angel. Mas kilala bilang Sasa sa fashion design industry.” Hindi ko inaalis ang tingin ko sa babaeng laman ng puso’t isipan ko. Nakatingin lang din siya sa akin na tila naghihintay ng sasabihin ko. Bakit wala siyang reaksyon? Alam ba niya na makikit
Salvatore“What’s going on here?” tanong niya habang inililibot ulit ang paningin sa loob ng aking opisina.“I’m sorry, hindi ko na napigilan,” habol ang hiningang sabi ni Mauro bago nagpapalit palit ang tingin niya sa amin ni Angel na nakatingin na rin sa kanya. “Ah, eh, pasensya ka na at nainis kasi ako kanina kaya ayan, hindi ko na-control ang galit ko eh nagwala ako.”Nagsalubong ang kilay ni Angel dahil sa sinabi ng bugok na si Mauro. Ang akala ba niya ay maniniwala ito sa kanya? “It’s not him. It’s me.”Sabay na tumingin sa akin ang dalawa kaya naman tumayo na ako mula sa couch at lumapit sa kanila. “Anong kailangan mo?” tanong kong hindi na inaalis ang tingin sa mahal ko.“About sa designs–”“Hindi ba at sinabi ko ng si Mauro na ang bahala?” inis kong tugon. “Ah, boss kasi–”“Shut up, Mauro.” Minasahe ko ang aking sintido dahil sumasakit na sa kakapigil ko sa sarili kong yakapin at halikan ang babaeng halos walong taon ko ng hinahanap.“Babalik na lang ako. Pakisabi kay Camill
SalvatoreKahit ayaw ko at gusto ko siyang pigilan ay wala na rin akong nagawa ng umalis si Angel. Sa ngayon ay wala pa akong magagawa, pero after niyang pumirma ng kontrata ay sisiguraduhin kong matatali na siya sa kumpanya.Sa lunes ay babalik si Angel dito para sa kontrata at magsimula na rin. Sa ngayon ay inatasan ko muna si Mauro na asikasuhin ang silid na ookupahin ni Angel bilang head ng design. Kasalukuyan akong nasa aking opisina ng bigla na lang bumukas ang pintuan.“Damn, Nadia!” gulat kong sabi. “Hindi ka ba marunong kumatok?” tanong ko.“Where is she? Is it true?” magkasunod niyang tanong.“Who?”“Alam mo kung sino ang tinutukoy ko, Sir!” Manang-mana ang babaeng ito kay Mauro. Amo niya ako pero may mga time na kung kausapin ako ay parang hindi.“Hindi ko alam kaya diretsahin mo na ako.” yes, alam ko. Pero hindi ako papayag na gawin niya ang gusto niya.“Si Angel, totoong nandito na siya?” “Huli ka na sa balita, kahapon pa yon.”“Bakit hindi mo man lang pinapunta sa akin?”
Salvatore“Hindi ba dapat ay sa HR ako pumunta? Bakit kailangan dito?” tanong niya pagpasok na pagpasok habang inilalagay ko naman ang folder sa drawer ng aking table.“Alam mong hindi normal hiring ang nangyari sa’yo.” Hindi ko na dinagdagan ang sasabihin ko bagkus ay itinuro ko siya sa receiving area ng makatapat na siya sa table ko. Tumayo ako upang sundan na niya dahil mukhang wala siyang balak gawin ang gusto ko.Inilapag ko ang folder na naglalaman ng kontrata niya sa center table bago ako prenteng umupo na at naghintay sa kanya. Narinig ko pang bumunttunghininga siya bago ko naramdaman ang paglakad niya hanggang sa nakita ko na siyang naupo sa kanang side ko pa rin. At least alam pa rin niya kung saan ang lugar niya sa akin.“Read and then sign.” Kinuha niya ang folder at nag simulang magbasa. Okay sa simula hanggang sa kumunot na ang kanyang noo.“I already said na isang taon lang ako dito.”“Ganun ka ba ka-confident na magiging successful nga ang project within a year?” tanong
Angel“Mommy, how’s work?” curious na tanong ni Savinna. Kasalukuyan kaming nasa living room at kakatapos lang mag dinner. I am preparing their laptops para sa online class nila. Tumingin ako sa kanya pati na kay Savanna na nakatingin na rin pala sa akin.“Okay naman, why?” I casually replied. Ayaw ko kasing may mahalata sila sa nararamdaman ko. Ang lakas pa naman nilang maka-tunog and when that happen ay hindi nila ako tinatantanan ng kakatanong.“Nothing. Para lang you feel different.” Muli kong tiningnan ang kambal at kumunot ang aking noo dahil sa sagot ni Savinna.“What do you mean, different?”“You normally tells us what happens to you kapag umaalis ka ng bahay. Even when you just went to a grocery without us, ikukwento mo pa rin how the cashier was so beautiful or annoying or slow.”“Yon ba? Wala naman kasi akong mai-kwento dahil wala pa naman masyadong ginawa si Mommy but to draw.” Pagdadahilan ko. Mahirap na talagang mag dahilan sa kanila. They’re both smart and sa tingin ko
AngelAng akala ko ay makakaligtas na ako kay Nadia, ngunit ng lumabas ako ng design department ay nandoon na siya at nakaabang. Hindi naman pala totoo na sa office ni Salvatore ako mamamalagi, nagkataon lang na hindi pa na-deliver ang table ko kaya naman doon muna ako pinag-stay ng lalaki.“Wala talaga akong kawala sa’yo ano?” nakangiti kong tanong.“At inaasahan mo pa talaga na makakawala ka sa akin?” tanong din niya bago ikinawit ang kanyang mga kamay sa braso ko. Nagpatuloy na lang ako sa paglakad at syempre pa ay nakasunod na rin siya.“Sasama ka sa bahay?” tanong ko.“At sa tingin mo ay hindi? Nagpaalam na ako kila nanay.” Natawa ako sa sinabi niya kaya naman wala na rin akong nagawa kung hindi ang magbook ng grab.“Mommy!!!” sigaw ni Savinna habang si Savanna at tahimik lang na nakasunod sa kanya pagpasok namin ni Nadia ng condo.“Hello, girls…” sabi ko sabay luhod at buka ng aking mga kamay para mayakap sila. “Meet tita Nadia.”“She’s tita Nadia?” nanlalaki ang mga mata ni Sava
Angelo“Magna-nineteen ka na boy, anong gusto mo sa birthday mo?” tanong ni Sid. Nandito kami ngayon sa private resort nila sa Laguna matapos kong umalis sa condo ni kuya Mau para bigyan sila ng time ni Nadia.“Wait, don’t tell me yung kaibigan ng ate mo? Hindi ko kayang ibigay sayo yon ha!” bulalas niyang tatawa tawa. Alam kasi niya kung gaano ako ka-head over heels sa babaeng ‘yon na mas gusto ang gurang kaysa sa batang batang kagaya ko. Sabagay hindi ko rin naman siya masisi dahil kung ako nga ay mas gusto rin siya na walong taon ang tanda sa akin.“Sira ulo! Alam ko naman na hindi ko siya makukuha no!”“So, ano nga?” pagpipilit niya.“Nothing in particular, kasama ko na ulit ang ate ko at masaya na rin siya sa piling ni kuya Salvatore kaya wala na rin akong mahihiling pa. Siguro yung makatapos na lang talaga ako ng pag-aaral para naman hindi ko na kailangang sumandal sa kanila.”“Akala mo naman totoo! Hoy! Alam ko naman ang pagod mo sa part time job mo. Bilib nga ako sayo dahil kah
Salvatore“Papa, will lolo like us?”“Of course, Savinna,” tugon ko. Nasa sasakyan kaming pamilya at papunta sa kulungan para bisitahin si Dad. Kahit na ayaw kong mamulat ang isipan ng kambal sa karahasan ay may utang na loob pa rin ako sa ama ko na siyang dahilan kung bakit ko kasama ang mag-iina ko.Ayaw kong ipagkait sa matanda ang pagkakataong mahalin ng kanyang mga apo lalo kung ito lang ang tanging magagawa ko para mapaligaya siya habang nasa loob.Tumingin ako kay Angel na nakangiting nakatingin sa akin. Tinanong ko siya kung okay lang ba na ipakilala ko ang kambal sa ama ko at agad naman siyang pumayag.Naikwento ko na sa kanya ang mga nangyari maliban sa pag-ako ni Dad ng mga kasalanan ko. Hindi sa ayaw kong sabihin sa kanya, ngunit nangako ako sa ama ko na kami lang ang makakaalam non. Pagdating na lang daw ng panahon tsaka ko ipaalam sa asawa ko. Basta sa ngayon, hayaan ko lang daw muna siya.“What are you doing here, you idiot?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Dad ng mak
SalvatoreNairaos ang kasal namin ni Angel at ako ang naging pinakamasayang lalaki sa mundo.Kita ko rin ang kaligayahan sa mukha ng babaeng pinakamamahal ko at gayon din naman sa kambal.Nakarating si David at ang kanyang kapatid na si Dom at hipag na si Erika pati na ang iba pang mga taong tumulong kay Angel noong panahong nagkahiwalay kami.Umaapaw ang kaligayahan sa puso ko. Pero ngayon, kinakabahan ako dahil mag-uusap sila Sandicho, Angel at Angelo.“Kaya mo ‘yan,” sabi ko sa aking kapatid.Bago ang kasal ko pa siya sinabihan na kausapin ang magkapatid kung gusto niya ngunit tumanggi siya dahil baka daw maging emosyonal siya or magalit si Angel eh maging dahilan pa ng hindi pagkatuloy ng okasyon.Hindi ko naman hahayaang mangyari iyon syempre. Pero dahil mukhang kabado talaga siya ay hindi ko na pinilit.“Pumasok ka na,” sabi ko pa. Nasa tapat na kami ng pintuan ng aking munting opisina sa aming bahay at nandoon na rin sa loob ang magkapatid. Alam ko naman na mapapatawad siya ni A
Angel“Mommy! Mommy!” sigaw ng kambal paglabas ko sa may pool area. Nakalipat na kami at kagaya ng inaasahan ko na ay ang dalawa nga ang naging sobrang saya sa bago naming tahanan.“We really love our new home!!” sabay na naman nilang sabi na ikinangiti ko lang. Kami lang mag-iina ang nasa bahay ngayon dahil umalis si Salvatore. May ilang mga tauhan na kasama kami na galing sa mansyon niya sa Pampanga at higit sa lahat, si Naty na tuwang tuwa ng makita ako. Mga pinagkakatiwalaan niyang mga tao ang nandito kaya panatag naman ako. Isa pa, subok ko na rin naman ang mga iyon dahil nga nakasama ko na rin sila dati pa. May mga quarters sila na located sa likod ng bahay.“Huwag kayong masyadong magbabad ha?” paalala ko sa kanila. Ngunit alam ko naman na kahit anong sabi ko sa kanila ay sila pa rin ang masusunod.Inilapag ko ang meryendang ginawa ni Naty sa lamesa at tsaka ako naupo sa upuan paharap sa kanila. Mabuti na ang panoorin ko silang dalawa para kung ano’t anuman ang mangyari ay masa
AngelSiniguro sa akin ni Salvatore na ayos na ang lahat ng gulo kaya naniwala naman ako. Ang pinaka-importante lang naman sa akin ay ang kaligtasan ng aking mga anak. Ayaw kong mamuhay na may takot na baka bigla na lang may kumuha sa kambal at hindi ko na sila makita pa.“Baby…” tawag ni Salvatore. Pangalawang araw na naming magkasama dito sa condo niya at simula ng dumating kami ay hindi pa talaga kami nakapag-usap. Baka kasi hindi ko siya mapilit sabihin sa akin kung ano na ang mga nangyari kung sakaling magtanong ako ulit.“Galit ka pa ba sa akin?” tanong niya. Huminga ako ng malalim bago ngumiti at sumagot.“Hindi naman ako nagalit sa’yo,” tugon ko. Naupo siya sa tabi ko at tsaka muling nagtanong.“Then why are you not talking to me?”“Baka kasi makulitan ka sa akin at magalit,” pagtatapat ko, dahilan upang mapayuko siya.“Kagaya mo ay hindi ko rin magagawang magalit sa’yo. I’m sorry kung ganon ang naramdaman mo sa pagtanggi kong sagutin ang mga tanong mo. Guilty lang ako kaya—”“
SalvatoreSa condo ko na iniuwi si Angel. Okay naman na ang itsura niya although may bakas pa rin ng pangingitim dahil sa mga sampal na tinamo niya sa demonyong si Narciso.Ang dami niyang tanong tungkol sa lalaki pero pinili kong huwag munang sagutin dahhil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa kanya.Nang magising siya sa hospital ay grabe ang ginhawang naramdaman ko. Ang akala ko ay tuluyan na siyang mawawala sa akin. Alam kong hindi ko kakayanin iyon.“Pwede bang sa kwarto na ako?” tanong ni Angel ng papaupuin ko na siya sa sofa.“Okay,” sagot ko at sinamahan ko na siya sa kwarto ko. “Kung may kailangan ka ay sasbihin mo lang sa akin.”Tumango lang siya at nahiga na. Napapansin kong kibuin dili niya ako. Dahil ba sa ayaw kong sagutin ang mga tanong niya sa akin?Lumabas na ako ng silid pero iniwan kong nakaawang ang pintuan para kung sakaling managinip na naman siya ay malalaman ko.Yes. Nananaginip siya ng masama. Na tila ba yung nangyari sa kanya ang paulit-ulit
AngelMabigat ang mga mata ko ngunit sinikap ko pa ring idilat ang mga iyon. Dahan dahan lang dahil ramdam ko ang sakit na tila napupunit iyon kung ipagpipilitan ko ang gusto ko.Anong nangyari? Ang akala ko ay katapusan ko. Pero dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking buong mukha pati na rin sa aking katawan partikular sa bandang sikmura ay alam kong buhay na buhay pa ako.Masakit sa mata ang liwanag na sumalubong sa akin ng tuluyan ko ng magawa ang gusto ko.“Baby…”“Sal—” natigilan ako dahil masakit din ang aking bibig ng tangkain kong tawagin ang pangalan niya.“I’m here, baby.. Don't try to speak if it hurts.”Dahan dahan kong ipinaling ang aking ulo sa kanya at nakita ko ang mangiyak ngiyak niyang mga mata na nakatunghay sa akin. Namumula iyon na tila galing sa pag-iyak.Napansin ko ang pag-angat ng kanyang kamay na tila gusto niyang haplusin ang aking mukha ngunit hindi na niya itinuloy. Bakit kaya? Alam ba niya na masakit ang pakiradam ko? “K-Kamb– al…” Hindi ko maiwasan an
Angel“Sino ka, bakit mo ginagawa sa akin ito? Anong nagawa sayo ni Salvatore para gawin mo ito?” tanong ko. Ayaw pa niya kasing magpakilala at sabihin sa akin ang dahilan niya upang maunawaan ko siya.Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kabilang bahagi ng kama at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking baba at itiningala sa kanya. Kahit na kinakabahan at natatakot ay hindi ko rin ipinahalata. Hndi rin ako nagpumiglas at nagpakitang matapang para hindi rin siya magalit.“Ano kaya ang maiisip ni Salvatore kapag nalaman niyang naangkin na kita?” tanong niya na ikinalaki ng aking mga mata kasabay ang pagtawa niya na tila demonyo.“Gusto kong maramdaman niya ang naramdaman ko ng k******n niya si Victoria kahit na alam niyang asawa ko na siya! Gusto kong malaman niya kung paanong nagpakasarap siya sa katawan ng asawa ko habang nagngangalit ako sa galit at pinagbuntunan ko ng galit ang babaeng ang tanging kasalanan ay mahalin siya!”Asawa siya ni Victoria? Simula ng umalis ako ng Pilipinas a
Salvatore“May nakapagsabi sa akin na may nag-iimbestiga ng tungkol kay Angel at natagpuang patay ang tito at tita niya,” sabi ni Sandicho.“Sigurado ka ba talaga dyan?” tanong ko. Si Mauro ay tahimik lang na nakikinig sa amin.“I’m the one in Pampanga so I know what I’m saying.” Tinignan kong mabuti ang kapatid ko na puno rin ng pag-aalala ang mukha. “Kaya you have to make sure that your wife is safe.”Nang dumating kanina si Angel sa office ko ay pinag-uusapan namin ang balitang hatid sa amin ng kapatid ko. Kaya naman nandito kami sa condo ko para pag-usapan iyon. Baka kasi magtaka ang babae sa biglang pagsulpot ni Sandicho kaya ayaw ko munang makita niya ang lalaki. Isa pa, ayaw ko rin siyang takutin.Si Sandicho ay nakatira ngayon sa mansyon ko sa Angeles. Simula ng maayos namin ang gusot ng aming pamilya ay hinayaan ko na siya na maglabas masok doon.Dati pa man ay magkasundo na kami dahil ang akala namin pareho ay ang organisasyon lang ni Dad ang mahalaga sa kanya. Ngunit pareho