Napatitig nalamang ako kay Theo at nanatiling nakaupo parin dito sa sahig samantalang siya ay kanina na palang nakatayo at tinitignan iyong niluluto kong adobo. Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot iyong puso ko.Natutuwa akong marinig iyon mula sakanya, simula nang magkaayos kami at naging komportable sa isa't isa ay ngayon niya lang nasabi ang mga katagang iyon saakin. Nahuhulog narin ang loob ko sakanya ngunit may parte saakin ang nagsasabing hindi ito tama, na wala parin akong karapatan sakanya.Laging pumapasok sa isip ko ang naging usapan namin ng misteryosong lalaking iyon sa hospital. Huminga ako ng malalim. Ngayon lang Camelle, pagbigyan mo rin ang sarili mo. Just cherish this moment habang nandito kapa. Kalimutan mo muna lahat at isipin nalang muna kung ano ang meron ngayon sainyo ni Theo. Gagawin ko lahat at gagawa ako ng paraan para hindi ako mahiwalay at mawala sa pamilyang to.Sa loob din ng ilang araw ay paminsan minsan din ay bumibisita ako doon sa hospital kung s
Napatapik nalamang ako sa may tuktok ng ulo niya ng marahan na tila pinapatulog ko nalang siya. "Gusto ko sanang bumisita doon sa bahay ampunan. Doon sa 'Bahay Foundation' ———Napatingala siya sakin at tinignan ang hitsura ko habang nanatili parin siyang nakayakap sa may bewang ko."Really?" puno ng pagkamangha ang mga mata niya at nabuhayan ito ng dahil sa narinig. Napatango ako at napaiwas ng tingin sakanya. Nahihiya akong sabihin, lalo na at wala naman akong pera at sariling kita ngayon as Audrey."Pwede ba tayong bumisita doon at mamigay...kahit ano, kahit pagkain lang, pampasaya sa mga bata na nandoon at ———"Why do you sound hesitant to speak of something with me?" Pagputol niya sa sinasabi ko at mukhang nalungkot."You can comfortably tell me anything Audrey. Kahit ano pa yan" puno siya ng sinseridad. Napaayos siya ng upo at humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang mga kamay ko habang nakatingala sakin."Actually isa ang 'Bahay Foundation ' sa mga binibigyan n
The entire day was surreal.Even if it's a tiring day mas nangingibabaw parin saakin ang tuwa at saya sa mga nangyayari. Kakauwi lang rin namin and it's almost nine o'clock.Pagkatapos ng pamimigay namin ay talagang sinulit ni Audrey ang lahat. She really made the most of everything, she greeted and talked to the people in the crowd, especially the children. I sometimes wonder if this is actually the real Audrey that I knew before. Because of her warm hug, sweetest smile and how much she enjoys interacting with the kids and everyone, it makes me doubt myself if it's really Audrey.Kanina ng tulog si Kaiden doon sa kwarto niya at mukhang napagod kakalaro doon sa 'Bahay Foundation' samantalang ako ay nandito sa may kusina habang umiinom ng tubig habang nag-iisip.Mayamaya lang ay nagpasya na akong umakyat sa taas.Pupunta na sana ako sa kwarto ko nang mapansin kong nakabukas ang pinto ng kwarto niya. Nagpasya akong puntahan ito at silipin siya sa loob. When I got to the front of her ro
"Mama are you also excited?? Makikita ko ulit sina Papo at Mamo! This is also the third time na sasama ka samin. Yey!" Kandatigil pa si Kaiden sa mga salitang sinasabi niya dahil halos hindi pa niya lubusan masabi ng deritso at maayos ang pananalita niya pero kahit ganon ay tina-try niya ang makakaya para makapagsalita. Ang cute niya lang lalo sa tuwing ginagawa niya yan.Gusto ko sanang ma excite din dahil sa kasiglahan na nararamdaman ngayon ni Kaiden pero taliwas iyon sa nararamdaman ko ngayon. Sobra pa sa kaba at takot tong nararamdaman ko.Hindi ko alam kung ano ang bubungad sakin doon. Baka may atraso din doon ang tunay na Audrey at nagkataon na ako ang nandito sa katawan niya, hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko nalang tuloy magtago at hindi na sumama pero ayaw kong ma disappoint sakin si Theo. Nangako ako sakanya dati na sasama ako sa gaganapin nilang Family Gathering na ngayon na mismo gaganapin. This is it na talaga! Ang bilis lang ng araw, kailan lang ay nabalitaan lang nam
Mabilis akong napamano agad at binitawan ang kamay ng Mama ni Theo. Napatindig ako ng tayo at napalunok ng wala sa oras nang mapatingin ako ulit sakanya. Lumapit si Theo sa Ina at bumeso ito."Mom, I've been looking for you doon sa venue" sabi pa ni Theo nang matapos silang magyakapan. "Omygoodness you still look handsome" biglang namula ang tainga ni Theo ng sabihin ito ng Ina niya at hinawakan pa ang magkabila niyang pisngi."Mom" mukhang nahihiyang usal pa niya. Napatawa ang kanyang Ina. "Manang mana ka talaga sa Daddy mo. No wonder bakit nahumaling itong si Audrey sayo" Napalingon silang dalawa sakin at ako naman ang nahiya. Mukha akong natatae na ewan sa naging tawa ko. Inalis na nito ang pagkakahawak sa pisngi ni Theo at nakangiting tinignan kaming dalawa ni Theo."Why do you both look so shy? Be confident! mukhang nagliligawan pa ata kayo sa mga tinginan ninyo. Myghad may anak na kayong dalawa" Mas lalo akong napamaang sa sinabi ng ina niya. Hindi ko inaasahan na sa edad ni
"S-sino?""My parents, lalo na si Kuya""Talaga?"Napatango siya ng marahan."Also my other relatives na nakakakila sayo"Napatango nalang ako at napahaplos nalamang sa buhok niya na tila pinapatulog ko nalamang siya doon. Mukhang naubos na ata ang social skills niya dahil sa dami ng tao na nakakausap at gini-greet niya kanina. Supposedly kasama sana niya ako sa pag me-meet and greet pero ito ako ngayon, nakaupo lang dito sa sulok. Baka may magawa nanaman akong kahihiyan pero ayos na rin iyon, nagkataon lang naman talaga na hindi niya ako naisama dahil sa naiwan ako dito kanina kasama ang Papa niya."Masama ba ang tingin nila sakin?" puno ako ng kuryosidad. Napatingala siya sakin at napailing."Nope. Wala akong narinig pero pag meron man then for sure may magaganap na gulo" napangiwi nalamang ako sa sinabi niya. Mukhang seryoso talaga siya sa sinabi at siya pa ata ang gagawa ng gulo.Mayamaya lang ay bumalik ulit siya sa pagsandal sa balikat ko at tila doon na namamahinga. Napahigpit
"Anong ibig mong sabihin?" Napahinga siya ng malalim at napapikit na nakayukong napahawak sakanyang batok pagkatapos ay tinignan niya ako ng maigi."You're not Audrey" Napaatras ako ng bahagya at kinakabahan sa sinabi niya. Pano niya nalaman? May alam ba siya sakin?"I have an ability and no one knows, not even my family" pumungay ang kanyang mga mata sa sinabi pagkatapos ay seryoso niya akong tinignan."Naguguluhan ako——"I can see souls"Natigilan ako at biglang nagtaasan ang mga balahibo ko. Totoo ba ang sinasabi niya? Mukhang hindi naman siya nagbibiro pero kung nagsasabi siya ng totoo. Totoo pala talaga na may mga taong may kakayahan na hindi pang ordinaryo. Kaya pala may kakaiba siyang aura."Mga ligaw na mga kaluluwa" lumapit siya sakin at ilang inches lang ang layo ng pagitan naming dalawa. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang lapit niya. Nakatitig siya sa mga mata ko at tila parang may tinitignan doon. Nakakakaba ang pagiging seryoso niya."If I am this close. I c
Pero hindi ako pwedeng tumanggi at baka magtaka silang lahat at ayaw kong mapahiya si Theo. Mag asawa kami sa paningin nila at walang malisya iyon.Nasa gitna namin si Kaiden na nakatayo sa pagitan namin. Tuwang tuwa ang bata habang hawak niya ang magkabilang kamay namin ni Theo. Mukha kaming ikakasal sa naging posisyon namin, ang kaibahan lang ay may anak na agad kami na nakatayo sa pagitan namin. "Okay! One, two--Kahit alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari ay hindi ko parin maiwasang magulat nang marahang hinawakan ni Theo ang pisngi ko paharap sa kanyang mukha at namalayan ko nalang na ang malambot niyang labi ay nakadampi na sa labi ko.Wala pa ngang three!"Three!" usal ng camera man at nag flash agad ang cam saamin.Hindi ako makapaniwala. Sa tagal kong pinapangarap na maranasan to ay hindi ko inaasahan na si Theo ang magiging first kiss ko. No words can express how I feel. Nang humiwalay sakin si Theo ay namumungay ang mga mata niyang napaiwas ng tingin sakin. Napun
I want to write my acknowledgement before I say goodbye to you guys. To my dear readers who support me in my writing journey, reading my story and patiently waiting for my updates, Thank you. I really appreciate you guys, hindi ko matatapos ang kwentong to kung wala kayo at kung hindi dahil sa inyo. You give me strength, inspiration and motivation to finish this work! This is not only my success but also your success. You have been a part of my journey so I am very grateful to you guys. Giving your time and having the effort to read my story, for the votes, for following me and adding my story to your reading list has a big impact on me as an aspiring writer. I am sending you my virtual hug for giving my gratitude sa inyong lahat. Thank you. Until we meet and interact again here! Lovelots 🫶
Abala ako ngayon sa pagluluto ng dinner namin hanggang sa biglang dumating si Kaiden sa kinaroroonan ko na may dalang notebook at lapis. Napangiti akong humarap sakanya habang panay parin ang paghalo ko dito sa niluluto kong beefsteak."Oh? What's wrong Baby?" Tinigil ko muna ang paghahalo at tinakpan ko muna ang niluluto ko para magsteam muna ito. Nilapitan ko si Kaiden at hinaplos ang kanyang buhok."Mama can you help me po dito sa assignment ko?" "Oo naman, let me see daw" kinuha ko ang dala niyang notebook at tinignan ang nakalagay na task na gagawin nila. "Ay madali lang to Baby, don't worry Mama will help you okay? Gagawa lang tayo ng tula about environment""Talaga po? Pero hindi po ako magaling gumawa ng tula Mama""Tuturuan kita pero saka na pag natapos natong niluluto ko. Kain muna tayo para may laman ang tiyan mo bago tayo gumawa ng assignment" napangiti siyang napatango at niyakap ako. Napangiti nalamang rin ako.Dati lang ay nasa may bandang hita ko palang ang tangkad n
"Kalma, chill ka lang. Nagbibiro lang ako" napaiwas siya ng tingin at basta nalang pinaandar ang sasakyan."To naman oh! Inaasar lang kita. Ang cute mo kasing magtampo, sarap mong isako" napatingin siya ulit sakin kaya napahalakhak nalamang ako ng tawa."Ah okay. Looks like you're enjoying teasing me like this" ang boses niya ang mukhang nanghahamon at tila may binabalak pang gumanti sakin pagnagkataong makahanap siya ng tyempo."Pero Theo" bigla akong sumeryoso para makalimutan niya ang kung ano mang balak niya saking pang-aasar. Tila gusto kong isingit muna ang tungkol doon sa nangyari kanina."What now" ngiting nanghahamon ang ipinakita niya sakin ngunit bigla rin namang nawala ang mapang-asar niyang mga tingin nang mapansin niyang seryoso lang ako."Kanina" panimula ko pa. Ipinark niya muna ang kotche sa gilid ng kalsada kaya naman ay napakunot ang noo ko at nagtaka."Bakit ka huminto? Baka hindi pwedeng mag park dito""Wala namang nakabantay at saka gusto kong makinig sayo ng maa
Ganito naman talaga ang buhay, bawat araw may panibago tayong pagsubok na haharapin, bawat minuto o oras ay may iba't iba tayong gustong gawin. Sa mga lumilipas na mga araw, buwan at taon, nagkakaroon tayo ng panibagong gustong gawin sa buhay at mga pangarap na gusto nating abutin.At ngayon na dumating na saakin ang matagal ko ng hinihiling, hindi ko hahayaang mawala ito sakin. Dahil ibinigay at itinupad ng Diyos ang pangarap kong to na magkaron ng pamilya, Nag-iba naman ngayon ang pangarap ko at ito ay ang maging isang mabuting Ina para kay Kaiden. Iparamdam sakanila ang pagmamahal at pag-aaruga ko na gusto kong maranasan at maramdaman nila. Lalo na kay Theo. Gusto kong ibigay at ibuhos sakanila ang buong atensyon at oras ko. May iba mang hindi sang-ayon at dismayado sa naging desisyon ko ayos lang sakin. Naiintindihan ko ang opinyon ng iba kong kaco-workers at nasasayangan pa sakin pero ayos lang naman sakin dahil sadyang magkaiba talaga tayo ng mga opinyon at pananaw sa buhay. Ni
KINABUKASAN ay nagpaalam ako kay Theo na aalis muna ako ng bahay at pumunta doon sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Kaya naman ay hinatid na niya ako papunta doon, malayo pa naman ang alas otso kaya mahahatid pa niya ako, wala rin siyang pakialam kung ma late siya sa pagpunta doon sa sarili niyang kompanya basta ang sabi niya sakin mas gugustuhin niyang ihatid muna ako bago siya pumunta sa trabaho.Si Kaiden naman ay nakombinsi naming babalik din kami agad. Naaawa ako sa bata dahil wala siyang kasama tuloy sa bahay maliban kina Manang. Mabuti nalang at napaintindi namin ang bata at sinabing maghihintay nalang siya sa pagdating ko at sa Papa niya.Habang nasa kotche at bumabyahe ay napatanong ako kay Theo."Theo""Hmm?" Nakangiti niyang usal habang ang atensyon ay nasa kalsada. Nagnakaw pa siya ng tingin sakin."Paano ang apartment ko?" Nababahala kong sabi. Kanina ko pa kasi iniisip ang apartment ko lalo na ang trabaho ko. Hindi ko alam ang gagawin kaya naisipan kong hihingi nalang ng
"Ay Oh? Napano po yang si Sir Maam?" Ang gulat na si Keira ang bumungad samin ng makarating kami dito sa may sala. Kasalukuyang nagliligpit ngayon sina Keira at Ate Ruby samantalang si Manang naman at nandoon sa Kusina.Nabaling ang atensyon ko kay Theo. Karga ko na nga si Kaiden sa mga bisig ko ay mukhang may nag-aaktong bata pa dito sa gilid ko na naka-akbay sakin habang ang pagmumukha na nito ay nakasandal na sa may leegan ko. Kung titignan mo siya mukha siyang lasing na naglalambing sakin."Malakas ang tama, Keira" sira ang mukha kong sumagot kay Keira. "Kay laking tao, nagiging bata naman sakin" Natawa nalamang si Keira samantalang si Ate Ruby naman ay napatakip sa bibig na nagpipigil ng tawa."Let's sleep now Hon. Inaantok na rin ako" paglalambingan pa sakin ni Theo na dalawang braso na niya ang yumakap sa may balikat ko habang ang baba na nito ay nakapatong na sa may balikat ko at nakaharap na sakin ang mukha niya. Bahagyang napalayo ang mukha ko sakanya dahil sa sobrang lapit
"Hi" maikli ngunit may bahid na ngiti namang bati sakin ng asawa ni Ate Loraine na si Rius. Hindi ko alam kung bakit kinabahan nalang ako bigla nang nakipagkamay na ako sakanya.Ngumiti lamang ako pabalik sakanya at bahagyang napatango senyales ng pagbati ko rin sakanya pabalik.Pero nang matapos silang makipagkilala sakin at tinignan ko sila isa-isa ay hindi ko na napigilan ang sariling maiyak kaya naman ay agad akong napatalikod sakanila at panay ang pagpunas ko sa mga luhang nagsituluan nalang bigla. Nakakahiya, masyado akong naging OA sa harapan nila. Ganon ang iniisip ko, kaya ayaw kong umiiyak kasi iniisip ko bigla na nagiging OA lang ako masyado."Aww Camelle is crying" tuloy ay naiiyak na rin ang Mama ni Theo. "Hey, it's okay. Sshh" lumapit sakin si Theo at niyakap ako bigla. Panay ang paghagod niya sa balikat ko. Napayakap nalamang ako sakanya at ibinaon ang mukha ko sa may dibdib niya. Nahihiya akong umiyak sa harap ng pamilya niya. Hindi ko alam kung bakit naging iyakin
"Hon, Hon! Wake Up! They are here"Naalimpungatan ako sa pagtapik ni Theo sa magkabila kong pisngi. Bumungad sakin ang maaliwalas at nakangiti niyang mukha. Napakunot ang noo ko at agad na napabalikwas ng bangon nang makita ko ang kabuuan niyang bihis na bihis. Anak ng!"Anong oras na?""8AM"Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ano!?""Let's go, Nandon sila lahat sa baba. They want to see you" nakangiti pa niyang hinila ang mga braso ko na animo'y isang batang nagyayang maglaro."Teyka! Ano?!" Natawa siya sa naging hitsura ko kaya naman ay natataranta akong napaalis sa kama at hindi ko alam kung ano ang unang gagawin. Kung magliligpit ba ng higaan o mag-aayos ng sarili. Sa huli ay natampal ko sa braso si Theo."Bakit hindi mo ako ginising?" Natataranta kong sabi at wala sa sariling tiniklop ang mga bedsheets. Matalim ko siyang tinignan nang tumawa ulit siya. "Ikaw! Wag mo kong tinatawanan dyan. Bihis na bihis ka pa dyan ni hindi ka man lang nag-abalang gisingin ako" panenermon ko sak
"Uy napano po si Kaiden Maam?" nag-aalalang bungad samin ni Ate Ruby na may dalang laundry basket. Kakapasok niya lang dito at namataan niya akong nakasandok dito sa rice cooker habang ang kaliwa ko namang braso ay karga ko ang batang mahigpit paring nakakapit sakin sa may leegan. Medyo nahihirapan ako sa sitwasyon namin pero ayos lang ito sakin, kaya ko namang magsandok habang karga ko siya. Gusto ko ring pagaanin ang loob ng bata."Namiss ako Ate Ruby kaya ito, ayaw nang humiwalay sakin" nakangiti kong sabi kaya napamaang nalamang si Ate Ruby."Ay naku, ako nalang dyan Ma'am. Mukha ka talagang nahihirapan dyan. Ako na ang magsasandok ng kanin" agad siyang pumalit sa pwesto ko at napalayo naman ako. "Salamat po""Nangungulila talaga sayo yang bata. Halos araw-araw po yang naghahanap sayo. Mabuti nalang at lagi siyang pinapatahan ni Sir Theo at pinapakalma""Talaga?" Nanghina ang boses ko at gumaralgal ng kunti. Napayakap ako lalo sa bata para iparamdam sakanyang nandito lang ako sa