AGAD na nag-init ang mga mata ni Lana nang matanawan ang isang pamilyar na cottage na sa loob ng halos limang taon ay ngayon lamang niya muling nabalikan. Iyon ay sa kaparehong resort sa Palawan kung saan sila unang nagkita at nagkakilala ni Andrew ng personal. "Are you okay?" noon siya natigilan nang marinig niya ang amuse na tanong na iyon mula sa kaniyang asawa. Naluluha ang mga mata na tiningala ni Lana ang kaniyang kabiyak. Sa lahat ng pagkakataon palaging sinisikap ni Lana ang hindi maging emosyonal. Lalo na kapag para sa anak niya. Dahil para sa kaniya, hindi siya makakapag-isip ng maayos kung magpapatangay siya ng husto sa kaniyang emosyon. Pero sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung dahil ba sa labis na kaligayahan na nararamdaman niya. O dahil ba iyon sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan niya bago niya nakasama ang lalaking pinakamamahal niya? Kaya parang gusto niyang yumakap kay Andrew, isubsob ang mukha niya sa malapa
MALALIM na ang gabi at mahimbing na ang tulog ni Andrea sa kwarto nito nang marinig ni Lana ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto.Mula sa pagiging abala sa harapan ng kanyang laptop ay nagsalubong ang mga kilay niya saka sinulyapan ang wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng refrigerator."Sino naman kaya ito at pasado alas-nueve na ay naisipan pa akong puntahan?" bulong niya saka tumayo.Sinilip muna niya sa peep hole ng pintuan ang kumakatok saka agad na niragasa ng kaba ang kanyang dibdib nang makitang si Andrew ang nakatayo sa labas.
“AYOKO sa batang iyan Ate! Salot siya! Salot siya sa buhay ko! Huwag mo siyang ilalapit sa akin!” iyon ang naghihisteryang sigaw ni Alice sa nakatatandang kapatid nitong si Cecille.Nag-init ang mga mata ni Cecille kasabay ang matinding galit na naramdaman niyang umakyat sa kanyang ulo.“At anong kasalanan ng anak mo sa lahat ng ito? Hindi niya kasalanan na tinakbuhan ka ng lalaking nakabuntis sa’yo!” ang galit na galit niyang sigaw sa bunsong kapatid.Isang linggo mula nang makapanganak ang bunso niyang kapatid ay totoo namang hindi na nito hinawakan ang bata.
Three Years Later…“SAAN na nga ulit iyong pupuntahan ninyo kamo?” ang Mama Cecille niya habang tinutulungan siya sa pag-e-empake ng mga damit na dadalhin niya sa kanilang company outing.“Sa Palawan po Mama. Huwag kang mag-alala pasasalubungan kita ng magandang set ng perlas na hikaw at kwintas,” pangako niyang ngiting-ngiti.Inirapan siya ng tiyahin bagaman nakangiti. “Umuwi ka lang sa akin ng buo at ligtas, masaya na ako doon,” sagot nito.
BAGO magpananghali ay narating nila ang Palawan.Sa isang maganda at first class na resort sila nagtuloy kung saan agad na inagaw ng magaganda at modernong cottages ang atensyon ni Lana.“Wow bongga!” ang narinig ni Lana na ibinulalas ni Rodora. Isa sa masasabi niyang pinakamalapit sa kanya sa trabaho. Katulad niya, regional manager rin ito at hawak naman ang buong region three. Mas matanda nga lang ito sa kanya na edad twenty eight.“Baka sakaling dito ko makilala
KINAGABIHAN nang araw ring iyon matapos ang kanilang team building seminar ay sa restaurant ng resort sila kumain ng hapunan.“Oh Lana, bakit ang tahimik mo naman yata?” si Rodge nang mapuna ang pananahimik niya. “simula kaninang lunch ganiyan ka na. Bakit, hindi mo ba gusto iyong cottage mo?” anitong hinaluan ng pabirong tono ang huling tanong.Magkakasunod na umiling si Lana saka pagkatapos ay inabot ang baso ng orange juice at uminom. “H-Hindi ate, pagod lang ako. Wala pa kasing tulog,” pagdadahilan niya.Tumango-tango si Rodge
PASADO alas-singko kinabukasan ay nagising si Lana gawa ng ingay na nagmumula sa kanyang veranda. Tunog ng kubyertos at mga plato. At ilang sandali lang, ang mabangong aroma naman ng brewed coffee ang tuluyang nagpabalikwas ng bangon sa kaniya.“W-What the---?” ang naisatinig ni Lana na natitigilan nang malabasan sa veranda ang nakahandang masarap na almusal para sa dalawang tao. “Good morning,” si Andrew na nakaupo na at halatang hinihintay siya. “kumain na tayo,” anitong tumayo at umakmang lalapitan siya.
KINAGABIHAN nang araw ring iyon nagkayayaan ang mga kasamahan sa trabaho ni Lana na mag-bar.Noong umpisa ay ayaw niyang sumama. Aminin man kasi niya o hindi, maghapon ay laman ng isipan niya ang sinabi kanina ni Andrew na magkikita ulit sila.At kahit hindi siya magsalita, hindi rin naman niya maitatanggi sa sariling pinananabikan niya ang mga susunod pang posibleng maganap sa pagitan nila ng binata.Sa naisip ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga.“Sa susunod na araw babalik na tayo ng Maynila. Huwag kang killjoy, ikaw ang pinakabata sa grupo natin pero ikaw ang pinaka-tita kung umasta,” sermon sa
AGAD na nag-init ang mga mata ni Lana nang matanawan ang isang pamilyar na cottage na sa loob ng halos limang taon ay ngayon lamang niya muling nabalikan. Iyon ay sa kaparehong resort sa Palawan kung saan sila unang nagkita at nagkakilala ni Andrew ng personal. "Are you okay?" noon siya natigilan nang marinig niya ang amuse na tanong na iyon mula sa kaniyang asawa. Naluluha ang mga mata na tiningala ni Lana ang kaniyang kabiyak. Sa lahat ng pagkakataon palaging sinisikap ni Lana ang hindi maging emosyonal. Lalo na kapag para sa anak niya. Dahil para sa kaniya, hindi siya makakapag-isip ng maayos kung magpapatangay siya ng husto sa kaniyang emosyon. Pero sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung dahil ba sa labis na kaligayahan na nararamdaman niya. O dahil ba iyon sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan niya bago niya nakasama ang lalaking pinakamamahal niya? Kaya parang gusto niyang yumakap kay Andrew, isubsob ang mukha niya sa malapa
TWO MONTHS LATERMalungkot na pinagmasdan ni Andrew ang hanggang ngayon ay wala paring malay na si Lana. Dalawang buwan matapos ang aksidenteng si Patricia mismo ang may kagagawan ay nanatili ito sa loob ng ospital. Sa ICU kung saan niya araw-araw na hinihintay ang pagbabalik sa kaniya ng babaeng pinakamamahal niya.Sa naisip ay wala sa loob na naikuyom ni Andrew ang sariling kamay. Nakakulong na si Patricia sa ngayon at wala siyang balak na iurong ang demanda laban dito. Sinaktan nito si Lana at tama lang na pagbayaran nito ang masamang ginawa nito sa babaeng pakakasalan niya."Sweetheart, bumalik kana, miss na miss kana namin ni Andrea" bulong niya habang nanatiling nakatanaw sa glass wall ng ICU.Hindi niya alam kung ito ang karma niya sa lahat ng pagkakamaling nagawa niya noon. Kung siya nalang sana ang naghihirap, okay lang. Pero dahil sa kaniya pati si Lana ay nagdurusa. At hindi niya matanggap ang bagay na iyon.Alam niya na sa kundisyon ni Lana ngayon ay may chance na paggisin
UMIIYAK habang nanginginig sa galit na sinaid ni Patricia ang lamang alak ng kaniyang baso. Pagkatapos ay muling pinakatitigan ang bagong issue ng isang magazine kung saan nasa cover ang mukha ng pinakakinasusuklaman niyang babae sa buong mundo. Si Lana. Isang buwan narin ang nakalilipas mula nang huli silang magkausap ni Andrew sa opisina nito at katulad ng sinabi ng binata sa kaniya. Hindi na nga ito nag-renew ng kontrata sa agency nito. Suminghot si Patricia saka umiiyak na muling sinalinan ng alak ang kaniyang baso. Alam niyang totoo ang lahat ng sinabi ni Andrew. Alam niyang hindi niya kayang magalit sa binata kahit ano pa ang gawin nito. Pero masyado siyang nasasaktan at hindi niya pwedeng isisi ang lahat sa lalaki dahil sa labis na pagmamahal niya para rito. "Isa lang ang dapat sisihin sa lahat ng ito. Ikaw animal kang babae ka!" ang galit na galit niyang sigaw na ang tinutukoy ay si Lana saka umiiyak na ibinato ang hawak na baso. Gusto niyang maghisterya, gusto na niyang
"I PROMISE" si Lana na matamis munang ngumiti bago hinaplos ang mukha ng binata.Iyon lang at hinalikan na siya ni Andrew. Kasabay niyon ang muling paglilikot at panggagalugad ng kamay ni Andrew sa bawat parte at kurba ng katawan ni Lana.Ilang sandali lang at mula sa pagkakapikit ay naramdaman
"L-LOVE? Mahal mo ako?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Lana habang patuloy sa pag-agos ang masaganang luha sa magkabila niyang pisngi.Noong tuluyang lumuhod sa harapan niya ang binata saka sinapo ng mga kamay nito ang kaniyang mukha. "Sobrang mahal na mahal Lana" si Andrew na inilapit ng husto ang mukha sa kaniya saka siya masuyong hinalikan.
PASADO alas-seis na nang gabi nang matapos sina Andrew at Sam. Dahil sa pagod ay ipinasiya na lamang ng binata na condo unit na lamang niya siya magpalipas ng gabi dahil doon naman siya mas malapit mula sa branch ng Scott's na pagmumulan niya. Kasasakay lang ng binata sa kotse niya nang marinig ang pagtunog ng kaniyang telepono. Si Sam kasi ay nauna nang umuwi at nagpasundo na lamang sa kanilang family driver.Agad na napangiti si Andrew nang mabasa kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa screen ng kaniyang telepono. Pakiwa
MALALIM ang buntong hininga na hinugot at pinakawalan ni Lana sa sinabing iyon ng babaeng kaharap. At hangga't maaari, ayaw niyang mawala ang composure niya dahil dito. Tama ang maging mabait, pero sa pagkakataong ito, at sa tabas ng dila ng babaeng kausap niya, mukhang hindi nito kailangan ng kabaitan niya."Alam kong narinig mo ako, hindi ka naman siguro bingi hindi ba?" ang mataray na tanong ni Rhyza.
"SO, finally nagkita rin tayo" si Patricia nang imbitahan niya ito sa kaniyang opisina sa head office ng Scott's Cafe nang araw ring iyon.Ngumiti lang si Andrew saka pinaupo ang dalaga. "May mga gusto lang ako i-discuss ng personal sa iyo" aniya.Tumawa ng mahina si Patricia at saka nang-aakit
"STOP calling me! Wala akong maibibigay na impormasyon sa iyo tungkol kay Andrew!" ang iritableng singhal ni Patricia kay Rhyza na huling nakarelasyon ni Andrew bago nagbalik ang tunay na kontrabida sa buhay niya. Walang iba kundi ang mag-ina ng binata."Hindi ba manager ka niya? Bakit hindi mo ba ako pwedeng gawan ng paraan para makausap ko manlang siya?" pagpupumilit ni Rhyza sa tono nitong may katarayan na.