Share

Chapter 21 #NgaTaosaLoobngKubo

Alexandra POV

"Tayo!" Paangil na utos ng lalaki.

Wala akong magawa kun'di tumayo.

Nakita ko rin mula sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Raden.

Akmang manlalaban pa si Raden pero palihim kong inapakan ang paa niya.

Bahagya pa siyang lumingon sa akin na may kunot sa noo, kaya umiling ako. Sana lang maintindihan niya ang gusto kong sabihin.

Wala kaming laban sa mga ito, lamang sila ng armas sa amin.

"Sinong nagpadala sa inyo rito? Mga espiya kayo 'no?" anang isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil nasa likod ko siya, siya ang may hawak ng baril na nakatutok sa akin.

Marahan akong umiling.

"H-hindi po." Ako na ang sumagot.

"Sinungaling, bakit kayo nagmamasid!" Galit na sabi ng isang lalaki rin.

Dahan-dahan akong humarap sa kanila habang nakataas pa rin sa ere ang dalawa kong kamay.

Na-alerto naman sila sa ginawa ko.

"Pasensya na po, gusto lang sana naming humingi ng tulong," sabi ko.

Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay ng lalaking nasa harap ko n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status