Alas otso na ng gabi at ito parin ako hindi makatulog. Nanatili lang akong nakatitig sa kisame at nag iisip tungkol sa buhay nilang mag asawa.
Mabuti nalang at magkaiba ang kwarto namin ni Theo lalo na at hindi ako sanay na may katabing lalaki sa kama, halata talagang hindi talaga sila okay dahil magkaiba sila ng kwarto at saka dito din kasi ako nagising nung napunta ako dito. Minsan naiisip ko kung may time din ba kayang magkatabi silang matulog?Ito na ba talaga ang bagong buhay ko? Hindi ako makapaniwala na posible din pala na mapunta ka sa katawan ng ibang tao.Sa dami kong mga tanong ay halos mabaliw na rin ako dahil walang sinomang tao lang din naman ang makakasagot sakin.Bigla akong kinabahan at napaupo sa kinahihigaan ko dahil biglang bumukas ang pinto. Napasilip ako ng kunti pero wala akong nakikitang tao.Teyka! May multo ba dito? Malaki pa naman ang bahay nato kaya posible rin.Nanliit ang mata ko habang tinitigan ang pintong dahan dahang bumukas. Agad kong hinila ang kumot ko para tabunan ang buong katawan ko."Sino yan!" kinakabahan ko pang sabi at biglang tumigil ang pagbukas ng pinto. Kalahating bukas lang ito at hindi na tuluyang binuksan ng maayos ang pinto.Ilang segundo lang ay may isang maliit na ulo ang sumilip."Kaiden??"Ilang segundo pa itong hindi gumalaw at kahit medyo madilim ay ramdam ko ang pagtitig nito sakin. Maya maya lang ay nag step to the right pa ito dahilan ng makita ko ang kabuuan niya, may bitbit pa itong laruan na kotche-kotchehan.Napangiti ako bigla dahil sa ka cute-tan niya. Kaya naman pala natagalan sa pagbukas ng pinto dahil mas mataas pa ang kinalalagyan ng door knob kompara sa height niyang maliit."Mama?" tawag nito sakin na halatang natatakot."Yes baby?" Nanatili lang ako sa pwesto ko dahil baka mas lalo itong lumayo sakin. Hihintayin ko nalang na ito na mismo ang lumapit sakin."Can I go inside?" napangiti ako dahil sa ka cute-tan ng boses niya. Baby pa talaga."Oo naman, pwedeng pwede""Di ka magagalit?" natigilan ako ng bahagya."Ha? Bakit naman ako magagalit?"Binuksan ko ang ilaw ng lamp shade na nakapatong sa mini table na nakapwesto sa gilid ng kama. Mas nakikita ko na ngayon ang mukha niya. Napansin ko ang pag aalinlangan niya at bahagyang pagnguso."Come here Baby" yaya ko pa at pinagpapagan pa ang kama ko.Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa kama ko na siyang ikinangiti ko. Medyo nahirapan pa siyang umakyat sa kama ko kaya naman ay tinulungan ko siya pagkatapos ay nag indian sit ito sa kama habang kaharap niya ako.Ngumiti ako sakanya."Bakit? May kailangan ka ba?" malambing kong tanong sakanya."Mama are you really telling the truth? Di ka na po ba nag la-lie?"Napabuntong hininga ako. "Can you sit here?" Turo ko pa sa pwesto kong saan malapit sakin. Tinitigan niya ako pero agad din naman niyang sinunod. Pagkaupo niya sa gilid ko ay agad ko siyang niyakap na siyang ikinatigas pa ng katawan niya. Halatang natatakot pa na baka may gawin ako sakanya."Don't worry, simula ngayon Mama will take care of you okay? Kung ano man yung nangyari dati I hope you will forget it , hindi mo man tuluyang mabura iyon sa isipan mo but I will do my best to heal your heart" tinuro ko pa ang dibdib niya kung saan ang puso niya.Napatingala ito sakin para tignan ang mukha ko kaya naman ay kinalas ko ang pagkakayakap sakanya."Hmm?""Promise?" ngumiti ako sakanya."Promise, cross my heart pa" nag draw pa ako ng cross sa dibdib ko and for the first time I saw his sweet smile. Niyakap niya ako at isinubsob pa niya ang mukha lalo sakin. Niyakap ko siya pabalik. Ang gaan sa pakiramdam na unti unti ko ng nakukuha ulit ang loob ng bata.Ilang segundo lang ay nagsalita ito."Mama I am afraid""Saan ?""Baka bumalik ka nanaman sa dati"Hindi ako makasagot."Mama can you please stay like this?" Hinagod ko ang buhok niya at niyakap ng mahigpit to secure him."Sure Baby. As long as I am here"As long as I am in this body, walang mangyayaring masama."But you are here, hindi ka naman aalis diba?"Tanging pagtango nalang ang nagawa ko lalo na at ayaw kong magbitiw ng salita na walang kasiguraduhan. Wala akong idea kung hanggang kailan ako mananatili sa katawan na ito at mas lalong hindi ko alam kung makakabalik paba ako sa dati kong katawan kung sakaling buhay pa ba ako."Kaiden"Tumingala ulit ito sakin para tignan ako, naghihintay sa sasabihin ko."Anong klaseng pananakit ang nagawa ko sayo?" tanong ko bigla dahil matagal na rin akong na cu-curious kung anong ginawa ni Audrey sakanya at halos gilitan na ako ng leeg ni Theo sa tingin niya sakin sa tuwing sinasabi niya ang pananakit ni Audrey kay KaidenKumalas siya sa pagkakayakap sakin. Akala ko natakot nanaman siya bigla sakin pero hindi pala. Tinuro lang naman niya ang gilid ng tiyan niya at saka sa may braso niya."Here Mama oh, dito mo ko palaging pinapalo""Talaga?"Tumango siya. "May dugo pong lumabas dito nung kinurot niyo po ako" tinuro niya pa ang tagiliran niya. Biglang nanikip ang dibdib ko."Can you tell me why I did that to you?" medyo naguluhan siya kung bakit ko siya tinatanong pero sinagot niya parin."Kasi gusto kong makipag play sayo at pinilit kita. Di ko naman sinasadya Mama na mabasa yung cellphone mo. Sorry po"Napaluha ako bigla sa sinabi niya. Alam kong wala ako don nong nangyari iyon pero nasasaktan ako para sakanya. Bakit nagawa iyon ni Audrey? Parang hindi siya nanay!Mababaw lang ang luha ko lalo na at malapit ako sa mga bata, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang nalulungkot doon sa bahay ampunan kaya nga ginawa ko ang lahat para pasiyahin sila doon. Masaya din ako dahil may mga taong mabubuti ang loob na nagbibisita doon dati at nagbibigay samin ng masasarap na mga pagkain, mga laruan at mga damit. Walang katumbas ang saya namin sa ipinamalas nilang kabutihan kaya lumaki akong nangangarap na maging katulad nila.Kaya habang nakikinig ako kay Kaiden ay diko maiwasang maiyak nalang dahil hindi ko lubos maisip na may isang Ina rin pala na kayang saktan ang kanyang anak ng dahil lang sa mababaw na rason."Mama are you okay po?""N-no" napailing ako. "I am not okay and I really feel bad dahil nagawa ni Mama sayo yun. You dont have to say sorry kasi ako dapat ang humingi sayo ng sorry. Sorry dahil naging masama akong Mama sayo but Mama will do her best para makabawi sayo. Can you give me the chance?"Napatango ito sakin. Tumayo ito na siyang ipinagtaka ko. Nagulat nalang ako ng pinahiran niya ang mga luha ko sa pisngi pagkatapos ay hinawakan ito at pinaharap sa mukha niya." Wag ka nang umiyak Mama. Magiging good boy din po ako para di ka na magalit, okayy?" Napatawa nalang ako dahil sa ka cute-tan niya. Napayakap nalang ako sakanya at ganon din siya sakin.I will do everything to make this kid happy, kung ano paman ang nagawa ni Audrey sakanya ay gagawin ko ang lahat at iparamdam sakanya kung ano ba talaga ang pakiramdam na may isang Ina na nag aalaga at nagmamahal sayo na hindi kailanman nagawa ni Audrey sakanya.***Tinitignan ko ang repleksyon ko ngayon sa salamin. Kakatapos ko lang maligo at magbihis pero hindi ko parin magawang lumabas pa ng banyo. Ilang araw na rin akong nandito at hindi parin ako nagsasawang tignan ang pagmumukha ni Audrey. Aminado akong walang wala talaga ang ganda ko kompara sa ganda niya, yung tipong dadaan lang siya ay masusundan mo talaga siya ng tingin, mukha palang ay masyado ng nakaka attract.Di kona kailangan pang magtaka kung bakit maraming mga lalaki ang nagkakadarampang naghahabol sakanya. Maliban nalang siguro kay Theo but speaking of Theo, sa ilang araw na nandito ako ay halatang iwas sakin ang lalaki. Lagi rin naman siyang wala dahil abala siya sa kompanyang hindi ko alam kung ano pero infairness bumabawi siya kay Kaiden sa tuwing nararamdaman niya sigurong wala na siyang time sa anak niya.Marami daw negosyo ang pamilya nila ayon kina Manang at ibang kasamahan dito sa bahay. Syempre naghanap talaga ako ng paraan para kahit papano ay may alam din ako kahit kaunting background man lang tungkol sakanila.Minsan nakakasalubong ko si Theo dito sa bahay pero tanging pagkadisgusto lang yung nakikita kong tingin niya sakin sa tuwing nakikita niya ako. Automatikong nag sasalubong agad ang kilay niya pag nakikita niya ako. Pakiramdam niya halos lahat ng ginagawa kong paglinis dito sa bahay at pagluluto ay puro pagpapanggap lang daw.Sa huli ay hindi ko nalang siya pinapansin at isinawalang bahala nalang ang mga salita niya tungkol sakin. Ayaw ko siyang patulan baka mas lalo lang masira ang image ko sa paningin niya.Napag-alaman ko rin ang buong pangalan niya. Matt Theodore S. Guevarra, 27 years old at isang anak ng kilalang fashion designer ang Nanay niya samantalang ang Papa naman niya ay kilala rin dahil sa iba't iba nitong negosyo. Tatlo silang magkakapatid at si Theo ang bunso.Tanging yon lang naman ang nalaman ko dahil baka magtaka sina Ate Ruby at iba pang kasambahay dito sa bahay kung bakit nagtatanong ako tungkol kay Theo."Mama! Mama!"Napaayos ako bigla sa mukha ko nang marinig ko ang yapak ni Kaiden na kakapasok lang sa kwarto ko. Agad akong lumabas ng Cr at kita ko ang paglilibot ng paningin niya na halatang hinahanap ako."Hi!" masigla kong bati sakanya at agad siyang tumakbo papalapit sakin.Natuwa ako bigla nang niyakap niya ako. Simula nong pinuntahan niya ako dito sa kwarto ko at nagkaron kami ng small talk ay unti-unting naging malapit ang loob sakin ni Kaiden. Ngayon ko lang nalaman na napakalambing niyang bata at masyadong maraming sinasabi. Hindi ko lang iyon nalaman agad dahil nga sa hindi naging maganda ang huling pagsasama nila ni Audrey noon kaya pati personality niya ay nag-iba towards sakin.I am glad na unti unti na siyang bumabalik sa dati gaya ng sinabi sakin ni Manang."Mama look oh" pinakita niya sakin yung drawing niya na nakalagay sa isang long bond paper."Wow! Ikaw nag draw nito?" masaya siyang napatango. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Halatang kaming tatlo ang ginuhit niya. Para sa isang three years old na bata ay masasabi kong may talent siya sa pagguhit. Kahit na lagpas lagpas ang pagkulay niya at tanging stick man lang ang mga figure, nagandahan parin ako. May sun pa sa upper
Mabilis akong naglakad hanggang sa marating ko na ang kusina. Napasandal agad ako sa pader habang hawak ko ang dibdib ko. Anak ng!!Inuutusan ko ang lupa na lamunin na ako ngayon na! Napaigting ako nang biglang pumasok dito si Keira na nanggaling sa back door. Natigilan siya ng makita ako at nagulat pa sa presensya ko."Ayos ka lang po ba Ma'am?" Lumapit ito sakin at sinuri ang buong pag mumukha ko."Ang pula ng mukha mo Ma'am ah" napakunot ang noo ko ng tonog parang nanunukso itong si Keira."New blush on po ba iyan Ma'am?" taas-babang kilay pa nitong sabi sakin."Huy Ikaw Keira Ah" diko mapigilang magka utal utal sa sinabi ko. Pumunta ako sa may ref at binuksan ito. Teyka bakit ko ba binuksan to?"Psst" napalingon ako kay Keira at kasalukuyan na itong nakasandal sa pader na pinagsandalan ko kanina. Naka crossed arm pa ang babae at ang tingin niya sakin ay nanunukso.Nakasimangot ako."Mukha kang butiki dyan" sabi ko nalang at isinarado nalang ang ref. Napabusangot ang mukha ni Ke
Theo's POVIt's already six-thirty in the morning and I'm ready to go to the company to finish everything that needs my approval and signature and as usual I went to Kaiden's room to give him a good morning kiss. At this time, that boy was still asleep kaya minsan Manang used to call to let me know that Kaiden was upset because he didn't see me when he woke up. It makes my heart ache knowing I caused him feel that way but I have to leave for work. I would like to take him to my office but no one will watch over him and I can't take care of him there.Since Audrey left us again, it was hard for Kaiden not to see his Mom, it was also hard for me to lie about why his Mom wasn't here again. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang anak kong naiinggit habang pinapanood ang mga pinsan niyang masayang naglalaro at nakikipagbonding kasama ang mga magulang nila. I hate myself for being not enough for him, for being not able to give him that kind of family. I am not a perfect parent and it
Abala akong nagdidilig sa mga halaman dito sa hardin ng bahay. Alas seyete palang ng umaga at napagdesisyonan ko munang tumulong sa mga gawaing bahay dito para hindi ako maburyo. Kanina ay sinilip ko si Kaiden sa kanyang kwarto at tulog pa naman ang bata kaya bumaba nalang muna ako."Manong Ben, ilang taon niyo na bang ginagawa to?" napalingon sakin si Manong Ben na abala sa paggugupit at pagtatanggal ng mga layang dahon ."Mag siya-siyam na taon na po Ma'am" bahagya akong namangha."Wow, ang tagal niyo na pala dito""Maayos rin po kasi ang trabaho ko dito Ma'am at saka mabait si Sir Theo, mahirap maghanap ng mabait na amo"Napatango naman ako sa sinabi niya. "Nang dahil po sa trabaho ko dito ay naipagtapos ko ng pag-aaral ang dalawa kong anak , pinapatigil na nga nila ako sa trabaho at sila nadaw ang bahala sakin pero ayaw ko at baka maburyo lang ako sa bahay pag wala akong ginagawa" natatawa pa niyang sabi at kitang kita na proud siya sa naging achievement ng mga anak niya at sa mga
Ilang oras din ang binyahe namin at saktong alas dyes kami dumating. Nang makababa ako ng tuluyan ay halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang kompanyang pinapatakbo nila. Sobrang lawak at aliwalas ng paligid. Pwedeng pwede ring gawing tambayan ang lugar na to lalo na at may malawak na park sila dito at may ibang stall na nagtitinda ng mga kilala ring pagkain."Madam ayos lang po ba kayo?" Napatikom ang bibig ko ng marinig ko si Kuya Roberto. Na we-weirduhan na siguro to sakin. Kasi naman! Nakakamangha ang lugar nato. Sobrang ganda at laki."Sige po Madam, mauna na ako. Tawagan niyo nalang po ako pag magpapasundo na kayo" Magsasalita na sana ako pero hindi ko na natuloy dahil bigla akong na speechless. Namalayan ko nalang na wala na si Kuya Roberto at pinaharurot na ang sasakyan paalis."Mama let's go na po" hinila pa ako ni Kaiden papuntang entrance.Habang naglalakad kami papuntang entrance ay panay ang lingon ko sa paligid. Grabe, til
Hawak-hawak ko parin ang dibdib ko dahil sa walang tigil nitong pagtibok. Bakit ba sinabi niya pa yon? Masyado siyang seryoso at walang bahid na kahit anomang kasinungalingan ang pagmumukha niya habang sinasabi ang mga katagang yon. Gusto ko tuloy magwala!Napalingon ako sa deriksiyon ni Theo at pinagmasdan siyang kumakain. Agad akong napaiwas nang mapansin niya akong nakatitig sakanya at tinignan ako pabalik. Mas gugustuhin ko nalang siguro na sigawan at magalit nalang siya sakin kaysa sa ganito na puno ng pagkamangha ang mga mata niya. Hindi ako sanay! Tumayo ako at pilit na pinipigilan ang nararamdaman. "Baby, dyan kalang muna ha? May bibilhin lang si Mama don sa may food stall" nakatitig sakin si Kaiden mukhang nag aalinlangan kung sasama ba siya sakin o hindi."Stay ka lang diyan, nandito naman si Papa mo" napanguso ito."Sige po"Napabuga ako ng hangin at hanggang maaari ay pinilit ko ang sarili na hindi magpakita ng kahit anomang reaksyon kay Theo."P-punta lang muna ako sa
Ngumiti ito sakin. Kung sinong babae siguro ay mahuhulog sa ganda ng ngiti niya pero iba ako. Wala akong naramdamang kilig o pagka attract sakanya kundi takot at kaba lang at hindi ko talaga alam kung bakit."Are you okay Miss?" Napalayo ako sakanya ng bahagya habang hindi ko tinatanggal ang titig ko sakanya. Napakapamilyar niya. "Miss? Baka matunaw ako" nakangiti niyang sabi na mukhang nang-aasar sakin.Napabalik ako sa aking ulirat at napakunot ang noo. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya."Oo, ayos lang ako. Pasensya na" nagkibit balikat lamang siya at napatango."Okay" sabi niya at tinalikuran na ako at nagpatuloy sa paglalakad.Teyka! Bigla kong naalala nong bata pa ako. Siya yung lalaking kasa-kasama ng doktor na nakikita ko sa bahay ampunan! Minsan lamang siyang pumunta doon sa tuwing may nagkakasakit na mga bata o gumagamot sa mga may malubhang sakit. Hindi ko alam kung ano siya, mukhang hindi rin naman siya doktor kasi hindi ko naman siya nakikitang tumulong sa kasama
Hindi ko na alam kung hanggang kailan mananatili itong ngiti sa labi ko. Sobrang saya at halos hindi kona namamalayan ang mga nangyayari. Tila parang nakalutang lang kami sa mga ulap. Pagod man at puno na kami ng pawis ay hindi dahilan iyon para tumigil kami sa pamamasyal dito, halos libutin na nga namin ang bawat sulok ng amusement park.Napalingon ako kay Theo na kasalukuyang karga ngayon si Kaiden sa mga bisig niya. Panay ang tingin nila sa mga taong nandito at mukhang naaaliw pa silang titigan ang mga pinanggagawa ng mga tao rito, may nag-uusap, nagtatawanan, nagkukulitan, may ibang tahimik lang din at naghihintay sa fireworks display, may ibang nag te-take ng pictures at may ibang magkayakap pa. Napangiti ako bigla. Hindi ko inaasahan na magiging maayos ang daloy ng pasyal namin ngayon. At dahil sa pasyal naming ito ay may karagdagang kaalaman akong nalaman tungkol sakanya.Hindi naman talaga siya suplado at kill joy, sumasabay siya sa kung ano ang mga nangyayari. Kaya siguro na