AFTER morning class, dumiretso ako sa cafeteria para kumain pero wala akong makitang bakante. So, I decided to take out my food at naghanap ng lugar na pwedeng pagkainan. Naglibot-libot ako sa buong eskuwelahan at may nahanap naman ako. Medyo malayo nga lang 'yon sa mga school building kaya tahimik at walang gaanong tao. But it's a perfect place para sa akin. Mas prefer ko talaga ang tahimik na lugar. Makakapag-relax ako at saka wala akong maririnig na kahit ano tungkol sa 'kin.
I love this place.Maraming puno sa paligid at sa 'di kalayuan ay may fish pond sa gitna ng isang malaking hardin na may iba't ibang klase ng mga bulaklak. Sa sobrang ganda mapapa-wow ka talaga. Halos lahat na ata ng klase ng mga bulaklak ay nando'n.
Umupo ako sa ilalim ng isang malaking puno. Pagkatapos, ipinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin. Bigla kong naalala ang tahanan namin sa probinsiya. Marami din kasing mga puno do'n. Madalas din kaming mag-picnic ni mama sa ilalim ng isang malaking puno na malapit sa ilog. Do'n niya ako madalas binabasahan ng bibliya. Minsan nga namimingwit kami ng isda sa ilog. Nakaka-miss ang masasayang araw na magkasama pa kamimg dalawa. And I miss her so much.
Mayamaya, idinilat ko ang aking mga mata. Inilabas ko ang nabili kong bento at saka dalawang tubig mula sa cafeteria. Pagkatapos, ipinikit ko ulit ang aking mga mata kasabay ng pagyuko ng aking ulo at saka nagdasal ng tahimik.
Pagkatapos kong magdasal, idinilat ko ang aking mga mata at iniangat ang aking ulo. Laking gulat ko nang bumulaga sa akin ang mukha ng isang 'di kilalang lalaki. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Nanlaki bigla ang kanyang mga mata kaya 'di ko mapigilang mapatili at muktikan ng matapon ang pagkain ko. Pagkatapos, napasigaw rin siya nang malakas at dali-dali siyang umatras at humingi ng tawad. Umupo siya sa harapan ko at ngumisi. He's cute when smiling.
Napakunot-noo ako habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. I think magka-edad lang kami. He's wearing a uniform na kaparehong-kapareho do'n sa mga estudyanteng napadaan sa harap ng classroom namin kanina. I think he's one of them. Sa pagkakatanda ko Angel ang tawag sa kanila. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?
"Pasensiya na kung nagulat kita. Ang akala ko kasi nakatulog ka," paghingi niya ulit ng tawad habang nakahawak sa kanyang batok at nakayuko.
Umiling-iling ako. "Wala 'yon," nakangiti kong tugon.
"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" kunot-noo kong tanong.
"P-puno na kasi ang cafeteria kaya naisipan kong pumunta rito para kumain," tugon niya sabay labas ng mga pagkaing binili niya at saka mabilis na nagsubo sa kanyang bibig.
Bigla akong natigilan at napaisip nang makita ang pagkaing dala-dala niya.
"Dahan-dahan lang, baka mabilaukan ka."
Hindi niya ako pinakinggan. Patuloy pa rin siya sa pagsubo ng pagkain. Ang tigas naman ng ulo ng taong 'to. Siguro kanina pa siya gutom.
"Gwutoym nha gyutum nya kwashi akow," (Gutom na gutom na kasi ako) sabi niya habang may laman ang kanyang bibig.
I giggled. Kapag gutom ang tao, gutom talaga kahit na mayaman ka pa. Ang cute niya talaga. Para siyang batang paslit na hindi pa nakakain.
"By the way, base on your uniform isa ka do'n sa mga estudyanteng tinatawag nilang Angel, am I right?" kunot-noo kong tanong.
Tumatango-tango siya at patuloy pa rin sa pagsubo ng pagkain sa kanyang bibig.
Bigla akong natigilan at napaisip. "You have different uniform and separated classroom. So, dapat naka-separate din ang cafeteria niyo."
Bigla siyang nabilaukan kaya dali-dali kong binuksan ang binili kong tubig at saka pinainom 'yon sa kanya. Sabi ko naman sa kanya magdahan-dahan lang siya pero hindi niya ako pinakinggan. Ang tigas kasi ng ulo. Mabuti nalang dalawa ang tubig na binili ko.
Pagkatapos, huminga siya ng malalim. Halos maubos na niya ang tubig na laman ng plastic bottle sa dami ng kanyang nainom.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya at bakas sa aking mukha ang pag-aalala.
Sino ba naman kasi ang hindi mag-alala? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Kaming dalawa pa naman ang nandirito. Wala akong mapaghihingan ng tulong kapag may nangyaring 'di maganda.
"Yup! Maraming salamat dito sa tubig," nakangiti niyang tugon.
Mabuti naman at ayos lang siya. Sa tingin ko mahihirapan ang ibang tao na alamin kung okay lang ba siya o hindi. Dahil palagi siyang nakangiti. Parang wala siyang problema o sakit na iniinda.
"W-walang ano man," pautal-utal kong sabi sabay yuko ng aking ulo. Pagkatapos, kinuha ko ang kutsara at tinidor at saka nagsubo ng pagkain sa aking bibig.
Bakit ba kasi ang cute niyang ngumiti? Pakiramdam ko tuloy ang pula na ng pisngi ko. Please stop that killer smile.
"You're right," he said.
Natigilan ako sa pagnguya at ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Pagkatapos, iniangat ko ang aking ulo at saka tinignan siya sa mga mata. "What do you mean?" tanong ko sa kanya at bakas sa aking mukha ang pagtataka.
Ano nga ulit ang sinabi ko? Dapat naka-separate din ang cafeteria nila?
"I mean, you're right. Naka-separate ang cafeteria namin sa inyo," he answered. "By the way, how did you know?" pahabol niya.
"Ah... Naisip ko lang," I answered.
Wala kasi sa cafeteria ang pagkaing binili niya. Natatandaan ko pa kasi 'yong mga pagkaing naka-display do'n. Kaya naisip ko na baka binili niya 'yon sa labas o sa ibang establishment dito sa campus. Pero sa pagkakatanda ko, ang cafeteria lang namin ang meron dito sa eskuwelahan. Kaya naisipan kong sabihin 'yon sa kanya.
"Kung gano'n, wala ka talagang alam tungkol sa akin?"
Marahan akong tumango.
Sa totoo lang may kaunting alam ako tungkol sa Angels. Salamat do'n sa mga kaklase ko kanina na nasa aking likuran. Kung hindi nila pinag-usapan ang tungkol sa Angels, siguro wala akong alam kahit na kaunti. At saka hindi ko siya makikilala. Mapagkamalan ko siguro siyang outsider dahil sa uniform na suot-suot niya.
"Sa tingin ko kasi magkakagulo lang sa cafeteria kapag nando'n din kayo," nakangisi kong sabi.
Bigla siyang tumawa ng malakas. Kaya naman ay napakunot-noo ako. Anong problema ng taong 'to? May nasabi ba akong nakakatawa? Parang wala naman, ah.
Hindi ko nalang siya pinansin. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Hindi pa kasi ako nakakalahati.
Ilang sandali pa, tumigil na siya sa pagtawa. "You have a point, pero hindi naman kami gano'n ka sikat para pagkaguluhan ng lahat," seryoso niyang sabi.
Wow! Ang humble naman. Sana may iba pang tao na tulad niya. Iilan na lang kasi ang mga taong humble.
"Oo nga pala, ako si Andrey Crissford. Tawagin mo nalang ako sa first name ko," nakangiti niyang sabi sabay abot ng kanyang kanang kamay para makipag-shake hands.
Tinignan ko muna ang kamay niya bago nakipag-shake hands. "I'm Mila, Mila Alfonzo," pagpapakilala ko sa kanya. Pagkatapos, nginitian ko rin siya.
Hindi niya agad binitawan ang kamay ko. Tinitigan niya ako habang nakangisi. Kaya naman ay tinaasan ko siya ng kilay at agad naman siyang bumitaw.
"Pasensiya na," paghingi niya ng tawad.
"Ayos lang."
"Kung gano'n, ikaw 'yong transfer student na pinag-uusapan ng lahat?" he asked.
Marahan akong tumango. "Parang gano'n na nga." Binuksan ko ang natitirang bote ng tubig na meron ako. Pagkatapos, ininom ko 'yon.
Ang bilis kumalat ng balita. I didn't expect na pati rin siya kilala ako dahil sa usap-usapan tungkol sa akin. Sikat na ako. Joke.
"Hindi totoo ang sinasabi nila tungkol sa 'yo."
Bigla akong natigilan. "Anong ibig mong sabihin?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Dahil maganda ka."
Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi niya. Agad kong tinakpan ang aking bibig.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Sadyang malabo lang siguro ang mga mata niya kaya niya nasabi 'yon. Kailangan na ata niyang magpa-eye check-up baka kailangan na niyang magsuot ng salamin sa mata.
Mayamaya, ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain at nang matapos ay agad akong nagligpit. Saka tumayo ako at kinuha ang aking bag.
"Aalis ka na?" nakasimangot niyang tanong.
Pwede ba, tigil-tigilan mo 'yang pagpapa-cute mo sa 'kin. Baka mapisil ko 'yang pisngi mo. Nanggigigil ako sa 'yo, eh.
"Yup, may pasok pa kasi ako... Mauna na ako sa 'yo," nakangiti kong tugon. Pagkatapos, kumaway ako at naglakad palayo sa kanya.
"Can we please be friends now?"
Bigla akong natigilan sa paglalakad. Pagkatapos, nilingon ko siya. "Sure," I smiled.
It's my first time to have a friend here at school. Higit sa lahat isang lalaki pa. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng 'to. Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising pa. Masaya na ako kahit na isang kaibigan lang ang meron ako.
NAPABUNTONG-HININGA ako habang naglalakad palabas ng school gate. Pinagtitinginan kasi ako ng mga estudyante. Ganito rin ang nangyari sa akin kanina no'ng papasok ako dito kaninang umaga. Hindi ba sila nagsasawa sa ginagawa nila? Wala naman espesyal sa akin, ah? Ano bang meron sa 'kin?
Natigilan ako nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Sa tingin ko boses 'yon ng isang lalaki. At saka pamilyar ang boses na 'yon. Hindi ko lang matukoy kung kanino. Baka guni-guni ko lang 'yon. Sino ba naman ang magtatangkang tawagin ako sa aking pangalan? At saka ayaw sa 'kin ng mga kaklase ko. Wala naman akong ibang kaibigan rito maliban kay Andre-
"Mila!"
Agad akong lumingon sa aking likuran. At laking gulat ko nang makita nga si Andrey. Tumatakbo siya papunta sa kinatatayuan ko at agad namang naghiyawan ang lahat nang makita siya. Napakasikat niya talaga.
"Si Andrey ba 'yon?"
"OMG! Si Andrey!"
Tumigil si Andrey sa pagtakbo nang maabutan niya ako. Napahawak siya sa kanyang dibdib at hinihingal. Pagkatapos, nginitian niya ako. "Sabay na tayong umuwi."
"E-eh? S-sure!" paputol-putol kong tugon.
Napayuko ako nang marinig na pinag-uusapan kami ng lahat.
"Magkakilala ba sila?"
"Bakit kaya sila magkasama?"
"Ano naman kaya ang ginawa niya para mapalapit si Andrey sa kanya?"
Kanina ko pa lang siya nakilala at saka wala akong ginawa para mapalapit siya sa akin. Hindi naman ako gano'n ka despirado na magkaroon ng kaibigan para gumamit ng kung ano. Kung ayaw sa 'kin ng isang tao hindi ko siya pipilitin na magustuhan ako.
Napakuyom ako ng palad. Ano ba kasing problema ng mga taong 'to? Ang gusto ko lang naman ay mamuhay ng mapayapa- walang taong nanghuhusga sa aking panlabas na anyo. At higit sa lahat ang magkaroon ng mga kaibigan tulad ng iba.
Laking gulat ko nang hinawakan ni Andrey kaliwa kong kamay. Iniangat ko ang aking ulo at tinignan siya sa mukha. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Huwag mo silang pansinin."
Tumango ako at saka ngumiti. He's right. Hindi ko naman sila kailangang pansinin. Wala naman akong mapapala sa mga ginagawa nila maliban sa sakit sa damdamin.
"How about we go to an ice cream parlor?"
Eh?
Agad niya akong hinila. "T-teka! Sandali lang!" Muntik na akong madapa, dahil sa ginawa niyang paghila sa akin. Ang bilis niya kasing maglakad.
Wala pa akong sinabi sa kanya na sasama ako, ah.
Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa marating namin ang ice cream parlor. Ilang blocks lamang ang layo nito mula sa eskwelahan. Nag-order siya ng dalawang chocolate ice cream na naka-cone para sa aming dalawa. At kinain namin 'yon habang naglalakad.
Ang sarap naman ng ice cream na 'to.
Nilingon ko si Andrey. "Maraming salamat nga pala," pasasalamat ko sa kanya.
"For what?" He asked with a curious expression.
"For being my friend," nakangiti kong tugon. Pagkatapos, ngumiti rin siya.
Hinatid niya ako sa bus stop at sinamahan niya ako sa paghihintay. Nang may dumating na bus ay agad akong sumakay.
"Mag-ingat ka sa pag-uwi," nakangiti niyang sabi habang kumakaway sa labas ng bintana.
Nginitian ko rin siya at saka kumaway. He looked so kind, gentle and sweet. But I feel like he's hiding something.
I shake my head. Impossible! Mabait siya sa akin at saka parang hindi siya marunong magsinungaling.
Umupo ako malapit sa bintana para makalanghap ng sariwang hangin. At para na rin makita ang mga tanawin sa labas.
IT'S already 11 p.m. and I'm still awake. Kakatapos ko lang mag-review ng mga previous lessons. Marami-rami na kasi ang na-miss kong lessons at saka malapit na rin ang Second Quarter Examination. Kaya kailangan kong doblehin ang pagre-review. Dahil kailangan kong maipasa ang exam.I stretch my arms. Pagkatapos, nagligpit ng mga gamit at saka ibinalik ang mga 'yon sa kanilang kinalalagyan.
"ARE you okay?" tanong ni Andrey. Nakaupo siya ngayon sa aking harapan. Nandito kami ngayon sa ice cream parlor kung saan niya ako dinala kahapon."O-oo," tugon ko sabay angat ng aking ulo."Kanina ka pa wala sa 'yong sarili. May gumugulo ba sa 'yong isipan?" seryosong tanong ni Andrey.
"I'M really sorry dahil iniwan kita kahapon ng hindi nagpapaalam," nakayukong paghingi ng tawad ni Andrey habang nakahawak sa kanyang batok. Nakaupo siya ngayon sa harap ko. Nandito kami ngayon sa paborito kong lugar kung saan ako nanananghalian. Umiling-iling ako. Nilunok ko muna ang pagkain at saka ngumiti. "It's okay." Kinuha ko ang paper bag na nasa tabi ko. Naglalaman ito ng uniform at bath towel na ipinahiram niya sa akin kahapon. "Thank you nga pala dito." Iniabot ko 'yon sa kanya at agad naman niya itong kinuha.
PAGKATAPOS kong mananghalian, dumiretso ako sa library. Naisipan ko kasing magbasa ng libro. Abala kasi sina Andrey at Kira ngayon. Nagmadali nga silang umalis kanina pagkatapos nilang kumain.
NAKAYUKO ako habang naglalakad sa hallway dahil sa pinagtitinginan ng mga estudyante. "Anong meron?" "Bakit kaya sila magkasama ni Zaito?"
NAKAYUKO ako habang nakaupo sa sahig. Pinagmamasdan ang nakakalat kong buhok. Mayamaya pa, ipinikit ko ang aking mga mata. Pagkatapos, hinawakan ko ang aking buhok na hanggang balikat na lamang. Dati hanggang baywang ko pa ang buhok ko pero ngayon-Bigla kong naaalala si mama. Madalas niya kasing suklayan at ayusin ang buhok ko noon.
YUMUKO si James at pinagmasdan ang mga pinamili kong frames."Gagamitin ko ang mga frame na 'to sa water color paintings ko," nakangiti kong sabi.Napaawang ang mga labi niya. "Wow! Isa ka rin palang artist, kaya naman pala. Ang akala ko talaga mahilig ka lang sa art."
ILANG araw na lang Second Quarter Examination na. Abala ang lahat sa pagre-review. Hindi ko na rin nakakasabay sina Andrey, Kira at Zaito during lunch break at saka hindi na rin nila ako hinahatid sa bus stop. Napapadalas na rin ang pananatili ko sa library para mag-review. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog. Humikab ako ng malakas at naluluha ang aking mga mata. Pagkatapos, kinusot-kusot ko ang aking mga mata at saka nagpatuloy sa pagre-review. Malapit na akong matapos kaya titiisin ko muna 'tong antok ko.
A YEAR later... Ito ang araw na pinakakatakutan ko. Natatakakot ako na baka mangyari ulit ang nangyari sa akin no'ng unang araw na pumasok ako sa Angel Clever University. Natatakot ako na hindi nila magustuhan. "Transfer student?" "Baka naman nagkamali lang siya ng pinuntahan." "My gosh! Hindi siya nababagay sa school na 'to." "Mas makabubuti sigurong bumalik na lang siya sa pinanggalingan niya." Huminga muna ako ng malalim bago inayos ang sarili sa harap ng salamin at ikabit ang name plate ko. Nakasuot ako ngayon ng white coat, white long sleeved blouse, white ribbon, white skirt, white knee socks and white shoes. Isa na ako sa tinatawag nilang Angel. Hindi ko pa rin lubos maisip na isa na ako sa kanila at saka
9 LOVE must be sincere. Hate what is evil; cling to what is good. 10 Be devoted to one another in love. Honor one another above yourselves. 11 Never be lacking in zeal, but keep your spiritual fervor, serving the Lord. 12 Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer. 13 Share with the Lord's people who are in need. Practice hospitality.14 Bless those who persecute you; bless and do not curse. 15
"IKAW nga! Kumusta ka na?" tanong ni Aling Leonora. Pagkatapos, lumapit siya sa akin."Ayos naman po ako," nakangiti kong tugon."Mabuti naman kung ganoon. Pagkatapos ng lahat ng nangyari..."
IT'S already 11 p.m. and I'm still awake. Hindi kasi ako makatulog dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Alyssa tungkol sa mga lalaking Angel.Talaga bang nag-aalala sila sa akin no'ng time na 'yon? Nagbago na nga ba talaga sila? Posible rin kayang matagal na ang mga litratong s-in-end sa akin?
IT'S already 7 a.m. pero nakahiga pa rin ako sa kama at nakatitig sa kisame. Wala akong ganang pumasok ngayon at saka ayokong makita ang mga pagmumukha ng mga lalaking Angel. Mas makabubuti sigurong bumalik na lamang ako sa probinsiya. Total do'n naman ako nababagay. Pinagsisihan kong hindi ak
NATIGILAN ako nang makita ang isang maliit na papel sa ibabaw ng mesa. Tinitigan ko muna ito bago kinuha at binasa kung ano ang nakasulat.
"ANONG ginagawa mo rito? Wala ka bang gagawin?" tanong ni Zaito."Kakatapos ko lang mag-pinta," tugon ko sabay upo sa tabi niya. "Ikaw, anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba naiinitan?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga halaman na nasa aming harapan."Nah, mas presko pa nga, eh," tugon niya.
"OTANJOUBI omedeto, Zaito-chan," nakangisi kong pagbati sabay abot ng regalo ko sa kanya. Agad naman niya itong kinuha. [Translation: Happy Birthday, Zaito] "A-arigatou," nauut
NATIGILAN ako sa paglalakad ng maalala ang huling sinabi ni Marco sa akin kanina."Sa kanila. Hindi mo alam kung sino talaga sila, Mila.""Sino ba talaga sila?" tanong ko sa aking sarili.