1 year later...Walang emosyong pinagmamasdan ni Audrey ang kanyang Ate na masayang pinapatawa ang anak nitong babae na nasa edad dalawang taon na. Nandoon ang pagka bitter niya sa nakikita. "Audrey tignan mo oh? Ang cute tumawa ng pamangkin mo, manang mana sayo"Napairap nalamang siya sa narinig. Hindi na niya maalala kung kailan siya tumawa ng ganyan. Sa isang taon na lumipas ay maraming nagbago sakanya. Her expressions, actions, and clothing have all changed, and even her old manner has been replaced by an arrogant attitude. Nawala na ng tuluyan ang dating Audrey. Natutunan niya ang masyadong pagiging mabait ay walang patutunguhan kundi pasakit lamang. Natutunan niya na ang pagiging ganito ay mas bagay sakanya. Simula nang iwan siya ay nagsimula siyang magbago, masyado na siyang naging body conscious lalo na sa pananamit niya. Ang mga tingin ng tao sakanya ay nag-iba na tila tinitingala na siya at ni rerespeto dahil sa pinapakita niya na isa siyang may kaya na babae. Nagugustuh
"Audrey please"Inis niyang binuksan ang pinto ng apartment niya. Bumungad sakanya si Theo habang karga nito ang tatlong buwan na si Kaiden. Matapos itong pumayag sa deal nila ay ang buong akala niya ay magiging matiwasay na ulit ang buhay niya. Siyam na buwan siyang naghirap na kargahin ang bata sa sinapupunan niya. Tinupad din naman ni Theo ang pangako nitong babayaran siya nito sa pagbubuntis sa bata. Siyam na buwan rin siyang hindi nagpakita sa kanyang Ate at nagtago rito. Wala siyang balak na ipaalam pa ito sa kapatid. Tine-text at tinatawagan niya lang ito at laging dinadahilan na nagbabakasyon siya kasama ang mga kaibigan. Pagkatapos niyang manganak ay lumayo siya sa mga ito at magsisimula ulit. Laking inis niya rin pagkat nagkaron pa siya ng stretch marks sa pagbubuntis. Ngunit ayos na rin pagkat naging sulit para sakanya ang siyam na buwan na pagbubuntis dahil hindi na niya kailangan magtrabaho pa , tunay na ang lalaki nga ang gumastos sa lahat at nagbigay sa mga pangangail
Isang buwan na ang lumipas at sinimulan ni Audrey na baguhin ang sarili. Napakahirap lalo na at hindi niya alam kung saan magsisimula. Wala na rin siyang balita kay Theo at sa anak niya. Ayaw na rin niya itong guluhin pa at hinihiling na sana naging matiwasay na ang mga buhay nito na wala na siya doon sa pamamahay ng lalaki. Pagkaalis niya sa bahay ni Theo ay agad siyang bumalik sa kanyang Ate at luhaang humingi ng tawad dahil sa hindi niya pagpapakita nito ng ilang taon. Naging maayos naman ang relasyon nila ng kanyang kapatid. Sinulit niya ang araw na hindi niya ito nakasama. Kahapon nga ay balak na sana siya nitong isama sa Japan dahil nagplano pala ang asawa nitong si Federick na magbakasyon doon sa ibang bansa. Gusto kasi nitong mag family travel. Tumanggi si Audrey. Ayaw niyang sumama, saka na siguro kung magkaron na siya ng lakas ng loob na humingi ng tawad sa anak niya at kay Theo. Sa oras na makahingi siya ng tawad sa mga ito ay saka na siguro siya magbabalak na sumama sa m
Camelle's POVPuting kisame ang unang bumungad sakin nang naimulat ko ang aking mga mata. Ilang segundo pa akong nakatulala hanggang sa bumangon na ako na sapo ang aking noo.Nasaan ako?Napalingon ako sa paligid at saka ko napatanto na nasa kwarto pala ako. Nandito pa rin ba kami sa resort? Napalingon ako kay Kaiden. Nasa tabi ko lang siya at natutulog habang nakahawak sa kaliwang kamay ko. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa may pader, 9:56pm na.Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Theo na magulo na ang buhok ngunit gayon paman ay mas naging attractive siya sa ganoong hitsura kahit na mukhang problemado.Natigilan ito nang makita niya akong gising na."Hon"Napakurap nalamang ako at napatitig nalang sakanya.Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng dibdib ko. Dahil ba sa nalaman ko ang nakaraan ni Audrey? Dahil ba sa nakita ko kung paano siya naghirap para buuin ang pamilyang gusto niyang ibigay kay Kaiden? Nasasaktan ako para kay Theo.Pero hindi ko maiwasang maawa rin
Mga bandang alas dyes ng umaga ay nagpasya kaming tatlong bumalik na sa loob ng resort lalo na at medyo sumasakit raw ang ulo ni Steff kaya naman ay agad namin itong sinabi kay Kuya Matthew. Biglang nawala ang pagkamaloko nito at nagpalitan ng pag-aalala ang pagkaseryoso."Are you really okay iha? I can call our family doct——"Ayos lang po ako Tita. Nahilo lang talaga ako bigla kaya siguro sumakit ang ulo ko" mukhang nababahala si Mama Alessandra pati na rin ang papa ni Theo na si Tito Maverick.Medyo naguluhan man ako sa sinabi ni Steff ay napatango nalamang ako sa sinabi niya."Let's go. Kargahin na kita—"Wag na kaya kong maglaka——"Steff, wag matigas ang ulo mo"Medyo hindi ako makapaniwala na nakikitang seryoso si Kuya Matthew. Hindi ako sanay. Walang nagawa si Steff at nagpakarga nalang sa asawa. Kinarga siya nito na pang bride style at napasandal nalamang ang ulo niya sa balikat ni Kuya Matthew. Pagkatapos ay nagpaalam si Kuya Matthew saamin na pupunta muna sila sa kwarto nila
Naghiyawan sila at mukhang pinagti-tripan kaming dalawa ni Theo. Ang loko naman ay mukhang nag e-enjoy pa kaya naman ay inismiran ko nalamang siya. "Maloko" bulong ko pa sa sarili."I can still hear you"Ngumiwi nalamang ako."Wag kang ganyan Theo, Audrey is blushing right now" Napayuko nalamang ako at napatabon sa magkabila kong pisngi gamit ang aking mga palad dahil sa panunuksong tono ng boses ni Mama Allesandra.Napalingon ako sa deriksiyon niya at ngiting ngiti naman ang mama ni Theo samantalang si Tito Maverick ay kanina na palang natutulog habang nakahiga na ang ulo nito sa may kandungan ni Mama Allesandra.Ilang oras kaming nanatili dito at napuno kami ng usapan, tuksuhan at tawanan hanggang sa sila nalang mismo ang umiinom samantalang ako ay mukhang gusto ng mag knock-out. Naka pitong shot lang ako ng maliit na basong iyon pero grabe na ang tama sakin. Kung ano-ano na ang binubulong ko sa sarili na hindi nila napapansin. Hindi ko na nga rin alam kung tungkol saan na ang pin
Kinabukasan ay maaga akong bumaba ng lobby at doon muna tumambay kasama si Kaiden samantalang si Theo ay natutulog pa doon sa kama at iniwan nalang namin doon. Isa pa ay ayaw ko rin siyang makaharap ngayon. Naiilang ako sakanya lalo na sa ginawa ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nainis sa kanya at nagalit. Nagtatampo ba ako? Ayaw kong isipin. Siguro nasaktan lang talaga ako sa sinabi niya na 'Sinasabayan niya lang yung sinasabi ko'Hindi ko rin siya masisisi. Ako mismo ang nag request sakanya na kahit makinig o magpanggap nalang siyang makinig sakin. Kahit na sagotin niya nalang ang mga walang sense kong mga tanong. Nakakasama lang talaga kasi ng loob kahit na naging sincere naman siya sa naging sagot niya kagabi na mamahalin at tatanggapin niya pa rin ako pero as Audrey na nagbago na.Naghalo-halo ang emosyon ko pero mas nangingibabaw ang hinanakit. Nakakaloka pala ang magmahal ng ganito, kung ano-ano nalang ang mga pinag o-overthink mo sa sarili mong isipan."Ma
"Anak ng!!"Agad akong napahawak sa dibdib ko ng saktong pagkalabas ko ng cubicle ay si Theo ang bumungad sakin."Bakit ka nandito?!" medyo nataranta pa ako at kinakabahan."I'm waiting for you" "Ha? Dito? Women's comfort room to, baka anong sabihin ng mga tao sayo——"I don't care""Anong 'I don't care?' pwede ka namang maghintay sakin doon sa labas"Tinignan niya lang ako saka tinalikuran, nagmukha pa tuloy siyang batang nagtatampo na senermonan ng nanay. Nauna pa siyang lumabas sakin kaya naman ay sumunod nalang ako. Nag-aalala ako na baka may makakita sakanya dito. Pumasok ba naman dito.Nang makalabas kami ng tuluyan ay saka niya ako hinarap."What Can I do?""Ha?""I know that you're mad at me. Anong dapat kong gawin?" napaiwas ako ng tingin."Hindi naman masyado"Tinitigan lang niya ako at mukhang naghihintay na magsalita pa ako. Hindi ko na matagalan ang titig niya sakin kaya naman ay salubong ang kilay kong hinarap siya.Napabuntong hininga nalamang ako.Ang kapal ng mukha ko
I want to write my acknowledgement before I say goodbye to you guys. To my dear readers who support me in my writing journey, reading my story and patiently waiting for my updates, Thank you. I really appreciate you guys, hindi ko matatapos ang kwentong to kung wala kayo at kung hindi dahil sa inyo. You give me strength, inspiration and motivation to finish this work! This is not only my success but also your success. You have been a part of my journey so I am very grateful to you guys. Giving your time and having the effort to read my story, for the votes, for following me and adding my story to your reading list has a big impact on me as an aspiring writer. I am sending you my virtual hug for giving my gratitude sa inyong lahat. Thank you. Until we meet and interact again here! Lovelots 🫶
Abala ako ngayon sa pagluluto ng dinner namin hanggang sa biglang dumating si Kaiden sa kinaroroonan ko na may dalang notebook at lapis. Napangiti akong humarap sakanya habang panay parin ang paghalo ko dito sa niluluto kong beefsteak."Oh? What's wrong Baby?" Tinigil ko muna ang paghahalo at tinakpan ko muna ang niluluto ko para magsteam muna ito. Nilapitan ko si Kaiden at hinaplos ang kanyang buhok."Mama can you help me po dito sa assignment ko?" "Oo naman, let me see daw" kinuha ko ang dala niyang notebook at tinignan ang nakalagay na task na gagawin nila. "Ay madali lang to Baby, don't worry Mama will help you okay? Gagawa lang tayo ng tula about environment""Talaga po? Pero hindi po ako magaling gumawa ng tula Mama""Tuturuan kita pero saka na pag natapos natong niluluto ko. Kain muna tayo para may laman ang tiyan mo bago tayo gumawa ng assignment" napangiti siyang napatango at niyakap ako. Napangiti nalamang rin ako.Dati lang ay nasa may bandang hita ko palang ang tangkad n
"Kalma, chill ka lang. Nagbibiro lang ako" napaiwas siya ng tingin at basta nalang pinaandar ang sasakyan."To naman oh! Inaasar lang kita. Ang cute mo kasing magtampo, sarap mong isako" napatingin siya ulit sakin kaya napahalakhak nalamang ako ng tawa."Ah okay. Looks like you're enjoying teasing me like this" ang boses niya ang mukhang nanghahamon at tila may binabalak pang gumanti sakin pagnagkataong makahanap siya ng tyempo."Pero Theo" bigla akong sumeryoso para makalimutan niya ang kung ano mang balak niya saking pang-aasar. Tila gusto kong isingit muna ang tungkol doon sa nangyari kanina."What now" ngiting nanghahamon ang ipinakita niya sakin ngunit bigla rin namang nawala ang mapang-asar niyang mga tingin nang mapansin niyang seryoso lang ako."Kanina" panimula ko pa. Ipinark niya muna ang kotche sa gilid ng kalsada kaya naman ay napakunot ang noo ko at nagtaka."Bakit ka huminto? Baka hindi pwedeng mag park dito""Wala namang nakabantay at saka gusto kong makinig sayo ng maa
Ganito naman talaga ang buhay, bawat araw may panibago tayong pagsubok na haharapin, bawat minuto o oras ay may iba't iba tayong gustong gawin. Sa mga lumilipas na mga araw, buwan at taon, nagkakaroon tayo ng panibagong gustong gawin sa buhay at mga pangarap na gusto nating abutin.At ngayon na dumating na saakin ang matagal ko ng hinihiling, hindi ko hahayaang mawala ito sakin. Dahil ibinigay at itinupad ng Diyos ang pangarap kong to na magkaron ng pamilya, Nag-iba naman ngayon ang pangarap ko at ito ay ang maging isang mabuting Ina para kay Kaiden. Iparamdam sakanila ang pagmamahal at pag-aaruga ko na gusto kong maranasan at maramdaman nila. Lalo na kay Theo. Gusto kong ibigay at ibuhos sakanila ang buong atensyon at oras ko. May iba mang hindi sang-ayon at dismayado sa naging desisyon ko ayos lang sakin. Naiintindihan ko ang opinyon ng iba kong kaco-workers at nasasayangan pa sakin pero ayos lang naman sakin dahil sadyang magkaiba talaga tayo ng mga opinyon at pananaw sa buhay. Ni
KINABUKASAN ay nagpaalam ako kay Theo na aalis muna ako ng bahay at pumunta doon sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Kaya naman ay hinatid na niya ako papunta doon, malayo pa naman ang alas otso kaya mahahatid pa niya ako, wala rin siyang pakialam kung ma late siya sa pagpunta doon sa sarili niyang kompanya basta ang sabi niya sakin mas gugustuhin niyang ihatid muna ako bago siya pumunta sa trabaho.Si Kaiden naman ay nakombinsi naming babalik din kami agad. Naaawa ako sa bata dahil wala siyang kasama tuloy sa bahay maliban kina Manang. Mabuti nalang at napaintindi namin ang bata at sinabing maghihintay nalang siya sa pagdating ko at sa Papa niya.Habang nasa kotche at bumabyahe ay napatanong ako kay Theo."Theo""Hmm?" Nakangiti niyang usal habang ang atensyon ay nasa kalsada. Nagnakaw pa siya ng tingin sakin."Paano ang apartment ko?" Nababahala kong sabi. Kanina ko pa kasi iniisip ang apartment ko lalo na ang trabaho ko. Hindi ko alam ang gagawin kaya naisipan kong hihingi nalang ng
"Ay Oh? Napano po yang si Sir Maam?" Ang gulat na si Keira ang bumungad samin ng makarating kami dito sa may sala. Kasalukuyang nagliligpit ngayon sina Keira at Ate Ruby samantalang si Manang naman at nandoon sa Kusina.Nabaling ang atensyon ko kay Theo. Karga ko na nga si Kaiden sa mga bisig ko ay mukhang may nag-aaktong bata pa dito sa gilid ko na naka-akbay sakin habang ang pagmumukha na nito ay nakasandal na sa may leegan ko. Kung titignan mo siya mukha siyang lasing na naglalambing sakin."Malakas ang tama, Keira" sira ang mukha kong sumagot kay Keira. "Kay laking tao, nagiging bata naman sakin" Natawa nalamang si Keira samantalang si Ate Ruby naman ay napatakip sa bibig na nagpipigil ng tawa."Let's sleep now Hon. Inaantok na rin ako" paglalambingan pa sakin ni Theo na dalawang braso na niya ang yumakap sa may balikat ko habang ang baba na nito ay nakapatong na sa may balikat ko at nakaharap na sakin ang mukha niya. Bahagyang napalayo ang mukha ko sakanya dahil sa sobrang lapit
"Hi" maikli ngunit may bahid na ngiti namang bati sakin ng asawa ni Ate Loraine na si Rius. Hindi ko alam kung bakit kinabahan nalang ako bigla nang nakipagkamay na ako sakanya.Ngumiti lamang ako pabalik sakanya at bahagyang napatango senyales ng pagbati ko rin sakanya pabalik.Pero nang matapos silang makipagkilala sakin at tinignan ko sila isa-isa ay hindi ko na napigilan ang sariling maiyak kaya naman ay agad akong napatalikod sakanila at panay ang pagpunas ko sa mga luhang nagsituluan nalang bigla. Nakakahiya, masyado akong naging OA sa harapan nila. Ganon ang iniisip ko, kaya ayaw kong umiiyak kasi iniisip ko bigla na nagiging OA lang ako masyado."Aww Camelle is crying" tuloy ay naiiyak na rin ang Mama ni Theo. "Hey, it's okay. Sshh" lumapit sakin si Theo at niyakap ako bigla. Panay ang paghagod niya sa balikat ko. Napayakap nalamang ako sakanya at ibinaon ang mukha ko sa may dibdib niya. Nahihiya akong umiyak sa harap ng pamilya niya. Hindi ko alam kung bakit naging iyakin
"Hon, Hon! Wake Up! They are here"Naalimpungatan ako sa pagtapik ni Theo sa magkabila kong pisngi. Bumungad sakin ang maaliwalas at nakangiti niyang mukha. Napakunot ang noo ko at agad na napabalikwas ng bangon nang makita ko ang kabuuan niyang bihis na bihis. Anak ng!"Anong oras na?""8AM"Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ano!?""Let's go, Nandon sila lahat sa baba. They want to see you" nakangiti pa niyang hinila ang mga braso ko na animo'y isang batang nagyayang maglaro."Teyka! Ano?!" Natawa siya sa naging hitsura ko kaya naman ay natataranta akong napaalis sa kama at hindi ko alam kung ano ang unang gagawin. Kung magliligpit ba ng higaan o mag-aayos ng sarili. Sa huli ay natampal ko sa braso si Theo."Bakit hindi mo ako ginising?" Natataranta kong sabi at wala sa sariling tiniklop ang mga bedsheets. Matalim ko siyang tinignan nang tumawa ulit siya. "Ikaw! Wag mo kong tinatawanan dyan. Bihis na bihis ka pa dyan ni hindi ka man lang nag-abalang gisingin ako" panenermon ko sak
"Uy napano po si Kaiden Maam?" nag-aalalang bungad samin ni Ate Ruby na may dalang laundry basket. Kakapasok niya lang dito at namataan niya akong nakasandok dito sa rice cooker habang ang kaliwa ko namang braso ay karga ko ang batang mahigpit paring nakakapit sakin sa may leegan. Medyo nahihirapan ako sa sitwasyon namin pero ayos lang ito sakin, kaya ko namang magsandok habang karga ko siya. Gusto ko ring pagaanin ang loob ng bata."Namiss ako Ate Ruby kaya ito, ayaw nang humiwalay sakin" nakangiti kong sabi kaya napamaang nalamang si Ate Ruby."Ay naku, ako nalang dyan Ma'am. Mukha ka talagang nahihirapan dyan. Ako na ang magsasandok ng kanin" agad siyang pumalit sa pwesto ko at napalayo naman ako. "Salamat po""Nangungulila talaga sayo yang bata. Halos araw-araw po yang naghahanap sayo. Mabuti nalang at lagi siyang pinapatahan ni Sir Theo at pinapakalma""Talaga?" Nanghina ang boses ko at gumaralgal ng kunti. Napayakap ako lalo sa bata para iparamdam sakanyang nandito lang ako sa