IT'S already 1 month simula no'ng pumanaw si mama kasama nang nasunog naming bahay sa probinsiya. Kinuha ako ni auntie at dinala niya ako rito sa siyudad para manirahan sa mansion niya. Siya nalang kasi ang natitira kong pamilya. Pumanaw na rin kasi si uncle kasabay ni papa no'ng 5 years old pa lamang ako. Galing sila sa business trip nang mangyari ang aksidente. Wala akong gaanong alam tungkol sa aksidenteng 'yon. At saka walang ibang sinabi si mama sa akin noon. Wala rin akong maalala tungkol sa papa ko. Ni hindi ko nga alam ang totoo niyang itsura. Kaya no'ng tumira ako sa mansion ni Auntie hiningi ko ang isang litrato ni papa. Inilagay ko 'yon sa ibabaw ng mesa ko.
Napanganga ako sa sobrang pagkamangha nang makita ang Angel Clever University. Ang laki ng school building at umaabot iyon sa apat na palapag. Ang ganda rin ng structure ng building nila at saka sobrang linis ng buong paligid. Naka-separate ang building ng elementary, junior high school, senior high school at saka college. 'Di ko akalain na ganito pala kalaki 'tong eskuwelahan.
Today is my first day at Angel Clever University. It's a private school na pagmamay-ari ni auntie. Siya ang nag-transfer sa 'kin dito. I already told her na sa public school na lang ako lilipat dahil sa public school ako nanggaling. But she insisted kaya wala akong nagawa. Pasok ako sa Academic Scholarship kaya wala kaming babayaran. Ang kailangan ko lang gawin ay i-maintain ang mataas na marka na hindi bababa sa 90. Hindi ako sigurado kung magagawa ko 'yon. Mahirap man i-maintain ang gano'n kataas na grades. Pero gagawin ko ang lahat para ma-maintain ang grades na 90 above. Laban lang!
Napalingon-lingon ako nang marinig ko na pinag-uusapan ako ng mga estudyante.
"Transfer student?"
"Baka naman nagkamali lang siya ng pinuntahan."
"Why she's wearing the same to our uniform?"
Napayuko ako at napahawak ng mahigpit sa sling ng aking bag. Nanginginig ang buo kong katawan at sinusubukan kong pigilan ang pagluha ng aking mga mata.
"My gosh! Hindi siya nababagay sa school na 'to."
"Mas makabubuti sigurong bumalik na lang siya sa pinanggalingan niya."
Pilit ko pa rin pinipigilan ang aking sarili sa pag-iyak. Mila, huwag na huwag kang iiyak. Kailangan mong pigilan ang sarili mo. Para ka namang hindi nasanay sa mga ganyan.
Simula pagkabata kinukutya na ako ng mga tao dahil sa kulot kong buhok at morenang kutis. Sinasabi nila na hindi raw ako anak ng aking mga magulang dahil sa aking buhok. My parents had a straight hair habang ako naman ay may kulot na buhok. Sabi ni mama ipinanganak niya ako na may tuwid na buhok. Pero nang tumungtong ako ng Grade 1, na-admit ako sa ospital dahil sa sobrang taas ng aking lagnat. At naging dahilan 'yon upang kumulot ang buhok ko. Namana ko raw 'yon sa mga ninuno namin. Unbelievable!
At first, hindi ako naniwala sa mga sinabi ni mama kahit na alam kong hindi siya nagsisinungaling sa 'kin. Pero may nakilala akong mga tao na nakaranas rin tulad sa nangyari sa akin noon. At dahil do'n pinaniwalaan ko lahat ng mga sinabi sa akin ni mama.
Bigla kong naalala ang bible verse na palaging sinasabi ni mama sa akin no'n.
3 Your beauty should not come from outward adornment, such as elaborate hairstyles and the wearing of gold jewelry or fine clothes. 4 Rather, it should be that of your inner self, the unfading beauty of a gentle and quiet spirit, which is of great worth in God's sight. (1 Peter 3:3-4 NIV)
I closed my eyes and took a deep breath. Saka ako naglakad papasok ng school gate. Hindi ko pinansin ang mga taong nakakasalubong ko. May sinasabi sila pero hindi ko 'yon pinakinggan dahil wala na akong pakialam sa kanila.
Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad, narating ko na rin ang Class 10-A. Nasa ika-apat na palapag ito ng Junior High School building. Yay! Narating ko na rin sa wakas!
Medyo hiningal ako dahil sa taas ng inakyat at layo ng nilakad ko. May elevator sila pero mas makabubuti pa rin sa katawan ang pagdaan sa hagdan. Nasanay na ako sa probinsiya pero nakakapagod pa rin.
Hindi muna ako pumasok sa loob nang makita ko ang guro namin. Nahihiya akong pumasok dahil late na ako ng ilang minuto. Medyo natagalan kasi ako sa paghahanap nitong classroom dahil sa sobrang laki ng eskuwelahan. First day ko pa lang kaya wala akong gaanong alam sa school na 'to.
Napapitlag ako sa gulat nang tinawag ng guro ang pangalan ko. Kaya agad naman akong yumuko. "P-pasensiya na po kung na-late ako," pautal-utal kong paghingi ng tawad. Pagkatapos, napapikit ako dahil sa sobrang kaba. Unang araw ko pa lang late na kaagad ako. Nakakahiya!
"It's okay, basta sa susunod mas agahan mo ang pagpasok."
Iniangat ko ang aking ulo at nginitian ako ng guro. Kaya naman napangiti rin ako at nabawasan ng kaunti ang kaba na nadarama ko. Thank God, mabait ang guro namin ngayon. Akala ko talaga sa next class na ako makakapasok.
Pinapasok niya ako sa loob at pinatayo sa harapan para ipakilala sa lahat.
Kinabahan ulit ako ng pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Iniyuko ko ang aking ulo para hindi ko makita ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Pero nararamdaman ko pa rin ang mga titig nila.
Mayamaya, ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Pagkatapos, iniangat ko ang aking ulo at tumingin ng diretso. 13 I can do all things through Christ who strengthens me. (Philippians 4:13 NKJV)
WALA ni isa sa mga kaklase ko ang lumapit sa akin para magpakilala o kilalanin ako. Pero alam ko naman na mangyayari ang lahat ng 'yon at alam ko rin naman na ayaw nila sa'kin. Sa simula pa lang, iba na ang tingin nila sa'kin. Naiiba ako sa kanila dahil lahat sila ay mayayaman, matatalino, magaganda at guwapo. Habang ako naman ay isang probinsyana na napadpad dito sa siyudad. Pakiramdam ko tuloy hindi ako nararapat na maging estudyante sa paaralan 'to.
Napapikit ako kasabay ng pagbuntong-hininga. Kung nabubuhay pa lang sana si mama, hindi ko mararanasan ang lahat ng 'to. Pero alam kong may dahilan ang Diyos kung bakit niya ako dinala rito. Kailangan kong maging positibo. Baka hindi ako magtagal sa lugar na 'to dahil sa pagiging negative ko. Simula pa kasi no'ng bata pa ako mababa na ang tingin ko sa 'king sarili. At dahil 'yon sa pangungutya, panlalait at pananakit ng ibang tao sa akin.
Tuwing nakakarinig ako ng tawanan ng mga tao na nakakasalubong ko, pakiramdam ko ako ang pinagtatawanan nila. Kahit na hindi naman talaga ako 'yon. Hindi rin ako gumagamit ng shoulder bag dahil sa pambu-bully ng mga kaklase ko no'n. Kaya sling bag o back pack ang madalas kong gamit tuwing pumapasok sa eskwela at kung may ibang pupuntahan.
We still have 25 minutes break. Kaya inilabas ko ang maliit na kulay itim na bibiliya na bigay sa akin ni mama no'ng bata pa ako. Dala-dala ko 'yon kahit saan ako pumunta at kahit na kailan hindi ko 'yon naiwan. Iyon din ang naging sandata ko sa anumang pagsubok na dumating sa aking buhay.
Ibinuklat ko 'yon at saka binasa ng tahimik.
8 Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour.-
Natigilan ako sa pagbasa nang marinig ko ang mga kaklase kong pinag-uusapan ako.
"I didn't expect na kaklase natin siya."
"I don't want to befriend on her."
"She's so ugly."
Huminga ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang pagbabasa.
9 Resist him, standing firm in the faith, because you know that the family of believers throughout the world is undergoing the same kind of sufferings. (1 Peter 5:8-9 NIV)
Ngumiti ako at isinara ang bibliya. Thank you so much, Lord.
Pagkatapos, ibinalik ko 'yon sa loob ng aking bag.
"What's wrong with her?"
"Anong problema niya?"
"Oh my gosh! She's creeping me out."
Mayamaya, biglang sumigaw ang isang kaklase namin. Kaya naman napalingon kaming lahat sa may pintuan kung nasaan siya.
"Nandito ang Angels!"
Angels?
Agad na nagsitakbuhan sabay hiyawan ang mga kaklase ko palabas ng classroom. Habang ako naman ay nanatili sa aking upuan at sinusundan sila ng tingin. Wala akong ideya kung anong meron kaya ilang sandali naisipan kong lumabas para alamin 'yon. Makiki-chismis lang.
"Ang gaguwapo at gaganda talaga nilang lahat."
"Sana mapansin niya ako."
"Ba't ba kasi ang guwapo niya?"
Kahit anong gawin ko hindi ko pa rin makita ang tinutukoy nilang Angels. Dahil sa sobrang dami ng mga estudyanteng nakahilera sa gilid ng hallway. Wala rin akong makita dahil sa dami nila. Ano ba kasing meron?
Ilang sandali pa, mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga estudyante. At agad naman akong sumingit nang may makitang puwesto.
Napatingin ako sa mga estudyanteng naglalakad sa gitna ng hallway. Sa bilang ko, nasa thirteen sila. Nakasuot sila ng uniform na halos kapareho sa amin. Ang kulay nga lang ang ipinagkaiba dahil nakasuot sila ng white coat, white long sleeved blouse, white shoes, white tie and pants for boys, white ribbon, white knee socks and skirts for girls. Habang kami naman ay nakasuot ng black coat, white long sleeved blouse, black shoes, black tie and pants for boys, black ribbon, white knee socks and black skirt girls. Para nga talaga silang Anghel sa suot nilang kulay puti na uniform.
Mayamaya, napatingin ako sa isang lalaki na nasa unahan. May hawak siyang libro sa kanyang kaliwang kamay. Habang nakasilid naman sa bulsa ang kanyang kanang kamay. Ilang sandali pa, nagtama ang tingin namin. Kaya naman ay dali-dali akong yumuko at saka kumunot-noo. He looks familiar. Parang nagkita na kami noon pero hindi ko matandaan kung saan at kung kailan.
"OMG! Nilingon niya ako!"
"Hindi, a! Ako kaya ang nilingon niya. Huwag kang assuming!"
I shake my head. That's impossible! Ngayon ko pa lang siya nakita kaya imposible 'yong mangyari. At saka ngayon lang ako nanirahan dito sa siyudad. Kung nagkakilala man kami noon, nakalimutan ko na 'yon ngayon.
Iniangat ko ang aking ulo at sinundan ng tingin ang mga estudyanteng nakasuot ng kulay puti na uniform. Mayamaya pa, tumunog na ang bell kaya naman ay nagsibalikan na kaming lahat sa aming mga classroom.
"Sino kaya ang lalaking 'yon?" tanong ko sa aking sarili habang naglalakad pabalik sa aking upuan. Parang nagkita na talaga kami noon.
Napapikit ako kasabay ng pagbuntong-hininga. Pagkatapos, nagmadali akong bumalik sa aking upuan. Kung sino man siya, wala na akong pakialam ro'n. Wala rin naman akong mapapala kung magkakilala man kami.
Binuksan ko ang aking bag para kunin ang aking notebook. Pero natigilan ako bigla nang marinig ko ang mga kaklase kong nag-uusap. Nasa likuran ko sila ngayon.
"Kung naging mas mayaman at matalino lang sana tayo. Siguro kasama tayo sa kanila ngayon."
"Tama ka pero hindi lang 'yon ang kailangan para maging Angel. Kailangan din nating maging sikat at saka ang taas ng maintaining grades ng Angel Section."
"Tama ka."
"Bakit ba naman kasi ang taas ng maintaing grades nila? Tayo nga nasa Class A nahihirapan din."
Napakunot-noo ako. Kung gano'n Angel Section pala ang tawag sa section nila. At sila ang may pinakamataas na marka, status sa buhay, at may pinakamagagandang lahi. Truth to be told, ang gaganda at gaguwapo nila. Kaya siguro ang daming humahanga sa kanila.
Hindi ko akalain na may gano'ng section pala dito.
Ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkuha sa aking notebook. At saka ni-review ang laman nito. Hindi ako matalinong tao kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti. Lalong-lalo na ngayon scholar ako dito sa eskwelahan. Ayokong ma-disappoint si auntie sa akin at saka ayokong magbayad siya ng malaki para sa pag-aaral ko. Kahit na alam kong kaya niya 'tong bayaran.
I'm not the type of person na umaasa sa ibang tao kahit na kapamilya ko pa 'to. Kung pwede lang sana akong mamuhay ng mag-isa. Pero kailangan ako ni auntie ngayon. Lalo na't kami nalang dalawa. I will do anything for her. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.
AFTER morning class, dumiretso ako sa cafeteria para kumain pero wala akong makitang bakante. So, I decided to take out my food at naghanap ng lugar na pwedeng pagkainan. Naglibot-libot ako sa buong eskuwelahan at may nahanap naman ako. Medyo malayo nga lang 'yon sa mga school building kaya tahimik at walang gaanong tao. But it's a perfect place para sa akin. Mas prefer ko talaga ang tahimik na lugar. Makakapag-relax ako at saka wala akong maririnig na kahit ano tungkol sa 'kin.I love this place.
IT'S already 11 p.m. and I'm still awake. Kakatapos ko lang mag-review ng mga previous lessons. Marami-rami na kasi ang na-miss kong lessons at saka malapit na rin ang Second Quarter Examination. Kaya kailangan kong doblehin ang pagre-review. Dahil kailangan kong maipasa ang exam.I stretch my arms. Pagkatapos, nagligpit ng mga gamit at saka ibinalik ang mga 'yon sa kanilang kinalalagyan.
"ARE you okay?" tanong ni Andrey. Nakaupo siya ngayon sa aking harapan. Nandito kami ngayon sa ice cream parlor kung saan niya ako dinala kahapon."O-oo," tugon ko sabay angat ng aking ulo."Kanina ka pa wala sa 'yong sarili. May gumugulo ba sa 'yong isipan?" seryosong tanong ni Andrey.
"I'M really sorry dahil iniwan kita kahapon ng hindi nagpapaalam," nakayukong paghingi ng tawad ni Andrey habang nakahawak sa kanyang batok. Nakaupo siya ngayon sa harap ko. Nandito kami ngayon sa paborito kong lugar kung saan ako nanananghalian. Umiling-iling ako. Nilunok ko muna ang pagkain at saka ngumiti. "It's okay." Kinuha ko ang paper bag na nasa tabi ko. Naglalaman ito ng uniform at bath towel na ipinahiram niya sa akin kahapon. "Thank you nga pala dito." Iniabot ko 'yon sa kanya at agad naman niya itong kinuha.
PAGKATAPOS kong mananghalian, dumiretso ako sa library. Naisipan ko kasing magbasa ng libro. Abala kasi sina Andrey at Kira ngayon. Nagmadali nga silang umalis kanina pagkatapos nilang kumain.
NAKAYUKO ako habang naglalakad sa hallway dahil sa pinagtitinginan ng mga estudyante. "Anong meron?" "Bakit kaya sila magkasama ni Zaito?"
NAKAYUKO ako habang nakaupo sa sahig. Pinagmamasdan ang nakakalat kong buhok. Mayamaya pa, ipinikit ko ang aking mga mata. Pagkatapos, hinawakan ko ang aking buhok na hanggang balikat na lamang. Dati hanggang baywang ko pa ang buhok ko pero ngayon-Bigla kong naaalala si mama. Madalas niya kasing suklayan at ayusin ang buhok ko noon.
YUMUKO si James at pinagmasdan ang mga pinamili kong frames."Gagamitin ko ang mga frame na 'to sa water color paintings ko," nakangiti kong sabi.Napaawang ang mga labi niya. "Wow! Isa ka rin palang artist, kaya naman pala. Ang akala ko talaga mahilig ka lang sa art."
A YEAR later... Ito ang araw na pinakakatakutan ko. Natatakakot ako na baka mangyari ulit ang nangyari sa akin no'ng unang araw na pumasok ako sa Angel Clever University. Natatakot ako na hindi nila magustuhan. "Transfer student?" "Baka naman nagkamali lang siya ng pinuntahan." "My gosh! Hindi siya nababagay sa school na 'to." "Mas makabubuti sigurong bumalik na lang siya sa pinanggalingan niya." Huminga muna ako ng malalim bago inayos ang sarili sa harap ng salamin at ikabit ang name plate ko. Nakasuot ako ngayon ng white coat, white long sleeved blouse, white ribbon, white skirt, white knee socks and white shoes. Isa na ako sa tinatawag nilang Angel. Hindi ko pa rin lubos maisip na isa na ako sa kanila at saka
9 LOVE must be sincere. Hate what is evil; cling to what is good. 10 Be devoted to one another in love. Honor one another above yourselves. 11 Never be lacking in zeal, but keep your spiritual fervor, serving the Lord. 12 Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer. 13 Share with the Lord's people who are in need. Practice hospitality.14 Bless those who persecute you; bless and do not curse. 15
"IKAW nga! Kumusta ka na?" tanong ni Aling Leonora. Pagkatapos, lumapit siya sa akin."Ayos naman po ako," nakangiti kong tugon."Mabuti naman kung ganoon. Pagkatapos ng lahat ng nangyari..."
IT'S already 11 p.m. and I'm still awake. Hindi kasi ako makatulog dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Alyssa tungkol sa mga lalaking Angel.Talaga bang nag-aalala sila sa akin no'ng time na 'yon? Nagbago na nga ba talaga sila? Posible rin kayang matagal na ang mga litratong s-in-end sa akin?
IT'S already 7 a.m. pero nakahiga pa rin ako sa kama at nakatitig sa kisame. Wala akong ganang pumasok ngayon at saka ayokong makita ang mga pagmumukha ng mga lalaking Angel. Mas makabubuti sigurong bumalik na lamang ako sa probinsiya. Total do'n naman ako nababagay. Pinagsisihan kong hindi ak
NATIGILAN ako nang makita ang isang maliit na papel sa ibabaw ng mesa. Tinitigan ko muna ito bago kinuha at binasa kung ano ang nakasulat.
"ANONG ginagawa mo rito? Wala ka bang gagawin?" tanong ni Zaito."Kakatapos ko lang mag-pinta," tugon ko sabay upo sa tabi niya. "Ikaw, anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba naiinitan?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga halaman na nasa aming harapan."Nah, mas presko pa nga, eh," tugon niya.
"OTANJOUBI omedeto, Zaito-chan," nakangisi kong pagbati sabay abot ng regalo ko sa kanya. Agad naman niya itong kinuha. [Translation: Happy Birthday, Zaito] "A-arigatou," nauut
NATIGILAN ako sa paglalakad ng maalala ang huling sinabi ni Marco sa akin kanina."Sa kanila. Hindi mo alam kung sino talaga sila, Mila.""Sino ba talaga sila?" tanong ko sa aking sarili.