KINABUKASAN ay maaga akong gumising para maghanda ng makakain. Nakasanayan ko na rin kasi itong gawin lalo na at isa rin ako sa mga tumutulong magluto doon sa bahay ampunan. Hindi ako sanay na walang gagawin kaya hangga't maaari ay kumikilos talaga ako.
Pagkababa ko ay walang tao pa sa ibaba, malamang tulog pa sila dahil mag aalas singko palang kasi ng umaga. Hindi ko rin alam kung bakit maaga akong nagising.Dumeritso nalang ako sa kusina para hiwain nalang muna ang mga ibang ingredients para sa lulutuin ko ngayon. Balak ko kasing magluto ng kaldereta.Pagdating ko sa kusina ay agad kong hinanap ang switch ng ilaw kasi nga madilim dito sa may kusina at wala akong masyadong makita."Anak ng!" gulat kong bulalas at napahawak agad sa dibdib ko.Maski siya ay bahagya ring nagulat at mukhang nasilaw pa sa pagbukas ko ng ilaw.Tila parang binombahan ako dahil sa gulat. Pano ba naman kasi , Nandito pala ang lalaking to na nakaupo sa mesa habang may tina-type sa laptop niya. May suot siyang eye glasses at halatang kakagising lang din dahil sa suot niyang manipis na white t-shirt at pajama. Napatingin ako sa isang baso ng gatas na nasa gilid niya.Bakit ba kasi nakapatay ang ilaw? Edi sana hindi nalang ako tumuloy pa dito kung alam ko lang na nandito pala siya."What are doing here" walang emosyon niyang sabi habang tinitignan ako na para bang isa akong walang kwentang bagay. Hindi ako nagpatinag sa kalamigan ng boses niya."Magluluto" hindi ko inaasahan na naging tonog na tila parang sinabi ko na 'di ba obvious' ang lumabas sa bibig ko pero kahit ganon ay nilakasan ko nalang ang loob ko na pumunta doon sa ref at binuksan ito.Ramdam ko ang mga titig niya sakin kahit hindi ko man siya tignan."At kailan ka pa natutong magluto? Ni mga gawaing bahay nga ay hindi mo magawa ng maayos, pati pagluluto nga ay inuutos mo pa sa iba"Napamewang nalang ako ng wala sa oras at huminga ng malalim. Malakas kong isinirado ang ref at poker face na hinarap siya. Gusto na naman yata nitong makipag away sakin."Hindi ba sinabi ko na sayo na gusto ko ng magbago? Kaya nga ito ako ngayon diba?" Sarkasto siyang napangisi at tumayo. Kinabahan tuloy ako."Audrey" naging seryoso na ang tono ng pananalita niya " Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. What do you need this time? Sabihin mo lang at pwede ka ng umalis hindi itong binibigyan mo nanaman kami false hope"Napahinga ako ng malalim."Kung ayaw mong maniwala, ayos lang sakin iyon. Hindi kita pipilitin. Ang akin lang ay ginagawa ko ito hindi dahil sa gusto kong makuha ulit ang tiwala mo okay? Ginagawa ko ito para bumawi kahit para nalang kay Kaiden, sa anak mo" napakunot ang noo niya sa sinabi ko."A-at sa a-anak ko-rin" naging hilaw ang ngiting naipakita ko sakanya na siyang ikinalamig ng titig niya sakin.Isinarado na niya ang kanyang laptop at binitbit ito sabay lakad palabas ng kusina pero bago iyon ay tinignan niya muna ako at binigyan ng isang banta."Pag sa oras na malaman ko na sinaktan mo nanaman ang anak natin, hindi lang kulungan ang aabutin mo Audrey" tinignan niya ang buong pagmumukha ko. "I'll also make your life miserable kahit na nasa kulungan ka pa" giit niyang sabi. Hindi ko tuloy maiwasang matakot pero bakit kailangan pa niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko?? Tila parang gusto niya yatang makipag suntukan sakin.***"Hi Baby Kaiden" bati ko sa bata nang makababa ako sa hagdan, tila naaaliw siyang pagmasdan ang laruan niya habang nakadapa sa sahig. Ang cute!Kakatapos ko lang kasing maligo at bumaba na agad ako para asikasuhin kung ano pang dapat gawin dito sa bahay. Kakatapos lang din naming kumain at sobrang tuwa pa nina Manang dahil sa luto kong pasok nanaman sa panlasa nila.Masaya naman kaming sabay na kumain maliban lang don sa isa na kill joy na hindi sumabay samin. Edi kung ayaw niyang kumain sa luto ko edi wag. Bahala siya sa buhay niya. Naiintindihan ko naman yung galit niya kay Audrey eh pero hindi ko talaga mapigilang hindi mainis dahil sa wala talaga akong kinalaman tungkol sa nakaraan nila at ito ako, nadadamay sa mapait nilang buhay pag-ibig na mag asawa.As usual tinitigan lang ako ng bata pero kahit ganon ay mabuti nalang at hindi na ito tumatakbo o nagtatago sa tuwing nakikita ako."Anong ginagawa mo Baby?" lumapit pa ako lalo para tignan ang nilalaro niya."Wow! Lego??" mas ako pa yata ang excited na laruin ang laruan niya. Maliban sa matagal ko na ring gustong bumili niyan dati as Camelle ay nakahiligan ko ring maglaro ng mga building blocks dati doon sa bahay ampunan.Lumapit ako sa kinaroroonan niya at naupo sa sahig. Pinagmasdan ko ng maigi ang laruan niya. Isa itong frog na lego at halos kulay green, black, red at white lang yung mga kulay. Bat naman kaya Palaka? Sa nakikita ko ay ang hilig ng mga bata ay yung mga buildings o di kaya mga barko."Ay malapit na pala yang matapos, gusto mo tulungan kitang tapusin yan? I think madali lang yan, diba may mga steps yan pano buuin?" Tanong ko pa sakanya.Hindi niya ako sinagot bagkus may tinuro lang siya doon sa may bandang sofa na ilang metro lang ang layo samin. Natigilan ako ng makita ang Papa niya na nakaupo pala doon habang hawak yung papel nasa tingin ko ay iyon ang guide sa pagbuo nito, tinignan niya ako pero maya maya lang ay nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa, maigi niya lang itong binabasa habang busy sa pag assemble doon sa ibang parte ng palaka. Minsan ay humihigop siya doon sa kapeng dala niya."Uy! Nandyan ka pala" tanging nasabi ko nalang. Hindi ko talaga siya napansin, kung hindi pa itinuro ni Kaiden yung guide ay hindi ko talaga siya mapapansin dyan."Tsk!"Napangiwi nalamang ako sa naging reaksyon niya. Edi wag! Siya na nga tong pinapansin siya pa yung ayaw.Biglang dumating si Manang Nelita na may dalang snacks. "Ay Ma'am nandyan ka na pala" ngumiti ako sakanya. Nilapag niya ang tray doon sa mini table ma malapit lang sa pwesto ni Kaiden."Kainin mo to Kaiden ha, paborito mo yan" sabi pani Manang at tumango lamang ang bata. Akmang aalis na sana si Manang nang bigla akong nagsalita."Manang parang may kamukha noh?" Kinuha ko pa ang palaka na nakabusangot, kahit na hindi pa kompleto ang kanang parte ng mukha nito ay halatang nakabusangot lang ito."Po Ma'am?""May kamukha" nilakasan ko pa talaga ang boses ko. Napakunot lalo ang noo ni Manang."Diba Baby may kamukha tong frog?" yung bata naman ang tinanong ko. Lumapit siya sa lego na palaka at tinitigan ang pag mumukha nito."Sino naman ho Ma'am""Kamukha ng Sir niyo" matigas kong sabi sabay tingin doon sa lalaki. Lagi kasing nakabusangot kaya nagmumukhang palaka. Saktong umiinom siya ng kape niya kaya ayon napaso at may ibang natapon pa sa damit niya. Buti nga."S-si Sir Theo Ma'am?"Eh? Theo? Theo pala ang pangalan ng lalaki."Diba Baby? Kamukha ng Tatay mo? " napalingon si Kaiden kay Theo na nakabusangot na ang mukha sakin. Akmang iiling sana si Kaiden pero bigla akong lumapit sakanya at bumulong."Bibigyan kita ng chocolate pag dito ka kumampi sakin" mabilis kong sabi at agad na napatango ang bata na siyang ikinatawa ko. Napailing nalamang si Manang bago tuluyang bumalik sa kusina."Can you stop?" inis nitong sabi dahilan na napalingon ako sakanya."Ang alin?" Maang maangan ko pa. Asar talo kaya bahala siya diyan."Audrey" magbabanta nitong sabi pero hindi ako nagpatinag."Ang alin nga?""Titigil ka o palalayasin——"Chill lang" pagputol ko sa sasabin niya ,napataas nalang ang kamay ko na parang sumusuko. "To naman di mabiro"Tumayo siya na siyang pagkabog ng dibdib ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya dito sa kinaroroonan namin. Naupo siya sa sahig at inilagay ang parte na binuo niya sa katawan ng palaka."And here" usal niya. "The frog is now complete"Namangha ako dahil buo na ang lego. Nagningning ang mukha ng bata."Thank you Papa" masayang sabi ni Kaiden at niyakap pa ang papa niya. Napangiti nalamang ako sa moment nilang dalawa."You're welcome Baby" hinalikan pa niya ang noo ni Kaiden at ginulo pa ang buhok ng bata na siyang ikinabungisngis nito.Napaayos ako ng upo ng tinignan ako ni Kaiden habang nanatili siyang nakakandong sa papa niya at nakayakap sa leeg nito."Mama"Medyo nagulat ako sa sinabi niya. First time na tinawag at pinansin niya ako. Hindi ko alam ang isasagot. Pati si Theo ay hindi inaasahan ang pagpansin sakin ni Kaiden."Are you really staying here with us?" tanong nito. Napatingin ako kay Theo na naghihintay sa magiging sagot ko.Ngumiti ako sakanya at tumango."Yes Baby. Babawi si Mama sayo""Really?" Matamlay na sabi nito na halatang hindi pa sigurado kung maniniwala ba siya sakin."Hmm, hindi na kita iiwan ulit"Wala ng reaksyon ang bata at tinitigan nalang ako. Ilang segundo lang tumayo si Theo at maayos na binuhat si Kaiden."Let's go outside Baby, Papa will gonna teach you how to ride your bike okay?"Masayang napatango ang bata at dahil sa excitement ay nagpababa ito kay Theo at ito na mismo ang tumakbo palabas ng bahay para puntahan iyong bike."Come on Papa"rinig ko pang sigaw ng bata galing sa labas ng bahay.Napalingon sakin si Theo at mukhang disappointed sakin na parang galit na ewan. Hindi ko matukoy ang reaksyon niya."Stop giving him false hope again, Audrey. Ang problema sayo ay masyado kang magaling sa salita but you really suck at fullfilling it" Pagkasabi niya ay agad na niya akong iniwan dito sa sala at agad na lumabas para sundan si Kaiden.Ako naman ay nanatiling nakaupo parin sa sahig at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kahit na hindi naman talaga ako si Audrey. Ganon ba talaga kalaki ang galit niya kay Audrey kaya naging mahirap na para sakanya na paniwalaan ang mga sinasabi ko?Ano ba kasi talaga ang kwento nilang dalawa ni Audrey.*********************Alas otso na ng gabi at ito parin ako hindi makatulog. Nanatili lang akong nakatitig sa kisame at nag iisip tungkol sa buhay nilang mag asawa. Mabuti nalang at magkaiba ang kwarto namin ni Theo lalo na at hindi ako sanay na may katabing lalaki sa kama, halata talagang hindi talaga sila okay dahil magkaiba sila ng kwarto at saka dito din kasi ako nagising nung napunta ako dito. Minsan naiisip ko kung may time din ba kayang magkatabi silang matulog?Ito na ba talaga ang bagong buhay ko? Hindi ako makapaniwala na posible din pala na mapunta ka sa katawan ng ibang tao.Sa dami kong mga tanong ay halos mabaliw na rin ako dahil walang sinomang tao lang din naman ang makakasagot sakin. Bigla akong kinabahan at napaupo sa kinahihigaan ko dahil biglang bumukas ang pinto. Napasilip ako ng kunti pero wala akong nakikitang tao.Teyka! May multo ba dito? Malaki pa naman ang bahay nato kaya posible rin.Nanliit ang mata ko habang tinitigan ang pintong dahan dahang bumukas. Agad kong hinila ang ku
"Hi!" masigla kong bati sakanya at agad siyang tumakbo papalapit sakin.Natuwa ako bigla nang niyakap niya ako. Simula nong pinuntahan niya ako dito sa kwarto ko at nagkaron kami ng small talk ay unti-unting naging malapit ang loob sakin ni Kaiden. Ngayon ko lang nalaman na napakalambing niyang bata at masyadong maraming sinasabi. Hindi ko lang iyon nalaman agad dahil nga sa hindi naging maganda ang huling pagsasama nila ni Audrey noon kaya pati personality niya ay nag-iba towards sakin.I am glad na unti unti na siyang bumabalik sa dati gaya ng sinabi sakin ni Manang."Mama look oh" pinakita niya sakin yung drawing niya na nakalagay sa isang long bond paper."Wow! Ikaw nag draw nito?" masaya siyang napatango. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Halatang kaming tatlo ang ginuhit niya. Para sa isang three years old na bata ay masasabi kong may talent siya sa pagguhit. Kahit na lagpas lagpas ang pagkulay niya at tanging stick man lang ang mga figure, nagandahan parin ako. May sun pa sa upper
Mabilis akong naglakad hanggang sa marating ko na ang kusina. Napasandal agad ako sa pader habang hawak ko ang dibdib ko. Anak ng!!Inuutusan ko ang lupa na lamunin na ako ngayon na! Napaigting ako nang biglang pumasok dito si Keira na nanggaling sa back door. Natigilan siya ng makita ako at nagulat pa sa presensya ko."Ayos ka lang po ba Ma'am?" Lumapit ito sakin at sinuri ang buong pag mumukha ko."Ang pula ng mukha mo Ma'am ah" napakunot ang noo ko ng tonog parang nanunukso itong si Keira."New blush on po ba iyan Ma'am?" taas-babang kilay pa nitong sabi sakin."Huy Ikaw Keira Ah" diko mapigilang magka utal utal sa sinabi ko. Pumunta ako sa may ref at binuksan ito. Teyka bakit ko ba binuksan to?"Psst" napalingon ako kay Keira at kasalukuyan na itong nakasandal sa pader na pinagsandalan ko kanina. Naka crossed arm pa ang babae at ang tingin niya sakin ay nanunukso.Nakasimangot ako."Mukha kang butiki dyan" sabi ko nalang at isinarado nalang ang ref. Napabusangot ang mukha ni Ke
Theo's POVIt's already six-thirty in the morning and I'm ready to go to the company to finish everything that needs my approval and signature and as usual I went to Kaiden's room to give him a good morning kiss. At this time, that boy was still asleep kaya minsan Manang used to call to let me know that Kaiden was upset because he didn't see me when he woke up. It makes my heart ache knowing I caused him feel that way but I have to leave for work. I would like to take him to my office but no one will watch over him and I can't take care of him there.Since Audrey left us again, it was hard for Kaiden not to see his Mom, it was also hard for me to lie about why his Mom wasn't here again. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang anak kong naiinggit habang pinapanood ang mga pinsan niyang masayang naglalaro at nakikipagbonding kasama ang mga magulang nila. I hate myself for being not enough for him, for being not able to give him that kind of family. I am not a perfect parent and it
Abala akong nagdidilig sa mga halaman dito sa hardin ng bahay. Alas seyete palang ng umaga at napagdesisyonan ko munang tumulong sa mga gawaing bahay dito para hindi ako maburyo. Kanina ay sinilip ko si Kaiden sa kanyang kwarto at tulog pa naman ang bata kaya bumaba nalang muna ako."Manong Ben, ilang taon niyo na bang ginagawa to?" napalingon sakin si Manong Ben na abala sa paggugupit at pagtatanggal ng mga layang dahon ."Mag siya-siyam na taon na po Ma'am" bahagya akong namangha."Wow, ang tagal niyo na pala dito""Maayos rin po kasi ang trabaho ko dito Ma'am at saka mabait si Sir Theo, mahirap maghanap ng mabait na amo"Napatango naman ako sa sinabi niya. "Nang dahil po sa trabaho ko dito ay naipagtapos ko ng pag-aaral ang dalawa kong anak , pinapatigil na nga nila ako sa trabaho at sila nadaw ang bahala sakin pero ayaw ko at baka maburyo lang ako sa bahay pag wala akong ginagawa" natatawa pa niyang sabi at kitang kita na proud siya sa naging achievement ng mga anak niya at sa mga
Ilang oras din ang binyahe namin at saktong alas dyes kami dumating. Nang makababa ako ng tuluyan ay halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang kompanyang pinapatakbo nila. Sobrang lawak at aliwalas ng paligid. Pwedeng pwede ring gawing tambayan ang lugar na to lalo na at may malawak na park sila dito at may ibang stall na nagtitinda ng mga kilala ring pagkain."Madam ayos lang po ba kayo?" Napatikom ang bibig ko ng marinig ko si Kuya Roberto. Na we-weirduhan na siguro to sakin. Kasi naman! Nakakamangha ang lugar nato. Sobrang ganda at laki."Sige po Madam, mauna na ako. Tawagan niyo nalang po ako pag magpapasundo na kayo" Magsasalita na sana ako pero hindi ko na natuloy dahil bigla akong na speechless. Namalayan ko nalang na wala na si Kuya Roberto at pinaharurot na ang sasakyan paalis."Mama let's go na po" hinila pa ako ni Kaiden papuntang entrance.Habang naglalakad kami papuntang entrance ay panay ang lingon ko sa paligid. Grabe, til
Hawak-hawak ko parin ang dibdib ko dahil sa walang tigil nitong pagtibok. Bakit ba sinabi niya pa yon? Masyado siyang seryoso at walang bahid na kahit anomang kasinungalingan ang pagmumukha niya habang sinasabi ang mga katagang yon. Gusto ko tuloy magwala!Napalingon ako sa deriksiyon ni Theo at pinagmasdan siyang kumakain. Agad akong napaiwas nang mapansin niya akong nakatitig sakanya at tinignan ako pabalik. Mas gugustuhin ko nalang siguro na sigawan at magalit nalang siya sakin kaysa sa ganito na puno ng pagkamangha ang mga mata niya. Hindi ako sanay! Tumayo ako at pilit na pinipigilan ang nararamdaman. "Baby, dyan kalang muna ha? May bibilhin lang si Mama don sa may food stall" nakatitig sakin si Kaiden mukhang nag aalinlangan kung sasama ba siya sakin o hindi."Stay ka lang diyan, nandito naman si Papa mo" napanguso ito."Sige po"Napabuga ako ng hangin at hanggang maaari ay pinilit ko ang sarili na hindi magpakita ng kahit anomang reaksyon kay Theo."P-punta lang muna ako sa
Ngumiti ito sakin. Kung sinong babae siguro ay mahuhulog sa ganda ng ngiti niya pero iba ako. Wala akong naramdamang kilig o pagka attract sakanya kundi takot at kaba lang at hindi ko talaga alam kung bakit."Are you okay Miss?" Napalayo ako sakanya ng bahagya habang hindi ko tinatanggal ang titig ko sakanya. Napakapamilyar niya. "Miss? Baka matunaw ako" nakangiti niyang sabi na mukhang nang-aasar sakin.Napabalik ako sa aking ulirat at napakunot ang noo. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya."Oo, ayos lang ako. Pasensya na" nagkibit balikat lamang siya at napatango."Okay" sabi niya at tinalikuran na ako at nagpatuloy sa paglalakad.Teyka! Bigla kong naalala nong bata pa ako. Siya yung lalaking kasa-kasama ng doktor na nakikita ko sa bahay ampunan! Minsan lamang siyang pumunta doon sa tuwing may nagkakasakit na mga bata o gumagamot sa mga may malubhang sakit. Hindi ko alam kung ano siya, mukhang hindi rin naman siya doktor kasi hindi ko naman siya nakikitang tumulong sa kasama