Theo's POVIt's already six-thirty in the morning and I'm ready to go to the company to finish everything that needs my approval and signature and as usual I went to Kaiden's room to give him a good morning kiss. At this time, that boy was still asleep kaya minsan Manang used to call to let me know that Kaiden was upset because he didn't see me when he woke up. It makes my heart ache knowing I caused him feel that way but I have to leave for work. I would like to take him to my office but no one will watch over him and I can't take care of him there.Since Audrey left us again, it was hard for Kaiden not to see his Mom, it was also hard for me to lie about why his Mom wasn't here again. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang anak kong naiinggit habang pinapanood ang mga pinsan niyang masayang naglalaro at nakikipagbonding kasama ang mga magulang nila. I hate myself for being not enough for him, for being not able to give him that kind of family. I am not a perfect parent and it
Abala akong nagdidilig sa mga halaman dito sa hardin ng bahay. Alas seyete palang ng umaga at napagdesisyonan ko munang tumulong sa mga gawaing bahay dito para hindi ako maburyo. Kanina ay sinilip ko si Kaiden sa kanyang kwarto at tulog pa naman ang bata kaya bumaba nalang muna ako."Manong Ben, ilang taon niyo na bang ginagawa to?" napalingon sakin si Manong Ben na abala sa paggugupit at pagtatanggal ng mga layang dahon ."Mag siya-siyam na taon na po Ma'am" bahagya akong namangha."Wow, ang tagal niyo na pala dito""Maayos rin po kasi ang trabaho ko dito Ma'am at saka mabait si Sir Theo, mahirap maghanap ng mabait na amo"Napatango naman ako sa sinabi niya. "Nang dahil po sa trabaho ko dito ay naipagtapos ko ng pag-aaral ang dalawa kong anak , pinapatigil na nga nila ako sa trabaho at sila nadaw ang bahala sakin pero ayaw ko at baka maburyo lang ako sa bahay pag wala akong ginagawa" natatawa pa niyang sabi at kitang kita na proud siya sa naging achievement ng mga anak niya at sa mga
Ilang oras din ang binyahe namin at saktong alas dyes kami dumating. Nang makababa ako ng tuluyan ay halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang kompanyang pinapatakbo nila. Sobrang lawak at aliwalas ng paligid. Pwedeng pwede ring gawing tambayan ang lugar na to lalo na at may malawak na park sila dito at may ibang stall na nagtitinda ng mga kilala ring pagkain."Madam ayos lang po ba kayo?" Napatikom ang bibig ko ng marinig ko si Kuya Roberto. Na we-weirduhan na siguro to sakin. Kasi naman! Nakakamangha ang lugar nato. Sobrang ganda at laki."Sige po Madam, mauna na ako. Tawagan niyo nalang po ako pag magpapasundo na kayo" Magsasalita na sana ako pero hindi ko na natuloy dahil bigla akong na speechless. Namalayan ko nalang na wala na si Kuya Roberto at pinaharurot na ang sasakyan paalis."Mama let's go na po" hinila pa ako ni Kaiden papuntang entrance.Habang naglalakad kami papuntang entrance ay panay ang lingon ko sa paligid. Grabe, til
Hawak-hawak ko parin ang dibdib ko dahil sa walang tigil nitong pagtibok. Bakit ba sinabi niya pa yon? Masyado siyang seryoso at walang bahid na kahit anomang kasinungalingan ang pagmumukha niya habang sinasabi ang mga katagang yon. Gusto ko tuloy magwala!Napalingon ako sa deriksiyon ni Theo at pinagmasdan siyang kumakain. Agad akong napaiwas nang mapansin niya akong nakatitig sakanya at tinignan ako pabalik. Mas gugustuhin ko nalang siguro na sigawan at magalit nalang siya sakin kaysa sa ganito na puno ng pagkamangha ang mga mata niya. Hindi ako sanay! Tumayo ako at pilit na pinipigilan ang nararamdaman. "Baby, dyan kalang muna ha? May bibilhin lang si Mama don sa may food stall" nakatitig sakin si Kaiden mukhang nag aalinlangan kung sasama ba siya sakin o hindi."Stay ka lang diyan, nandito naman si Papa mo" napanguso ito."Sige po"Napabuga ako ng hangin at hanggang maaari ay pinilit ko ang sarili na hindi magpakita ng kahit anomang reaksyon kay Theo."P-punta lang muna ako sa
Ngumiti ito sakin. Kung sinong babae siguro ay mahuhulog sa ganda ng ngiti niya pero iba ako. Wala akong naramdamang kilig o pagka attract sakanya kundi takot at kaba lang at hindi ko talaga alam kung bakit."Are you okay Miss?" Napalayo ako sakanya ng bahagya habang hindi ko tinatanggal ang titig ko sakanya. Napakapamilyar niya. "Miss? Baka matunaw ako" nakangiti niyang sabi na mukhang nang-aasar sakin.Napabalik ako sa aking ulirat at napakunot ang noo. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya."Oo, ayos lang ako. Pasensya na" nagkibit balikat lamang siya at napatango."Okay" sabi niya at tinalikuran na ako at nagpatuloy sa paglalakad.Teyka! Bigla kong naalala nong bata pa ako. Siya yung lalaking kasa-kasama ng doktor na nakikita ko sa bahay ampunan! Minsan lamang siyang pumunta doon sa tuwing may nagkakasakit na mga bata o gumagamot sa mga may malubhang sakit. Hindi ko alam kung ano siya, mukhang hindi rin naman siya doktor kasi hindi ko naman siya nakikitang tumulong sa kasama
Hindi ko na alam kung hanggang kailan mananatili itong ngiti sa labi ko. Sobrang saya at halos hindi kona namamalayan ang mga nangyayari. Tila parang nakalutang lang kami sa mga ulap. Pagod man at puno na kami ng pawis ay hindi dahilan iyon para tumigil kami sa pamamasyal dito, halos libutin na nga namin ang bawat sulok ng amusement park.Napalingon ako kay Theo na kasalukuyang karga ngayon si Kaiden sa mga bisig niya. Panay ang tingin nila sa mga taong nandito at mukhang naaaliw pa silang titigan ang mga pinanggagawa ng mga tao rito, may nag-uusap, nagtatawanan, nagkukulitan, may ibang tahimik lang din at naghihintay sa fireworks display, may ibang nag te-take ng pictures at may ibang magkayakap pa. Napangiti ako bigla. Hindi ko inaasahan na magiging maayos ang daloy ng pasyal namin ngayon. At dahil sa pasyal naming ito ay may karagdagang kaalaman akong nalaman tungkol sakanya.Hindi naman talaga siya suplado at kill joy, sumasabay siya sa kung ano ang mga nangyayari. Kaya siguro na
Maingay. Mainit. Lahat ng tao ay abala ngunit gayon paman ay hindi napapawi nito ang saya na nararamdaman ko. This is it Camelle! This is your chance to slowly reach your dream.Ngiting ngiti akong naglalakad at nang makapunta na ako sa pedestrian lane ay saka ako huminto at naghintay na maging green iyong walking light. Kakatawag lang kasi sakin nong Manager ng isang resort, he said na pumayag daw ang may-ari na gamitin namin iyong venue na walang bayad. Napag alaman kasi nito ang tungkol sa proposal. Ito narin mismo ang nagyaya na mag sponsor sa gagawin naming event which is ang feeding program sa mga batang nasa bahay ampunan at ang bongga pa doon ay ito na mismo ang nagsabi na doon nalang i-heheld sa mismong resort nila. Omygosh! Tiyak na magiging masaya ang mga bata doon sa venue.Nagkataon rin kasi na ang Bahay Ampunan na ito ay isa rin sa mga binibigyan niya ng donation kaya nakakagaan ng loob.Itong resort din kasi ang pinakamalapit doon sa may bahay ampunan, iwas hassle na
"Mama balik ka po ah?" May namumuo pang luha sa mga mata niya. Kanina kasi ay nag ta-tuntrums ito, matapos ko nalang siyang paligoan at bihisan ay wala parin siyang tigil sa pag iyak. Pinaintindi ko talaga siya at pinahinahon, mabuti nalang at huminahon na rin siya ngayon ngunit bakas parin sa mukha niya na ayaw niya akong paalisin.Napatingin ako kay Manang, mukha siyang nababahala at nag-aalala. Tila parang nangyari narin ito noon. Napalingon ako doon sa isang round clock na nakasabit doon sa may pader ng sala. 12:15pm na."Pagpasensyahan niyo na ang bata Maam. Nong huli kasing umalis ka ay isang buwan karin kasing hindi bumalik Maam, tapos nitong huling nakaraang tatlong linggo kalang bumalik" iyon ang araw na napunta ako sa katawan ni Audrey. Kaya naman pala. Pero si Audrey iyon. Ang bilis lang ng araw, Tatlong linggo na pala ang lumipas. Mag iisang buwan narin pala simula nang mapunta ako dito.Napahinga ako ng malalim. "Baby here oh" binigay ko sakanya iyong ginawa kong brac