"ARE you okay?" tanong ni Andrey. Nakaupo siya ngayon sa aking harapan. Nandito kami ngayon sa ice cream parlor kung saan niya ako dinala kahapon.
"O-oo," tugon ko sabay angat ng aking ulo.
"Kanina ka pa wala sa 'yong sarili. May gumugulo ba sa 'yong isipan?" seryosong tanong ni Andrey.
"W-wala. May naalala lang ako," nakangiti kong tugon.
Mayamaya, ipinagpatuloy ko na ulit ang pagsubo ng ice cream. Nakakalahati na si Andrey habang ako naman ay naka-isang subo pa lang.
Bigla akong natigilan nang maalala ang sinabi ng kaklase ko kanina. Ang totoo, tinanggihan ko ang alok ni Andrey kanina. Ayoko kasing magalit ulit ang mga kaklase ko sa akin. Pero wala akong nagawa no'ng hinila niya ako papunta dito sa ice cream parlor. Ewan ko ba sa kanya. Napakahilig niyang manghila.
Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo dahil ayokong mag-alala siya sa akin.
Napakunot-noo ako nang tinitigan niya ako. Pagkatapos, ngumiti siya.
May dumi ba sa mukha ko?
Agad kong kinuha ang aking salamin sa loob ng bag at tinignan ang sarili kung may dumi ba. Wala naman, ah. Pinagti-trip-an lang 'ata ako ng taong 'to.
Tinignan ko muna si Andrey bago ibinalik ang salamin sa loob ng aking bag. Pagkatapos, ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain ng ice cream.
Bigla siyang tumawa. Kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. Anong problema ng taong 'to?
Hindi ko na lang siya pinansin. Ipinagpatuloy ko na lang ulit ang pagkain. At nang matapos ay agad niya akong hinatid sa bus stop kagaya ng paghatid niya sa akin kahapon.
NAKAYUKO akong naglalakad papasok ng classroom habang pinagtitinginan ako ng masama ng mga kaklase ko. Para silang tigre na ilang sandali lang ay puwede nila akong lapain. Siguro nakita nila kaming dalawa ni Andrey na magkasama ulit. Kaya galit na galit sila ngayon sa akin.
Muntikan na akong madapa dahil sa sobrang kaba. Baka kasi kung ano ang gagawin nila sa akin.
Ilang sandali pa, mas lalo akong kinabahan nang sinalubong ako ng isa sa mga kaklase kong babae. Siya rin 'yong taong pinagbantaan ako. Hindi ko matandaan kung ano ang pangalan niya. Hindi ko kasi pina-familiarize ang mga pangalan ng mga taong hindi malapit sa 'kin.
My goodness! Sigurado akong lagot ako nito. Napapikit ako sandali at nagdasal.
Idinilat ko ang aking mga mata nang bigla siyang magsalita. Huh?
"Magkita tayo sa school garden malapit sa fish pond pagkatapos ng klase," sabi niya at agad naman siyang umalis.
Sinundan ko siya ng tingin. Pagkatapos, bumuntong-hininga ako sabay hawak sa aking dibdib. Kinabahan ako do'n, ah. Akala ko talaga kung ano na ang gagawin niya sa akin. Pero mas kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. Wala akong ideya kung bakit niya gustong makipagkita sa akin pagkatapos ng klase.
Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Pagkatapos, umupo ako sa aking silya at inihiga ang aking ulo sa ibabaw ng mesa. Anong gagawin ko? Pupunta ba ako o hindi?
"HINDI ka rin marunong makinig eh, no?" galit na tanong ng kaklase kong babae. Kaharap ko siya ngayon at nakatalikod naman ako sa fish pond.
Hindi ako makasagot dahil sa sobrang kaba. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya pero hindi ko magawa. Dahil nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang takot ko sa kanya.
Ilang sandali pa, dumating ang lima kong kaklaseng babae. Tinignan ko sila isa-isa.
"Ano kayang magadang gawin sa kanya?" nakangiting tanong ng isa kong kaklase habang nakaharap sa akin.
Napaisip ang isa ko pang kaklase. "Ano kaya?" tanong niya habang nakahawak sa kanyang baba.
"May maganda akong naisip," nakangiting tugon ng kaklase ko na siyang nagpapunta sa 'kin dito.
Mayamaya, naglakad sila palapit sa akin ng dahan-dahan. Kaya naman dahan-dahan din akong napaatras. Natigilan ako sa pag-atras nang muntikan na akong mahulog sa fish pond. Pagkatapos, tumigil din sila sa paglapit sa akin.
Nanlaki ang aking mata nang ngumiti ulit sila. Iba ang kutob ko sa ngiti nila. Para bang may pinaplano silang masama sa 'kin.
Bigla kong naalala ang mga taong nam-bully sa akin noon. Ang mga ngiti nila ay parehong-pareho.
They extended their arms and pushed me. Kaya naman nahulog ako sa fish pond at nabasa ang buo kong katawan pati na rin ang aking sling bag. Pagkatapos, tumawa sila ng malakas.
"Dapat lang 'yan sa 'yo!"
"Kung ako pa sa 'yo titigil na ako sa pag-aaral at bumalik sa pinanggalingan ko."
"You're not suited for this place."
"You should know your limit."
Iniyuko ko ang aking ulo. Ayokong makita ang kanilang mga mukha habang tumatawa ng malakas.
Bakit ba nila ginagawa 'to sa 'kin? Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng mga kaibigan. Hindi pa ba sapat ang masasakit na mga salitang binibitawan nila?
Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng bumalik sa probinsiya at mamuhay ng mag-isa.
Niyakap ko ang aking sarili at pinipigilan ang pag-iyak.
"Mila!" sigaw ng isang lalaki. Pamilyar ang boses niyang 'yon.
Iniangat ko ang aking ulo at laking gulat ko nang makita si Andrey na tumatakbo palapit sa amin.
"Andrey?"
"Anong ginagawa niya rito?"
"Paano niya nalaman na nadito tayo?"
"Mabuti pa, umalis na tayo."
Agad na nagsitakbuhan ang mga kaklase kong babae. Habang ako naman ay nakaupo pa rin.
Nang makalapit sa akin si Andrey ay agad niyang iniabot kanyang kamay. "Tulungan na kita."
Tinignan ko lang sa mga mata. It's my first time na may taong nag-abot ng kanyang kamay para tulungan ako. I'm so happy na nagkaroon ako ng isang kaibigan na tulad ni Andrey.
I smiled at him at saka hinawakan ang kanyang kamay. Tinulungan niya akong makaahon mula sa fish pond.
"Thank you," pasasalamat ko sa kanya. Pagkatapos, nginitian niya ako.
"Are you okay?" tanong niya at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.
"Yup. Ang totoo niyan nag-enjoy pa nga ako. Ang sarap palang maligo kasama ang mga isda," pagpapatawa ko.
He giggled. "Mabuti pa hubarin mo na 'yang suot mong coat."
Tumango ako at agad ko namang hinubad ang aking coat. Tinitigan niya ako sa may dibdib kaya naman napakunot-noo ako. Pagkatapos, tumingin siya sa ibang direksiyon.
Anong problema niya? Yumuko ako at napatingin sa aking dibdib. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang pang-ilalim kong suot. Dali-dali kong tinakpan ang aking dibdib gamit ang coat. Bigla namang uminit ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa sobrang hiya. Ilang sandali pa, bigla akong napahatsing. Nanginginig akong buo kong katawan dahil sa malakas na ihip ng hangin. Niyakap ko ang aking sarili. Pagkatapos, nilingon niya ako.
"May dala ka bang extra na damit?" tanong niya.
Umiling-iling ako. Hindi ako makapagsalita dahil sa panginginig ng labi ko.
"Dumiretso ka na lang sa shower room. Kukuha lang ako ng uniform at saka towel," sabi niya. Pagkatapos, naglakad siya palayo.
Bago siya tuluyang makalayo, tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako at saka humingi ng tawad sa nangyari.
Umiling ako. "W-wala kang kasalanan," paputol-putol kong sabi at saka ngumiti. Pagkatapos, nginitian niya rin ako.
Mayamaya, nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad. Habang ako naman ay nagmadaling pumunta sa shower room. Mabuti na lang uwian na at wala gaanong tao. Nakakahiya kasi baka may makakita sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyang makapasok sa loob ng shower room. At saka wala rin tao sa loob kaya walang makakakita sa akin.
Ni-lock ko ang pinto para walang ibang makapasok. Hinubad ko ang aking sling bag at ch-in-eck ko kung okay lang ba ang mga gamit ko.
Napabuntong-hininga ako. Mabuti na lang hindi nabasa ang laman ng bag ko.
Mayamaya, biglang may kumatok sa pinto. Kaya naman napalingon ako sa pintuan.
"Andrey? Ikaw ba 'yan?" tanong ko.
Nagtaka ako dahil hindi siya sumagot. Sa halip, kumatok siya ulit. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at saka binuksan ito ng bahagya para silipin kung sino ang nasa labas. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Nakasuot siya ng uniform na kaparehong-kapareho kay Andrey. Medyo may kahabaan ang kanyang buhok at may nakasabit na headphone sa kanyang leeg.
Inabutan niya ako ng malaking paper bag na ikinagulat ko. Tinignan ko muna 'yon bago tuluyang kinuha.
"Thank you," pasasalamat ko sa kanya. Pagkatapos, ni-lock ko ulit ang pinto.
Nakakapagtataka, sino kaya ang lalaking 'yon? Base sa suot niya, tiyak na magkaklase sila ni Andrey.
Tinignan ko ang laman ng paper bag. Laking gulat ko nang makita ang isang set ng uniform at saka bath towel. Kaparehong-kapareho 'yon sa suot kong uniform. Saan naman kaya niya nakuha 'to?
Dali-dali akong nag-shower. Pagkatapos, isinuot ko ang uniform na iniabot sa akin no'ng lalaki kanina at saka nag-ayos.
"Ang galing! Kasyang-kasya sa akin ang uniform na 'to," pagkamangha kong sabi habang nakaharap sa salamin. Pagkatapos, isinilid ko ang mga basa kong damit at saka towel sa loob ng paper bag.
Agad akong lumabas ng shower room sabay suot ng aking sling bag. Laking gulat ko nang bumungad ang mukha ng isang 'di kilalang tao. Sa tingin ko siya rin 'yong nag-abot sa 'kin nitong malaking paper bag. Hindi ako sigurado kung siya ba 'yon dahil nakatalikod siya kanina kaya hindi ko nakita ang kanyang mukha. Ang natatandaan ko lang ay ang nakasabit na headphone sa kanyang leeg. Nakapamulsa 'to at walang emosyon ang kanyang mukha. Hindi katulad ni Andrey na palangiti.
"Ako na muna ang maghahatid sa 'yo sa bus stop," sabi niya. Pagkatapos, naglakad na siya palayo.
Sandali akong natulala at hindi nakasagot. Akala ko pipi siya kaya hindi siya nakasagot kanina. Nagtitipid lang 'ata siya ng laway.
Natigilan siya at nilingon ako. Kaya dali-dali akong naglakad at sumunod sa kanya. Hindi ko magawang sumabay sa kanya dahil sa mabilis siyang maglakad. Nakalimutan na 'ata niya na babae ang kasama niya.
"H-indi mo naman kailangang ihatid ako."
Hindi niya ako pinakinggan. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Huminto ako sa paglalakad. Pagkatapos, kumunot-noo ako. Ano ba kasing problema niya? Baka naman napipilitan lang siya. Ayaw niya lang sabihin sa akin.
Mayamaya, nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Binilisan ko ang paglalakad para maabutan ko siya pero iba ang nangyari. Nadapa ako at napa-aray sa sakit. Umupo ako at hinawakan ang aking tuhod kung saan masakit at mahapdi.
Agad naman niya akong nilapitan at tinignan kung gaano kalaki ang aking sugat.
"Huwag mo akong alalahanin. Maliit na galos lang 'to," nakangiti kong sabi. Pagkatapos, sinubukan kong tumayo pero nawalan ako ng balanse. Sinalo niya ako at napayakap naman ako sa kanya.
Nanlaki ang aking mga mata at agad na umatras. "P-pasensiya na," paghingi ko ng tawad sa kanya.
Tinitigan niya ako kaya napayuko ako. Ano ba kasing ginagawa mo, Mila? Mag-ingat ka naman. Nakakahiya ka, eh.
Pinaupo niya ako sa isang tabi. "Dumito ka muna, kukuha lang ako ng gamot para sa sugat mo," sabi niya at agad naman siyang umalis. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palayo sa akin.
"Akala ko talaga masungit siya."
Niyakap ko ang aking magkabilang tuhod at napaisip. Nasaan kaya si Andrey? Wala man lang siyang sinabi.
Mayamaya, bumalik siyang may dala-dalang first aid kit. Pumunta siya sa harapan ko at iniluhod ang isa niyang tuhod.
"Ako na ang gagamot," sabi ko sa kanya. Sinubukan kong agawin ang first aid kit sa kanya pero hindi ko nagawa. Pa'no ba naman kasi, tinignan niya ako ng masama. Nakakatakot!
Hiniyaan ko na lang siya na gamutin ang sugat sa aking tuhod.
Nanlaki ang aking mga mata at uminit ang aking pisngi nang itinaas niya ang palda ko. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang paper bag. Nakakahiya talaga.
Pagkatapos niyang gamutin ang aking sugat, agad siyang tumayo. Kaya naman inalis ko ang paper bag sa pagkakatakip sa aking mukha. Pagkatapos, tinignan ko ang aking tuhod. Natigilan ako saglit nang makita ang band aid na nilagay niya.
I giggled. Ang cute naman ng design.
Tumingala ako sa kanya. "T-thank you." I smiled.
Tumayo ako at sinubukang maglakad. Nakakapaglakad na ako ng maayos at saka hindi na gaanong masakit at mahapdi.
Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Binagalan niya ang kanyang paglalakad at sinabayan ako. Hindi katulad kanina na wala siyang pakialam kung may kasama siyang iba.
Katulad ng sinabi niya kanina, hinatid niya ako sa bus stop at sinamahan niya ako sa paghihintay.
Ako na yata ang pinakama-swerteng babae sa mundo. Ang ga-guwapo kasi ng mga kaibigan ko.
"I'M really sorry dahil iniwan kita kahapon ng hindi nagpapaalam," nakayukong paghingi ng tawad ni Andrey habang nakahawak sa kanyang batok. Nakaupo siya ngayon sa harap ko. Nandito kami ngayon sa paborito kong lugar kung saan ako nanananghalian. Umiling-iling ako. Nilunok ko muna ang pagkain at saka ngumiti. "It's okay." Kinuha ko ang paper bag na nasa tabi ko. Naglalaman ito ng uniform at bath towel na ipinahiram niya sa akin kahapon. "Thank you nga pala dito." Iniabot ko 'yon sa kanya at agad naman niya itong kinuha.
PAGKATAPOS kong mananghalian, dumiretso ako sa library. Naisipan ko kasing magbasa ng libro. Abala kasi sina Andrey at Kira ngayon. Nagmadali nga silang umalis kanina pagkatapos nilang kumain.
NAKAYUKO ako habang naglalakad sa hallway dahil sa pinagtitinginan ng mga estudyante. "Anong meron?" "Bakit kaya sila magkasama ni Zaito?"
NAKAYUKO ako habang nakaupo sa sahig. Pinagmamasdan ang nakakalat kong buhok. Mayamaya pa, ipinikit ko ang aking mga mata. Pagkatapos, hinawakan ko ang aking buhok na hanggang balikat na lamang. Dati hanggang baywang ko pa ang buhok ko pero ngayon-Bigla kong naaalala si mama. Madalas niya kasing suklayan at ayusin ang buhok ko noon.
YUMUKO si James at pinagmasdan ang mga pinamili kong frames."Gagamitin ko ang mga frame na 'to sa water color paintings ko," nakangiti kong sabi.Napaawang ang mga labi niya. "Wow! Isa ka rin palang artist, kaya naman pala. Ang akala ko talaga mahilig ka lang sa art."
ILANG araw na lang Second Quarter Examination na. Abala ang lahat sa pagre-review. Hindi ko na rin nakakasabay sina Andrey, Kira at Zaito during lunch break at saka hindi na rin nila ako hinahatid sa bus stop. Napapadalas na rin ang pananatili ko sa library para mag-review. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog. Humikab ako ng malakas at naluluha ang aking mga mata. Pagkatapos, kinusot-kusot ko ang aking mga mata at saka nagpatuloy sa pagre-review. Malapit na akong matapos kaya titiisin ko muna 'tong antok ko.
IT'S my first time na may mga taong lumapit sa akin para hingan ng tulong. Kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na tulungan sila.Pagkatapos ng klase, dumiretso kami sa isang bakanteng kuwarto. Tumigil kami sa tapat ng pinto na nasa pinakadulo ng hallway. Tinignan ko ang buong labas nito. Tinatakpan ng newspaper ang bintana kaya hindi mo makikita ang loob nito.
MADALING araw na akong natulog para lang gumawa ng maliit na kahon at magsulat ng letter. Pero kahit na gano'n maaga pa rin akong nagising at pumasok sa eskuwela.Pagkapasok ko ng classroom, agad akong dumiretso sa puwesto kung saan umuupo si Mara. Kinuha ko mula sa loob ng aking bag ang isang maliit na kahon, kulay itim na may kulay puting ribbon. Naglalaman 'to ng eyeglasses na kaparehong-kapareho sa kanya at isang sulat.
A YEAR later... Ito ang araw na pinakakatakutan ko. Natatakakot ako na baka mangyari ulit ang nangyari sa akin no'ng unang araw na pumasok ako sa Angel Clever University. Natatakot ako na hindi nila magustuhan. "Transfer student?" "Baka naman nagkamali lang siya ng pinuntahan." "My gosh! Hindi siya nababagay sa school na 'to." "Mas makabubuti sigurong bumalik na lang siya sa pinanggalingan niya." Huminga muna ako ng malalim bago inayos ang sarili sa harap ng salamin at ikabit ang name plate ko. Nakasuot ako ngayon ng white coat, white long sleeved blouse, white ribbon, white skirt, white knee socks and white shoes. Isa na ako sa tinatawag nilang Angel. Hindi ko pa rin lubos maisip na isa na ako sa kanila at saka
9 LOVE must be sincere. Hate what is evil; cling to what is good. 10 Be devoted to one another in love. Honor one another above yourselves. 11 Never be lacking in zeal, but keep your spiritual fervor, serving the Lord. 12 Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer. 13 Share with the Lord's people who are in need. Practice hospitality.14 Bless those who persecute you; bless and do not curse. 15
"IKAW nga! Kumusta ka na?" tanong ni Aling Leonora. Pagkatapos, lumapit siya sa akin."Ayos naman po ako," nakangiti kong tugon."Mabuti naman kung ganoon. Pagkatapos ng lahat ng nangyari..."
IT'S already 11 p.m. and I'm still awake. Hindi kasi ako makatulog dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Alyssa tungkol sa mga lalaking Angel.Talaga bang nag-aalala sila sa akin no'ng time na 'yon? Nagbago na nga ba talaga sila? Posible rin kayang matagal na ang mga litratong s-in-end sa akin?
IT'S already 7 a.m. pero nakahiga pa rin ako sa kama at nakatitig sa kisame. Wala akong ganang pumasok ngayon at saka ayokong makita ang mga pagmumukha ng mga lalaking Angel. Mas makabubuti sigurong bumalik na lamang ako sa probinsiya. Total do'n naman ako nababagay. Pinagsisihan kong hindi ak
NATIGILAN ako nang makita ang isang maliit na papel sa ibabaw ng mesa. Tinitigan ko muna ito bago kinuha at binasa kung ano ang nakasulat.
"ANONG ginagawa mo rito? Wala ka bang gagawin?" tanong ni Zaito."Kakatapos ko lang mag-pinta," tugon ko sabay upo sa tabi niya. "Ikaw, anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba naiinitan?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga halaman na nasa aming harapan."Nah, mas presko pa nga, eh," tugon niya.
"OTANJOUBI omedeto, Zaito-chan," nakangisi kong pagbati sabay abot ng regalo ko sa kanya. Agad naman niya itong kinuha. [Translation: Happy Birthday, Zaito] "A-arigatou," nauut
NATIGILAN ako sa paglalakad ng maalala ang huling sinabi ni Marco sa akin kanina."Sa kanila. Hindi mo alam kung sino talaga sila, Mila.""Sino ba talaga sila?" tanong ko sa aking sarili.