May alam kaya si Victoria sa pagkamatay ng mga magulang ni Angel? Abangan!
AngelHindi ako mapakali dahil sa mga salitang iniwan sa akin ni Victoria. Gusto ko pa siyang habulin at kausapin ngunit sa paraan ng pagkakangisi niya ay sigurado akong hindi niya sasabihin or ipapaliwanag man lang kung ano ang ibig niyang sabihin.May lead ba siya sa pagkamatay ng mga magulang ko? Kinailangan pa talaga niyang alamin iyon para lang iwan ko si Salvatore. Oo nga at may mga koneksyon siya at ang pamilya niya, pero hindi ibig sabihin non ay accurate ang mga impormasyong nakukuha niya, right?Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa kakaisip non. Nasa online class ako at noong isang gabi pa kami nag-usap kaya dapat ay iwaglit ko na sa utak ko ang kung ano mang ideyang pilit na nagsusumiksik sa isipan ko. Kailangan kong mag focus sa pag-aaral.Pasalamat talaga ako at napagtagumpayan ko naman na matapos ang klase ko ng hindi ko na inisip pa si Victoria. Kailangan kong seryosohin ang pag-aaral ko kung gusto kong matupad ang mga pangarap ko. Hindi naman porket nandiyan na si Salvato
Natapos ang aming lunch at hinatid niya muna ako aming silid bago siya nagpaalam na may aasikasuhin lang sa kanyang opisina. Hindi ko alam kung ano talaga ang mga gawain ni Salvatore at sa totoo lang ay hindi ko maiwasan ang kabahan para sa kanya kung minsan.Maaaring masamang tao ang tingin sa kanya ng mundo ngunit para sa akin ay hindi. Mahal ko na talaga siya at tanggap ko kung ano siya. Wala rin naman siguro siyang itinatago sa akin kaya buo ang tiwala ko sa kanya.Oo, gusto ko na magbagong buhay na siya at si Mauro. Pati na rin ang mga tauhan niya. Kung instantly lang ba ang epekto ng holy water ay baka pinaliguan ko na sila non. Pero alam ko rin na ang pagbabago ay sa sarili nila magmumula, ang tanging magagawa ko lang ay paalalahanan siya at ipagdasal.Sinaglit kong gawin ang assignment ko bago ako nagdesisyong ihanda na ang uniform at gamit ko sa pagpasok mamaya. Nang matapos ay pumwesto na ako sa kama para matulog at ng hindi naman ako aantok antok sa trabaho.Pahiga na ako ng
AngelAraw ng Biyernes at kagaya ng gusto ni Salvatore ay naghanda ako ng sarili dahil aalis nga kami. Ipapakilala niya raw ako sa mga kaibigan niya kaya super excited na ako. Feeling ko ay nag next level na ang closeness namin.“Huwag kang magsuot ng maigsi ha, ayaw kong may ibang makakita sa legs mo.” Natawa ako sa sinabi ni Salvatore. Pagdating talaga sa katawan ko ay napaka possessive niya. Tinapat naman niya ako na sobrang natatakot siya na baka bigla na lang akong mawala sa kanya. Lalo na nitong mga huling araw. Madalas niyang sabihin na huwag ko raw siyang iiwan kahit na anong mangyari.“Alam ko po,” sabi kong nakangiti habang sapo sapo ang kanyang pisngi at pinanggigilan siya. Ngumiti din naman siya sa akin bago yumuko para magpang-abot ang aming mga labi tsaka kami nagsalo sa isang mainit na halik. Kung hindi lang kami aalis ay malamang na sa ibabaw ng kama kami mauuwi.“Don’t mind them kapag pakiramdam mo ay inaasar ka nila, ganun lang talaga ang mga iyon, okay?” Nasa sasakya
AngelNapatingin ako kay Salvatore na parang wala lang na iginiya ako sa upuan. Magkatabi kami syempre. “Hindi ko akalain na dadalhin mo siya dito,” sabi ni Sir Sandy.“Umayos ka Sandejas,” tugon naman ni Salvatore sa aking boss.“Wait, you know the girl?” tanong ng isang lalaki sa aking boss na nakangiting tumango habang hinihimas ang braso ng babaeng katabi niya. Partner partner sila actually. Panglima si Mauro sa mga lalaking kasama ko dito ngayon at namumukod tanging walang kapareha.“Siya si De Silva,” pakilala ni Salvatore sa nagtanong kay Sir Sandy tapos ay itinuro ang isa pang lalaking nakangiti rin naman sa akin. “Siya naman si Roman at silang tatlo ang matatalik ko ring mga kaibigan.”Bahagya akong yumukod sa tatlo at ngumiti naman sila sa akin. “Well, next kami kay Mauro. Yang dalawang iyan ang talagang magkaututang dila,” sabi naman ni Roman. Alam ko ang sinasabi niya dahil nakikita ko rin naman kung gaano ka-close ang dalawa. Kahit na naririnig kong boss ang tawag ni mauro
AngelHindi naaalis ang tingin ko kay Cecil. Nakaupo na siya katabi si Sir Sandy at hindi ko maintindihan kung bakit. Alam ko na wala na akong pakialam sa gusto niyang gawin, pero bilang kaibigan ay syempre concern ako sa kanya lalo at nakapulupot na rin ang kamay ng amo namin sa bewang niya habang katabi pa rin ang babaeng kanina lang ay kuntodo sa pagtatrabaho sa ari ni Sir.“Hey, baby,” kuha ni Salvatore sa aking pansin dahil hindi nga napupuknat ang tingin ko sa direksyon nila Cecil. “Look at me, baby.”Dahil mukhang nagtatampo na ay tinignan ko na nga siya. Nginitian niya lang ako at tsaka pinitik ang aking noo. “Aray!” ang sabi kong nakakunot noo na dahil nga lagi niya na lang ginagawa iyon. Ramdam ko naman na hindi niya iyon tinotodo pero kahit papaano ay masakit pa rin.“Remember what I told you ng nasa sasakyan pa tayo.” Agree naman ako, kaya lang hindi ko maiwasan ang hindi mamansin dahil nga kaibigan ko si Cecil. At si Sir Sandy, alam naman niya na empleyado niya kami. Hay n
AngelRamdam ko ang pag-aalala sa akin ni Salvatore hanggang sa makauwi kami at hindi ko maiwasan ang ipagdasal ang relasyon nila Sir Sandy at Cecil. Sana ay matagpuan nila sa kanilang puso ang pag-ibig na nararanasan namin ngayon ng aking mahal.Ilang Linggo pa ang lumipas at naging maayos pa rin ang pagsasama namin ni Salvatore na para bang wala ng katapusan ang ligayang natatamasa ko sa piling niya. Regular ko na ring nadadalaw si Angelo kapag may time ako at sa tuwina ay masayang masaya ang aking kapatid sa panahong magkasama kami. Lagi niyang sinasabi sa akin na nag-aaral siya ng mabuti para naman daw hindi na siya umasa sa akin at kay Salvatore.Humahanga ako sa kasipagan at pagkamatalino ng kapatid ko. Ang galing niyang umunawa ng mga bagay bagay lalo na ng kalakaran ng mundo. Siguro ay nagkaroon ng parte ang pagtira namin kila tita Anacleta kaya maagang namulat ang mga mata niya sa katotohanan ng buhay.“Okay, class, sobrang gagaling niyo, especially si Angel. Mukhang madadali
SalvatoreNapaka busy ko na dahil sa dami ng inaasikaso ko tapos biglang dumating ang tatay ko. Hindi ko inaasahan na pupuntahan niya ako kaya naman sobra ang galit na nararamdaman ko para kay Sandicho. Ang walang hiya kong kapatid ay hindi napigilan ang kakatihan ng bunganga at sinabi sa ama namin ang tungkol kay Angel.“Don’t take his words seriously,” sabi ko agad ng makapasok kami sa aming silid. Hindi umimik si Angel na ikinabahala ko. Ayaw kong iwan niya ako ng dahil sa ama ko. Hinila ko siya palapit sa kama at tsaka naupo. Kailangan kong masiguro na okay siya at okay kami.“Ayos lang iyon,” sabi niyang nakangiti. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong totoo iyon sa loob niya. Ngunit hindi ko maitatanggi ang pagkabahalang nasa mukha din niya.“Baby, sana maintindihan mo na lahat ng mangyayari sa mga susunod na mga araw ay para lang protektahan ka. Judging with the way you look ay mukhang alam mo na ang nangyayari kaya gusto kong mag request sayo na sana, ako lang at ang salita
Hindi ako umalis ng mansyon dahil baka kung ano ang gawin or sabihin ni Dad kay Angel kapag wala ako. Hindi ko hahayaang maiwan mag-isa ang babaeng mahal ko kasama ang matandang iyon. Mahal ko naman ang tatay ko, ngunit sadyang nananalaytay sa kanya ang pagiging loyal sa organisasyon niya kaya nakakalimot ng anak niya ako.Nanatili ako sa aking opisina at umakyat lang sa aming silid ng bandang hapon dahil alam kong aalis si Angel. “Hi,” bati ko pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ng aming silid at makita ko siyang nagsusuklay sa harap ng tokador.“Hi,” ang nakangiti niyang bati rin sa akin ng pumaling siya ng tingin. “Saan ka galing?”“Sa baba lang, wala naman akong schedule for today eh.” Naglakad ako palapit sa kanya at kinuha ang suklay na hawak niya tsaka ko siya sinuklayan. “Ang ganda ng buhok mo, baby. Makapal, bagsak at tsaka shiny.”Natawa siya sa sinabi ko sabay hampas sa akin. “Hindi mo dapat napapansin ang mga ganyang bagay dahil lalaki ka!”“Bakit naman? Anong tingin mo sa a
Angelo“Magna-nineteen ka na boy, anong gusto mo sa birthday mo?” tanong ni Sid. Nandito kami ngayon sa private resort nila sa Laguna matapos kong umalis sa condo ni kuya Mau para bigyan sila ng time ni Nadia.“Wait, don’t tell me yung kaibigan ng ate mo? Hindi ko kayang ibigay sayo yon ha!” bulalas niyang tatawa tawa. Alam kasi niya kung gaano ako ka-head over heels sa babaeng ‘yon na mas gusto ang gurang kaysa sa batang batang kagaya ko. Sabagay hindi ko rin naman siya masisi dahil kung ako nga ay mas gusto rin siya na walong taon ang tanda sa akin.“Sira ulo! Alam ko naman na hindi ko siya makukuha no!”“So, ano nga?” pagpipilit niya.“Nothing in particular, kasama ko na ulit ang ate ko at masaya na rin siya sa piling ni kuya Salvatore kaya wala na rin akong mahihiling pa. Siguro yung makatapos na lang talaga ako ng pag-aaral para naman hindi ko na kailangang sumandal sa kanila.”“Akala mo naman totoo! Hoy! Alam ko naman ang pagod mo sa part time job mo. Bilib nga ako sayo dahil kah
Salvatore“Papa, will lolo like us?”“Of course, Savinna,” tugon ko. Nasa sasakyan kaming pamilya at papunta sa kulungan para bisitahin si Dad. Kahit na ayaw kong mamulat ang isipan ng kambal sa karahasan ay may utang na loob pa rin ako sa ama ko na siyang dahilan kung bakit ko kasama ang mag-iina ko.Ayaw kong ipagkait sa matanda ang pagkakataong mahalin ng kanyang mga apo lalo kung ito lang ang tanging magagawa ko para mapaligaya siya habang nasa loob.Tumingin ako kay Angel na nakangiting nakatingin sa akin. Tinanong ko siya kung okay lang ba na ipakilala ko ang kambal sa ama ko at agad naman siyang pumayag.Naikwento ko na sa kanya ang mga nangyari maliban sa pag-ako ni Dad ng mga kasalanan ko. Hindi sa ayaw kong sabihin sa kanya, ngunit nangako ako sa ama ko na kami lang ang makakaalam non. Pagdating na lang daw ng panahon tsaka ko ipaalam sa asawa ko. Basta sa ngayon, hayaan ko lang daw muna siya.“What are you doing here, you idiot?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Dad ng mak
SalvatoreNairaos ang kasal namin ni Angel at ako ang naging pinakamasayang lalaki sa mundo.Kita ko rin ang kaligayahan sa mukha ng babaeng pinakamamahal ko at gayon din naman sa kambal.Nakarating si David at ang kanyang kapatid na si Dom at hipag na si Erika pati na ang iba pang mga taong tumulong kay Angel noong panahong nagkahiwalay kami.Umaapaw ang kaligayahan sa puso ko. Pero ngayon, kinakabahan ako dahil mag-uusap sila Sandicho, Angel at Angelo.“Kaya mo ‘yan,” sabi ko sa aking kapatid.Bago ang kasal ko pa siya sinabihan na kausapin ang magkapatid kung gusto niya ngunit tumanggi siya dahil baka daw maging emosyonal siya or magalit si Angel eh maging dahilan pa ng hindi pagkatuloy ng okasyon.Hindi ko naman hahayaang mangyari iyon syempre. Pero dahil mukhang kabado talaga siya ay hindi ko na pinilit.“Pumasok ka na,” sabi ko pa. Nasa tapat na kami ng pintuan ng aking munting opisina sa aming bahay at nandoon na rin sa loob ang magkapatid. Alam ko naman na mapapatawad siya ni A
Angel“Mommy! Mommy!” sigaw ng kambal paglabas ko sa may pool area. Nakalipat na kami at kagaya ng inaasahan ko na ay ang dalawa nga ang naging sobrang saya sa bago naming tahanan.“We really love our new home!!” sabay na naman nilang sabi na ikinangiti ko lang. Kami lang mag-iina ang nasa bahay ngayon dahil umalis si Salvatore. May ilang mga tauhan na kasama kami na galing sa mansyon niya sa Pampanga at higit sa lahat, si Naty na tuwang tuwa ng makita ako. Mga pinagkakatiwalaan niyang mga tao ang nandito kaya panatag naman ako. Isa pa, subok ko na rin naman ang mga iyon dahil nga nakasama ko na rin sila dati pa. May mga quarters sila na located sa likod ng bahay.“Huwag kayong masyadong magbabad ha?” paalala ko sa kanila. Ngunit alam ko naman na kahit anong sabi ko sa kanila ay sila pa rin ang masusunod.Inilapag ko ang meryendang ginawa ni Naty sa lamesa at tsaka ako naupo sa upuan paharap sa kanila. Mabuti na ang panoorin ko silang dalawa para kung ano’t anuman ang mangyari ay masa
AngelSiniguro sa akin ni Salvatore na ayos na ang lahat ng gulo kaya naniwala naman ako. Ang pinaka-importante lang naman sa akin ay ang kaligtasan ng aking mga anak. Ayaw kong mamuhay na may takot na baka bigla na lang may kumuha sa kambal at hindi ko na sila makita pa.“Baby…” tawag ni Salvatore. Pangalawang araw na naming magkasama dito sa condo niya at simula ng dumating kami ay hindi pa talaga kami nakapag-usap. Baka kasi hindi ko siya mapilit sabihin sa akin kung ano na ang mga nangyari kung sakaling magtanong ako ulit.“Galit ka pa ba sa akin?” tanong niya. Huminga ako ng malalim bago ngumiti at sumagot.“Hindi naman ako nagalit sa’yo,” tugon ko. Naupo siya sa tabi ko at tsaka muling nagtanong.“Then why are you not talking to me?”“Baka kasi makulitan ka sa akin at magalit,” pagtatapat ko, dahilan upang mapayuko siya.“Kagaya mo ay hindi ko rin magagawang magalit sa’yo. I’m sorry kung ganon ang naramdaman mo sa pagtanggi kong sagutin ang mga tanong mo. Guilty lang ako kaya—”“
SalvatoreSa condo ko na iniuwi si Angel. Okay naman na ang itsura niya although may bakas pa rin ng pangingitim dahil sa mga sampal na tinamo niya sa demonyong si Narciso.Ang dami niyang tanong tungkol sa lalaki pero pinili kong huwag munang sagutin dahhil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa kanya.Nang magising siya sa hospital ay grabe ang ginhawang naramdaman ko. Ang akala ko ay tuluyan na siyang mawawala sa akin. Alam kong hindi ko kakayanin iyon.“Pwede bang sa kwarto na ako?” tanong ni Angel ng papaupuin ko na siya sa sofa.“Okay,” sagot ko at sinamahan ko na siya sa kwarto ko. “Kung may kailangan ka ay sasbihin mo lang sa akin.”Tumango lang siya at nahiga na. Napapansin kong kibuin dili niya ako. Dahil ba sa ayaw kong sagutin ang mga tanong niya sa akin?Lumabas na ako ng silid pero iniwan kong nakaawang ang pintuan para kung sakaling managinip na naman siya ay malalaman ko.Yes. Nananaginip siya ng masama. Na tila ba yung nangyari sa kanya ang paulit-ulit
AngelMabigat ang mga mata ko ngunit sinikap ko pa ring idilat ang mga iyon. Dahan dahan lang dahil ramdam ko ang sakit na tila napupunit iyon kung ipagpipilitan ko ang gusto ko.Anong nangyari? Ang akala ko ay katapusan ko. Pero dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking buong mukha pati na rin sa aking katawan partikular sa bandang sikmura ay alam kong buhay na buhay pa ako.Masakit sa mata ang liwanag na sumalubong sa akin ng tuluyan ko ng magawa ang gusto ko.“Baby…”“Sal—” natigilan ako dahil masakit din ang aking bibig ng tangkain kong tawagin ang pangalan niya.“I’m here, baby.. Don't try to speak if it hurts.”Dahan dahan kong ipinaling ang aking ulo sa kanya at nakita ko ang mangiyak ngiyak niyang mga mata na nakatunghay sa akin. Namumula iyon na tila galing sa pag-iyak.Napansin ko ang pag-angat ng kanyang kamay na tila gusto niyang haplusin ang aking mukha ngunit hindi na niya itinuloy. Bakit kaya? Alam ba niya na masakit ang pakiradam ko? “K-Kamb– al…” Hindi ko maiwasan an
Angel“Sino ka, bakit mo ginagawa sa akin ito? Anong nagawa sayo ni Salvatore para gawin mo ito?” tanong ko. Ayaw pa niya kasing magpakilala at sabihin sa akin ang dahilan niya upang maunawaan ko siya.Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kabilang bahagi ng kama at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking baba at itiningala sa kanya. Kahit na kinakabahan at natatakot ay hindi ko rin ipinahalata. Hndi rin ako nagpumiglas at nagpakitang matapang para hindi rin siya magalit.“Ano kaya ang maiisip ni Salvatore kapag nalaman niyang naangkin na kita?” tanong niya na ikinalaki ng aking mga mata kasabay ang pagtawa niya na tila demonyo.“Gusto kong maramdaman niya ang naramdaman ko ng k******n niya si Victoria kahit na alam niyang asawa ko na siya! Gusto kong malaman niya kung paanong nagpakasarap siya sa katawan ng asawa ko habang nagngangalit ako sa galit at pinagbuntunan ko ng galit ang babaeng ang tanging kasalanan ay mahalin siya!”Asawa siya ni Victoria? Simula ng umalis ako ng Pilipinas a
Salvatore“May nakapagsabi sa akin na may nag-iimbestiga ng tungkol kay Angel at natagpuang patay ang tito at tita niya,” sabi ni Sandicho.“Sigurado ka ba talaga dyan?” tanong ko. Si Mauro ay tahimik lang na nakikinig sa amin.“I’m the one in Pampanga so I know what I’m saying.” Tinignan kong mabuti ang kapatid ko na puno rin ng pag-aalala ang mukha. “Kaya you have to make sure that your wife is safe.”Nang dumating kanina si Angel sa office ko ay pinag-uusapan namin ang balitang hatid sa amin ng kapatid ko. Kaya naman nandito kami sa condo ko para pag-usapan iyon. Baka kasi magtaka ang babae sa biglang pagsulpot ni Sandicho kaya ayaw ko munang makita niya ang lalaki. Isa pa, ayaw ko rin siyang takutin.Si Sandicho ay nakatira ngayon sa mansyon ko sa Angeles. Simula ng maayos namin ang gusot ng aming pamilya ay hinayaan ko na siya na maglabas masok doon.Dati pa man ay magkasundo na kami dahil ang akala namin pareho ay ang organisasyon lang ni Dad ang mahalaga sa kanya. Ngunit pareho