Hawak-hawak ko parin ang dibdib ko dahil sa walang tigil nitong pagtibok. Bakit ba sinabi niya pa yon? Masyado siyang seryoso at walang bahid na kahit anomang kasinungalingan ang pagmumukha niya habang sinasabi ang mga katagang yon. Gusto ko tuloy magwala!Napalingon ako sa deriksiyon ni Theo at pinagmasdan siyang kumakain. Agad akong napaiwas nang mapansin niya akong nakatitig sakanya at tinignan ako pabalik. Mas gugustuhin ko nalang siguro na sigawan at magalit nalang siya sakin kaysa sa ganito na puno ng pagkamangha ang mga mata niya. Hindi ako sanay! Tumayo ako at pilit na pinipigilan ang nararamdaman. "Baby, dyan kalang muna ha? May bibilhin lang si Mama don sa may food stall" nakatitig sakin si Kaiden mukhang nag aalinlangan kung sasama ba siya sakin o hindi."Stay ka lang diyan, nandito naman si Papa mo" napanguso ito."Sige po"Napabuga ako ng hangin at hanggang maaari ay pinilit ko ang sarili na hindi magpakita ng kahit anomang reaksyon kay Theo."P-punta lang muna ako sa
Ngumiti ito sakin. Kung sinong babae siguro ay mahuhulog sa ganda ng ngiti niya pero iba ako. Wala akong naramdamang kilig o pagka attract sakanya kundi takot at kaba lang at hindi ko talaga alam kung bakit."Are you okay Miss?" Napalayo ako sakanya ng bahagya habang hindi ko tinatanggal ang titig ko sakanya. Napakapamilyar niya. "Miss? Baka matunaw ako" nakangiti niyang sabi na mukhang nang-aasar sakin.Napabalik ako sa aking ulirat at napakunot ang noo. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya."Oo, ayos lang ako. Pasensya na" nagkibit balikat lamang siya at napatango."Okay" sabi niya at tinalikuran na ako at nagpatuloy sa paglalakad.Teyka! Bigla kong naalala nong bata pa ako. Siya yung lalaking kasa-kasama ng doktor na nakikita ko sa bahay ampunan! Minsan lamang siyang pumunta doon sa tuwing may nagkakasakit na mga bata o gumagamot sa mga may malubhang sakit. Hindi ko alam kung ano siya, mukhang hindi rin naman siya doktor kasi hindi ko naman siya nakikitang tumulong sa kasama
Hindi ko na alam kung hanggang kailan mananatili itong ngiti sa labi ko. Sobrang saya at halos hindi kona namamalayan ang mga nangyayari. Tila parang nakalutang lang kami sa mga ulap. Pagod man at puno na kami ng pawis ay hindi dahilan iyon para tumigil kami sa pamamasyal dito, halos libutin na nga namin ang bawat sulok ng amusement park.Napalingon ako kay Theo na kasalukuyang karga ngayon si Kaiden sa mga bisig niya. Panay ang tingin nila sa mga taong nandito at mukhang naaaliw pa silang titigan ang mga pinanggagawa ng mga tao rito, may nag-uusap, nagtatawanan, nagkukulitan, may ibang tahimik lang din at naghihintay sa fireworks display, may ibang nag te-take ng pictures at may ibang magkayakap pa. Napangiti ako bigla. Hindi ko inaasahan na magiging maayos ang daloy ng pasyal namin ngayon. At dahil sa pasyal naming ito ay may karagdagang kaalaman akong nalaman tungkol sakanya.Hindi naman talaga siya suplado at kill joy, sumasabay siya sa kung ano ang mga nangyayari. Kaya siguro na
Maingay. Mainit. Lahat ng tao ay abala ngunit gayon paman ay hindi napapawi nito ang saya na nararamdaman ko. This is it Camelle! This is your chance to slowly reach your dream.Ngiting ngiti akong naglalakad at nang makapunta na ako sa pedestrian lane ay saka ako huminto at naghintay na maging green iyong walking light. Kakatawag lang kasi sakin nong Manager ng isang resort, he said na pumayag daw ang may-ari na gamitin namin iyong venue na walang bayad. Napag alaman kasi nito ang tungkol sa proposal. Ito narin mismo ang nagyaya na mag sponsor sa gagawin naming event which is ang feeding program sa mga batang nasa bahay ampunan at ang bongga pa doon ay ito na mismo ang nagsabi na doon nalang i-heheld sa mismong resort nila. Omygosh! Tiyak na magiging masaya ang mga bata doon sa venue.Nagkataon rin kasi na ang Bahay Ampunan na ito ay isa rin sa mga binibigyan niya ng donation kaya nakakagaan ng loob.Itong resort din kasi ang pinakamalapit doon sa may bahay ampunan, iwas hassle na
"Mama balik ka po ah?" May namumuo pang luha sa mga mata niya. Kanina kasi ay nag ta-tuntrums ito, matapos ko nalang siyang paligoan at bihisan ay wala parin siyang tigil sa pag iyak. Pinaintindi ko talaga siya at pinahinahon, mabuti nalang at huminahon na rin siya ngayon ngunit bakas parin sa mukha niya na ayaw niya akong paalisin.Napatingin ako kay Manang, mukha siyang nababahala at nag-aalala. Tila parang nangyari narin ito noon. Napalingon ako doon sa isang round clock na nakasabit doon sa may pader ng sala. 12:15pm na."Pagpasensyahan niyo na ang bata Maam. Nong huli kasing umalis ka ay isang buwan karin kasing hindi bumalik Maam, tapos nitong huling nakaraang tatlong linggo kalang bumalik" iyon ang araw na napunta ako sa katawan ni Audrey. Kaya naman pala. Pero si Audrey iyon. Ang bilis lang ng araw, Tatlong linggo na pala ang lumipas. Mag iisang buwan narin pala simula nang mapunta ako dito.Napahinga ako ng malalim. "Baby here oh" binigay ko sakanya iyong ginawa kong brac
I can't wait to get home. Everything went really smoothly. Hindi ko alam kung ayos paba ako dahil buong araw akong ganado sa trabaho at napansin din iyon ng secretary ko na panay ang ngiti ko raw na hindi ko naman namamalayan. But I really like this feeling and I'm starting to love it.Wala na akong pakialam sa kung anong isipin nila sakin. For now, I just want to enjoy this moment. I can't wait to see their wide smile again especially seeing Audrey with her lovely laugh sa oras na ibigay ko sakanila itong pasalubong kong waffle na nadaanan ko habang nagmamaneho sa daan. I don't know, bigla ko lang siyang naalala ng makita ang stall na nagtitinda ng waffle.Before, all I wanted was to go home as soon as possible to see my son, but now it's different because there are now two of them waiting for me. Hindi man kami katulad ng ibang mag asawa pero kontento na muna ako sa ganito. We are settling in little by little and I can't wait for us to be comfy with each other like the partners I en
I don't know how many hours I've been staring at her. Since I woke up, instead of getting ready to go to the company, I decided to cancel all my appointments today and immediately went back to bed just to stare at the two very important people in my life. I don't know. I just want to be with Audrey right now especially that this is the beginning of a new phase for us with our son Kaiden.Right now we slept here in Kaiden's room. After we talked deeply in her room we decided to go to Kaiden and I told her how Kaiden cried waiting for her. Nakita ko kung paano nasaktan si Audrey sa narinig at agad na niyakap ang natutulog na anak. Seeing her apologizing to our son even if he was still sleeping, it helped me feel better and I admired her for doing that.Napalingon ako sa anak ko nang makita ko itong nagising na. Tulala muna itong nakatitig sa kisame at napalingon sakin. I warmly smiled at him."Good morning kiddo" napakurap ito saakin at mukhang nagtataka pa kung bakit katabi niya ako ng
Napalingon ako doon sa isang 'Kiddi's Play Area', isa itong indoor na playground kung saan iniiwan muna doon ang mga bata pansamantala ng mga magulang nila para makapagbili at maasikaso ng maayos ang mga dapat nilang tapusin. Gawa sa glass ang pader nito kaya kitang kita lang mula dito sa labas ang paglalaro nila doon sa loob."Sure, paalam ka muna sa Papa mo" nakangiti kong sabi sakanya na siyang ikinalingon niya kay Theo na kasalukuyan ng naglalakad palapit dito sa kinauupuan at napili naming maliit na square table."Papa pwede po ba play ako doon?" napalingon si Theo doon sa tinuro ni Kaiden. Ngumiti ito sa anak."Sure but you have to finish this before going there" tukoy pa nito sa ice cream na dala at ibinigay ito kay Kaiden. "Food is not allowed inside" tukoy pa niya doon sa indoor na playground.Pagkatapos ay ibinigay niya naman sakin iyong Vanilla Ice cream bago siya tuluyang umupo sa isang upuan na katabi ko. Nakangiti ko itong tinanggap."Salamat" sabi ko at agad na tinikman
I want to write my acknowledgement before I say goodbye to you guys. To my dear readers who support me in my writing journey, reading my story and patiently waiting for my updates, Thank you. I really appreciate you guys, hindi ko matatapos ang kwentong to kung wala kayo at kung hindi dahil sa inyo. You give me strength, inspiration and motivation to finish this work! This is not only my success but also your success. You have been a part of my journey so I am very grateful to you guys. Giving your time and having the effort to read my story, for the votes, for following me and adding my story to your reading list has a big impact on me as an aspiring writer. I am sending you my virtual hug for giving my gratitude sa inyong lahat. Thank you. Until we meet and interact again here! Lovelots 🫶
Abala ako ngayon sa pagluluto ng dinner namin hanggang sa biglang dumating si Kaiden sa kinaroroonan ko na may dalang notebook at lapis. Napangiti akong humarap sakanya habang panay parin ang paghalo ko dito sa niluluto kong beefsteak."Oh? What's wrong Baby?" Tinigil ko muna ang paghahalo at tinakpan ko muna ang niluluto ko para magsteam muna ito. Nilapitan ko si Kaiden at hinaplos ang kanyang buhok."Mama can you help me po dito sa assignment ko?" "Oo naman, let me see daw" kinuha ko ang dala niyang notebook at tinignan ang nakalagay na task na gagawin nila. "Ay madali lang to Baby, don't worry Mama will help you okay? Gagawa lang tayo ng tula about environment""Talaga po? Pero hindi po ako magaling gumawa ng tula Mama""Tuturuan kita pero saka na pag natapos natong niluluto ko. Kain muna tayo para may laman ang tiyan mo bago tayo gumawa ng assignment" napangiti siyang napatango at niyakap ako. Napangiti nalamang rin ako.Dati lang ay nasa may bandang hita ko palang ang tangkad n
"Kalma, chill ka lang. Nagbibiro lang ako" napaiwas siya ng tingin at basta nalang pinaandar ang sasakyan."To naman oh! Inaasar lang kita. Ang cute mo kasing magtampo, sarap mong isako" napatingin siya ulit sakin kaya napahalakhak nalamang ako ng tawa."Ah okay. Looks like you're enjoying teasing me like this" ang boses niya ang mukhang nanghahamon at tila may binabalak pang gumanti sakin pagnagkataong makahanap siya ng tyempo."Pero Theo" bigla akong sumeryoso para makalimutan niya ang kung ano mang balak niya saking pang-aasar. Tila gusto kong isingit muna ang tungkol doon sa nangyari kanina."What now" ngiting nanghahamon ang ipinakita niya sakin ngunit bigla rin namang nawala ang mapang-asar niyang mga tingin nang mapansin niyang seryoso lang ako."Kanina" panimula ko pa. Ipinark niya muna ang kotche sa gilid ng kalsada kaya naman ay napakunot ang noo ko at nagtaka."Bakit ka huminto? Baka hindi pwedeng mag park dito""Wala namang nakabantay at saka gusto kong makinig sayo ng maa
Ganito naman talaga ang buhay, bawat araw may panibago tayong pagsubok na haharapin, bawat minuto o oras ay may iba't iba tayong gustong gawin. Sa mga lumilipas na mga araw, buwan at taon, nagkakaroon tayo ng panibagong gustong gawin sa buhay at mga pangarap na gusto nating abutin.At ngayon na dumating na saakin ang matagal ko ng hinihiling, hindi ko hahayaang mawala ito sakin. Dahil ibinigay at itinupad ng Diyos ang pangarap kong to na magkaron ng pamilya, Nag-iba naman ngayon ang pangarap ko at ito ay ang maging isang mabuting Ina para kay Kaiden. Iparamdam sakanila ang pagmamahal at pag-aaruga ko na gusto kong maranasan at maramdaman nila. Lalo na kay Theo. Gusto kong ibigay at ibuhos sakanila ang buong atensyon at oras ko. May iba mang hindi sang-ayon at dismayado sa naging desisyon ko ayos lang sakin. Naiintindihan ko ang opinyon ng iba kong kaco-workers at nasasayangan pa sakin pero ayos lang naman sakin dahil sadyang magkaiba talaga tayo ng mga opinyon at pananaw sa buhay. Ni
KINABUKASAN ay nagpaalam ako kay Theo na aalis muna ako ng bahay at pumunta doon sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Kaya naman ay hinatid na niya ako papunta doon, malayo pa naman ang alas otso kaya mahahatid pa niya ako, wala rin siyang pakialam kung ma late siya sa pagpunta doon sa sarili niyang kompanya basta ang sabi niya sakin mas gugustuhin niyang ihatid muna ako bago siya pumunta sa trabaho.Si Kaiden naman ay nakombinsi naming babalik din kami agad. Naaawa ako sa bata dahil wala siyang kasama tuloy sa bahay maliban kina Manang. Mabuti nalang at napaintindi namin ang bata at sinabing maghihintay nalang siya sa pagdating ko at sa Papa niya.Habang nasa kotche at bumabyahe ay napatanong ako kay Theo."Theo""Hmm?" Nakangiti niyang usal habang ang atensyon ay nasa kalsada. Nagnakaw pa siya ng tingin sakin."Paano ang apartment ko?" Nababahala kong sabi. Kanina ko pa kasi iniisip ang apartment ko lalo na ang trabaho ko. Hindi ko alam ang gagawin kaya naisipan kong hihingi nalang ng
"Ay Oh? Napano po yang si Sir Maam?" Ang gulat na si Keira ang bumungad samin ng makarating kami dito sa may sala. Kasalukuyang nagliligpit ngayon sina Keira at Ate Ruby samantalang si Manang naman at nandoon sa Kusina.Nabaling ang atensyon ko kay Theo. Karga ko na nga si Kaiden sa mga bisig ko ay mukhang may nag-aaktong bata pa dito sa gilid ko na naka-akbay sakin habang ang pagmumukha na nito ay nakasandal na sa may leegan ko. Kung titignan mo siya mukha siyang lasing na naglalambing sakin."Malakas ang tama, Keira" sira ang mukha kong sumagot kay Keira. "Kay laking tao, nagiging bata naman sakin" Natawa nalamang si Keira samantalang si Ate Ruby naman ay napatakip sa bibig na nagpipigil ng tawa."Let's sleep now Hon. Inaantok na rin ako" paglalambingan pa sakin ni Theo na dalawang braso na niya ang yumakap sa may balikat ko habang ang baba na nito ay nakapatong na sa may balikat ko at nakaharap na sakin ang mukha niya. Bahagyang napalayo ang mukha ko sakanya dahil sa sobrang lapit
"Hi" maikli ngunit may bahid na ngiti namang bati sakin ng asawa ni Ate Loraine na si Rius. Hindi ko alam kung bakit kinabahan nalang ako bigla nang nakipagkamay na ako sakanya.Ngumiti lamang ako pabalik sakanya at bahagyang napatango senyales ng pagbati ko rin sakanya pabalik.Pero nang matapos silang makipagkilala sakin at tinignan ko sila isa-isa ay hindi ko na napigilan ang sariling maiyak kaya naman ay agad akong napatalikod sakanila at panay ang pagpunas ko sa mga luhang nagsituluan nalang bigla. Nakakahiya, masyado akong naging OA sa harapan nila. Ganon ang iniisip ko, kaya ayaw kong umiiyak kasi iniisip ko bigla na nagiging OA lang ako masyado."Aww Camelle is crying" tuloy ay naiiyak na rin ang Mama ni Theo. "Hey, it's okay. Sshh" lumapit sakin si Theo at niyakap ako bigla. Panay ang paghagod niya sa balikat ko. Napayakap nalamang ako sakanya at ibinaon ang mukha ko sa may dibdib niya. Nahihiya akong umiyak sa harap ng pamilya niya. Hindi ko alam kung bakit naging iyakin
"Hon, Hon! Wake Up! They are here"Naalimpungatan ako sa pagtapik ni Theo sa magkabila kong pisngi. Bumungad sakin ang maaliwalas at nakangiti niyang mukha. Napakunot ang noo ko at agad na napabalikwas ng bangon nang makita ko ang kabuuan niyang bihis na bihis. Anak ng!"Anong oras na?""8AM"Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ano!?""Let's go, Nandon sila lahat sa baba. They want to see you" nakangiti pa niyang hinila ang mga braso ko na animo'y isang batang nagyayang maglaro."Teyka! Ano?!" Natawa siya sa naging hitsura ko kaya naman ay natataranta akong napaalis sa kama at hindi ko alam kung ano ang unang gagawin. Kung magliligpit ba ng higaan o mag-aayos ng sarili. Sa huli ay natampal ko sa braso si Theo."Bakit hindi mo ako ginising?" Natataranta kong sabi at wala sa sariling tiniklop ang mga bedsheets. Matalim ko siyang tinignan nang tumawa ulit siya. "Ikaw! Wag mo kong tinatawanan dyan. Bihis na bihis ka pa dyan ni hindi ka man lang nag-abalang gisingin ako" panenermon ko sak
"Uy napano po si Kaiden Maam?" nag-aalalang bungad samin ni Ate Ruby na may dalang laundry basket. Kakapasok niya lang dito at namataan niya akong nakasandok dito sa rice cooker habang ang kaliwa ko namang braso ay karga ko ang batang mahigpit paring nakakapit sakin sa may leegan. Medyo nahihirapan ako sa sitwasyon namin pero ayos lang ito sakin, kaya ko namang magsandok habang karga ko siya. Gusto ko ring pagaanin ang loob ng bata."Namiss ako Ate Ruby kaya ito, ayaw nang humiwalay sakin" nakangiti kong sabi kaya napamaang nalamang si Ate Ruby."Ay naku, ako nalang dyan Ma'am. Mukha ka talagang nahihirapan dyan. Ako na ang magsasandok ng kanin" agad siyang pumalit sa pwesto ko at napalayo naman ako. "Salamat po""Nangungulila talaga sayo yang bata. Halos araw-araw po yang naghahanap sayo. Mabuti nalang at lagi siyang pinapatahan ni Sir Theo at pinapakalma""Talaga?" Nanghina ang boses ko at gumaralgal ng kunti. Napayakap ako lalo sa bata para iparamdam sakanyang nandito lang ako sa