NAKAYUKO ako habang naglalakad sa hallway dahil sa pinagtitinginan ng mga estudyante.
"Anong meron?"
"Bakit kaya sila magkasama ni Zaito?"
NAKAYUKO ako habang nakaupo sa sahig. Pinagmamasdan ang nakakalat kong buhok. Mayamaya pa, ipinikit ko ang aking mga mata. Pagkatapos, hinawakan ko ang aking buhok na hanggang balikat na lamang. Dati hanggang baywang ko pa ang buhok ko pero ngayon-Bigla kong naaalala si mama. Madalas niya kasing suklayan at ayusin ang buhok ko noon.
YUMUKO si James at pinagmasdan ang mga pinamili kong frames."Gagamitin ko ang mga frame na 'to sa water color paintings ko," nakangiti kong sabi.Napaawang ang mga labi niya. "Wow! Isa ka rin palang artist, kaya naman pala. Ang akala ko talaga mahilig ka lang sa art."
ILANG araw na lang Second Quarter Examination na. Abala ang lahat sa pagre-review. Hindi ko na rin nakakasabay sina Andrey, Kira at Zaito during lunch break at saka hindi na rin nila ako hinahatid sa bus stop. Napapadalas na rin ang pananatili ko sa library para mag-review. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog. Humikab ako ng malakas at naluluha ang aking mga mata. Pagkatapos, kinusot-kusot ko ang aking mga mata at saka nagpatuloy sa pagre-review. Malapit na akong matapos kaya titiisin ko muna 'tong antok ko.
IT'S my first time na may mga taong lumapit sa akin para hingan ng tulong. Kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na tulungan sila.Pagkatapos ng klase, dumiretso kami sa isang bakanteng kuwarto. Tumigil kami sa tapat ng pinto na nasa pinakadulo ng hallway. Tinignan ko ang buong labas nito. Tinatakpan ng newspaper ang bintana kaya hindi mo makikita ang loob nito.
MADALING araw na akong natulog para lang gumawa ng maliit na kahon at magsulat ng letter. Pero kahit na gano'n maaga pa rin akong nagising at pumasok sa eskuwela.Pagkapasok ko ng classroom, agad akong dumiretso sa puwesto kung saan umuupo si Mara. Kinuha ko mula sa loob ng aking bag ang isang maliit na kahon, kulay itim na may kulay puting ribbon. Naglalaman 'to ng eyeglasses na kaparehong-kapareho sa kanya at isang sulat.
IT'S already 10 p.m. but I'm still awake. Hindi ako makatulog dahil hindi maalis sa aking isipan ang ginawa ni Arthur kanina. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang halik niya sa aking pisngi.Bakit ba kasi niya ginawa 'yon? Para saan ba kasi 'yon? Kakikilala lang namin pero nagawa niya 'yon?Bumuntong-hininga ako at kinuha ang aking bibliya na nasa ibabaw ng bedside table. Binuklat ko 'to at saka binasa ng tahimik.
MAAGA akong gumising at umalis ng mansion para lang hindi makasama si Zaito sa pagpunta ko sa laro nina Arthur. Pero mas maaga pa siyang gumising kaysa sa 'kin."K-kanina ka pa ba diyan?" pautal-utal kong tanong kay Zaito. Nakaupo siya ngayon sa isang bench habang nagbabasa ng libro."Hindi nama
AGAD akong sinalubong ni James nang makapasok sa loob ng Art Gallery na pagmamay-ari niya. Bakas sa kanyang mukha ang tuwa. "Mabuti naman at nakarating ka."I smiled. "Actually...""Kasama niya ako," rugtong ni Zaito na nasa likuran ko ngayon.
A YEAR later... Ito ang araw na pinakakatakutan ko. Natatakakot ako na baka mangyari ulit ang nangyari sa akin no'ng unang araw na pumasok ako sa Angel Clever University. Natatakot ako na hindi nila magustuhan. "Transfer student?" "Baka naman nagkamali lang siya ng pinuntahan." "My gosh! Hindi siya nababagay sa school na 'to." "Mas makabubuti sigurong bumalik na lang siya sa pinanggalingan niya." Huminga muna ako ng malalim bago inayos ang sarili sa harap ng salamin at ikabit ang name plate ko. Nakasuot ako ngayon ng white coat, white long sleeved blouse, white ribbon, white skirt, white knee socks and white shoes. Isa na ako sa tinatawag nilang Angel. Hindi ko pa rin lubos maisip na isa na ako sa kanila at saka
9 LOVE must be sincere. Hate what is evil; cling to what is good. 10 Be devoted to one another in love. Honor one another above yourselves. 11 Never be lacking in zeal, but keep your spiritual fervor, serving the Lord. 12 Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer. 13 Share with the Lord's people who are in need. Practice hospitality.14 Bless those who persecute you; bless and do not curse. 15
"IKAW nga! Kumusta ka na?" tanong ni Aling Leonora. Pagkatapos, lumapit siya sa akin."Ayos naman po ako," nakangiti kong tugon."Mabuti naman kung ganoon. Pagkatapos ng lahat ng nangyari..."
IT'S already 11 p.m. and I'm still awake. Hindi kasi ako makatulog dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Alyssa tungkol sa mga lalaking Angel.Talaga bang nag-aalala sila sa akin no'ng time na 'yon? Nagbago na nga ba talaga sila? Posible rin kayang matagal na ang mga litratong s-in-end sa akin?
IT'S already 7 a.m. pero nakahiga pa rin ako sa kama at nakatitig sa kisame. Wala akong ganang pumasok ngayon at saka ayokong makita ang mga pagmumukha ng mga lalaking Angel. Mas makabubuti sigurong bumalik na lamang ako sa probinsiya. Total do'n naman ako nababagay. Pinagsisihan kong hindi ak
NATIGILAN ako nang makita ang isang maliit na papel sa ibabaw ng mesa. Tinitigan ko muna ito bago kinuha at binasa kung ano ang nakasulat.
"ANONG ginagawa mo rito? Wala ka bang gagawin?" tanong ni Zaito."Kakatapos ko lang mag-pinta," tugon ko sabay upo sa tabi niya. "Ikaw, anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba naiinitan?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga halaman na nasa aming harapan."Nah, mas presko pa nga, eh," tugon niya.
"OTANJOUBI omedeto, Zaito-chan," nakangisi kong pagbati sabay abot ng regalo ko sa kanya. Agad naman niya itong kinuha. [Translation: Happy Birthday, Zaito] "A-arigatou," nauut
NATIGILAN ako sa paglalakad ng maalala ang huling sinabi ni Marco sa akin kanina."Sa kanila. Hindi mo alam kung sino talaga sila, Mila.""Sino ba talaga sila?" tanong ko sa aking sarili.