RADEN POV Napabuntonghininga ako saka nilingon si Alex 'di kalayuan. Nakaharap siya sa akin at nakatayo lang habang tinitingnan ako. I feel so ashamed of kissing her. Hindi ko lang talaga maintindihan ang sarili ko. I really thought I would lose her. Lalo na kanina ng tumalon ako sa tubig at hanapin siya. Gusto nang lumuwa ng puso ko sa kaba ng hindi ko siya makita sa ilalim ng tubig. Para naman akong nabunutan ng tinik nang sa wakas ay mahawakan ko siya. Pero muli akong kinabahan nang iahon ko siya na hindi na humihinga. I know she's still alive but she doesn't breathe anymore. At no'ng naging maayos siya ay hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko kaya nagawa ko siyang halikan. Mas nagalak pa ang puso ko ng tinugon niya iyon. Pero nagulat naman ako ng bigla niya akong itulak. Tumayo ako. Ah, marahil nagulat siya at no'n lang napagtanto. Pero may pag-asang bumangon sa puso ko. Ah, hindi ko maintindihan. Humakbang ako palapit sa kaniya, habang patuloy na nakatiti
Alexandra POV Hindi ko na alam kung paano ko pipigilan. Kung paano ko pipigilan ang bumangong init mula sa aking kaibuturan. Kung paano ko babawiin ang pagnanais ng katawan ko na maangkin ni Raden. I'm drowning. I felt my wetness down there. Gusto ko mang idilat ang mga mata ko. Gustuhin ko mang itulak si Raden at patigilin sa ginagawa nitong paghalik sa leeg ko at paglamas sa maumbok kong dibdib ay hindi ko magawa. Dahil hindi man ito gusto ng isip ko, pero gusto ito nang puso ko. At umaayon ang katawan ko sa sigaw ng puso ko. Muling bumalik ang labi ni Raden sa labi ko. Oh, how sweet and smooth his lips are. This feeling that will keep you wanting for more. Ito iyong pakiramdam na hindi mo kayang labanan at mas lalo lamg lumalala. Para itong drugs na imbis iwan may binabalik-balikan mo. Tinugon ko ang mga halik niya na may alab. Na mas mainit, na may pagnanais sa makamundong pagnanasa. Pumulupot na ang mga braso ko sa leeg niya at dumako sa buhok niya saka ko pinasadah
Isang linggo na simula nang makauwi ako. Kinabukasan rin mula noong nakauwi ako ay nabalitaan kong nakauwi na rin si Raden. Saka ko lang pinaalam na nakauwi na rin ako. Tinago ko para makaiwas sa mga tanong. Lalo na kay Bernardo. Pumunta rin ako nang Japan para ayusin ang kaguluhan sa malaking underground business. Isa rin ako sa may-ari nang isang gambling activity. Pero walang nakakakilala sa akin. Umuuwi lang ako dahil may kailangang permahan at asikasuhin. Kakauwi ko lang rin sa Pilipinas. "Ilang araw ka na raw hinahanap ni Raden, Alex," balita ni Enrique. Kasalukuyan akong abala sa harap ng computer. "Just let him and keep him away from me." Walang emosyon kong sabi. Sobrang namimiss ko si Raden, sa totoo lang. Baka hindi ko kayang pigilan ang sarili ko kapag nakita ko siya. "Ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa sa gubat?" Hindi lang iyon ang unang beses na tinanong ako ni Enrique. At gaya ng dati ay tinitingnan ko lang siya ng matalim para ipaabot sa kaniya na ay
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong pinapadalhan ni Raden ng bulaklak sa opisina ko sa BL building. Halos puno na rin ng flower vase na nagkalat sa bawat kanto ng office room ko. Where both busy in our respective offices. Tambak rin ako sa trabaho but he never forget to send me flowers and other staff. Minsan dinadaanan niya ako sa office para sabayan siyang kumain. At isang buwan na ang ganoong routine namin. At nasasanay na ako. I am beyond happy. And I am afraid na dumating ang araw na hindi ko na maranasan ulit ito. Pero gagawin ko ang lahat just to stay where we are and what we are. "Mukhang naaliw ka na sa mga ninja moves ni Raden, ah," puna ni Enrique. Sa isang buwan na gano'n ang ginagawa ni Raden ay ngayon lang nautusan si Enrique na magdala ng bulaklak para sa akin. Dahil siya ang nagdala ngayon ng isang boutique ng red roses. Napawi ang ngiti ko sa labi. Enrique doesn't know about us. Ang alam lang niya ay hinuhuli ko ang loob ni Raden. Wala siyang alam sa nara
Hindi ko mapigilan na mapangiti habang tiningnan si Raden na naghihiwa ng mga sangkap. Ang bilis ng mga kilos niya na animo siguradong-sigurado sa mga ginagawa. Nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakalumbaba at nakaupo sa stool ng kitchen counter. Nangako kasi itong ipagluluto niya ako at mamasyal kami ngayong araw na ito. Sino ba naman ako para tumanggi? Susulitin ko na lang ang araw na kasama ko siya. "Hey, ayos ka lang?" natatawang tanong ni Raden sa akin. "Hmm, bakit?" "Pakiramdaman ko matutunaw ako d'yan sa mga tingin mo sa akin." Napangiti pa ako lalo. "Hmm, assuming. Hindi no," pagkakaila ko pa na kinangiti lang niya lalo. "Huling-huli ka na nga, magde-deny ka pa," panunundyo pa ni Raden. "To be honest, I can't take off my eye on you. Everytime I see you, I'm mesmerized." "Sus, nambola pa." "I'm not lying," Lumakad si Raden sa patungo sa gawi ko at hinarap ako. "Really, huh?" Tumango ako saka kumagat-labi habang nakatingala kay Raden. Animo batang kinarg
Nag-click lang iyon pero walang lumabas na bala kaya gulat na napamulat si Bernardo. Binaba ko ang baril. "Brianna…" "Dalawang bala lang ang nilagay ko sa baril na ito. At dahil naubos iyon, ibig sabihin binibigyan kita ng isa pang pagkakataon na itama ang lahat…" "Alex!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. It's Enrique, nakatayo ito sa labas ng kotse. Hinarap ko ulit si Bernardo. "Enrique has an eagerness to kill you, Bernardo. Kaya tumakbo ka na." "Huh…" "Don't waste anytime, dahil sa oras na makalapit si Enrique dito hindi ko siya pipigilan na patayin ka. Just make sure na gagamitin mo ang pangalawang pagkakataon na ito para itama ang mga mali mo." Dahil itatama ko rin ang mali ko. "Brianna, maraming salamat. Pangako hindi ito makakarating kay Raden. Tumango ako, saka suminyas na sa kaniya na tumakbo. Tumayo ito saka nagsimulang tumakbo. Nagpaputok pa si Enrique, buti at hindi tinamaan ang matanda. Mabilis kong kinuha ang senyorita revolver ko na nakatago s
Kabababa lang namin ni Raden ng kotse. Nasa harap kami ng BL Empire. May aasikasuhin ako at kailangan kong makausap si Bernardo. Simula kasi no'ng pangyayaring iyon ay hindi ko pa siya nakakausap. Kailangan kong masiguro na seryuso siya sa sinabi niya na hindi makakararing kay Raden ang nangyari. Baka traydurin niya ako. Natigil kami sa paghakbang nang may marinig kaming sunod-sunod na putukan. Naalerto si Raden at hinila ako patungo sa nakaparadang kotse para gawing sanggalang. "Sh*t!" Narinig kong mura niya. May binunot siyang baril sa kaniyang tagiliran nang hindi pa rin humuhupa ang putukan. Nakikipagpalitan na rin ng putok ang mga bodyguards nila. Kinapa ko sa binti ko ang baril na nakasuksok sa secret pocket dahil bubunot rin ako sa oras na magkagipitan. Hindi nagtagal ay nakipagpalitan na rin ng putok si Raden dahil mukhang siya ang target ng mga ito. Dahil tinadtad nila ng bala ang sasakyang pinagtataguan namin. "Sino sila sa tingin mo?" tanong ko kay Raden hab
NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa panaginip ko. Tumungo ako sa mini ref ng kuwarto ko para makainom ng tubig. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ako mapakali, oras-oras akong kinakabahan dahil baka badnews ang biglang bubungad sa akin kapag lilipas ang oras. Napasulyap ako sa wall clock na nakasabit sa wall. Alas d'yes na pala ng umaga, napahaba yata ang tulog ko. Sobrang pagod ko kasi kahapon. Napaigtad ako nang may magdoorbell. Hindi muna ako gumalaw. Bigla kasing bumundol ang kaba ko. Nakatatlong doorbell na ang kung sinuman ang nasa labas, bago ako lumabas ng kuwarto. Dumeretso na ako sa main door. Pagbukas ko ay si Raden ang nabungaran ko kaya napangiti ako. "R-Raden," sabi ko saka akmang hahalikan siya. Pero nagulat ako nang ilayo niya ang mukha niya kaya hindi ko nagawang halikan siya. "M-may problema ba?" Nagdilim ang tingin niya sa akin. “Totoo ba?” may diin niyang sabi. “A-ang alin?” Naamoy ko na ang ibig niyang sabihin. Hindi ako tanga para hindi