Share

Chapter 1

Nanatili lang akong nakatitig sakanya samantalang siya ay disgustong tinitignan ang buong pagkatao ko. Kung makatingin naman to oh!

Pero kahit ganon ay diko maiwasang mamangha sa mukha niya. Kahit na nakakunot itong nakatingin sakin ay pwedeng pwede siyang maging model sa ganda ng katawan niya lalo na ang pagmumukha niyang pang artistahin. Tila parang hindi tao ang isang to, bigla namang nahiya ang kutis ko kompara sa balat niya, ang kinis!

"Papa!"

Sabay kaming napalingon sa may hagdan at isang cute na poging batang lalaki ang bumaba rito. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkamangha. Ang gaganda ng mga lahi nila! Samantalang kaming mga hindi pinagpala ng ganda ay babawi nalang sa sipag at tiyaga.

"Kaiden!" nag aalalang usal ng lalaki at mabilis na nilapitan ang anak sa hagdan para hindi ito mahulog. Tansya ko ay mga nasa edad tatlo pa ito dahil sa liit ng height nito at boses.

"Careful, I warned you already not to go down to the stairs alone" malambing ang tono ng boses nito at nakakaantok pakinggan.

Wow! Biglang nagising ang pagiging sarkasto ko, kanina halos yanigin na niya ang buong bahay dahil sa boses niyang nangagalaiti sa galit, ang unfair! ganon nalang ba talaga kalaki ang galit niya sa babaeng to?

Napaayos ako ng tayo ng mapansin ako ng bata. Walang kurap itong nakatitig sakin. Ilang segundo lang ay napakapit ito ng mahigpit sa papa niya at halos isiksik na ang katawan sa lalaki dahil sa takot.

Natatakot ba siya sakin?

Rinig ko ang pag-impit ng boses nito na siyang ikinabahala ko.

"Sshh daddy is here, okay? You dont need to be afraid" pagpapatahan nito sa bata habang nakatingin sakin ng matalim.

"Manang" tawag niya pa at ilang segundo lang dumating ang isang matandang babae na nanggaling pa siguro sa kusina tyansa ko mga nasa edad sengkwenta na ito. Nagmamadali itong lumapit sakanila pagkatapos ay natigilan din ito ng mapansin niya ako. Nagulat pa ito at nagmamadaling nagbigay galang sakin.

"G-good morning, Ma'am" bati nito sakin .

"Pakainin mo muna ang bata Manang saka paliguan pagkatapos. May lakad pa ako"

"Okay po Sir"

"Hali kana Kaiden" yaya nito sa bata pagkatapos ay binuhat nito ang bata at pumunta sila sa may kusina.

Kaming dalawa ulit ngayon ang natira dito. Bigla tuloy akong hindi mapakali at tanging pagyuko nalang ang nagawa ko. Kahit wala naman akong kasalanan ramdam ko ang bigat ng atmosphere nang makita nila ako.

" Nakita mo? pati anak mo ay takot sayo dahil dyan sa kagagawan mo! ayos lang sakin na ako ang saktan mo pero pati anak mo ay hindi mo pinalagpas"

Napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil bigla lang itong naninikip. Huwag niyang sabihin na ang babaeng to ay nananakit sa anak niya?

Mabigat na buntong hininga ang nagawa niya at lumapit sakin sabay hawak sa magkabila kong braso. Napakunot ang noo ko dahil sa sakit ng pagkahawak niya rito. Tila dito niya nilalabas lahat ng galit niya sakin. Ang mga mata niya ay puno ng galit at pagkapuot.

"Isang buwan kang nawala at bumalik ka pa dito as if nothing happened! Ano nanaman ang ginawa mo ha? Nag iinom?! Nag wawaldas ng pera! O baka naman may bago ka nanamang tinitikman"

"N-nasasaktan a-ako--

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak niya saking braso at wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Tinignan ko siya sa mata, nakikiusap na bitawan na niya ako. Nanubig bigla ang mata ko at diko mapigilang maiyak.

Doon na niya ako binitawan at bahagyang lumayo sakin. Napabuga ako ng hangin na tila parang nakalabas ako sa isang masikip na lugar. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ako makahinga ng maayos. Tinignan ko siya.

"I dont care about you anymore, Audrey. You can do whatever you want I won't stop you. If you want to leave then you have the freedom, hindi na kita pipigilan gaya ng dati. It is much better that you never come back here since you haven't done anything good to this family either"

Tinalikuran na niya ako at nagsimulang maglakad palabas ng pinto. Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang siyang hinabol at hinawakan ang laylayan ng kanyang t-shirt.

Kunot noo niyang tinignan ang kamay kong nakahawak sa damit niya pagkatapos ay matalim niya akong tinignan. Hindi ako nagpatinag at nilakasan ang loob kong humarap sakanya.

Wala akong masamang ginagawa at mas lalong hindi ako ang babaeng ginawang miserable ang buhay nila. The fact that I am in this body it doesn't mean na tatanggapin ko nalang lahat ng mga salita nila na wala naman akong kasalanan.

"Hindi ako si Audrey" straightforward kong sabi sakanya.

"Ako si Camelle Ann Ramos. H-hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napunta sa katawan na--

"For pete's sake!" Napatalon ako sa sigaw niya dahil sa takot at pagkagulat.

"Halos lahat na yata ng mga excuses ay nasabi mo na sakin! Nagka amnesia ka! Nawalan ka ng malay! May sakit kapang sinasabi para mapatawad lang kita. Lahat ng yan ginawa mong excuses at panakip butas sa mga pinanggagawa mo! But that excuse? I am not that fool to believe that b*llsh*t!"

Napamaang nalang ako sa sinabi niya.

"At kung totoo man yang sinasabi mo then I won't hesitate to bring you to the mental institution right now!" Nagsilabasan na ang mga ugat niya sa leeg dahil sa galit. Napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad dahil sa frustration dagdagan pa ang pamumula ng buong mukha niya.

Napabuga nalamang ako ng hangin at mukhang wala nga talaga akong pag-asa na paniwalaan niya ako, maliban sa marami na rin pala itong mga kasinungalingan ay baka sa mental hospital pa ang bagsak ko pag ipagpilitan ko na hindi ako si Audrey.

"Wait lang!" Habol ko ulit ng makita siyang papaalis nanaman.

This time ay galit na niya akong hinarap. Bakit ganon? Ang gwapo niya pa rin kahit na gusto na niya akong katayin sa tingin niyang yan.

"Magbabago ako!" hindi ko alam kung bakit yun nalang ang nasabi ko.

Kung paaalisin niya ako dito ay saan naman ako pupunta? Maliban sa wala akong alam sa kinalalakihan ng babae to ay wala rin akong alam sa mga lugar na kinaroroonan ko ngayon. Sa ngayon ay siya lang din ang kailangan ko para makasurvive sa lugar nato na hindi ko man lang alam kung ano.

Malamig lang niya akong tinignan na para bang ilang beses ko na rin itong sinabi.

"Promise! Magbabago ako, gagawin ko lahat basta wag mo lang akong paalisin dito--

"1 week"

"Hah?"

Matalim niya akong tinignan.

"Ilang beses mo na rin yang sinabi sakin but you know what's funny? Isang linggo o dalawang araw lang ang ikinatagal ng sinasabi mong pagbabago. Masyado ka ng nakakaumay pakinggan".

Anak ng!!

Halos lahat yata ng sasabihin ko ay wala na. Bakit ba ang malas ko? Ako nalang nga ang aako sa lahat ng mga kasalanan ng babae to eh bakit parang nagmumukha na akong tanga?

Bahala na! Basta ipagpipilitan ko ito sakanya lalo na at hindi naman talaga ako si Audrey. Madali lang sakin na patunayan iyon sakanya kahit lumagpas pa ng buwan o taon dahil ako naman talaga si Camelle at hindi ako si Audrey.

"Kaya kong patunayan sayo na magbabago ako"

Tinalikuran na niya ako at hindi na ako pinansin.

"Pag hindi ko napatunayan sayo yan ako na mismo ang aalis at--

Medyo nagdadalawang isip pa akong ituloy ang sasabihin ko pero bahala na

"At hinding hindi na ako magpapakita pa kahit kailan. Kahit lahat pa ng mga gamit ko ay isunog mo na rin"

Hindi ko naman mga gamit yun kaya bahala na si Audrey. Bahala siya!

Napatigil siya sa paglalakad at parang ang pagsunog pa ng mga gamit ang dahilan kung bakit niya ako hinarap ulit.

Theo's POV

I know that she can't do it.

I've lost count of how many times she said it. She's an awful mother, a liar, and a gold digger and she's also a brat who loves money and jewelry more than her own family. She spends her time making her self look good and attractive for other men and would perish without it.

Hindi siya marunong makontento. Hindi pa ako sapat para sakanya, kahit na ibigay ko lahat ng gusto niya ay naghahanap pa rin siya ng iba to enjoy herself.

They said people change but if lying and hurting others is in your blood, I seriously doubt that person can change. She may not be able to convince me but there is something inside me wanting to fix this broken family. I want my child to have a complete and happy family pero masyado nang ubos ang pasensya ko sa babaeng to.

Pagod na akong magbigay ng rason at pagtakpan ang mga kagagawan niya sa pamilya ko. She's still the mother of my child and I can't tell my family what she really is. Ayaw ko ng issue at pinag-uusapan. For now, this is enough.

"Kahit na ipakulong mo pa ako kung hindi ko napatunayan sayo yan kahit sa loob ng isang buwan o taon"

Gusto kong matawa sa sinabi niya. This woman is really just an awful person. I can't just believe that I fell for her lies before.

"Fine"

Nagulat siya sa sinabi ko at nabigyan ng pag-asa ang kanyang mga mata. She's still stunning in beauty but knowing her real personality, it makes me regret and disappointed why God gave her this kind of beauty, hindi bagay sa ugali niya.

"I won't give you anything, even my money, my cards and all. May pera ka naman siguro knowing that you have so many men out there na nagbibigay sa mga luho mo. If you want to prove it then do whatever you want, just remember that even you show it to me that you really changed? Hindi pa rin kita paniniwalaan dahil alam kong pagpapanggap pa rin yang ipapakita mo"

******************

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status