"Kalma, chill ka lang. Nagbibiro lang ako" napaiwas siya ng tingin at basta nalang pinaandar ang sasakyan."To naman oh! Inaasar lang kita. Ang cute mo kasing magtampo, sarap mong isako" napatingin siya ulit sakin kaya napahalakhak nalamang ako ng tawa."Ah okay. Looks like you're enjoying teasing me like this" ang boses niya ang mukhang nanghahamon at tila may binabalak pang gumanti sakin pagnagkataong makahanap siya ng tyempo."Pero Theo" bigla akong sumeryoso para makalimutan niya ang kung ano mang balak niya saking pang-aasar. Tila gusto kong isingit muna ang tungkol doon sa nangyari kanina."What now" ngiting nanghahamon ang ipinakita niya sakin ngunit bigla rin namang nawala ang mapang-asar niyang mga tingin nang mapansin niyang seryoso lang ako."Kanina" panimula ko pa. Ipinark niya muna ang kotche sa gilid ng kalsada kaya naman ay napakunot ang noo ko at nagtaka."Bakit ka huminto? Baka hindi pwedeng mag park dito""Wala namang nakabantay at saka gusto kong makinig sayo ng maa
Abala ako ngayon sa pagluluto ng dinner namin hanggang sa biglang dumating si Kaiden sa kinaroroonan ko na may dalang notebook at lapis. Napangiti akong humarap sakanya habang panay parin ang paghalo ko dito sa niluluto kong beefsteak."Oh? What's wrong Baby?" Tinigil ko muna ang paghahalo at tinakpan ko muna ang niluluto ko para magsteam muna ito. Nilapitan ko si Kaiden at hinaplos ang kanyang buhok."Mama can you help me po dito sa assignment ko?" "Oo naman, let me see daw" kinuha ko ang dala niyang notebook at tinignan ang nakalagay na task na gagawin nila. "Ay madali lang to Baby, don't worry Mama will help you okay? Gagawa lang tayo ng tula about environment""Talaga po? Pero hindi po ako magaling gumawa ng tula Mama""Tuturuan kita pero saka na pag natapos natong niluluto ko. Kain muna tayo para may laman ang tiyan mo bago tayo gumawa ng assignment" napangiti siyang napatango at niyakap ako. Napangiti nalamang rin ako.Dati lang ay nasa may bandang hita ko palang ang tangkad n
I want to write my acknowledgement before I say goodbye to you guys. To my dear readers who support me in my writing journey, reading my story and patiently waiting for my updates, Thank you. I really appreciate you guys, hindi ko matatapos ang kwentong to kung wala kayo at kung hindi dahil sa inyo. You give me strength, inspiration and motivation to finish this work! This is not only my success but also your success. You have been a part of my journey so I am very grateful to you guys. Giving your time and having the effort to read my story, for the votes, for following me and adding my story to your reading list has a big impact on me as an aspiring writer. I am sending you my virtual hug for giving my gratitude sa inyong lahat. Thank you. Until we meet and interact again here! Lovelots 🫶
Tulala akong nakatingin sa isang family picture. Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos na maisip na nabuhay ako muli bilang isang asawa ng isang mayamang lalaki. Napasabunot nalamang ako sa buhok ko. Baka panaginip lang to?? O baka nababaliw na nga ako!!Tinignan ko muli ang repleksyon ko sa salamin pagkatapos ay tinignan ko ulit yung malaking family picture na nakasabit sa pader. Kahit ilang beses kong ipokpok ang ulo ko at sabunutan ang buhok ko ay wala paring nangyayari at sigurado na akong totoo ngang nangyayari ito!Napangiwi nalamang ako sabay yuko. Pano nangyari to? Ang huling naalala ko ay nasagasaan lang naman ako ng ten wheeler truck ! Pagkatapos non ay bigla nalang akong nagising sa katauhan ng babaeng to. Ibig sabihin ba non ay namatay na nga ba talaga ako doon sa dati kong katawan?? Eh malamang! Ten wheeler truck ang nakasagasa sakin! For sure nagkabali-bali nayung buto't balat ko.Napasigaw nalamang ako out of frustration, mukhang sa mental yata ako babagsak nito."Wh
Nanatili lang akong nakatitig sakanya samantalang siya ay disgustong tinitignan ang buong pagkatao ko. Kung makatingin naman to oh!Pero kahit ganon ay diko maiwasang mamangha sa mukha niya. Kahit na nakakunot itong nakatingin sakin ay pwedeng pwede siyang maging model sa ganda ng katawan niya lalo na ang pagmumukha niyang pang artistahin. Tila parang hindi tao ang isang to, bigla namang nahiya ang kutis ko kompara sa balat niya, ang kinis!"Papa!" Sabay kaming napalingon sa may hagdan at isang cute na poging batang lalaki ang bumaba rito. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkamangha. Ang gaganda ng mga lahi nila! Samantalang kaming mga hindi pinagpala ng ganda ay babawi nalang sa sipag at tiyaga."Kaiden!" nag aalalang usal ng lalaki at mabilis na nilapitan ang anak sa hagdan para hindi ito mahulog. Tansya ko ay mga nasa edad tatlo pa ito dahil sa liit ng height nito at boses."Careful, I warned you already not to go down to the stairs alone" malambing ang tono ng boses nito at nakakaan
Mahigit ilang oras na rin bago umalis ang lalaki at mahigit ilang oras narin akong nakatulala ngayon sa balkonahe. Pagkatapos niya kasing umalis ay napagdesisyonan kong maglibot sa malaking bahay nato. May iba akong nakakasalubong na mga kasambahay at halos lahat sila ay mukhang hindi ko close, minsan ay natataranta pa sila pag nakikita ako kaya ang tanging ginawa ko nalang ay ngumiti sakanila.Halos maubos narin lahat ng braincells ko kakaisip kung bakit nabuhay pa ako ulit at sa katawan pa ng babaeng to. Napabuntong hininga nalamang ako. Kung pwede lang na manatili dito sa balkonahe ay gagawin ko talaga, maliban sa sariwa ang hangin dito ay nakikita ko rin mula dito ang iilang mga puno't halaman na nasa labas. Pansin ko rin na walang masyadong bahay na malapit sa bahay nato. Mukhang isang private subdivision yata ito.Eh?Napalingon ako sa paligid dahil tila parang may narinig akong humihikbi. Napatayo ako sa kinauupuan ko sa sahig at napagdesisyonang umalis muna rito sa balkonahe.
"Naku Ma'am kung alam mo lang kung gaano ako kagigil sayo non. Sinabihan mo naman ako ng matabang pig??" pagmamaktol pa ni Ate Ruby habang kinukwento sakin yung mga ginawa sakanya ni Audrey na may halo pang pag-demonstrate kaya kita ko ang bawat detail sa mga sinasabi niya, parang doble kara lang.Nagtawanan silang lahat at halos lahat sila ay sinasabi sakin lahat ng mga na experience nilang kamalditahan ni Audrey sa kanila. Mabuti nalang at wala itong ginawang physical abuse sakanila o ano, tanging verbal lang naman ito pero kahit na! Masakit pa rin iyon lalo na at hindi madaling mabura sa isipan ng isang tao ang masasamang salita na natatanggap nila.Magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil medyo hindi na sila naiilang sakin. Pinilit ko pa nga silang makipag inuman ng alak pagkatapos naming kumain upang sa ganon ay matanong ko silang lahat tungkol sa buhay ni Audrey o sa buhay nilang mag asawa sa oras na malasing sila pero hindi natuloy kasi wala naman palang alak dito kaya juice nalan
KINABUKASAN ay maaga akong gumising para maghanda ng makakain. Nakasanayan ko na rin kasi itong gawin lalo na at isa rin ako sa mga tumutulong magluto doon sa bahay ampunan. Hindi ako sanay na walang gagawin kaya hangga't maaari ay kumikilos talaga ako.Pagkababa ko ay walang tao pa sa ibaba, malamang tulog pa sila dahil mag aalas singko palang kasi ng umaga. Hindi ko rin alam kung bakit maaga akong nagising.Dumeritso nalang ako sa kusina para hiwain nalang muna ang mga ibang ingredients para sa lulutuin ko ngayon. Balak ko kasing magluto ng kaldereta.Pagdating ko sa kusina ay agad kong hinanap ang switch ng ilaw kasi nga madilim dito sa may kusina at wala akong masyadong makita. "Anak ng!" gulat kong bulalas at napahawak agad sa dibdib ko.Maski siya ay bahagya ring nagulat at mukhang nasilaw pa sa pagbukas ko ng ilaw.Tila parang binombahan ako dahil sa gulat. Pano ba naman kasi , Nandito pala ang lalaking to na nakaupo sa mesa habang may tina-type sa laptop niya. May suot siyang