IT'S already 11 p.m. and I'm still awake. Kakatapos ko lang mag-review ng mga previous lessons. Marami-rami na kasi ang na-miss kong lessons at saka malapit na rin ang Second Quarter Examination. Kaya kailangan kong doblehin ang pagre-review. Dahil kailangan kong maipasa ang exam.
I stretch my arms. Pagkatapos, nagligpit ng mga gamit at saka ibinalik ang mga 'yon sa kanilang kinalalagyan.
Natigilan ako ng buksan ko ang drawer. Nakatago ro'n ang sketchpad na bigay sa akin ni mama at isa 'yon sa natirang gamit sa nasunog naming bahay.
Kinuha ko 'yon at tinignan isa-isa ang mga sketch na gawa ko. Napapangiti ako tuwing maalala ang mga araw at lugar na ginawa ko ang mga 'yon. Madalas ko kasing i-sketch ang mga lugar na pinupuntahan ko.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang portrait. Niyakap ko 'yon ng napakahigpit at saka ipinikit ko ang aking mga mata. Unti-unting tumulo ang aking mga luha hanggang sa hindi ko na napigilan ang aking sarili sa pag-iyak. At ilang sandali pa, napahagulhol na ako. Nanginginig ang mga labi at kamay ko. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko rito.
Mama...
"16 FOR God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. 17 For God did not send his Son into the world to condemn the world, but—"
"—To save the world through him," (John 3:16-17) pagtapos ng isang boses ng lalaki sa aking binabasa. Nasa likuran ko siya ngayon.
Isinara ko ang aking bibiliya. Pagkatapos, tumayo ako at humarap sa kanya.
"Hi," nakangiting sabi ni Andrey sabay taas ng kanyang kanang kamay. Pagkatapos, umupo siya.
Inilibot ko ang aking tingin sa buong classroom. Mabuti nalang walang ibang tao maliban sa aming dalawa. Break time ngayin kaya nasa labas ang mga kaklase ko.
"Anong ginagawa mo rito?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
Yumuko siya sabay hawak sa kanyang batok. "Actually, I just want to invite you to go out for lunch."
Eh? Kahapon ko lang siya nakilala. Kahit na nakasabay ko na siyang mag-lunch nahihiya pa rin ako sa kanya.
Bigla siyang nagpa-cute kaya napa-oo na lang ako. At tuwang-tuwa naman siya.
Tumayo siya. "Susunduin kita after morning class," sabi niya. Kumaway siya at naglakad palabas ng classroom.
Tama ba ang narinig ko na susunduin niya ako after morning class?
Nanlaki ang aking mga mata. "T-teka! Sandali! Hindi mo naman ako kailangan—" Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko siya naabutan. "—Sunduin," sabi ko sa mahinang boses.
Nagkamot ako ng ulo. Lagot ako nito, pag-uusapan na naman ulit kami kapag nakita nila kaming magkasama ulit. Anong gagawin ko?
NANG tumunog na ang bell, nagmadali akong magligpit ng mga gamit. Baka kasi biglang dumating si Andrey para sunduin ako tulad ng sinabi niya kanina. At ayoko 'yon mangyari. Lagot talaga ako kapag nangyari 'yon.
Palabas na sana ako ng classroom nang biglang dumating si Andrey. Kaya natigilan ako saglit at nanlaki ang aking mga mata. Oh! My goodness! Hindi ko akalain na ang mapapaaga ang pagpunta niya rito. Wala ba silang pasok?
"Let's go?" he asked.
Tumango ako at saka ngumiti. Pagkatapos, nauna na siyang maglakad. Habang ako naman ay nakasunod lamang sa kanyang likuran. Medyo naiilang pa rin ako sa kanya dahil kakakilala lang namin kahapon.
Napayuko ako nang pinagtitinginan at pinag-uusapan kami ng lahat.
"Magkasama na naman ulit sila."
"Why she's tailing Andrey?"
"Bakit kaya sila magkasama?"
Kahit na nanlalambot ang aking mga tuhod, patuloy pa rin ako sa paglalakad. Sinundan ko si Andrey hanggang sa makalabas kami ng school gate.
Natigilan ako at napaawang ang aking mga labi nang makita ang isang kulay puting kotse na nakaparada sa harap ng eskwelahan. Diyan ba kami sasakay?
Nilapitan ni Andrey ang sasakyan at saka binuksan ang pinto. "Ladies first," nakangiti niyang sabi.
"O-okay," pautal-utal kong tugon at saka pumasok sa loob. At agad naman siyang sumunod.
Umupo ako sa pinakagilid na halos nakadikit na ako sa bintana. Totoo ba 'to? Nakasakay ako sa kotse ni Andrey?
"S-saan ba tayo pupunta? Kakain lang naman tayo, 'di ba?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang nadadaanan naming establishment. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa sobrang hiya.
"To my restaurant," Andrey answered.
Huh? Tama ba ang dinig ko? Restaurant niya?
Nilingon ko siya. "R-really?"
"Yes, it's my family business pero ako ang nagpapatakbo."
"Wow! You're too young to manage a business and you're still studying. Hindi ka ba nahihirapan o napapagod?"
"Nahihirapan at napapagod din minsan pero kailangan kong tiisin."
Mayamaya, narating namin ang sinasabi niyang restaurant. At agad kaming w-in-elcome ng mga staff.
Tinignan ko ang kabuuan ng resturant. Napakalaki at napakaganda nito. Pero ang nakapagtataka, wala ni isang tao ang kumakain.
"Bakit walang customer?" tanong ko sa aking sarili.
"Ipinasara ko 'tong restaurant para sa ating dalawa."
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwala na ginawa niya 'yon para sa akin.
Nilingon ko siya. "Pasensiya na kung kinailangan mong ipasara 'tong restaurant para sa 'kin."
"You don't need to apologize. It's my decision na ipasara 'tong restaurant at saka gusto ko lang gawin special ang araw na 'to." He winked at me.
Pero kasalanan ko pa rin. Hindi mo naman kailangan gawin special ang araw na 'to at saka wala naman special sa akin.
Pumunta kami sa gitna ng restaurant kung saan may naka-prepare na mga pagkain. Pinaupo niya ako. Pagkatapos, umupo na rin siya.
Napaawang ang mga labi ko at napalunok ako ng laway dahil sa dami ng mga nakahandang pagkain. Paano namin uubusin ang lahat ng 'to? At saka hindi naman ako malakas kumain.
"Shall we eat?" he asked.
"Uhm... Okay lang ba na magdasal muna tayo?" I asked.
"Sure," he replied.
Pagkatapos kong mag-lead ng prayer ay agad kaming kumain.
Ang sarap naman ng mga pagkain nila rito.
I swallowed my food. "Hindi ka ba malulugi sa pagpapasara mo nitong restaurant?" Seryoso kong tanong sa kanya.
He chuckled. "Bakit naman ako malulugi? Hindi lang naman 'to ang restaurant na meron ako."
He's right. Hindi naman siya malulugi dahil lang sa pagpapasara niya nito.
"Don't worry, isang oras lang naman 'to nakasara." He smiled.
"I see." Nginitian ko rin siya.
Ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain. Kaya naman pala ang taas ng kompiyansa niya sa sarili. Pero sayang pa rin ang isang oras. Malaki-laki na rin ang kikitain niya sa loob ng isang oras at saka lunch time pa.
"Can I ask you something?"
Natigilan ako at napaisip. Then, I swallowed my food and smile. " Sure!"
"Paano ka napadpad sa lugar na 'to? I mean, lumipat ba kayo ng pamilya mo rito?" He asked with a curious expression.
Nawala ang ngiti sa aking mukha. "My mom passed away last month. Kasama siya do'n sa nasunog naming bahay sa probinsiya. Kinuha ako ni auntie para manirahan kasama siya at saka siya rin ang nag-enroll sa akin—" natigilan ako nang mapansin ko na tumulo ang luha sa magkabila kong pisngi. Dali-dali kong 'tong pinunasan gamit ang aking mga kamay.
Natigilan si Andrey sa pagkain. "I'm sorry."
Umiling-iling ako. "Mabuti pa bilisan na natin ang pagkain. Baka ma-late pa tayo sa afternoon class natin," nakangiti kong sabi.
"You're right."
Ipinagpatuloy na namin ang pagkain at namayani ang katahimikan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Ayoko rin kasi siyang tanungin at saka wala rin akong maisip na puwedeng itanong sa kanya.
Pagkatapos naming kumain, agad kaming bumalik sa eskuwelahan at sinabayan niya ako sa paglalakad pabalik ng classroom.
"Maraming salamat nga pala sa pagkain. Nabusog ako ng husto sa dami ng nakain ko," nakangisi kong sabi. Pagkatapos, ngumisi rin siya.
"Mabuti naman at nabusog ka. Next time dadalhin kita sa ibang branch ng restaurant namin."
Nanlaki ang aking mga mata. "N-next time? Seryoso ka ba?"
"Yup! Next time."
"Huwag mong sabihin na ipapasara mo ulit ang restaurant mo para lang sa ating dalawa?" kunot-noo kong tanong.
"If you want."
Naningkit ang aking mga mata. "Huwag nalang tayong kumain kung ipapasara mo lang naman."
Tumawa siya ng malakas. Kaya naman napatingin ang mga estudyanteng nakatambay sa tabi ng hallway.
May nasabi ba akong nakakatawa? Parang wala naman, ah.
Binilisan ko ang aking paglalakad at iniwan ko si Andrey. Mayamaya, tumakbo siya.
"Sandali lang! Huwag mo naman akong iwan!"
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang kanang kamay habang pinipigilan ang sarili sa pagtawa. Ilang sandali pa, naabutan na niya ako.
"Ang bilis mo talagang maglakad," sabi niya habang hinihingal.
Tumigil siya at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Kaya naman natigilan din ako at nanlaki ang aking mga mata.
"Are you laughing?" He asked with a curious expression.
Umiling-iling ako habang nakatakip pa rin ang kanan kong kamay sa aking bibig. Pinipilit ko pa rin pigilan ang aking sarili sa pagtawa.
"Bakit mo tinatakpan ang iyong bibig kung hindi ka tumatawa?" kunot-noo niyang tanong.
Agad kong inalis ang kanan kong kamay kasabay ng pagsara ng aking bibig at saka umiling ulit.
Naningkit ang kanyang mga mata. "Talaga lang, ha?" Ibinalik niya ang kanyang tingin sa daan. Ilang sandali pa, nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.
Mayamaya, nakabalik na ako sa aking classroom. At agad naman siyang nagpaalam para bumalik na rin sa kanyang classroom.
Nang tuluyan akong makapasok, pinagtitinginan ako ng masama ng mga kaklase ko. Kaya naman natigilan ako saglit. Siguro galit sila dahil magkasama na naman ulit kami ni Andrey. Wala naman akong magawa para iwasan si Andrey at saka siya ang kusang lumapit sa akin. Ayoko naman siyang ipagtabuyan palayo.
Ganito ba talaga kalaki ang galit nila sa akin? Simula noong pumasok ako sa eskuwelahang ito, wala na silang ibang ginawa kung 'di pag-chismiss-an ako. Hindi pa ba sapat ang lahat ng 'yon?
Huminga ako ng malalim at saka nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa marating ko ang aking upuan. Paupo na sana ako sa aking silya ng biglang may humawak sa aking braso. Kaya naman natigilan ako at napalingon. Laking gulat ko ng makita ang isa sa mga kaklase kong babae na siyang nakahawak sa aking braso.
"At ano naman sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ng kaklase kong babae. Bakas sa kanyang mukha ang galit.
Nilingon ko ang aking mga kaklase. Pinagtitinginan lang nila kami. Wala man lang silang ginawa.
"A-anong ibig mong sabihin?" pautal-utal kong tanong sa kanya.
Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso. Kaya naman napangiwi ako sa sakit.
"Ano ba? Nasasaktan ako." Sinusubukan kong alisin ang kanyang kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa aking braso.
Ano bang problema ng babaeng 'to? Ganito ba siya ka obsessed kay Andrey para saktan ako?
"Layuan mo si Andrey. Kung hindi, hindi lang ito ang aabutin mo!" pasigaw niyang sabi.
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi.
"Anong nangyayari dito?" tanong ng isang boses ng babae na nagmula sa pintuan.
Napalingon kaming lahat at laking gulat ng makita ang guro namin. Agad namang binitawan ng kaklase kong babae ang aking braso. Hindi namin namalayan na tumunog na pala ang bell.
"Wala po ma'am. Nag-uusap lang po kami," nakangiting tugon ng kaklase ko. Pagkatapos, nilingon niya ako. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabi niya na sumang-ayon ako sa kanya.
Ayoko sanang magsinungaling pero kailangan, eh.
Tumango-tango ako.
"Okay, go back to your seats," sabi ng guro namin. At agad na nagsiupo ang iba kong mga kaklase.
Bago pa ako makaupo, binulungan ako ng kaklase kong babae. "Hindi pa tayo tapos." Agad naman siyang bumalik sa kanyang upuan.
Napalunok ako ng laway sa sinabi niyang 'yon. Dahan-dahan akong napaupo sa aking silya. Pagkatapos, ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng paghinga ko ng malalim. Mali ata tong pinasukan kong eskwelahan.
Binuksan ko ang aking bag at kinuha ang kakailanganin kong mga gamit tulad ng libro, notebook, at isang ballpoint pen. Bubuklatin ko na sana ang aking libro nang makaramdam ako ng kakaiba. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Kaya natigilan ako saglit at napaisip.
Napabuntong-hininga ako at saka binuklat ang aking libro.
"ARE you okay?" tanong ni Andrey. Nakaupo siya ngayon sa aking harapan. Nandito kami ngayon sa ice cream parlor kung saan niya ako dinala kahapon."O-oo," tugon ko sabay angat ng aking ulo."Kanina ka pa wala sa 'yong sarili. May gumugulo ba sa 'yong isipan?" seryosong tanong ni Andrey.
"I'M really sorry dahil iniwan kita kahapon ng hindi nagpapaalam," nakayukong paghingi ng tawad ni Andrey habang nakahawak sa kanyang batok. Nakaupo siya ngayon sa harap ko. Nandito kami ngayon sa paborito kong lugar kung saan ako nanananghalian. Umiling-iling ako. Nilunok ko muna ang pagkain at saka ngumiti. "It's okay." Kinuha ko ang paper bag na nasa tabi ko. Naglalaman ito ng uniform at bath towel na ipinahiram niya sa akin kahapon. "Thank you nga pala dito." Iniabot ko 'yon sa kanya at agad naman niya itong kinuha.
PAGKATAPOS kong mananghalian, dumiretso ako sa library. Naisipan ko kasing magbasa ng libro. Abala kasi sina Andrey at Kira ngayon. Nagmadali nga silang umalis kanina pagkatapos nilang kumain.
NAKAYUKO ako habang naglalakad sa hallway dahil sa pinagtitinginan ng mga estudyante. "Anong meron?" "Bakit kaya sila magkasama ni Zaito?"
NAKAYUKO ako habang nakaupo sa sahig. Pinagmamasdan ang nakakalat kong buhok. Mayamaya pa, ipinikit ko ang aking mga mata. Pagkatapos, hinawakan ko ang aking buhok na hanggang balikat na lamang. Dati hanggang baywang ko pa ang buhok ko pero ngayon-Bigla kong naaalala si mama. Madalas niya kasing suklayan at ayusin ang buhok ko noon.
YUMUKO si James at pinagmasdan ang mga pinamili kong frames."Gagamitin ko ang mga frame na 'to sa water color paintings ko," nakangiti kong sabi.Napaawang ang mga labi niya. "Wow! Isa ka rin palang artist, kaya naman pala. Ang akala ko talaga mahilig ka lang sa art."
ILANG araw na lang Second Quarter Examination na. Abala ang lahat sa pagre-review. Hindi ko na rin nakakasabay sina Andrey, Kira at Zaito during lunch break at saka hindi na rin nila ako hinahatid sa bus stop. Napapadalas na rin ang pananatili ko sa library para mag-review. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog. Humikab ako ng malakas at naluluha ang aking mga mata. Pagkatapos, kinusot-kusot ko ang aking mga mata at saka nagpatuloy sa pagre-review. Malapit na akong matapos kaya titiisin ko muna 'tong antok ko.
IT'S my first time na may mga taong lumapit sa akin para hingan ng tulong. Kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na tulungan sila.Pagkatapos ng klase, dumiretso kami sa isang bakanteng kuwarto. Tumigil kami sa tapat ng pinto na nasa pinakadulo ng hallway. Tinignan ko ang buong labas nito. Tinatakpan ng newspaper ang bintana kaya hindi mo makikita ang loob nito.
A YEAR later... Ito ang araw na pinakakatakutan ko. Natatakakot ako na baka mangyari ulit ang nangyari sa akin no'ng unang araw na pumasok ako sa Angel Clever University. Natatakot ako na hindi nila magustuhan. "Transfer student?" "Baka naman nagkamali lang siya ng pinuntahan." "My gosh! Hindi siya nababagay sa school na 'to." "Mas makabubuti sigurong bumalik na lang siya sa pinanggalingan niya." Huminga muna ako ng malalim bago inayos ang sarili sa harap ng salamin at ikabit ang name plate ko. Nakasuot ako ngayon ng white coat, white long sleeved blouse, white ribbon, white skirt, white knee socks and white shoes. Isa na ako sa tinatawag nilang Angel. Hindi ko pa rin lubos maisip na isa na ako sa kanila at saka
9 LOVE must be sincere. Hate what is evil; cling to what is good. 10 Be devoted to one another in love. Honor one another above yourselves. 11 Never be lacking in zeal, but keep your spiritual fervor, serving the Lord. 12 Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer. 13 Share with the Lord's people who are in need. Practice hospitality.14 Bless those who persecute you; bless and do not curse. 15
"IKAW nga! Kumusta ka na?" tanong ni Aling Leonora. Pagkatapos, lumapit siya sa akin."Ayos naman po ako," nakangiti kong tugon."Mabuti naman kung ganoon. Pagkatapos ng lahat ng nangyari..."
IT'S already 11 p.m. and I'm still awake. Hindi kasi ako makatulog dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Alyssa tungkol sa mga lalaking Angel.Talaga bang nag-aalala sila sa akin no'ng time na 'yon? Nagbago na nga ba talaga sila? Posible rin kayang matagal na ang mga litratong s-in-end sa akin?
IT'S already 7 a.m. pero nakahiga pa rin ako sa kama at nakatitig sa kisame. Wala akong ganang pumasok ngayon at saka ayokong makita ang mga pagmumukha ng mga lalaking Angel. Mas makabubuti sigurong bumalik na lamang ako sa probinsiya. Total do'n naman ako nababagay. Pinagsisihan kong hindi ak
NATIGILAN ako nang makita ang isang maliit na papel sa ibabaw ng mesa. Tinitigan ko muna ito bago kinuha at binasa kung ano ang nakasulat.
"ANONG ginagawa mo rito? Wala ka bang gagawin?" tanong ni Zaito."Kakatapos ko lang mag-pinta," tugon ko sabay upo sa tabi niya. "Ikaw, anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba naiinitan?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga halaman na nasa aming harapan."Nah, mas presko pa nga, eh," tugon niya.
"OTANJOUBI omedeto, Zaito-chan," nakangisi kong pagbati sabay abot ng regalo ko sa kanya. Agad naman niya itong kinuha. [Translation: Happy Birthday, Zaito] "A-arigatou," nauut
NATIGILAN ako sa paglalakad ng maalala ang huling sinabi ni Marco sa akin kanina."Sa kanila. Hindi mo alam kung sino talaga sila, Mila.""Sino ba talaga sila?" tanong ko sa aking sarili.