Home / Other / Warlord series 1: Señorita Mafia / Chapter 14 #ChasingRaden

Share

Chapter 14 #ChasingRaden

Author: Lovemarian
last update Huling Na-update: 2022-08-29 08:03:35

Isang linggo na rin ang lumipas nang huli kaming magkita ni Raden. At isang linggo na rin akong nag-iisip kung paano ko bibitagin ang lalaking iyon.

Kaya ito ako ngayon, sakay ng kotse ko. Binabagtas ang lubak-lubak na daan patungo sa bahay ampunan.

Yes, papunta ako sa bahay ampunan kung saan naroon si Raden. Volunteer daw siya sa ampunan na iyon, ayon na rin sa informant ko. Kaya noong isang araw lang kasama ko si Enrique para magpakilala sa mga madre doon at nagbigay ng donation para makilala nila ako. At para hindi halata na sinusundan ko siya.

May bitbit na rin akong mga groceries. Schedule ngayon ni Raden sa bahay ampunan na iyon.

Actually, si Enrique ang nagplano nito. Ngayon pa lang gusto ko ng mag retreat. At saka bakit pa dito na pili ni Raden, mag-volunteer, sa bukid na ito?

Nakakainis, ang daming malalaking bato. Kung puwede lang sana nag motor ako. Noong unang punta kasi namin ni Enrique dito nag motor kami. Eh, ngayon hindi ako makakapag motor dahil ang dami ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 15 #Goodside

    Mula sa pagkakatitig sa akin ay lumipat ang tingin niya sa paa ko kung nasaan ang palaka saka tumitig ulit sa akin. Nanatili pa rin akong nakatayo at hindi gumagalaw. Kung puwede lang na pati paghinga pigilan ko. "Raden!" Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw ng hindi pa rin natitinag sa kinatatayuan niya si Raden. Potek na lalaking ito. Ki laking tao takot sa palaka. "W-what should I gonna do?" tarantang tanong niya. Gusto ko na lang matawa dahil namumutla na ang itsura nito. "Kunin mo na ang palaka, hurry up!" At the same time gusto ko na ring maiyak dahil hindi pa rin umaalis ang palaka sa paa ko. Bakit ba kasi nasa bukid pa nakatirik ang orphanage na ito eh. Nakita ko si Raden na aligaga sa paglibot ng kaniyang paningin sa paligid. Hanggang sa may makita at napulot itong mahaba at tuyo na sanga ng kahoy. Pero imbis na paalisin agad ang palaka ay tinitigan pa muna niya ito. Seriously? Kitang-kita ko pa ang paglunok nito kaya laglag ang panga ko sa inis. "A

    Huling Na-update : 2022-08-29
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 16 #Bullet

    RADEN'S POVNagising ako sa tunog ng cellphone ko, inabot ko sa may ulunan ko ang kinalalagyan ng cellphone. Saka mabilis na dinala sa tainga ko matapos pindutin ang answer button. "Yes," bungad ko sa kabilang linya habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Napakunot ako ng putol-putol ang salita ng nasa kabilang linya. Minulat ko ang mga mata ko saka sinipat ang aparato. Mas lalo lang lumalim ang gitla ng noo ko ng makita ko ang pangalan na naka register sa screen ng touch screen phone ko. It's Papa, ano kayang sadya nito. Namatay na ang tawag, pero bigla na naman itong tumunog kaya bumangon na ako. Oo, nga pala nandito pala ako sa remote area kaya mahina ang signal. Napatingin ako sa pinakadulo ng kuwarto kung saan nakahiga si Alexandra, wala na siya roon. Ano na bang oras ang aga naman yata niyang gumising. Sinipat ko ang suot kong relo, alas kuwatro 'y medya na pala ng madaling araw. Tumayo na ako para lumabas at para makasagap ng signal. Tumigil na rin ang pa

    Huling Na-update : 2022-08-29
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 17 #AgawBuhay

    Alexandra POV Pinapaulanan na kami ng bala ng mga sumusunod sa amin. Sino ba ang mga ito, hindi kaya kalaban na naman ito ni Bernardo. Lintik na Bernardo ang daming kaaway. "Shit! Bakit nila tayo hinahabol!" Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw habang nakayuko. "I don't know," sagot in Raden habang bahagya lang nakayuko at nagmamaneho. Pumapasok na ang bala sa loob. Mukhang papatayin talaga kami ng mga sumusunod sa amin. "I think they are going to kill us." "And I think si Brianna na naman ang may pakana nito," sabi ni Raden na kinatigil ko. Bakit ko naman papatayin ang sarili ko, ang bobo mo Raden. Gusto ko sanang ibulalas ang mga katagang iyon, kung p'wede lang. "How are you so sure?" Malamig kong tanong. Saka umayos ako ng upo at bumaling sa likurang bahagi ng kotse at kinuha ang isa kong malaking bag. Kinuha ko ang Calibre 45 ko na baril at mabilis na nilagyan ng bala. "Keep driving, Raden," sabi ko sa kan'ya. Gulat ang rumihestro sa m

    Huling Na-update : 2022-08-29
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 18 #heartbeat

    Raden's POV "Mind your own business," narinig kong sagot ni Alexandra saka umalis. Hindi na ako nag-abala pang sundan siya ng tingin. She's maybe angry about what happened. Hindi ko naman ginusto ang nangyari. Tumayo ako at nilibot ang paningin ko sa buong lugar. Hindi ko na rin nakita si Alexandra, pumasok marahil siya sa gubat. Pinag-aralan ko ang buong lugar kung saan maari akong pumunta. Napako ang paningin ko sa gubat, tama kailangan kong bumalik sa St. Louis at sa gubat na iyan ang daan pabalik para makalabas sa islang ito. Dapat pala sinundan ko si Alexandra, lumakad na ako papasok sa gubat. Ilang hakbang ang ginawa ko ng makarinig ako ng nag-e-echo na sigaw, nagsiliparan rin ang mga ibon sa gubat. Alexandra. Siya agad ang naisip ko, nasaan kaya siya, bakit siya sumigaw? Mabilis kong sinundan ang sigaw niya kanina, pero napahinto ako ng makakita ng dugo sa mga tuyong dahon ng puno na nagkalat sa lupa. Nag-squat ako at kinapa ang dugo, presko pa ang

    Huling Na-update : 2022-08-29
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 19 #insidethecave

    Alexandra POV Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, malabo ang paningin ko sa una pero kalaunay luminaw rin. Napasyal ko ang paningin ko sa kabuuan ng paligid, hindi familiar sa akin ang lugar na ito. Nasaan ba ako? Natigil pa ako nang dumako ang paningin ko sa isang lalaki na nakasandal sa bato at nakaupo habang mahimbing na natutulog. Naka halukipkip pa. "Raden?" Anong ginagawa namin dito? Saka bakit siya nakahubad? Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid. Mukhang kuweba ang lugar na ito. Sinubukan kong bumangon kahit na medyo mabigat pa ang pakiramdam ko. Saka ramdam ko ang panghihina ng kalamnan ko."Ah!" Daing ko ng kumirot ang tagiliran ko. Pero pinilit ko pa ring bumangon.Kinapa ko iyon, saka tiningnan. May pinunit na damit na naka gapos sa tagiliran ko paikot sa bewang ko Ginawang panali iyon, saka ko lang naalala na tinamaan pala ako ng bala. Kung gano'n nakita na pala ako ni Raden. "Alex? You're awake, are you okay?" anang Raden saka mabilis na lumapit s

    Huling Na-update : 2022-09-16
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 20 #KubosagitnaNgGubat

    Nanatili pa kami ng dalawang araw sa loob ng kuweba bago napagpasyahan ni Raden na umalis na sa lugar na iyon. Well, yeah. Siya ang nasusunod, at saka mainam na rin para makapagpahinga pa ako ng kunti. "Ano ba naman 'tong lugar na ito ang daming grass," reklamo ko. Nangangati na kasi ako dahil sa mga damo na nadadaanan namin. "Look at this oh, lampas sa akin ang damo." Wala akong narinig na kahit isang salita kay Raden. Kanina pa ako nagrereklamo pero siya naglalakad lang, parang wala lang at hindi rin nagrereklamo. Ang bilis pang maglakad. "Alam mo Raden kasalanan mo talaga lahat ng ito eh. Kung mabait lang sanang tao ang tatay mo e 'di sana tahimik ang buhay niyo at ang buhay ko." Buhay pa sana ang pamilya ko. Gusto ko sanang idagdag iyon pero nanatili na lang akong tikom bibig. Muntik pa akong mabunggo sa likod niya nang bigla siyang huminto at humarap sa akin. "Alam mo naiintindihan kita, magreklamo ka man ng magreklamo hanggang sa maputol iyang ugat mo sa leeg.

    Huling Na-update : 2022-09-21
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 21 #NgaTaosaLoobngKubo

    Alexandra POV "Tayo!" Paangil na utos ng lalaki. Wala akong magawa kun'di tumayo. Nakita ko rin mula sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Raden. Akmang manlalaban pa si Raden pero palihim kong inapakan ang paa niya. Bahagya pa siyang lumingon sa akin na may kunot sa noo, kaya umiling ako. Sana lang maintindihan niya ang gusto kong sabihin. Wala kaming laban sa mga ito, lamang sila ng armas sa amin. "Sinong nagpadala sa inyo rito? Mga espiya kayo 'no?" anang isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil nasa likod ko siya, siya ang may hawak ng baril na nakatutok sa akin. Marahan akong umiling. "H-hindi po." Ako na ang sumagot. "Sinungaling, bakit kayo nagmamasid!" Galit na sabi ng isang lalaki rin. Dahan-dahan akong humarap sa kanila habang nakataas pa rin sa ere ang dalawa kong kamay. Na-alerto naman sila sa ginawa ko. "Pasensya na po, gusto lang sana naming humingi ng tulong," sabi ko. Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay ng lalaking nasa harap ko n

    Huling Na-update : 2022-09-24
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 22 #Sagupaan

    Napamulat ako ng may marinig akong ugong ng sasakyan. Bumalikwas ako ng bangon para silipin kung saan galing ang sasakyan. Sumilip ako sa maliit na siwang ng pinto ng bintana, may nakita akong mini jeep at lulan ang mga armadong kalalakihan. Medyo nakikita ko sila dahil may kunting liwanag na sa labas pero hindi ko maaninag ang mukha nila. Sa tingin ko alas kuwatro na ng umaga. "Oh, bakit ngayon lang kayo, akala ko patay na kayo eh." Narinig kong salubong ng pinakaboss sa kanila. "Pinuntahan pa kasi namin si Senator Wem." "Kumusta napatay niyo ba?" Tanong ulit nito. May hindi na akong magandang kutob sa pag-uusap ng mga barakong iyon. "'Yan din ang dahilan boss kung bakit kami natagalan. Hindi namin nakitang patay siya dahil nahulog sila sa bangin…" "Sila?" Nilapat ko ang tainga ko sa pintuan ng marinig ko ang pagpasok nila. Gusto kong pakinggan ng mabuti ang pinag-uusapan nila. "May kasama siyang babae boss, magaling makipagbarilan. Ang totoo niyan maraming tao natin a

    Huling Na-update : 2022-10-01

Pinakabagong kabanata

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    EPILOGUE #theEnd

    [THE TIME BEFORE RADEN AND BRIANNA O ALEXANDRA REUNITE] HABANG NAKATAGO sa likod ng kotse ay minadali kong lagyan ng magazine ang gamit kong calibre 45 na baril at mabilis na nakipagpalitan ng putok. Masyado silang maraming armas at ako lang ang mag-isa. Nauubos agad ang bala kaya ang baby armalite naman ang kinasa ko. “Bwes** naman ‘to! Bakit kasi ito lang ang issue na baril eh. Naghihirap na ba ang government dito sa Russia? Kaya ang mga kriminal dito happy go lucky na lang,” reklamo ko. Naubos pa naman lahat ng armas ko noong sumabog ang condo na tinitirhan ko sa Pilipinas dahil kay Enrique. Hindi ko na rin matrace kung saan binibili ni Enrique dati ang mga baril na kailangan ko. Hindi na ako makatiis kaya gumapang na ako sa ilalim ng kotse ko at kinuha ang tinatago kong Machine Gun, ito na lang ang meron ako. Mabilis akong lumabas at pinatong ang stand sa hood ng kotse at saka kinalabit ang trigger ng baril at walang takot na pinagbabaril ang mga kalaban na nagtatago sa lik

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 38 #Reunited

    “LOLO, oh ano ayos ka na ba talaga? Baka mamaya niyan may maramdaman na naman kayo. Sabi ko naman sa inyo manatili muna tayo sa ospital,” mahinahong sabi ko sa abuelo ko nang pahigain na siya ng kaniyang personal nurse sa kaniyang kama. Kararating lang namin galing hospital. Lumabas na kami dahil nagpupumilit si Lolo na lumabas na. Ayaw raw niyang manatili ng matagal sa hospital dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang magkakasakit.“Apo Brianna, mas magiging malakas ako at mapapabilis ang recovery kapag nandito ako sa bahay. Nandito naman si Melanie eh,” aniya pa. Natutuwa ako sa sarili ko dahil kahit tawagin na ako ng lolo ko sa totoo kong pangalan ay wala na akong galit at sakit na nararamdaman.“Mga matatanda talaga oh matitigas ang ulo,” kunwa’y sermon ko sa kaniya. Narinig ko naman siyang natawa. “Hayaan mo na matanda na eh,” himig nagbibirong sabi nito.“Maam, mukhang kanina pa po may nagdo-doorbell,” anang pinay nurse sa akin. Napatingin ako sa kaniya. May doorbell

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 37 #Brianna

    HINDI ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kama na hinihigaan ni Alexandra kanina. Wala na siya roon, tanging binunot na swero lang ang nakalapag sa hospital bed. Wala si Alexandra. Kanina tumawag sa akin si Papa para ipaalam na hindi niya naabutan si Alexandra nang bisitahin niya ito. Nagtanong na rin kami sa mga nurses na naroon naka-duty pero hindi nila napansin ang pag-alis ni Alexandra. Wala ni isang nakakaalam. Kusa na lang tumulo ang luha ko. Sa ikalawang pagkakataon nagkamali na naman ako ng desisyon. Hindi ko pala dapat siya iniwan kanina. Sana pala nanatili ako. Sa ikalawang pagkakataon, nagsisisi na naman ako. Saan ko siya hahanapin? Saan ako mag-uumpisa? Talagang sinukuan na niya ako. “Anak…” narinig kong sambit ni Papa sa pangalan ko na noo’y nasa likuran ko na pala. Tinapik niya ng tatlong beses ang likod ko kaya mas lalo lang tumulo ang luha ko.“Susuko na ba ako, pa? Hindi ko na alam kung lalaban pa ba ako? Baka kasi hanggang dito na lang talaga a

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 36 : #Baby

    NAKAILANG shot na ako ng hard brandey, pero hindi pa rin mawalawala ang mga tanong at alalahanin sa isip ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Naghahalo ang takot at galit ko sa sarili ko. What will happen after all of this? Ni hindi ko alam kung paano haharapin si Alexandra. What if we lost our baby? How can I deal with it? How can I possibly handle it? Paano kung galit siya sa akin dahil nahuli ako? Masisira ang utak ko kakaisip. Kahit saang anggulo ko tingnan kasalanan ko lahat ng ito. Nagmatigas ako eh. Wala akong ibang magawa kun'di ang magsisi na lang. Tinungga ko na ang natitirang laman ng beer mug ko at inubos ang laman niyon. Pabagsak kong nilapag ang baso sa counter kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Agad ko iyong pinahid, pero patuloy pa rin ang pagtulo.“One more, please,” utos ko sa bartender na nasa harap ko at abala sa pag-mix ng beverages na order ng ibang customer. Agad naman niyang iniwan ang ginagawa at tumalima sa

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 35 #RadenToTherescue

    KALANSING ng bakal na hawak ko at ng espada ni Enrique ang naririnig sa loob ng factory. Habang sinasangga namin ang sandata ng isa’t-isa para hindi kami matamaan. “Let’s stop this, Enrique. Let’s live a new life… you have your sister. ‘Wag mong pangibabawin ang galit mo. Kung tinatakot ka lang ni Wem, okay na. Hindi mo na kailangang matakot sa kaniya. He died and you’re free,” pangungumbinsi ko sa kaniya habang nakikipagtagisan ng lakas ang naka-X naming sandata. Sa pag-asang bubuksan niya ang puso niya at hindi na kailangan pang saktan namin ang isa't-isa. Pero mukhang wala iyong epekto sa kaniya.“You know how much I hate Bernardo, Alexandra! You know how much I wanted him to die. You know the reason why at umasa ako sa pangako mong ipaghihigante mo rin ako. Pero ano? You fall in love with his fucking son and forgive him that easily. You forget me! You forget me, you forgot your promises to me! And now you’re protecting him?!” Sumbat niya sa akin habang nangingilid ang luha sa

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 34 #AngPagtutuos

    BINUKSAN KO ang bintana ng kotse ko saka nilabas ang kamay kong may bitbit na baril. Kinalabit ko ang gatilyo ng baril ko upang patamaan ang sasakyan nila. Habang ang isa kong kamay ay nasa manibela. Gumanti sila ng putok kaya mabilis akong yumuko. Muntik pa akong mabangga sa papalapit na sasakyan pero agad rin naman akong nakailag. Hindi na ako nagpaputok at sinundan ko na lang sila. Habang sila ay patuloy sa pagpapaputok sa akin. Panay ilag lang ang ginagawa ko. Naririnig ko pa ang balang tumatama sa hood ng kotse ko. Hanggang sa tumigil na sila sa pagpapaputok. At nagpatakbo ng nagpatakbo lang sila ng sasakyan. As if they’re leading me the way…. sa daan pabalik sa factory? Hindi ako p’wedeng magkamali, ito iyong daan na dinaanan ko kanina papunta sa factory. They are playing with me again. “Damn it!” mura ko. Nagtagis ang mga bagang ko dahil sa gigil habang iniiisip na pinagkakatuwaan ako nila Enrique. Hindi ko talaga sila mapapatawad na ginagago nila ako ng gan

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 33 #Scavengerhunt

    HAWAK ang baril na nakatutok sa likod ng lalaking nahuli ko kanina na isa sa mga nagpasabog ng building na tinitirhan ko ay nanggigil na ko. Nakadapa siya habang tinatapakan ko siya at batok niya. “Isang tanong, isang sagot lang ang kailangan ko. Sino ang nag-utos sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya. Alam ko naman kung sino. Pero mas masaya kung marinig ko mula sa tauhan ni Enrique at Wem na sila nga ang may pakana. Diniin ko pa sa likod ng ulo niya ang dulo ng armalite na hawak ko na inagaw ko pa mula sa kaniya. “Hindi ko…” “Subukan mong magsinungaling, pati pamilya mo sasabog ang utak,” banta ko sa kaniya kahit hindi ko alam kung may pamilya ba ito o wala. “Papatayin mo rin naman ako kahit pa sabihin ko man o hindi,” matigas niyang sabi. “Bakit ‘di mo subukan?” sarkastiko kong sabi sa kaniya. Ito-torture ko talaga siya kapag hindi niyan pa banggitin ang pangalan nila Enrique. Gigil na gigil na ako talaga. Hindi nagsasalita ang lalaki. Pinaputukan ko ang gilid ng mukha nito ka

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 32 #ChasingRaden

    NAGISING ako na nakahiga sa isang kama na napapaligiran ng kulay berdeng kurtina. I think I'm in the hospital. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nangyari. Kinapa ko ang suot ko. Thank God dahil ito pa rin ang suot ko at nandito ang cellphone ko. Agad na dinial ko ang number ni Bernardo para tawagan. Gusto ko lang malaman kung nakatakas ba sila at kung wala bang nangyaring masama. Nakailang ring ito nang may sumagot, nakahinga ako ng maluwag. Ibig sabihin safe sila. "Bernardo, ayos lang kayo? Si Raden? Hindi ba kayo nasaktan…" "Stop acting like you care. You're a heartless person, a heartless criminal." Boses ni Raden ang narinig ko mula sa kabilang linya. Napipi ako dahil sa sinabi niya, tumagos hanggang sa puso ko ang sinabing iyon ni Raden. Masakit but I will deal with it later. Ang mahalaga safe siya. "Raden, 'wag mong pagsalitaan si Brianna ng ganiyan!" galit na angil ng ama niya na rinig na rinig ko. Tumulo ang luha ko, hindi ko mapigilan kahit sabihin kong okay l

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 31 #Ruinedtrust

    NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa panaginip ko. Tumungo ako sa mini ref ng kuwarto ko para makainom ng tubig. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ako mapakali, oras-oras akong kinakabahan dahil baka badnews ang biglang bubungad sa akin kapag lilipas ang oras. Napasulyap ako sa wall clock na nakasabit sa wall. Alas d'yes na pala ng umaga, napahaba yata ang tulog ko. Sobrang pagod ko kasi kahapon. Napaigtad ako nang may magdoorbell. Hindi muna ako gumalaw. Bigla kasing bumundol ang kaba ko. Nakatatlong doorbell na ang kung sinuman ang nasa labas, bago ako lumabas ng kuwarto. Dumeretso na ako sa main door. Pagbukas ko ay si Raden ang nabungaran ko kaya napangiti ako. "R-Raden," sabi ko saka akmang hahalikan siya. Pero nagulat ako nang ilayo niya ang mukha niya kaya hindi ko nagawang halikan siya. "M-may problema ba?" Nagdilim ang tingin niya sa akin. “Totoo ba?” may diin niyang sabi. “A-ang alin?” Naamoy ko na ang ibig niyang sabihin. Hindi ako tanga para hindi

DMCA.com Protection Status