Share

Chapter 5: Chocolate Bar

Author: Li'l Lily
last update Huling Na-update: 2020-08-30 09:38:58

"I'M really sorry dahil iniwan kita kahapon ng hindi nagpapaalam," nakayukong paghingi ng tawad ni Andrey habang nakahawak sa kanyang batok. Nakaupo siya ngayon sa harap ko. Nandito kami ngayon sa paborito kong lugar kung saan ako nanananghalian.

Umiling-iling ako. Nilunok ko muna ang pagkain at saka ngumiti. "It's okay." Kinuha ko ang paper bag na nasa tabi ko. Naglalaman ito ng uniform at bath towel na ipinahiram niya sa akin kahapon. "Thank you nga pala dito." Iniabot ko 'yon sa kanya at agad naman niya itong kinuha.

"You're welcome," nakangiti niyang tugon.

Nagtaka ako dahil wala siyang dala na pagkain at magulo ang kanyang buhok.

"Are you okay?" I asked.

"Yes, of course!" he replied.

Napakunot-noo ako. "Talaga lang, ha?"

Nagpatuloy na ulit ako sa pagsubo ng pagkain. Halata namang hindi siya okay. Dine-deny niya lang. Ayaw lang yata niyang sabihin sa akin ang problema niya.

"Kumusta pala kayo ni Kira kahapon? Hinatid ka ba niya?"

Natigilan ako sa pagkain. Kira? Siya ba 'yong lalaki na nag-abot sa akin no'ng paper bag? Hindi kasi siya nagpakilala sa akin kahapon kaya hindi ko alam ang pangalan niya.

"Okay lang naman. Hinatid niya ako kahapon," nakangiti kong tugon. "He's quiet but kind person," pahabol ko. Pagkatapos, ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain.

"Eh?" Laking gulat niya sa sinabi ko.

May nakakagulat ba sa sinabi ko? Hindi ba gano'n si Kira kapag kasama niya?

Mayamaya, tumawa siya ng malakas. Kaya naman natigilan ulit ako sa pagkain. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Ang weird naman ng taong 'to.

Ilang sandali pa, tumigil na siya sa pagtawa. "Mabuti naman at kung gano'n," nakangiti niyang sabi.

I smiled. "Don't overwork yourself. You need to take a rest."

Natigilan siya saglit. Pagkatapos, iniyuko niya ang kanyang ulo at huminga ng malalim. "Yeah, you're right."

"Ang makina nga napapagod, tayo pa kaya na tao lang. Huwag mong pabayaan ang sarili mo dahil lamang sa marami kang ginagawa. Kailangan mo rin magpahinga. Puwede ka rin namang humingi ng tulong sa mga taong malapit sa 'yo. Tulad ng pamilya mo, kaibigan mo o ako. Hindi naman sa mababawasan ang loads ng work mo, pero kaya ka namin tulungan sa ibang bagay," nakangiti kong sabi.

Nilapitan ko siya at inayos ang magulo niyang buhok. Ang cute! Para siyang bata na inaayusan ng buhok ng nakakatanda niyang kapatid.

Natigilan ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Pagkatapos, iniangat niya ang kanyang mukha. Kaya naman nagtama ang aming mga mata.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso at uminit ang aking pisngi. Kaya naman nagmadali akong bumalik sa aking puwesto. Iniyuko ko ang aking ulo at nagpatuloy sa pagkain. Ano na naman ba ang ginagawa mo, Mila?

He giggled. Kaya naman natigilan ako sa pagkain at nag-angat ng mukha. Then, he looks at me with a killer smile.

Umiwas ako ng tingin at binilisan ko ang pagsubo ng pagkain. Bakit ba kasi ang cute niya?

"Hinay-hinay lang sa pagsubo ng pagkain baka mabilaukan ka," sabi ni Andrey. Kaya naman natigilan ako sa pagsubo ng pagkain.

"By the way, hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kanya.

"Kumain ako ng tinapay bago pa man ako pumunta rito," tugon niya.

"Hindi ka mabubusog kapag tinapay lamang ang kakainin mo."

"Oo pero mabubusog na ako kahit titigan lamang kita," nakangiti niyang sabi. Pagkatapos, kinindatan niya ako.

Muntikan na akong mabilaukan dahil sa sinabi niya. Agad akong uminom ng tubig at saka nagligpit ng pinagkainan.

"Teka, tapos ka ng kumain?" nagtataka niyang tanong.

Tumango-tango ako. Ang totoo niyan nawala na ako ng ganang kumain. Kung anu-ano kasi ang pinagsasabi ng lalaking 'to. Pero kinilig ako do'n sa sinabi niya.

Mayamaya, inilabas ko ang aking bibliya at saka binuklat 'yon. May 30 minutes pa kasi bago mag-umpisa ang afternoon class namin. Wala rin kasi ako ibang gagawin rito. Ayoko na rin kasing kumain. Sayang naman ang oras.

May sinasabi si Andrey sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako sa pagbabasa.

Natigilan ako sa pagbabasa nang bigla siyang tumabi sa akin. Pagkatapos, humikab siya ng malakas. At laking gulat ko nang inihiga niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

"A-andrey?"

Nagtaka ako dahil hindi siya sumagot. Kaya naman sinilip ko ang mukha niya. Mahimbing siyang natutulog. Mukhang pagod na pagod nga siya dahil ang bilis niyang nakatulog.

Napangiti ako bigla. Ang cute niya talaga.

NAGMADALI akong tumakbo pabalik sa classroom. Hindi ko kasi namalayan ang pagtunog ng bell. Mabuti na lang dumating si Kira. Pinakiusapan ko siya na samahan si Andrey at hintayin niya itong magising. Ayoko kasing iwan si Andrey na mag-isa sa lugar na 'yon. Baka kasi kung ano pa ang mangyari sa kanya. Lalo na't marami ang mga puno ro'n at malayo sa mga estudyante.

Tumigil ako sa pagtakbo nang marating ko ang classroom. Huminga muna ako ng malalim. Pagkatapos, sumilip ako para alamin kung nasa loob na ba ang guro namin.

Nakahinga ako ng maluwag at tuluyang pumasok sa loob. Wala pa kasi ang guro namin, which is the good thing. Hindi kasi ako mapapagalitan dahil sa late na akong pumasok sa klase niya. Ayoko kasing mangyari ulit 'yong nangyari no'ng first day ko rito. Nakakahiya talaga!

Natigilan ako nang sinalubong ako ng mga kaklase kong babae. Sila rin 'yong mga babae na tumulak sa akin sa fish pond kahapon. Masama ang kutob ko sa kanila. Sigurado akong may gagawin na naman silang 'di maganda sa akin sa araw na 'to.

"Kumusta nga pala ang pagligo mo sa pond kahapon? Masaya bang maligo kasama ang mga isda ro'n?" pabirong tanong ng kaklase kong babae na siyang nag-invite sa akin ro'n.

Nagtawanan sila ng malakas. Kaya naman kumunot-noo ako at kinuyom ang mga kamao ko, halos bumaon na ang aking mga kuko sa palad. 'Yong takot na nadarama ko noon ay napalitan ng puot at galit ngayon. Naiinis ako dahil hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila. Pinalaki kasi ako ni mama ng may mabuting puso at kahit na kailan hindi ko nagawang magalit ng ganito. Hindi ko rin ginagantihan ang mga taong nananakit sa akin.

Lumapit siya sa akin at saka bumulong sa aking tainga. "Huwag kang ambisyosa dahil lamang sa tinulungan ka nila. Lagi mong tatandaan, ang demonyo ay mapanlinlang."

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin? Sinong demonyo ang tinutukoy niya?

"Hindi pa kami tapos sa 'yo," dagdag niya. Pagkatapos, bumalik na sila sa kani-kanilang upuan. Habang ako naman ay nanatiling nakatayo. Sinusubukan kong intindihin ang mga sinabi niya.

Sina Andrey at Kira ba ang tinutukoy niya?

I shake my head. Impossible! Hindi nila 'yon magagawa. Hindi ko talaga maintindihan. May tinutukoy ba siyang iba?

Mayamaya, umupo na ako sa aking silya at nilingon siya. Nakangiti ito habang nakahiga ang kanyang ulo sa kanyang palad.

PAGKATAPOS ng klase, agad kong niligpit ang mga gamit ko. Habang nagliligpit ako ng mga gamit ay biglang naghiyawan ang lahat. Kaya naman natigilan ako at napaisip. Busy si Andrey ngayon kaya hindi siya pupunta rito para sunduin ako. Pero sino 'to-

Napaawang ako ng mga labi ng makita si Kira na nakatayo sa aking tabi. Pagkatapos, kumurap-kurap ako. Anong ginagawa niya rito? Wala naman siyang sinabi na susunduin niya ako.

"Ako muna ulit ang magahahatid sa 'yo sa bus stop."

"Huh? Hindi mo naman kailangang gawin 'yon," nakangiti kong tugon. Pagkatapos, nilingon ko ang aking mga kaklase. Medyo natakot ako dahil pinagtitinginan nila ako ng masama.

"Hihintayin kita sa labas," sabi niya. Pagkatapos, naglakad na siya palabas ng classroom. Sinundan ko naman siya ng tingin.

Ni hindi man lang niya ako pinakinggan. Nagmadali akong ipasok ang mga gamit ko sa loob ng aking bag. At agad na lumabas ng classroom.

Natigilan ako ng makita si Kira na nakasandal sa pader. Nakapikit ito habang nakikinig ng kanta sa kanyang headphone. Nakasilid sa bulsa ang kanyang kanang kamay. Habang nakahawak naman sa headphone ang kanan niyang kamay.

"Ang cool niya talaga," bulong ng isang estudyante sa kanyang kasama na nasa aking likuran.

Tama sila. Ang cool talagang tignan ni Kira.

Nabigla ako ng idinilat ni Kira ang kanyang mga mata at nilingon ako. Agad ko siyang nilapitan.

"Tara," nakangiti kong sabi.

Magkasabay kaming naglalakad sa hallway. Pinagtitinginan kami ng lahat pero hindi ko 'yon pinansin. Nakangiti lang ako na parang sira. Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin nila o gagawin nilang panlalait sa akin.

Sobrang saya ko dahil nadagdagan na naman ang kaibigan ko dito sa eskuwelahan. At ang suwerte ko dahil ang babait nila sa akin. Maraming salamat sa Panginoon dahil sa mga kaibigan na ibinigay niya sa akin. Ako na yata ang pinaka-masuwerteng tao sa mundo. Sana nga magtagal pa ang pagsasama namin.

Bigla akong natigilan nang maalala ang sinabi ng kaklase ko kanina."Huwag kang ambisyosa dahil lamang sa tinulungan ka nila. Lagi mong tatandaan, ang demonyo ay mapanlinlang."

"May problema ba?" tanong ni Kira. Natigilan din pala siya sa paglalakad.

"H-huh? Wala. May naalala lang ako," nakangiti kong tugon.

Pagkatapos, nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

"Oo nga pala, kumusta si Andrey?"

"Tulog pa rin hanggang ngayon."

Laking gulat ko sa sinabi niya. I didn't expect na gano'n pala si Andrey kung mapagod. Siguro hindi siya nakatulog kagabi kaya gano'n na lang kahimbing ang pagkakatulog niya.

"Kung tulog pa rin siya hanggang ngay- Nasaan siya?" tanong ko sabay lingon kay Kira.

"I called his driver to drive him home," tugon ni Kira.

"Mabuti naman at kung gano'n. Ang akala ko talaga iniwan mo siyang mag-isa sa lugar na 'yon. Maraming salamat sa 'yo."

Ang akala ko talaga iniwan niya 'to kanina do'n sa kakahuyan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung gano'n nga ang nangyari.

"Nag-aalala ka ba para sa kanya?"

Hindi ako nakasagot. Iniyuko ko ang aking ulo at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Yup! Nag-aalala ako sa kanya. Nag-aalala ako sa kanya na baka kung ano ang mangyaring masama sa kanya. Nag-aalala din ako dahil hindi siya 'yong tipo ng tao na sinasabi sa iba ang problema niya. Ayaw niya kasing tulungan siya ng iba.

"You don't need to worry about him."

Nag-angat ako ng mukha at nilingon siya. "You're right," nakangiti kong pagsang-ayon sa kanya.

Tama si Kira, hindi ko kailangang mag-alala para kay Andrey. Malalagpasan din ni Andrey ang mga problemang meron siya ngayon.

"DITO ka lang. May bibilhin lang ako sandali," bilin ni Kira. Pagkatapos, naglakad siya palayo. Sinundan ko naman siya ng tingin. Pumasok siya sa isang convenience store na malapit lang sa eskuwelahan.

"Ano naman kaya ang bibilhin niya?" tanong ko sa aking sarili.

Mayamaya, lumabas siya na may dalang plastic bag. Pagkatapos, kinuha niya ang laman nito at itinapon ang plastic bag sa basurahan.

Iniabot niya sa akin ang isang chocolate bar. Tinignan ko muna ito bago kinuha. Matagal-tagal na rin simula no'ng huli akong nakakain ng chocolate. Pinagbabawalan kasi ako ni mama noon na kumain ng chocolate. Ayaw niya kasing masira ang ngipin ko.

Hindi naman siguro masama kung kakain ako ng isang bar ng chocolate.

"Thank you," pasasalamat ko sabay kuha sa chocolate bar. Agad ko naman 'tong kinain.

"Ang sarap naman nito," nakangiti kong sabi habang ngumunguya ng chocolate.

Natigilan ako saglit nang tinitigan ako ni Kira. Nilingon ko siya at nginitian. May mali ba sinabi ko? Totoo naman talagang masarap ang chocolate.

Ilang sadali pa, ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain ng chocolate. Medyo na-conscious lang ako dahil pinapanood ni Kira ang pagkain ko. Kahit na hindi ko siya nakikita na pinagmamasdan ako, nararamdaman ko naman 'yon.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad at naubos na rin namin ang tsokolate, narating na namin sa wakas ang bus stop. Mayamaya pa, may dumating na ring bus.

"Maraming salamat nga pala sa paghatid mo sa akin dito at saka maraming salamat ulit sa chocolate," nakangiti kong pasasalamat sa kanya. Pagkatapos, ngumiti rin siya.

"Walang ano man," tugon niya.

"Mauna na ako sa 'yo. Mag-ingat ka sa pag-uwi. God bless," pagpapaalam ko sa kanya at agad na sumakay sa bus. Pero bago pa man ako tuluyang makasakay, nilingon ko muna siya at nginitian. Pagkatapos, tinignan niya lang ako ng walang emosyon sa mukha.

Kaugnay na kabanata

  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 6: A Good Friend

    PAGKATAPOS kong mananghalian, dumiretso ako sa library. Naisipan ko kasing magbasa ng libro. Abala kasi sina Andrey at Kira ngayon. Nagmadali nga silang umalis kanina pagkatapos nilang kumain.

    Huling Na-update : 2020-08-30
  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 7: Angel's Territory

    NAKAYUKO ako habang naglalakad sa hallway dahil sa pinagtitinginan ng mga estudyante. "Anong meron?" "Bakit kaya sila magkasama ni Zaito?"

    Huling Na-update : 2020-08-30
  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 8: That Smile of Yours

    NAKAYUKO ako habang nakaupo sa sahig. Pinagmamasdan ang nakakalat kong buhok. Mayamaya pa, ipinikit ko ang aking mga mata. Pagkatapos, hinawakan ko ang aking buhok na hanggang balikat na lamang. Dati hanggang baywang ko pa ang buhok ko pero ngayon-Bigla kong naaalala si mama. Madalas niya kasing suklayan at ayusin ang buhok ko noon.

    Huling Na-update : 2020-08-30
  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 9: Knight in Shining Armor

    YUMUKO si James at pinagmasdan ang mga pinamili kong frames."Gagamitin ko ang mga frame na 'to sa water color paintings ko," nakangiti kong sabi.Napaawang ang mga labi niya. "Wow! Isa ka rin palang artist, kaya naman pala. Ang akala ko talaga mahilig ka lang sa art."

    Huling Na-update : 2020-09-12
  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 10: 2nd Quarter Examination

    ILANG araw na lang Second Quarter Examination na. Abala ang lahat sa pagre-review. Hindi ko na rin nakakasabay sina Andrey, Kira at Zaito during lunch break at saka hindi na rin nila ako hinahatid sa bus stop. Napapadalas na rin ang pananatili ko sa library para mag-review. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog. Humikab ako ng malakas at naluluha ang aking mga mata. Pagkatapos, kinusot-kusot ko ang aking mga mata at saka nagpatuloy sa pagre-review. Malapit na akong matapos kaya titiisin ko muna 'tong antok ko.

    Huling Na-update : 2020-09-12
  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 11: That Guy in a Vacant Room

    IT'S my first time na may mga taong lumapit sa akin para hingan ng tulong. Kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na tulungan sila.Pagkatapos ng klase, dumiretso kami sa isang bakanteng kuwarto. Tumigil kami sa tapat ng pinto na nasa pinakadulo ng hallway. Tinignan ko ang buong labas nito. Tinatakpan ng newspaper ang bintana kaya hindi mo makikita ang loob nito.

    Huling Na-update : 2020-09-12
  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 12: A Kiss

    MADALING araw na akong natulog para lang gumawa ng maliit na kahon at magsulat ng letter. Pero kahit na gano'n maaga pa rin akong nagising at pumasok sa eskuwela.Pagkapasok ko ng classroom, agad akong dumiretso sa puwesto kung saan umuupo si Mara. Kinuha ko mula sa loob ng aking bag ang isang maliit na kahon, kulay itim na may kulay puting ribbon. Naglalaman 'to ng eyeglasses na kaparehong-kapareho sa kanya at isang sulat.

    Huling Na-update : 2020-09-12
  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 13: Do Not Let That Guy to Kiss You Again

    IT'S already 10 p.m. but I'm still awake. Hindi ako makatulog dahil hindi maalis sa aking isipan ang ginawa ni Arthur kanina. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang halik niya sa aking pisngi.Bakit ba kasi niya ginawa 'yon? Para saan ba kasi 'yon? Kakikilala lang namin pero nagawa niya 'yon?Bumuntong-hininga ako at kinuha ang aking bibliya na nasa ibabaw ng bedside table. Binuklat ko 'to at saka binasa ng tahimik.

    Huling Na-update : 2020-09-12

Pinakabagong kabanata

  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 30: Angel Section

    A YEAR later... Ito ang araw na pinakakatakutan ko. Natatakakot ako na baka mangyari ulit ang nangyari sa akin no'ng unang araw na pumasok ako sa Angel Clever University. Natatakot ako na hindi nila magustuhan. "Transfer student?" "Baka naman nagkamali lang siya ng pinuntahan." "My gosh! Hindi siya nababagay sa school na 'to." "Mas makabubuti sigurong bumalik na lang siya sa pinanggalingan niya." Huminga muna ako ng malalim bago inayos ang sarili sa harap ng salamin at ikabit ang name plate ko. Nakasuot ako ngayon ng white coat, white long sleeved blouse, white ribbon, white skirt, white knee socks and white shoes. Isa na ako sa tinatawag nilang Angel. Hindi ko pa rin lubos maisip na isa na ako sa kanila at saka

  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 29: Forgiveness

    9 LOVE must be sincere. Hate what is evil; cling to what is good. 10 Be devoted to one another in love. Honor one another above yourselves. 11 Never be lacking in zeal, but keep your spiritual fervor, serving the Lord. 12 Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer. 13 Share with the Lord's people who are in need. Practice hospitality.14 Bless those who persecute you; bless and do not curse. 15

  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 28: I'm Home

    "IKAW nga! Kumusta ka na?" tanong ni Aling Leonora. Pagkatapos, lumapit siya sa akin."Ayos naman po ako," nakangiti kong tugon."Mabuti naman kung ganoon. Pagkatapos ng lahat ng nangyari..."

  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 27: Please Listen to Them

    IT'S already 11 p.m. and I'm still awake. Hindi kasi ako makatulog dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Alyssa tungkol sa mga lalaking Angel.Talaga bang nag-aalala sila sa akin no'ng time na 'yon? Nagbago na nga ba talaga sila? Posible rin kayang matagal na ang mga litratong s-in-end sa akin?

  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 26: I Want to Go Back

    IT'S already 7 a.m. pero nakahiga pa rin ako sa kama at nakatitig sa kisame. Wala akong ganang pumasok ngayon at saka ayokong makita ang mga pagmumukha ng mga lalaking Angel. Mas makabubuti sigurong bumalik na lamang ako sa probinsiya. Total do'n naman ako nababagay. Pinagsisihan kong hindi ak

  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 25: The Truth

    NATIGILAN ako nang makita ang isang maliit na papel sa ibabaw ng mesa. Tinitigan ko muna ito bago kinuha at binasa kung ano ang nakasulat.

  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 24: Reena Conilla

    "ANONG ginagawa mo rito? Wala ka bang gagawin?" tanong ni Zaito."Kakatapos ko lang mag-pinta," tugon ko sabay upo sa tabi niya. "Ikaw, anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba naiinitan?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga halaman na nasa aming harapan."Nah, mas presko pa nga, eh," tugon niya.

  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 23: From the Start

    "OTANJOUBI omedeto, Zaito-chan," nakangisi kong pagbati sabay abot ng regalo ko sa kanya. Agad naman niya itong kinuha. [Translation: Happy Birthday, Zaito] "A-arigatou," nauut

  • Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)   Chapter 22: Childhood Friends

    NATIGILAN ako sa paglalakad ng maalala ang huling sinabi ni Marco sa akin kanina."Sa kanila. Hindi mo alam kung sino talaga sila, Mila.""Sino ba talaga sila?" tanong ko sa aking sarili.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status