Share

Chapter 6

"Hi!" masigla kong bati sakanya at agad siyang tumakbo papalapit sakin.

Natuwa ako bigla nang niyakap niya ako. Simula nong pinuntahan niya ako dito sa kwarto ko at nagkaron kami ng small talk ay unti-unting naging malapit ang loob sakin ni Kaiden. Ngayon ko lang nalaman na napakalambing niyang bata at masyadong maraming sinasabi. Hindi ko lang iyon nalaman agad dahil nga sa hindi naging maganda ang huling pagsasama nila ni Audrey noon kaya pati personality niya ay nag-iba towards sakin.

I am glad na unti unti na siyang bumabalik sa dati gaya ng sinabi sakin ni Manang.

"Mama look oh" pinakita niya sakin yung drawing niya na nakalagay sa isang long bond paper.

"Wow! Ikaw nag draw nito?" masaya siyang napatango. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Halatang kaming tatlo ang ginuhit niya. Para sa isang three years old na bata ay masasabi kong may talent siya sa pagguhit. Kahit na lagpas lagpas ang pagkulay niya at tanging stick man lang ang mga figure, nagandahan parin ako. May sun pa sa upper right corner.

"Ang ganda Baby, ipagpatuloy mo to ha? Paniguradong mag iimprove ka talaga"

"Talaga po?"

"Oo naman noh"

Mayamaya lang ay naglakad ito palabas ng kwarto. "Mama, baba na po tayo. Manang cooks food po" hindi pa nga ako nakapagsasalita ay bigla nalang itong kumaripas ng takbo.

"Kaiden!" Sigaw ko at dali siyang sinundan.

"Kaiden wag kang tumakbo baka madulas ka sa hagdan" nag aalala kong sabi habang mabilis na naglakad papuntang hagdan ngunit bigla akong napatigil ng bumungad sakin si Theo na karga na si Kaiden sa bisig niya.

Dumating na pala siya. Dalawang araw din siyang nawala dahil sa narinig kong may inaasikaso daw itong papeles about doon sa business nila. Wala naman akong alam dyan sa mga negosyo niya basta sigurado akong importante iyon dahil lagi siyang abala nitong mga nakaraang araw.

Theo's POV

I spotted Kaiden running toward the stairs as I made my way to the hallway. Obviously coming from Audrey's room.

Biglang nagtagis ang bagang ko. Did She do something again to my son?

"Kaiden" tawag ko sa anak ko at agad na tumigil.

"Papa"

Agad akong pumantay sa height niya at sinuri ang buo niyang katawan kung may sugat ba o palo na galing sa kamay. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makita.

"Are you okay?"

Nagtaka siya.

"Yes po!"

Napahinga ako ng malalim at napagdesisyonang kargahin siya. "Have I not warned you not to go down to the stairs by yourself?" napanguso lamang ito. Akmang bababa na sana ako nang marinig ko ang boses ni Audrey na tinatawag si Kaiden.

"Kaiden wag kang tumakbo baka madulas ka sa hagdan" bigla siyang napatigil ng makita ako. I just simply gave her a blank look.

I've been away from home for two days for some business meetings and checking the places na pagtatayuan ng paninagong branch ng kampanya but still during that time I've called Manang Nelita several times to see and know how Kaiden is doing and since I am worried about Kaiden that maybe Audrey will do something again to him.

I didn't hear any bad news. Lahat ng kilos ni Audrey ay pinababantayan ko sa lahat na naiwan dito sa bahay and they all stated that she was really changing especially how Audrey treat them with kindness and giving them with a big smile na hindi kailan man nito nagawa dati and I was really irritated about myself why I have this feeling , wanting to see her changing again gaya ng mga sinasabi nina Manang sakin.

It looks like she's really desperate to get our trust again.

Maraming beses na at ayaw kong maniwala. Sooner or later, itong pagpapanggap niya ay magtatapos din. But why? There is something inside me hoping to see her that way forever even it will caused me another pain again if this will gonna end.

"Papa sabay po tayo kain ah?" napalingon ako kay Kaiden at ngumiti.

"Sure Baby" akmang bababa na sana kami ni Kaiden pero bigla itong nagsalita.

"Kasama po si Mama"

Natigilan ako. Ang mga mata niya ay nakikiusap. "Please Papa. I noticed po hindi ka sumasabay samin pag nakikita mo si Mama" napalingon ako kay Audrey na nakatingin din sakin. Mukhang naghihintay sa magiging sagot ko.

I want the best for my son and give him a happy life. I dont want him to experience sadness and to suffer just because of our family problem. As long as I am capable of pretending of showing him that Audrey and I are okay, I will still doing it in order to give him a happy family.

"Okay fine" tanging nasabi ko nalang at tuluyan ng bumaba ng hagdan.

***

Hindi mabura ang tuwa sa mukha ni Kaiden habang kasalukuyang nakaupo ngayon. Nakaupo ngayon si Theo sa dulo ng mesa at katabi nito si Kaiden sa may right side niya habang ako naman ay nandito sa may right side ni Kaiden nakaupo. Sa pwesto namin ngayon ay kitang kita ko tuloy ang pagmumukha ni Theo. Gusto ko tuloy mapangiwi.

Mabuti sana kung kasama namin ngayon sina Manang at sina Kuya Roberto sa pagkain dito pero abala pa sila, kakatapos lang din nilang kumain kaya magalang nila akong tinanggihan kanina.

"Gusto mo nito?" tanong ko kay Kaiden nang mapansin ko siyang nakatingin sa hinihiwa kong steak. Masaya niya akong tinanguhan.

"Hihiwaan ka ni Mama para madali lang sayong nguyain to, okay?" nakangiti kong sabi sakanya. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Theo nang makita niya ang hawak kong kutsilyo. Ano nanaman bang problema niya? Hindi ko nalang siya pinansin.

"Thank you Mama" napangiti nalang ako kahit na halos pagpawisan nako rito dahil sa ramdam ko ang mga titig sakin ni Theo. Tila parang bawat kilos ko ay sinusuri niya, nagmukha tuloy akong suspek at iniimbestigahan ng isang investigador.

Anak ng steak naman oh! Bat ba nahihirap akong hiwain to? Akala ko madali lang tong hiwain. First time ko ring makakain nito at matagal ko na rin itong pinapangarap na matikman kaso masyado akong dukha kaya pati ito ay diko afford bilhin kasi masyadong mahal ang presyo.

Isa pato! Hindi ako sanay na gumamit ng kutsilyo at tinidor. Kung pwede lang talagang mag kamay gagawin ko talaga kaso nahihiya ako lalo na at nandito si Theo, baka may masabi nanaman to sakin. Mabuti nalang nandito itong si Kaiden kaya wala siyang masabi sakin, halatang ayaw niyang makita ng anak niya na hindi kami okay.

"Wait ka lang Baby ah?" pinagpawisan na ako ng todo, napatango-tango nalamang si Kaiden habang punong puno ang bibig niya ng kanin at nginunguya pa ito.

Napansin ko ang pagpikit ni Theo na para bang hindi makapaniwala sa ginagawa ko ngayon. Mukha siyang namomoblema na nauubusan na ng pasensya. Bakit?? Bahala nga siya dyan.

"It's a bread knife Audrey and it's for cutting the cake——

Nagulat ako at bigla nalang siyang na estatwa ng biglang tumilapon iyong hinihiwa kong steak sa pagmumukha niya.

"Hala!"agad akong napatayo at hindi alam ang gagawin.

"S-sorry diko sinasadya——

Napatigil ako ng marinig ko ang tawa ni Kaiden.

"Papa your face" tumawa ulit ang bata nang makita nitong may red sauce pang dumikit sa may ilong at pisngi ni Theo. Imbes na magalit si Theo ay napabuntong hininga nalamang ito at biglang napalitan ng ngiti ang kanyang labi nang makita ang anak niyang tumatawa.

Bahagya akong natulala sa ngiti niya.

Napaupo nalang ako ulit.

Mabuti nalang may tissue dito sa mesa kaya pinunasan nalang ni Theo ang mukha niyang nalagyan ng sauce.

"Your using the wrong knife Audrey, can't believe hindi mo alam iyon" mahinahong sabi sakin ni Theo. And this is the first time. Siguro dahil nandito si Kaiden. Mukha pa siyang natatawa pero pinipigilan niya lang. Mukha tuloy siyang natatae sa paningin ko.

Napangiti nalang ako at humingi ng pasensya.

Napabungisngis ulit ng tawa si Kaiden. Nahawa tuloy ako sa tawa ng bata. Nagtataka si Theo.

Napabuntong hininga nalang ako at napatayo.

"To naman, ako na nga" kumuha ako ng tissue at lumapit sakanya. "Kay laki laki mo ng tao dika parin ba marunong magpunas? Di mo ba nafefeel na may sauce kapa dito oh!" Sermon ko sakanya habang wala ako sa sariling pinunasan iyong gilid ng labi at pisngi niya na may sauce pang nakadikit.

"Audrey" bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko dahilan ng bigla akong natigilan ng marealize ko ang ginagawa ko. Napatitig ako kay Theo na mukhang nagulat din sa ginagawa kong pagpunas sakanya. Mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko at lalo na ako!

Nagkatitigan lang kaming dalawa habang hawak niya parin ang palapulsuhan ko.

"Papa ang sarap niyo pong panoorin ni Mama na magkasama" sabay kaming napalingon ni Kaiden.

Nakapatong ang magkabilang siko nito sa mesa habang ang pisngi niya ay nakasandal sa magkabila niyang palad. Tila parang nanonood siya ng TV.

Bigla akong binitawan ni Theo at ako naman ay napalayo sakanya. Napatikhim si Theo at hindi pinansin ang sinabi ni Kaiden samantalang ako ay nanginginig na bumalik sa upuan ko pero nang hindi ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko ay agad akong umalis sa upuan ko.

Parang gustong lumabas ng puso ko! And for sure namumula natong pagmumukha ko dahil sa hiya.

Nagtaka silang dalawa ni Kaiden kung bakit ako tumayo ulit.

"K-uha lang ako ng t-tubig"

****************************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status