"Na extend nga lang dahil sa kahilingan niya. Lahat ng mga kaluluwa ay may isang kahilingan na dapat naming tuparin bago sila mamaalam sa mundong to nang sa ganon manahimik at maging payapa ang kaluluwa nila bago sila mapunta sa kabilang mundo""Pero paano sina Theo? Si Kaiden?" Naging mabigat ang panghinga ko at nahihirap akong makahinga sa nalalaman."Mawawalan sila ng ilaw ng tahanan" tila sa paraang pabiro pa niya sinasabi ito na tila wala lang sakanya ang mawalan ng pamilya.Biglang namuo ang galit sa dibdib ko dahil sa sinabi niya."G*go kaba?! Wala kabang awa? Wala kabang pakiramdam? Paanong madali lang para sayong sabihin yan? Wala ka bang pamilya ha?! " Namalayan ko nalang ang sariling naluluha na dahil sa galit. Walang emosyon niya lamang akong tinignan ngunit nakikita ko ang pait sa kanyang mga mata."We are meant and made to be this way. We do not have any bonds of affection or any other feelings that ordinary people have. Sympathy is not needed for our duties in order f
Third Person POV"Audrey ano ba!"Dali-daling lumabas ang isang labing tatlong gulang na batang babae sa kwarto nito. Puno man ito ng pasa at galos sa katawan ay hindi parin nito maitatago ang gandang taglay nito. "Ano pang tinutunganga mo diyan? Bilis" puno na ng pagka inip at inis ang mukha ng nanay niyang nakaupo sa isang sofa. Senenyasan niya si Audrey na lumapit sakanya kaya naman nakayukong naglakad ang bata papalapit sa kinaroroonan ng Ina niya."Oo naman anak, aba eh masaya nga itong kapatid mo sa pinadala mong pera. "Ngiting ngiti ang Ina niya habang hawak nito ang telepono na kasalukuyang kinakausap ang Ate niya.Tulalang nakatingin lamang si Audrey sa telepono at bigla nalamang siyang napaluha nang marinig niya ang boses ng kanyang ate. Gusto niyang agawin ang telepono sa Ina at magsumbong sakanyang Ate ngunit hindi niya magawa.Ilang beses niya ring ginawa iyon ngunit hindi siya maka tyempo. Isa pa hindi niya rin alam ang numero na ginagamit ng kanyang Ate.Hinawakan siya
Lumipas ang tatlong araw ay para na siyang napapraning. Kaunting kaluskos lang na naririnig niya ay nagtatago na agad siya. Kung may bisita ang kanyang Ina at sa tuwing inuutusan siya nitong buksan ang pinto ay nangingisay na siya sa takot. Natatakot siya na baka ang mukha ni Vince ang bumungad sakanya. Minsan ay nasasaktan siya ng Ina dahil sa naging ugali niya nitong mga nakaraang araw. Sinubukan niyang magsumbong sa Ina ngunit wala parin itong pakialam sakanya. Sinubukan niya na ring tumakas ngunit laging bantay sarado siya ng Ina, nahihirapan siyang kumilos ng maayos lalo na at pansamantalang tumigil ang Ina sa pagraraket nito pagkat ang mukha ng Ina ay pinaghahanap na ng kapulisan dahil sa gawain nitong shop lifting.Simula nong gabing hinalay siya ay tila nawawala na siya sa sariling katinuan. Mabuti rin at sa tatlong araw na iyon ay hindi pa bumabalik ang lalaki dahil nagkataong isinama ito sa kanyang boss para sa isang transaction na alam niyang pinagbabawal ng batas. Malakas d
Malipas ang ilang buwan simula nang malaman niya ang totoo ay hindi na niya kinausap pa si Nathan. Siya na mismo ang humiwalay sa lalaki lalo na at may nobya na pala ito. Ayaw niyang makasira sa relasyon ng iba. Gustuhin man niyang iladlad ang karantaduhan nito ay mas pinili niyang manahimik at baka siya pa ang mabaliktad ng mga ito.Mas naging seryoso siya sa lahat at muling lumayo ang loob sa mga lalaki. Kung may mga kusang lumalapit at kumakausap man sa kanya ay kinakausap niya lamang ito kapag tungkol ito sa academics na related sa kurso nila. Sa tuwing may nararamdaman siyang may layunin itong mapalapit sakanya ay agad rin siyang lumalayo rito. Na trauma siya sa nangyari sa ginawa sakanya ni Nathan at ayaw niyang maulit iyon sakanya.Nang makapagtapos si Audrey sa ikatlong baitang ng kolehiyo ay nag apply siya ng summer job para kahit papaano ay may kikitain din siyang pera. Isa pa ay nahihiya rin siyang humingi ng pera sa Ate niya na kasalukuyan ng masayang bumubuo ng sarili nit
Lumipas ang ilang linggo ay nagsimulang baguhin ni Audrey ang routine niya kahit na hindi niya iyon kagustuhan ay gagawin niya parin, para lang magustuhan siya ng mga magulang ng nobyo. Gusto niyang maging karapat dapat at hindi siya nito ikahiya.Lahat ng mga gusto nito ay sinusunod niya. Pati sa mananamit niya ay hindi pinalagpas ng Mama ni Andrei kaya naman ay sapilitan niyang pinilit ang sariling baguhin ang pananamit, pati sa mga pagkaing kinakain niya ay binago niya na pati ang kanyang kilos ay nililimitado nito kaya naman ay nagawa niya rin itong baguhin.Umabot sa puntong hindi na niya nakikilala ang sarili at hindi siya masaya sakanyang pagbabago dahil tila hindi na siya ito , pero ito ang gusto ng mga magulang ni Andrei.Bahagya siyang nagulat ng may yumakap sakanya. Si Andrei lang pala."Hindi mo naman Kailangang gawin ito. Tanggap naman kita kahit ano at sino ka. Wag mo nalang pansinin si Mama, ganon lang talaga yon dati pa, masyadong pihikan sa mga babaeng nagugustuhan ko
1 year later...Walang emosyong pinagmamasdan ni Audrey ang kanyang Ate na masayang pinapatawa ang anak nitong babae na nasa edad dalawang taon na. Nandoon ang pagka bitter niya sa nakikita. "Audrey tignan mo oh? Ang cute tumawa ng pamangkin mo, manang mana sayo"Napairap nalamang siya sa narinig. Hindi na niya maalala kung kailan siya tumawa ng ganyan. Sa isang taon na lumipas ay maraming nagbago sakanya. Her expressions, actions, and clothing have all changed, and even her old manner has been replaced by an arrogant attitude. Nawala na ng tuluyan ang dating Audrey. Natutunan niya ang masyadong pagiging mabait ay walang patutunguhan kundi pasakit lamang. Natutunan niya na ang pagiging ganito ay mas bagay sakanya. Simula nang iwan siya ay nagsimula siyang magbago, masyado na siyang naging body conscious lalo na sa pananamit niya. Ang mga tingin ng tao sakanya ay nag-iba na tila tinitingala na siya at ni rerespeto dahil sa pinapakita niya na isa siyang may kaya na babae. Nagugustuh
"Audrey please"Inis niyang binuksan ang pinto ng apartment niya. Bumungad sakanya si Theo habang karga nito ang tatlong buwan na si Kaiden. Matapos itong pumayag sa deal nila ay ang buong akala niya ay magiging matiwasay na ulit ang buhay niya. Siyam na buwan siyang naghirap na kargahin ang bata sa sinapupunan niya. Tinupad din naman ni Theo ang pangako nitong babayaran siya nito sa pagbubuntis sa bata. Siyam na buwan rin siyang hindi nagpakita sa kanyang Ate at nagtago rito. Wala siyang balak na ipaalam pa ito sa kapatid. Tine-text at tinatawagan niya lang ito at laging dinadahilan na nagbabakasyon siya kasama ang mga kaibigan. Pagkatapos niyang manganak ay lumayo siya sa mga ito at magsisimula ulit. Laking inis niya rin pagkat nagkaron pa siya ng stretch marks sa pagbubuntis. Ngunit ayos na rin pagkat naging sulit para sakanya ang siyam na buwan na pagbubuntis dahil hindi na niya kailangan magtrabaho pa , tunay na ang lalaki nga ang gumastos sa lahat at nagbigay sa mga pangangail
Isang buwan na ang lumipas at sinimulan ni Audrey na baguhin ang sarili. Napakahirap lalo na at hindi niya alam kung saan magsisimula. Wala na rin siyang balita kay Theo at sa anak niya. Ayaw na rin niya itong guluhin pa at hinihiling na sana naging matiwasay na ang mga buhay nito na wala na siya doon sa pamamahay ng lalaki. Pagkaalis niya sa bahay ni Theo ay agad siyang bumalik sa kanyang Ate at luhaang humingi ng tawad dahil sa hindi niya pagpapakita nito ng ilang taon. Naging maayos naman ang relasyon nila ng kanyang kapatid. Sinulit niya ang araw na hindi niya ito nakasama. Kahapon nga ay balak na sana siya nitong isama sa Japan dahil nagplano pala ang asawa nitong si Federick na magbakasyon doon sa ibang bansa. Gusto kasi nitong mag family travel. Tumanggi si Audrey. Ayaw niyang sumama, saka na siguro kung magkaron na siya ng lakas ng loob na humingi ng tawad sa anak niya at kay Theo. Sa oras na makahingi siya ng tawad sa mga ito ay saka na siguro siya magbabalak na sumama sa m