Share

Chapter 20 #KubosagitnaNgGubat

Nanatili pa kami ng dalawang araw sa loob ng kuweba bago napagpasyahan ni Raden na umalis na sa lugar na iyon.

Well, yeah. Siya ang nasusunod, at saka mainam na rin para makapagpahinga pa ako ng kunti.

"Ano ba naman 'tong lugar na ito ang daming grass," reklamo ko.

Nangangati na kasi ako dahil sa mga damo na nadadaanan namin.

"Look at this oh, lampas sa akin ang damo."

Wala akong narinig na kahit isang salita kay Raden. Kanina pa ako nagrereklamo pero siya naglalakad lang, parang wala lang at hindi rin nagrereklamo. Ang bilis pang maglakad.

"Alam mo Raden kasalanan mo talaga lahat ng ito eh. Kung mabait lang sanang tao ang tatay mo e 'di sana tahimik ang buhay niyo at ang buhay ko."

Buhay pa sana ang pamilya ko. Gusto ko sanang idagdag iyon pero nanatili na lang akong tikom bibig.

Muntik pa akong mabunggo sa likod niya nang bigla siyang huminto at humarap sa akin.

"Alam mo naiintindihan kita, magreklamo ka man ng magreklamo hanggang sa maputol iyang ugat mo sa leeg.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status