Tulala akong nakatingin sa isang family picture. Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos na maisip na nabuhay ako muli bilang isang asawa ng isang mayamang lalaki. Napasabunot nalamang ako sa buhok ko. Baka panaginip lang to?? O baka nababaliw na nga ako!!Tinignan ko muli ang repleksyon ko sa salamin pagkatapos ay tinignan ko ulit yung malaking family picture na nakasabit sa pader. Kahit ilang beses kong ipokpok ang ulo ko at sabunutan ang buhok ko ay wala paring nangyayari at sigurado na akong totoo ngang nangyayari ito!Napangiwi nalamang ako sabay yuko. Pano nangyari to? Ang huling naalala ko ay nasagasaan lang naman ako ng ten wheeler truck ! Pagkatapos non ay bigla nalang akong nagising sa katauhan ng babaeng to. Ibig sabihin ba non ay namatay na nga ba talaga ako doon sa dati kong katawan?? Eh malamang! Ten wheeler truck ang nakasagasa sakin! For sure nagkabali-bali nayung buto't balat ko.Napasigaw nalamang ako out of frustration, mukhang sa mental yata ako babagsak nito."Wh
Nanatili lang akong nakatitig sakanya samantalang siya ay disgustong tinitignan ang buong pagkatao ko. Kung makatingin naman to oh!Pero kahit ganon ay diko maiwasang mamangha sa mukha niya. Kahit na nakakunot itong nakatingin sakin ay pwedeng pwede siyang maging model sa ganda ng katawan niya lalo na ang pagmumukha niyang pang artistahin. Tila parang hindi tao ang isang to, bigla namang nahiya ang kutis ko kompara sa balat niya, ang kinis!"Papa!" Sabay kaming napalingon sa may hagdan at isang cute na poging batang lalaki ang bumaba rito. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkamangha. Ang gaganda ng mga lahi nila! Samantalang kaming mga hindi pinagpala ng ganda ay babawi nalang sa sipag at tiyaga."Kaiden!" nag aalalang usal ng lalaki at mabilis na nilapitan ang anak sa hagdan para hindi ito mahulog. Tansya ko ay mga nasa edad tatlo pa ito dahil sa liit ng height nito at boses."Careful, I warned you already not to go down to the stairs alone" malambing ang tono ng boses nito at nakakaan
Mahigit ilang oras na rin bago umalis ang lalaki at mahigit ilang oras narin akong nakatulala ngayon sa balkonahe. Pagkatapos niya kasing umalis ay napagdesisyonan kong maglibot sa malaking bahay nato. May iba akong nakakasalubong na mga kasambahay at halos lahat sila ay mukhang hindi ko close, minsan ay natataranta pa sila pag nakikita ako kaya ang tanging ginawa ko nalang ay ngumiti sakanila.Halos maubos narin lahat ng braincells ko kakaisip kung bakit nabuhay pa ako ulit at sa katawan pa ng babaeng to. Napabuntong hininga nalamang ako. Kung pwede lang na manatili dito sa balkonahe ay gagawin ko talaga, maliban sa sariwa ang hangin dito ay nakikita ko rin mula dito ang iilang mga puno't halaman na nasa labas. Pansin ko rin na walang masyadong bahay na malapit sa bahay nato. Mukhang isang private subdivision yata ito.Eh?Napalingon ako sa paligid dahil tila parang may narinig akong humihikbi. Napatayo ako sa kinauupuan ko sa sahig at napagdesisyonang umalis muna rito sa balkonahe.
"Naku Ma'am kung alam mo lang kung gaano ako kagigil sayo non. Sinabihan mo naman ako ng matabang pig??" pagmamaktol pa ni Ate Ruby habang kinukwento sakin yung mga ginawa sakanya ni Audrey na may halo pang pag-demonstrate kaya kita ko ang bawat detail sa mga sinasabi niya, parang doble kara lang.Nagtawanan silang lahat at halos lahat sila ay sinasabi sakin lahat ng mga na experience nilang kamalditahan ni Audrey sa kanila. Mabuti nalang at wala itong ginawang physical abuse sakanila o ano, tanging verbal lang naman ito pero kahit na! Masakit pa rin iyon lalo na at hindi madaling mabura sa isipan ng isang tao ang masasamang salita na natatanggap nila.Magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil medyo hindi na sila naiilang sakin. Pinilit ko pa nga silang makipag inuman ng alak pagkatapos naming kumain upang sa ganon ay matanong ko silang lahat tungkol sa buhay ni Audrey o sa buhay nilang mag asawa sa oras na malasing sila pero hindi natuloy kasi wala naman palang alak dito kaya juice nalan
KINABUKASAN ay maaga akong gumising para maghanda ng makakain. Nakasanayan ko na rin kasi itong gawin lalo na at isa rin ako sa mga tumutulong magluto doon sa bahay ampunan. Hindi ako sanay na walang gagawin kaya hangga't maaari ay kumikilos talaga ako.Pagkababa ko ay walang tao pa sa ibaba, malamang tulog pa sila dahil mag aalas singko palang kasi ng umaga. Hindi ko rin alam kung bakit maaga akong nagising.Dumeritso nalang ako sa kusina para hiwain nalang muna ang mga ibang ingredients para sa lulutuin ko ngayon. Balak ko kasing magluto ng kaldereta.Pagdating ko sa kusina ay agad kong hinanap ang switch ng ilaw kasi nga madilim dito sa may kusina at wala akong masyadong makita. "Anak ng!" gulat kong bulalas at napahawak agad sa dibdib ko.Maski siya ay bahagya ring nagulat at mukhang nasilaw pa sa pagbukas ko ng ilaw.Tila parang binombahan ako dahil sa gulat. Pano ba naman kasi , Nandito pala ang lalaking to na nakaupo sa mesa habang may tina-type sa laptop niya. May suot siyang
Alas otso na ng gabi at ito parin ako hindi makatulog. Nanatili lang akong nakatitig sa kisame at nag iisip tungkol sa buhay nilang mag asawa. Mabuti nalang at magkaiba ang kwarto namin ni Theo lalo na at hindi ako sanay na may katabing lalaki sa kama, halata talagang hindi talaga sila okay dahil magkaiba sila ng kwarto at saka dito din kasi ako nagising nung napunta ako dito. Minsan naiisip ko kung may time din ba kayang magkatabi silang matulog?Ito na ba talaga ang bagong buhay ko? Hindi ako makapaniwala na posible din pala na mapunta ka sa katawan ng ibang tao.Sa dami kong mga tanong ay halos mabaliw na rin ako dahil walang sinomang tao lang din naman ang makakasagot sakin. Bigla akong kinabahan at napaupo sa kinahihigaan ko dahil biglang bumukas ang pinto. Napasilip ako ng kunti pero wala akong nakikitang tao.Teyka! May multo ba dito? Malaki pa naman ang bahay nato kaya posible rin.Nanliit ang mata ko habang tinitigan ang pintong dahan dahang bumukas. Agad kong hinila ang ku
"Hi!" masigla kong bati sakanya at agad siyang tumakbo papalapit sakin.Natuwa ako bigla nang niyakap niya ako. Simula nong pinuntahan niya ako dito sa kwarto ko at nagkaron kami ng small talk ay unti-unting naging malapit ang loob sakin ni Kaiden. Ngayon ko lang nalaman na napakalambing niyang bata at masyadong maraming sinasabi. Hindi ko lang iyon nalaman agad dahil nga sa hindi naging maganda ang huling pagsasama nila ni Audrey noon kaya pati personality niya ay nag-iba towards sakin.I am glad na unti unti na siyang bumabalik sa dati gaya ng sinabi sakin ni Manang."Mama look oh" pinakita niya sakin yung drawing niya na nakalagay sa isang long bond paper."Wow! Ikaw nag draw nito?" masaya siyang napatango. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Halatang kaming tatlo ang ginuhit niya. Para sa isang three years old na bata ay masasabi kong may talent siya sa pagguhit. Kahit na lagpas lagpas ang pagkulay niya at tanging stick man lang ang mga figure, nagandahan parin ako. May sun pa sa upper
Mabilis akong naglakad hanggang sa marating ko na ang kusina. Napasandal agad ako sa pader habang hawak ko ang dibdib ko. Anak ng!!Inuutusan ko ang lupa na lamunin na ako ngayon na! Napaigting ako nang biglang pumasok dito si Keira na nanggaling sa back door. Natigilan siya ng makita ako at nagulat pa sa presensya ko."Ayos ka lang po ba Ma'am?" Lumapit ito sakin at sinuri ang buong pag mumukha ko."Ang pula ng mukha mo Ma'am ah" napakunot ang noo ko ng tonog parang nanunukso itong si Keira."New blush on po ba iyan Ma'am?" taas-babang kilay pa nitong sabi sakin."Huy Ikaw Keira Ah" diko mapigilang magka utal utal sa sinabi ko. Pumunta ako sa may ref at binuksan ito. Teyka bakit ko ba binuksan to?"Psst" napalingon ako kay Keira at kasalukuyan na itong nakasandal sa pader na pinagsandalan ko kanina. Naka crossed arm pa ang babae at ang tingin niya sakin ay nanunukso.Nakasimangot ako."Mukha kang butiki dyan" sabi ko nalang at isinarado nalang ang ref. Napabusangot ang mukha ni Ke