Nakakaloka, minsan na nga lang gumala napasama pa. Nasaan na kaya si Daddy S?
AngelDahan dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit sinalubong ako ng sobrang liwanag dahilan upang muli kong ipikit ang aking mga mata.“Angel! Angel!” tawag sa akin ni Nadia kaya naman muli kong idinilat ang aking mata ngunit dahan dahan lang. “Girl, okay ka lang ba?” tanong niya ng tuluyan ko na siyang makita. Tapos ay bigla kong naalala ang nangyari kaya naman mabilis akong tumingin sa aking paligid. “Yung lalaki!” Nagpapanic na sabi ko.“Okay na, wala na siya bes. I'm sorry kasalanan ko ito. Kung hindi kita niyayang lumabas hindi mangyayari sayo ang lahat ng ito.” Sige ang pag-iyak niya kaya naman nginitian ko siya ng bahagya para malaman niyang ayos lang ako.Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng silid na ngayon ko lang na realize na sa ospital pala. Pumasok ang naka unipormeng lalaki na base sa pagkakatanda ko ay tinawag na Calderon ng lalaking nang hostage sa akin. “Kamusta ka na, Angel?” ang alanganin niyang bati. “Pasensya ka na at hindi ko napigi
SalvatoreAyaw ko sanang paalisin si Angel dahil nag-aalala akong baka hindi na siya bumalik. Kahit na may nangyayari na sa amin at alam kong gusto niya rin iyon ay hindi pa rin ako mapalagay. Ang bata pa niya, paano kung makakita or makakilala siya ng iba? Hindi pa naman ako ang tipo ng tao na sweet or kayang magpakita ng pagpapahalaga or pag-aalala sa kahit na sino.Dati, oo. Pero ngayon, hindi na.Pinasamahan ko siya sa isa sa mga tauhan ko para ipagdrive siya papunta sa mall at tatawag na lang sa akin si Angel kapag pauwi na ito para naman puntahan siya ng driver na nasa paligid rin lang naman para subaybayan at bantayan siya.Lahat ng ginagawa nilang magkaibigan ay inirereport sa akin ng tauhan ko habang ako naman ay nasa malaki kong garahe at may kaharap na naman na isa pang tarantadong hindi marunong sumunod sa gusto ko.“Boss, pasensya na po, hindi ko na uulitin..” sabi ng lalaki. Inatasan ko siya para kolektahin ang bayad ng isa naming kliyente na kumuha ng mga armas, ngunit b
Angel“How are you feeling?” tanong ni Salvatore ng makapasok kami sa aming silid. Naupo ako sa aming kama habang lumuhod naman siya sa harapan ko at kinuha ang kamay kong may bandage at tinignan iyon.“Okay naman na,” sabi ko dahilan para tumingin siya sa akin.“I already asked Naty to prepare the table.” Pagkasabi niya non ay napatingin ako sa paperbag na may lamang pagkain na binigay ni David.“Ipahanda mo na rin sa kanya yan.” Sayang naman din kasi kung hindi kakainin eh pagkain pa naman.“Kakainin mo yan?” tanong niya kaya naman tumango ako. “Bakit, gusto mo yung pulis na nagbigay niyan?” Ano daw?“Saan naman nanggaling yan?” takang tanong ko at sigurado akong kunot na kunot ang noo ko.“Hindi ba at ganun naman talaga? People eat or use something that the person they like gave them?”“Pagkain yan Salvatore, anong masama kung kainin ko yan kaysa naman itapon.”“Hindi mo kakainin ang bigay ng pulis na yon, tapos.”“Eh di sige ikaw na lang ang kumain. Basta huwag mong maitapon tapon
David“Puta naman oh! Paanong napiyansahan? Ano yon?” galit kong tanong sa kapartner kong pulis matapos niyang sabihin na nakalabas na ang lalaking nanghostage kay Angel at siya ring primary suspect ko bilang gun for hire ng mga sindikato at pulitikong gusto patahimikin ang kung sino mang mga kaaway nila.“Eh wala na akong nagawa, dumating yung abogado niya kagabi at inilabas siya.”“Walanghiya talagang buhay to oh, paano kung ano na naman ang gawin ng putang inang Manzano na yon?” Kakarating ko lang ng presinto at handa na sana akong i-interrogate ang hayop na yon tapos ganito ang sasalubong sa akin.Matagal ko ng target ang sira ulo na yon at laging nakakalusot. Akala ko pa naman ay maso-solve ko na ang kasong sinusubaybayan ko tungkol sa pagpatay sa Mayor dito sa Angeles na tatakbo dapat na Vice Governor at napakalaki ng chance na manalo. Si Manzano ang number one suspect ko na mapipiga ko na sana tapos naman ay hinayaang makapagpiyansa!“Saan ka pupunta, Calderon?” tanong ni Parang
AngelMabilis akong lumapit sa customer namin sa hindi kalayuan kay David na napansin kong umalis na rin. “Ako na po,” ang sabi ko kasabay ang pagdampot ng tinidor na nasa lapag. Pag angat ko ng tingin ay galit na mukha ni Salvatore ang nakita ko na masama ang tingin sa akin. “Ikukuha ko lang po kayo ng panibagong tinidor.” Hindi ko na hinintay na makasagot pa siya at iniwan ko na siya.Hindi ko rin naman malaman ang gagawin ko ng kailangan ko ng bumalik sa kanya. Nag-aalalangan ako pero may palagay akong lalo siyang magagalit kung hindi ako babalik. Kaya naman kahit na labag sa aking kalooban ay binalikan ko pa rin siya. “Ito po, Sir.”“Mukhang masayang masaya kang makipag-usap sa customer kanina pero sa akin ay hindi ka makangiti.” Mahina lang ang boses niya pero umabot ang mga salita niya sa tenga ko.“Hindi naman po, Sir.” Sinamahan ko na rin ng ngiti dahil baka mamaya ay sabihin na naman niya na hindi ko siya nginingitian. “May kailangan pa po kayo, Sir?” tanong ko at umiling nama
AngelAng sasakyan na huminto sa tabi ko ay kay Salvatore, simula rin ng gabing iyon ay palagi na akong sinusundo sa ganoong paraan. Yung tipong hinihintay niya na medyo malayo muna ako sa restaurant bago siya magpakita na para bang sinisiguro niya na walang makakakita sa amin.Okay lang naman sa akin iyon dahil ayaw ko ring panay panayin ni Cecil ang panunukso sa akin na simula ng mahuli niya kami ni Salvatore sa restroom ng restaurant ay hindi na ako tinigilan sa kakatanong hangga’t may nakikita siyang pagkakataon.Sa kabila ng mga pangyayari at muntikan ko ng pagkabura sa mundo ay naging masaya pa rin. Iba na kasi ang pakikitungo ni Salvatore sa akin. Naging sweet na siya at mahinahon, maliban lang sa kama. Lagi siyang akala mo ay sabik na sabik sa akin sa tuwing inaangkin niya ako na gabi gabi namang nangyayari. Kung minsan ay mayroon din sa umaga kapag medyo tanghali siya nakakaalis ng bahay na hindi ko naman alam kung saan siya nagpupunta.Patuloy akong nagtrabaho sa restaurant h
SalvatoreGustong gusto ko na makabalik ng Pampanga ngunit hindi ko naman din pwedeng madaliin ang lahat ng gawain ko dito. Isang linggo lang ang paalam ko kay Angel ngunit pang walong araw ko na rito sa Maynila ay hindi ko pa rin masiguro ang pag-uwi ko. Ayaw ko na kasing balikan pa ang kung ano mang pwede kong maiwan dito na importanteng bagay.“I’m sorry, Sir.” Hinihingal pa ang business manager ko. Nararamdaman kong natatakot siya sa akin ngunit pinipigilan niya lang. Ng lumuwas ako dito ay yun din ang unang beses na nagkita kami. Tinanggap ko siya sa trabaho niya online at may nilaan lang akong abogado na malapit sa akin na sumusubaybay sa kanya at maaari niyang kontakin kung kailangan niya ako.“Naayos ko na po ang lahat at pirma niyo na lang po ang kailangan.” Tapos ay inilapag niya ang folder na naglalaman ng mga kontrata. Kinuha ko iyon at binuklat bago iniabot kay Larry, ang abogadong kaibigan ko.“Okay na lahat ito,” pagkumpirma niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas
SalvatoreDumiretso ako sa dining table para kumain ng almusal at hinintay ko naman na sumunod sa akin ang babae. Ngunit ilang minuto na akong naghihintay ay wala pa rin siya. Nakita kong dumaan si Naty kaya naman, “Please call Angel. Sabihin mo na kakain na kami.”“Sir, kanina ko pa po siya niyaya, kape lang daw ang gusto niya at binigay na rin po iyon sa kanya sa poolside.”Naramdaman ko ang pagkibot ng gilid ng aking bibig at pagsalubong ng aking mga kilay, “Ahm, tuloy ko na po ang ginagawa ko.” Paalam ni Naty sabay alis. Alam na niya na hindi na maganda ang mood ko.Sumandal ako sa upuan at pumikit habang tila nagpipiyano ang aking mga daliri sa ibabaw ng lamesa. Ganito ako kapag sinisikap kong pakalmahin ang sarili ko. Kailangan kong gawin ito bago ko harapin si Angel dahil kung hindi ay baka kung ano lang ang magawa ko.Nitong mga huling linggo, matapos akong kumain sa restaurant na pinagtatrabahuan niya kasabay ang pulis na yon at hintayin siyang maauwi ay naging napakaganda ng