Yan kay Nadia naman... Tinuhog na ng magkaibigan ang magkaibigan. Hahaha See you po sa next chapter.
AngelMatapos kong masiguro na si Mauro na nga ang maghahatid kay Nadia ay umuwi na rin kami ni Salvatore na sobrang seloso. Hindi ako pinapansin at kinakausap ngunit ang kamay naman ay nakapulupot sa baywang ko simula ng umalis kami ng bar hangggang ngayong nakapasok na kami sa aming silid.“Ayaw mo ba talaga akong kausapin?” tanong ko.“Bakit hindi ang pulis na yon ang kausapin mo?”“Sus, napaka seloso. Tinignan ko lang naman dahil parang nakakahiya na nag-effort siya na bantayan kami ni Nadia sa bar tapos ay paaalisin lang namin basta.”“Bakit kasi kasama niyo pa siya?”“Inalok siya ni Nadia at nag-oo naman siya. Ayaw ko namang sabihin sa harapan nila na hindi mo magugustuhan ang ganun dahil ayaw kong isipin nila na napaka possessive mo.”“Possessive ako sa lahat ng pag-aari ko, baby.” Hinagod niya ang aking pisngi ng sabihin niya iyon.“Alam ko naman, kaya nga sinabi ko pa rin sayo na kasama namin siya para hindi ka mag-isip ng kakaiba.” Huminga siya ng malalim at ngumiti at tsaka
AngelHindi ako mapakali dahil sa mga salitang iniwan sa akin ni Victoria. Gusto ko pa siyang habulin at kausapin ngunit sa paraan ng pagkakangisi niya ay sigurado akong hindi niya sasabihin or ipapaliwanag man lang kung ano ang ibig niyang sabihin.May lead ba siya sa pagkamatay ng mga magulang ko? Kinailangan pa talaga niyang alamin iyon para lang iwan ko si Salvatore. Oo nga at may mga koneksyon siya at ang pamilya niya, pero hindi ibig sabihin non ay accurate ang mga impormasyong nakukuha niya, right?Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa kakaisip non. Nasa online class ako at noong isang gabi pa kami nag-usap kaya dapat ay iwaglit ko na sa utak ko ang kung ano mang ideyang pilit na nagsusumiksik sa isipan ko. Kailangan kong mag focus sa pag-aaral.Pasalamat talaga ako at napagtagumpayan ko naman na matapos ang klase ko ng hindi ko na inisip pa si Victoria. Kailangan kong seryosohin ang pag-aaral ko kung gusto kong matupad ang mga pangarap ko. Hindi naman porket nandiyan na si Salvato
Natapos ang aming lunch at hinatid niya muna ako aming silid bago siya nagpaalam na may aasikasuhin lang sa kanyang opisina. Hindi ko alam kung ano talaga ang mga gawain ni Salvatore at sa totoo lang ay hindi ko maiwasan ang kabahan para sa kanya kung minsan.Maaaring masamang tao ang tingin sa kanya ng mundo ngunit para sa akin ay hindi. Mahal ko na talaga siya at tanggap ko kung ano siya. Wala rin naman siguro siyang itinatago sa akin kaya buo ang tiwala ko sa kanya.Oo, gusto ko na magbagong buhay na siya at si Mauro. Pati na rin ang mga tauhan niya. Kung instantly lang ba ang epekto ng holy water ay baka pinaliguan ko na sila non. Pero alam ko rin na ang pagbabago ay sa sarili nila magmumula, ang tanging magagawa ko lang ay paalalahanan siya at ipagdasal.Sinaglit kong gawin ang assignment ko bago ako nagdesisyong ihanda na ang uniform at gamit ko sa pagpasok mamaya. Nang matapos ay pumwesto na ako sa kama para matulog at ng hindi naman ako aantok antok sa trabaho.Pahiga na ako ng
AngelAraw ng Biyernes at kagaya ng gusto ni Salvatore ay naghanda ako ng sarili dahil aalis nga kami. Ipapakilala niya raw ako sa mga kaibigan niya kaya super excited na ako. Feeling ko ay nag next level na ang closeness namin.“Huwag kang magsuot ng maigsi ha, ayaw kong may ibang makakita sa legs mo.” Natawa ako sa sinabi ni Salvatore. Pagdating talaga sa katawan ko ay napaka possessive niya. Tinapat naman niya ako na sobrang natatakot siya na baka bigla na lang akong mawala sa kanya. Lalo na nitong mga huling araw. Madalas niyang sabihin na huwag ko raw siyang iiwan kahit na anong mangyari.“Alam ko po,” sabi kong nakangiti habang sapo sapo ang kanyang pisngi at pinanggigilan siya. Ngumiti din naman siya sa akin bago yumuko para magpang-abot ang aming mga labi tsaka kami nagsalo sa isang mainit na halik. Kung hindi lang kami aalis ay malamang na sa ibabaw ng kama kami mauuwi.“Don’t mind them kapag pakiramdam mo ay inaasar ka nila, ganun lang talaga ang mga iyon, okay?” Nasa sasakya
AngelNapatingin ako kay Salvatore na parang wala lang na iginiya ako sa upuan. Magkatabi kami syempre. “Hindi ko akalain na dadalhin mo siya dito,” sabi ni Sir Sandy.“Umayos ka Sandejas,” tugon naman ni Salvatore sa aking boss.“Wait, you know the girl?” tanong ng isang lalaki sa aking boss na nakangiting tumango habang hinihimas ang braso ng babaeng katabi niya. Partner partner sila actually. Panglima si Mauro sa mga lalaking kasama ko dito ngayon at namumukod tanging walang kapareha.“Siya si De Silva,” pakilala ni Salvatore sa nagtanong kay Sir Sandy tapos ay itinuro ang isa pang lalaking nakangiti rin naman sa akin. “Siya naman si Roman at silang tatlo ang matatalik ko ring mga kaibigan.”Bahagya akong yumukod sa tatlo at ngumiti naman sila sa akin. “Well, next kami kay Mauro. Yang dalawang iyan ang talagang magkaututang dila,” sabi naman ni Roman. Alam ko ang sinasabi niya dahil nakikita ko rin naman kung gaano ka-close ang dalawa. Kahit na naririnig kong boss ang tawag ni mauro
AngelHindi naaalis ang tingin ko kay Cecil. Nakaupo na siya katabi si Sir Sandy at hindi ko maintindihan kung bakit. Alam ko na wala na akong pakialam sa gusto niyang gawin, pero bilang kaibigan ay syempre concern ako sa kanya lalo at nakapulupot na rin ang kamay ng amo namin sa bewang niya habang katabi pa rin ang babaeng kanina lang ay kuntodo sa pagtatrabaho sa ari ni Sir.“Hey, baby,” kuha ni Salvatore sa aking pansin dahil hindi nga napupuknat ang tingin ko sa direksyon nila Cecil. “Look at me, baby.”Dahil mukhang nagtatampo na ay tinignan ko na nga siya. Nginitian niya lang ako at tsaka pinitik ang aking noo. “Aray!” ang sabi kong nakakunot noo na dahil nga lagi niya na lang ginagawa iyon. Ramdam ko naman na hindi niya iyon tinotodo pero kahit papaano ay masakit pa rin.“Remember what I told you ng nasa sasakyan pa tayo.” Agree naman ako, kaya lang hindi ko maiwasan ang hindi mamansin dahil nga kaibigan ko si Cecil. At si Sir Sandy, alam naman niya na empleyado niya kami. Hay n
AngelRamdam ko ang pag-aalala sa akin ni Salvatore hanggang sa makauwi kami at hindi ko maiwasan ang ipagdasal ang relasyon nila Sir Sandy at Cecil. Sana ay matagpuan nila sa kanilang puso ang pag-ibig na nararanasan namin ngayon ng aking mahal.Ilang Linggo pa ang lumipas at naging maayos pa rin ang pagsasama namin ni Salvatore na para bang wala ng katapusan ang ligayang natatamasa ko sa piling niya. Regular ko na ring nadadalaw si Angelo kapag may time ako at sa tuwina ay masayang masaya ang aking kapatid sa panahong magkasama kami. Lagi niyang sinasabi sa akin na nag-aaral siya ng mabuti para naman daw hindi na siya umasa sa akin at kay Salvatore.Humahanga ako sa kasipagan at pagkamatalino ng kapatid ko. Ang galing niyang umunawa ng mga bagay bagay lalo na ng kalakaran ng mundo. Siguro ay nagkaroon ng parte ang pagtira namin kila tita Anacleta kaya maagang namulat ang mga mata niya sa katotohanan ng buhay.“Okay, class, sobrang gagaling niyo, especially si Angel. Mukhang madadali
SalvatoreNapaka busy ko na dahil sa dami ng inaasikaso ko tapos biglang dumating ang tatay ko. Hindi ko inaasahan na pupuntahan niya ako kaya naman sobra ang galit na nararamdaman ko para kay Sandicho. Ang walang hiya kong kapatid ay hindi napigilan ang kakatihan ng bunganga at sinabi sa ama namin ang tungkol kay Angel.“Don’t take his words seriously,” sabi ko agad ng makapasok kami sa aming silid. Hindi umimik si Angel na ikinabahala ko. Ayaw kong iwan niya ako ng dahil sa ama ko. Hinila ko siya palapit sa kama at tsaka naupo. Kailangan kong masiguro na okay siya at okay kami.“Ayos lang iyon,” sabi niyang nakangiti. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong totoo iyon sa loob niya. Ngunit hindi ko maitatanggi ang pagkabahalang nasa mukha din niya.“Baby, sana maintindihan mo na lahat ng mangyayari sa mga susunod na mga araw ay para lang protektahan ka. Judging with the way you look ay mukhang alam mo na ang nangyayari kaya gusto kong mag request sayo na sana, ako lang at ang salita