"S-sino?""My parents, lalo na si Kuya""Talaga?"Napatango siya ng marahan."Also my other relatives na nakakakila sayo"Napatango nalang ako at napahaplos nalamang sa buhok niya na tila pinapatulog ko nalamang siya doon. Mukhang naubos na ata ang social skills niya dahil sa dami ng tao na nakakausap at gini-greet niya kanina. Supposedly kasama sana niya ako sa pag me-meet and greet pero ito ako ngayon, nakaupo lang dito sa sulok. Baka may magawa nanaman akong kahihiyan pero ayos na rin iyon, nagkataon lang naman talaga na hindi niya ako naisama dahil sa naiwan ako dito kanina kasama ang Papa niya."Masama ba ang tingin nila sakin?" puno ako ng kuryosidad. Napatingala siya sakin at napailing."Nope. Wala akong narinig pero pag meron man then for sure may magaganap na gulo" napangiwi nalamang ako sa sinabi niya. Mukhang seryoso talaga siya sa sinabi at siya pa ata ang gagawa ng gulo.Mayamaya lang ay bumalik ulit siya sa pagsandal sa balikat ko at tila doon na namamahinga. Napahigpit
"Anong ibig mong sabihin?" Napahinga siya ng malalim at napapikit na nakayukong napahawak sakanyang batok pagkatapos ay tinignan niya ako ng maigi."You're not Audrey" Napaatras ako ng bahagya at kinakabahan sa sinabi niya. Pano niya nalaman? May alam ba siya sakin?"I have an ability and no one knows, not even my family" pumungay ang kanyang mga mata sa sinabi pagkatapos ay seryoso niya akong tinignan."Naguguluhan ako——"I can see souls"Natigilan ako at biglang nagtaasan ang mga balahibo ko. Totoo ba ang sinasabi niya? Mukhang hindi naman siya nagbibiro pero kung nagsasabi siya ng totoo. Totoo pala talaga na may mga taong may kakayahan na hindi pang ordinaryo. Kaya pala may kakaiba siyang aura."Mga ligaw na mga kaluluwa" lumapit siya sakin at ilang inches lang ang layo ng pagitan naming dalawa. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang lapit niya. Nakatitig siya sa mga mata ko at tila parang may tinitignan doon. Nakakakaba ang pagiging seryoso niya."If I am this close. I c
Pero hindi ako pwedeng tumanggi at baka magtaka silang lahat at ayaw kong mapahiya si Theo. Mag asawa kami sa paningin nila at walang malisya iyon.Nasa gitna namin si Kaiden na nakatayo sa pagitan namin. Tuwang tuwa ang bata habang hawak niya ang magkabilang kamay namin ni Theo. Mukha kaming ikakasal sa naging posisyon namin, ang kaibahan lang ay may anak na agad kami na nakatayo sa pagitan namin. "Okay! One, two--Kahit alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari ay hindi ko parin maiwasang magulat nang marahang hinawakan ni Theo ang pisngi ko paharap sa kanyang mukha at namalayan ko nalang na ang malambot niyang labi ay nakadampi na sa labi ko.Wala pa ngang three!"Three!" usal ng camera man at nag flash agad ang cam saamin.Hindi ako makapaniwala. Sa tagal kong pinapangarap na maranasan to ay hindi ko inaasahan na si Theo ang magiging first kiss ko. No words can express how I feel. Nang humiwalay sakin si Theo ay namumungay ang mga mata niyang napaiwas ng tingin sakin. Napun
Nang matapos ang kanta ni Theo ay biglang lumapit sakanya ang vocalist ng banda at siya na mismo ang pumalit sa pwesto ni Theo at inihanda ang mic para sa sasabihin niya."Ladies and Gentlemen. Tonight! We gather here to celebrate and witness our smiles by meeting and greeting our love ones. Sa mga may asawa't mga jowa!" Tinaas pa ang nakakuyom nitong mga palad. Tila nagco-concert na kami ngayon dito."Yayain natin silang isayaw ngayong gabi at damhim ang nangingibabaw na pag-iibigan" tumawa pa ito at nagsimulang tumayo ang iba para yayain ang kanilang mga asawa pati narin ang Papa ni Theo na nakangiting niyaya si Mama Alessandra.Naghiyawan at nagpalakpakan ang iba. May iba namang nanatiling nakaupo parin sakanilang pwesto at piniling manood nalamang. Ang iba ay nagbibigay suporta nalang sa mga mag-asawa."Sa mga single diyan, you can dance with your brothers and sisters or you can dance alone and let us enjoy our self and let the music move our feet and be the rhythm energize our sp
"Na extend nga lang dahil sa kahilingan niya. Lahat ng mga kaluluwa ay may isang kahilingan na dapat naming tuparin bago sila mamaalam sa mundong to nang sa ganon manahimik at maging payapa ang kaluluwa nila bago sila mapunta sa kabilang mundo""Pero paano sina Theo? Si Kaiden?" Naging mabigat ang panghinga ko at nahihirap akong makahinga sa nalalaman."Mawawalan sila ng ilaw ng tahanan" tila sa paraang pabiro pa niya sinasabi ito na tila wala lang sakanya ang mawalan ng pamilya.Biglang namuo ang galit sa dibdib ko dahil sa sinabi niya."G*go kaba?! Wala kabang awa? Wala kabang pakiramdam? Paanong madali lang para sayong sabihin yan? Wala ka bang pamilya ha?! " Namalayan ko nalang ang sariling naluluha na dahil sa galit. Walang emosyon niya lamang akong tinignan ngunit nakikita ko ang pait sa kanyang mga mata."We are meant and made to be this way. We do not have any bonds of affection or any other feelings that ordinary people have. Sympathy is not needed for our duties in order f
Third Person POV"Audrey ano ba!"Dali-daling lumabas ang isang labing tatlong gulang na batang babae sa kwarto nito. Puno man ito ng pasa at galos sa katawan ay hindi parin nito maitatago ang gandang taglay nito. "Ano pang tinutunganga mo diyan? Bilis" puno na ng pagka inip at inis ang mukha ng nanay niyang nakaupo sa isang sofa. Senenyasan niya si Audrey na lumapit sakanya kaya naman nakayukong naglakad ang bata papalapit sa kinaroroonan ng Ina niya."Oo naman anak, aba eh masaya nga itong kapatid mo sa pinadala mong pera. "Ngiting ngiti ang Ina niya habang hawak nito ang telepono na kasalukuyang kinakausap ang Ate niya.Tulalang nakatingin lamang si Audrey sa telepono at bigla nalamang siyang napaluha nang marinig niya ang boses ng kanyang ate. Gusto niyang agawin ang telepono sa Ina at magsumbong sakanyang Ate ngunit hindi niya magawa.Ilang beses niya ring ginawa iyon ngunit hindi siya maka tyempo. Isa pa hindi niya rin alam ang numero na ginagamit ng kanyang Ate.Hinawakan siya
Lumipas ang tatlong araw ay para na siyang napapraning. Kaunting kaluskos lang na naririnig niya ay nagtatago na agad siya. Kung may bisita ang kanyang Ina at sa tuwing inuutusan siya nitong buksan ang pinto ay nangingisay na siya sa takot. Natatakot siya na baka ang mukha ni Vince ang bumungad sakanya. Minsan ay nasasaktan siya ng Ina dahil sa naging ugali niya nitong mga nakaraang araw. Sinubukan niyang magsumbong sa Ina ngunit wala parin itong pakialam sakanya. Sinubukan niya na ring tumakas ngunit laging bantay sarado siya ng Ina, nahihirapan siyang kumilos ng maayos lalo na at pansamantalang tumigil ang Ina sa pagraraket nito pagkat ang mukha ng Ina ay pinaghahanap na ng kapulisan dahil sa gawain nitong shop lifting.Simula nong gabing hinalay siya ay tila nawawala na siya sa sariling katinuan. Mabuti rin at sa tatlong araw na iyon ay hindi pa bumabalik ang lalaki dahil nagkataong isinama ito sa kanyang boss para sa isang transaction na alam niyang pinagbabawal ng batas. Malakas d
Malipas ang ilang buwan simula nang malaman niya ang totoo ay hindi na niya kinausap pa si Nathan. Siya na mismo ang humiwalay sa lalaki lalo na at may nobya na pala ito. Ayaw niyang makasira sa relasyon ng iba. Gustuhin man niyang iladlad ang karantaduhan nito ay mas pinili niyang manahimik at baka siya pa ang mabaliktad ng mga ito.Mas naging seryoso siya sa lahat at muling lumayo ang loob sa mga lalaki. Kung may mga kusang lumalapit at kumakausap man sa kanya ay kinakausap niya lamang ito kapag tungkol ito sa academics na related sa kurso nila. Sa tuwing may nararamdaman siyang may layunin itong mapalapit sakanya ay agad rin siyang lumalayo rito. Na trauma siya sa nangyari sa ginawa sakanya ni Nathan at ayaw niyang maulit iyon sakanya.Nang makapagtapos si Audrey sa ikatlong baitang ng kolehiyo ay nag apply siya ng summer job para kahit papaano ay may kikitain din siyang pera. Isa pa ay nahihiya rin siyang humingi ng pera sa Ate niya na kasalukuyan ng masayang bumubuo ng sarili nit
I want to write my acknowledgement before I say goodbye to you guys. To my dear readers who support me in my writing journey, reading my story and patiently waiting for my updates, Thank you. I really appreciate you guys, hindi ko matatapos ang kwentong to kung wala kayo at kung hindi dahil sa inyo. You give me strength, inspiration and motivation to finish this work! This is not only my success but also your success. You have been a part of my journey so I am very grateful to you guys. Giving your time and having the effort to read my story, for the votes, for following me and adding my story to your reading list has a big impact on me as an aspiring writer. I am sending you my virtual hug for giving my gratitude sa inyong lahat. Thank you. Until we meet and interact again here! Lovelots 🫶
Abala ako ngayon sa pagluluto ng dinner namin hanggang sa biglang dumating si Kaiden sa kinaroroonan ko na may dalang notebook at lapis. Napangiti akong humarap sakanya habang panay parin ang paghalo ko dito sa niluluto kong beefsteak."Oh? What's wrong Baby?" Tinigil ko muna ang paghahalo at tinakpan ko muna ang niluluto ko para magsteam muna ito. Nilapitan ko si Kaiden at hinaplos ang kanyang buhok."Mama can you help me po dito sa assignment ko?" "Oo naman, let me see daw" kinuha ko ang dala niyang notebook at tinignan ang nakalagay na task na gagawin nila. "Ay madali lang to Baby, don't worry Mama will help you okay? Gagawa lang tayo ng tula about environment""Talaga po? Pero hindi po ako magaling gumawa ng tula Mama""Tuturuan kita pero saka na pag natapos natong niluluto ko. Kain muna tayo para may laman ang tiyan mo bago tayo gumawa ng assignment" napangiti siyang napatango at niyakap ako. Napangiti nalamang rin ako.Dati lang ay nasa may bandang hita ko palang ang tangkad n
"Kalma, chill ka lang. Nagbibiro lang ako" napaiwas siya ng tingin at basta nalang pinaandar ang sasakyan."To naman oh! Inaasar lang kita. Ang cute mo kasing magtampo, sarap mong isako" napatingin siya ulit sakin kaya napahalakhak nalamang ako ng tawa."Ah okay. Looks like you're enjoying teasing me like this" ang boses niya ang mukhang nanghahamon at tila may binabalak pang gumanti sakin pagnagkataong makahanap siya ng tyempo."Pero Theo" bigla akong sumeryoso para makalimutan niya ang kung ano mang balak niya saking pang-aasar. Tila gusto kong isingit muna ang tungkol doon sa nangyari kanina."What now" ngiting nanghahamon ang ipinakita niya sakin ngunit bigla rin namang nawala ang mapang-asar niyang mga tingin nang mapansin niyang seryoso lang ako."Kanina" panimula ko pa. Ipinark niya muna ang kotche sa gilid ng kalsada kaya naman ay napakunot ang noo ko at nagtaka."Bakit ka huminto? Baka hindi pwedeng mag park dito""Wala namang nakabantay at saka gusto kong makinig sayo ng maa
Ganito naman talaga ang buhay, bawat araw may panibago tayong pagsubok na haharapin, bawat minuto o oras ay may iba't iba tayong gustong gawin. Sa mga lumilipas na mga araw, buwan at taon, nagkakaroon tayo ng panibagong gustong gawin sa buhay at mga pangarap na gusto nating abutin.At ngayon na dumating na saakin ang matagal ko ng hinihiling, hindi ko hahayaang mawala ito sakin. Dahil ibinigay at itinupad ng Diyos ang pangarap kong to na magkaron ng pamilya, Nag-iba naman ngayon ang pangarap ko at ito ay ang maging isang mabuting Ina para kay Kaiden. Iparamdam sakanila ang pagmamahal at pag-aaruga ko na gusto kong maranasan at maramdaman nila. Lalo na kay Theo. Gusto kong ibigay at ibuhos sakanila ang buong atensyon at oras ko. May iba mang hindi sang-ayon at dismayado sa naging desisyon ko ayos lang sakin. Naiintindihan ko ang opinyon ng iba kong kaco-workers at nasasayangan pa sakin pero ayos lang naman sakin dahil sadyang magkaiba talaga tayo ng mga opinyon at pananaw sa buhay. Ni
KINABUKASAN ay nagpaalam ako kay Theo na aalis muna ako ng bahay at pumunta doon sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Kaya naman ay hinatid na niya ako papunta doon, malayo pa naman ang alas otso kaya mahahatid pa niya ako, wala rin siyang pakialam kung ma late siya sa pagpunta doon sa sarili niyang kompanya basta ang sabi niya sakin mas gugustuhin niyang ihatid muna ako bago siya pumunta sa trabaho.Si Kaiden naman ay nakombinsi naming babalik din kami agad. Naaawa ako sa bata dahil wala siyang kasama tuloy sa bahay maliban kina Manang. Mabuti nalang at napaintindi namin ang bata at sinabing maghihintay nalang siya sa pagdating ko at sa Papa niya.Habang nasa kotche at bumabyahe ay napatanong ako kay Theo."Theo""Hmm?" Nakangiti niyang usal habang ang atensyon ay nasa kalsada. Nagnakaw pa siya ng tingin sakin."Paano ang apartment ko?" Nababahala kong sabi. Kanina ko pa kasi iniisip ang apartment ko lalo na ang trabaho ko. Hindi ko alam ang gagawin kaya naisipan kong hihingi nalang ng
"Ay Oh? Napano po yang si Sir Maam?" Ang gulat na si Keira ang bumungad samin ng makarating kami dito sa may sala. Kasalukuyang nagliligpit ngayon sina Keira at Ate Ruby samantalang si Manang naman at nandoon sa Kusina.Nabaling ang atensyon ko kay Theo. Karga ko na nga si Kaiden sa mga bisig ko ay mukhang may nag-aaktong bata pa dito sa gilid ko na naka-akbay sakin habang ang pagmumukha na nito ay nakasandal na sa may leegan ko. Kung titignan mo siya mukha siyang lasing na naglalambing sakin."Malakas ang tama, Keira" sira ang mukha kong sumagot kay Keira. "Kay laking tao, nagiging bata naman sakin" Natawa nalamang si Keira samantalang si Ate Ruby naman ay napatakip sa bibig na nagpipigil ng tawa."Let's sleep now Hon. Inaantok na rin ako" paglalambingan pa sakin ni Theo na dalawang braso na niya ang yumakap sa may balikat ko habang ang baba na nito ay nakapatong na sa may balikat ko at nakaharap na sakin ang mukha niya. Bahagyang napalayo ang mukha ko sakanya dahil sa sobrang lapit
"Hi" maikli ngunit may bahid na ngiti namang bati sakin ng asawa ni Ate Loraine na si Rius. Hindi ko alam kung bakit kinabahan nalang ako bigla nang nakipagkamay na ako sakanya.Ngumiti lamang ako pabalik sakanya at bahagyang napatango senyales ng pagbati ko rin sakanya pabalik.Pero nang matapos silang makipagkilala sakin at tinignan ko sila isa-isa ay hindi ko na napigilan ang sariling maiyak kaya naman ay agad akong napatalikod sakanila at panay ang pagpunas ko sa mga luhang nagsituluan nalang bigla. Nakakahiya, masyado akong naging OA sa harapan nila. Ganon ang iniisip ko, kaya ayaw kong umiiyak kasi iniisip ko bigla na nagiging OA lang ako masyado."Aww Camelle is crying" tuloy ay naiiyak na rin ang Mama ni Theo. "Hey, it's okay. Sshh" lumapit sakin si Theo at niyakap ako bigla. Panay ang paghagod niya sa balikat ko. Napayakap nalamang ako sakanya at ibinaon ang mukha ko sa may dibdib niya. Nahihiya akong umiyak sa harap ng pamilya niya. Hindi ko alam kung bakit naging iyakin
"Hon, Hon! Wake Up! They are here"Naalimpungatan ako sa pagtapik ni Theo sa magkabila kong pisngi. Bumungad sakin ang maaliwalas at nakangiti niyang mukha. Napakunot ang noo ko at agad na napabalikwas ng bangon nang makita ko ang kabuuan niyang bihis na bihis. Anak ng!"Anong oras na?""8AM"Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ano!?""Let's go, Nandon sila lahat sa baba. They want to see you" nakangiti pa niyang hinila ang mga braso ko na animo'y isang batang nagyayang maglaro."Teyka! Ano?!" Natawa siya sa naging hitsura ko kaya naman ay natataranta akong napaalis sa kama at hindi ko alam kung ano ang unang gagawin. Kung magliligpit ba ng higaan o mag-aayos ng sarili. Sa huli ay natampal ko sa braso si Theo."Bakit hindi mo ako ginising?" Natataranta kong sabi at wala sa sariling tiniklop ang mga bedsheets. Matalim ko siyang tinignan nang tumawa ulit siya. "Ikaw! Wag mo kong tinatawanan dyan. Bihis na bihis ka pa dyan ni hindi ka man lang nag-abalang gisingin ako" panenermon ko sak
"Uy napano po si Kaiden Maam?" nag-aalalang bungad samin ni Ate Ruby na may dalang laundry basket. Kakapasok niya lang dito at namataan niya akong nakasandok dito sa rice cooker habang ang kaliwa ko namang braso ay karga ko ang batang mahigpit paring nakakapit sakin sa may leegan. Medyo nahihirapan ako sa sitwasyon namin pero ayos lang ito sakin, kaya ko namang magsandok habang karga ko siya. Gusto ko ring pagaanin ang loob ng bata."Namiss ako Ate Ruby kaya ito, ayaw nang humiwalay sakin" nakangiti kong sabi kaya napamaang nalamang si Ate Ruby."Ay naku, ako nalang dyan Ma'am. Mukha ka talagang nahihirapan dyan. Ako na ang magsasandok ng kanin" agad siyang pumalit sa pwesto ko at napalayo naman ako. "Salamat po""Nangungulila talaga sayo yang bata. Halos araw-araw po yang naghahanap sayo. Mabuti nalang at lagi siyang pinapatahan ni Sir Theo at pinapakalma""Talaga?" Nanghina ang boses ko at gumaralgal ng kunti. Napayakap ako lalo sa bata para iparamdam sakanyang nandito lang ako sa