Home / Romance / WILD FANTASY (FILIPINO) / “DREAM INVASION”

Share

“DREAM INVASION”

Author: Jessica Adams
last update Huling Na-update: 2020-09-02 21:13:51

Three Years Later…

“SAAN na nga ulit iyong pupuntahan ninyo kamo?” ang Mama Cecille niya habang tinutulungan siya sa pag-e-empake ng mga damit na dadalhin niya sa kanilang company outing.

“Sa Palawan po Mama. Huwag kang mag-alala pasasalubungan kita ng magandang set ng perlas na hikaw at kwintas,” pangako niyang ngiting-ngiti.

Inirapan siya ng tiyahin bagaman nakangiti. “Umuwi ka lang sa akin ng buo at ligtas, masaya na ako doon,” sagot nito.

Tumawa ng mahina si Lana saka tumayo at niyakap ang kinikilalang ina. “Salamat Mama, mahal na mahal kita,” aniyang hinalikan ito sa noo pagkatapos.

“Tatlong araw, tamang-tama bukas birthday mo. Pagbalik mo rito ipagluluto kita ng paborito mong kare-kare,” anitong tinapik-tapik ang braso niya.

Noon kumawala si Lana sa mahigpit na pagkakayakap kay Cecille. “

Imagine, twenty four na ako. Ang bilis ng panahon,” komento pa ng dalaga saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Tinitigan siya ni Cecille saka ito nagsalita. “Sana magkaroon na ng kulay ang mundo no anak,” ang seryoso at madamdamin nito sabi.

“Kulay? As in love life? Iyon po ba ang ibig ninyong sabihin Mama?” tanong niyang humagikhik pa pagkatapos.

“Oo, para naman hindi lang puro pantasya ang mayroon ka. Hindi magandang tumandang mag-isa. Lalo at napakaganda mo, saya ang lahi,” anitong tumawa pa sa huling sinabi.

Pumalatak si Lana. “Si Mama naman, si Andrew na naman ang sinasabi ninyo eh,” aniyang napalabi sa pambubuska ng kinikilalang ina.

“O hindi ba totoo naman? Aba, simula yata nang magka-trabaho ka wala ka nang pinatawad sa mga pelikula nung lalaking iyon?”

Totoo naman iyon.

Tatlong taon mula nang matanggap siya bilang ahente sa kompanyang pinapasukan hanggang ngayon. Iba na nga lang ang posisyon niya dahil isa na siya ngayong Regional Manager kung saan hawak niya ang buong NCR.

“Marami nang nagbago sa’yo, kaya naiintindihan ko kung bakit mas mataas na ngayon ang standard mo sa pagpili ng lalaking mamahalin,” ang Mama Cecille niya nang manatili siyang walang imik.

Napabuntong hininga si Lana. “Hindi lang siguro ako nai-in love pa Mama,” maikli niyang sagot saka nginitian ang tiyahin.

“Hindi ka talaga magkakaroon ng interes sa mga manliligaw mo hangga’t…” doon na pinutol ni Mama Cecille ang iba pa nitong gustong sabihin saka sinulyapan ang malaking blow up picture ni Andrew sa dingding ng kwarto niya.

Napangiti si Lana na nakuha na ang ibig sabihin ng Mama Cecille niya dahil doon.

“O siya sige, matutulog na ako. Anong oras ba ang alis mo bukas?” pahabol na tanong nito nang nasa may pintuan na.

“Alas-kuwatro po ng madaling araw Mama,” sagot niya.

Tumango ang Mama niya. “Sige, para naman makapag-agahan ka bago umalis,” anito.

Tumango lang si Lana saka na itinuloy ang ginagawa.

Tatlong taon mula nang matanggap siya bilang ahente ng mga bahay at condo sa kumpanyang Mercedes Estate.

Siguro dahil nga sa pursigido siya ay naging maganda ang takbo ng career niya. Kaya masasabi niyang malayo na sa hikahos na buhay noon ang mayroon sila ngayon ng Mama Cecille niya.

Ang tiyahin niyang tumayong kaniyang ina ay hindi niya napatigil sa pananahi at pagtanggap ng order.

Sa kabila iyon nang katotohanang kumikita na siya ng malaki.

Ganoon siguro talaga, likas kasi itong masipag at hindi gusto ang walang ginagawa.

Ang nanay niya, sa naisip ay malungkot na napangiti si Lana. Katulad nang naikwento sa kanya ng Mama Cecille niya, hindi na nga ito nagpakita sa kanila.

Ayaw niyang magalit sa sarili niyang ina pero may bahagi ang puso niya na nakakaramdam parin ng ganoon.

Ang pagkakaalam kasi niya, walang ina ang makakayang tiitisin ang sarili nitong anak.

Pero iba ang nanay niya dahil natiis siya nito.

Nagbuntong hininga si Lana saka sinulyapan ang litrato ni Andrew Scott na naka-kwadro at nakasabit ng dingding ng kanyang kwarto saka iyon nginitian sa paraang para itong may sariling buhay na nakikita siya.

“Love life nalang daw ang kulang sa akin sabi ni Mama. Pero anong magagawa ko kung manhid itong puso ko sa iba, hindi ba?” kausap pa niya sa larawan saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Totoo naman iyon.

Hindi siya naa-attract sa mga lalaking nagpapahayag ng pag-ibig at pagkagusto sa kanya. Hindi dahil sarado ang buhay niya sa ganoon. Sa katunayan ay sinubukan rin naman niyang makipag-date. Pero wala talaga siyang makitang spark. Wala rin siyang maramdamang kilig. Kahit anong pilit niya, parang may kulang sa kahit sinong manliligaw niya ang hinahanap niya.

Muli ay napabuntong hininga roon si Lana saka tinapos ng tuluyan ang ginagawa. Maaga pa siya bukas at dahil magda drive siya hanggang office ay kailangan niya ng sapat na oras ng tulog.

“Good night Andrew. Sana mapanaginipan ulit kita,” aniyang inabot ang lampshade sa kaniyang bedside table saka iyon pinatay.

Nang mga sandaling lumapat ang likuran niya sa malambot na higaan ay agad na naramdaman ni Lana ang matinding pagod.

“Ano nga kayang problema sa akin? Bakit hindi ako nagkakagusto o kahit kinikilig man lang sa kahit sinong naging manliligaw ko?” bulong niyang inabot ang cellphone. Ang gwapong lalaki sa wallpaper niya ang agad na nagpangiti at nagdulot ng kakaibang kilig sa puso ni Lana.

“Sa totoo lang kontento na akong maging tagahanga mo. Hindi ko maintindihan kung bakit pero iyon ang totoo,” bulong na naman niya habang kinakausap ang wallpaper ni Andrew Scott sa cellphone niya.

Mababaw ba siya kung aminin niya sa lahat ng nagtatanong sa kanya ang totoong dahilan?

Well, hindi niya magagawa iyon dahil una sa lahat, may career siyang pinangangalagaan. At ang totoo, hindi naman sa pagmamayabang pero marami sa kompanya nila ang humahanga sa kanya.

Matalino, magaling magsalita at propesyonal.

Mga katangian na alam niyang dahilan kaya niya narating ang kinalalagyan niyang posisyon ngayon sa edad na twenty four.

Alam niyang humahanga siya kay Andrew.

Ayaw niyang isiping mas higit pa iyon doon. Ayaw niyang aminin na mas malalim ang damdamin na mayroon siya para sa sikat na aktor.

Dahil una sa lahat hindi naman niya ito personal na kilala. At walang malalim na dahilan para sabihing mahal niya ang binata na sa pagkakaalam niya ay nali-link ngayon sa isang bata at papasikat pa lamang na female actress.

“Magmamahal din ako, siguro. Sa tamang panahon,” aniyang naghikab pagkatapos ay natawa. Sa ganoon ayos siyang hinila ng pagod at antok niya sa dako pa roon.

AGAD na napangiti si Lana nang makitang dalawang babae nalang ang nakatayo sa harapan ng mesa ni Andrew para magpapirma sa binata.

Kinikilig niya itong nilapitan. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi napansin ng binata na nakatayo na siya sa likuran nito.

“Ah,” mabilis niyang naramdaman ang pagkabog ng dibdib niya nang makalapit sa lalaki na nang maramdaman marahil ang presensya niya sa likuran nito ay tumayo saka siya hinarap.

Sandali muna siyang pinakatitigan ng lalaki pagkatapos ay matamis na nginitian. Kaya lalong nagrigodon ang puso niya gawa ng magkakahalong kaba, kilig at excitement.

“Yes?” anito sa nang-aakit na tono.

“Pa-autograph po” aniya sabay abot sa binata ng hawak na notebook at sign pen.

Lalong lumuwang ang pagkakangiti ni Andrew saka inabot ang hawak niya. “Sure,” anitong pumirma saka iyon iniabot sa kanya.

“Salamat po,” sagot niyang ngumiti kahit ang totoo ay para siyang napapaso sa malalagkit na titig sa kanya ni Andrew.

Nang tumango si Andrew ay umakma na siyang tatalikuran ito.

Pero iba ang nangyari.

Naramdaman niya ang kamay nito na pumigil sa kanyang braso. Pagkatapos ay kinabig siya palapit rito, hinawakan ng dalawa nitong kamay ang kaniyang mukha.

Hindi na halos humihinga si Lana nang mga sandaling iyon.

Bolta-boltaheng enerhiya na hindi pamilyar sa kanya ang naramdaman niya.

Pero walang sinabi ang lahat ng iyon nang yukuin siya ni Andrew saka masuyong hinalikan sa mga labi.

Napapikit siya at parang nawala sa sarili niyang katinuan dahil sa ginawing iyon ni Andrew na hindi niya inasahan.

Pero sa kabila nang pagkawala niya sa sarili, nagawa pa talaga ng dalaga na bilangin ang tatlong beses na banayad na paghaplos ng mga labi nito sa mga labi niya bago siya pinakawalan.

Titig na titig siya habang nanlalaki ang mga matang nakatingala kay Andrew na nangingislap naman ang mga mata sa tindi ng amusement para sa kanya.

“Oh, sana naman huwag ka nang choosy, ah!” ang narinig niya sinabi ng isa sa dalawang babae roon sa tonong kinikilig.

“Oo nga, si Andrew Scott na iyan. Baka naman magreklamo ka pa!” sagot naman ng isa pa sa kaparehong tono.

MABILIS na napabalikwas ng bangon si Lana dahil doon.

Ilang sandali siya nanatiling nakatitig sa madilim na dingding ng kanyang kwarto saka wala sa loob na dinama ang sariling mga labi.

“Panaginip lang, pero iyong halik niya, iyong mga labi niya, parang totoong-totoo. Parang nararamdaman ko parin na hinahalikan ako,” anas niya saka wala sa loob na sinulyapan ang litrato ng lalaki sa kanyang dingding.

“Pati talaga panaginip ko na-invade mo na ah!” aniyang kinikilig na tumawa saka bumalik sa pagkakahiga.

Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin noon pero hindi na importante iyon sa kanya. Tutal panaginip lang, sabi nga ng iba, kabaligtaran ng realidad.

Pero kailangan niyang aminin na masarap ang halik na iyon. Magaan, at marespeto.

Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakasama niya sa panaginip si Andrew. Pero iyon ang unang pagkakataong hinalikan siya ng binata, sa panaginip niya.

Kaya nakatitiyak si Lana na ilang araw muna ang kailangan niyang palipasin bago siya maka-move on tungkol doon.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kiilg akala ko totoo na
goodnovel comment avatar
Elsie Reyes
Papaganda n story.fan meets the superstar..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   “CONTRACT GIRLFRIENDS”

    BAGO magpananghali ay narating nila ang Palawan.Sa isang maganda at first class na resort sila nagtuloy kung saan agad na inagaw ng magaganda at modernong cottages ang atensyon ni Lana.“Wow bongga!” ang narinig ni Lana na ibinulalas ni Rodora. Isa sa masasabi niyang pinakamalapit sa kanya sa trabaho. Katulad niya, regional manager rin ito at hawak naman ang buong region three. Mas matanda nga lang ito sa kanya na edad twenty eight.“Baka sakaling dito ko makilala

    Huling Na-update : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   “REALITY KISS”

    KINAGABIHAN nang araw ring iyon matapos ang kanilang team building seminar ay sa restaurant ng resort sila kumain ng hapunan.“Oh Lana, bakit ang tahimik mo naman yata?” si Rodge nang mapuna ang pananahimik niya. “simula kaninang lunch ganiyan ka na. Bakit, hindi mo ba gusto iyong cottage mo?” anitong hinaluan ng pabirong tono ang huling tanong.Magkakasunod na umiling si Lana saka pagkatapos ay inabot ang baso ng orange juice at uminom. “H-Hindi ate, pagod lang ako. Wala pa kasing tulog,” pagdadahilan niya.Tumango-tango si Rodge

    Huling Na-update : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   “PRIVATE MOMENT”

    PASADO alas-singko kinabukasan ay nagising si Lana gawa ng ingay na nagmumula sa kanyang veranda. Tunog ng kubyertos at mga plato. At ilang sandali lang, ang mabangong aroma naman ng brewed coffee ang tuluyang nagpabalikwas ng bangon sa kaniya.“W-What the---?” ang naisatinig ni Lana na natitigilan nang malabasan sa veranda ang nakahandang masarap na almusal para sa dalawang tao. “Good morning,” si Andrew na nakaupo na at halatang hinihintay siya. “kumain na tayo,” anitong tumayo at umakmang lalapitan siya.

    Huling Na-update : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   “DANCING QUEEN”

    KINAGABIHAN nang araw ring iyon nagkayayaan ang mga kasamahan sa trabaho ni Lana na mag-bar.Noong umpisa ay ayaw niyang sumama. Aminin man kasi niya o hindi, maghapon ay laman ng isipan niya ang sinabi kanina ni Andrew na magkikita ulit sila.At kahit hindi siya magsalita, hindi rin naman niya maitatanggi sa sariling pinananabikan niya ang mga susunod pang posibleng maganap sa pagitan nila ng binata.Sa naisip ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga.“Sa susunod na araw babalik na tayo ng Maynila. Huwag kang killjoy, ikaw ang pinakabata sa grupo natin pero ikaw ang pinaka-tita kung umasta,” sermon sa

    Huling Na-update : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "RED DRESS ON THE FLOOR"

    NARAMDAM ni Lana sa paanan niya ang kulay pula niyang dress na inihulog doon ni Andrew matapos nitong ibaba ang pagkaka-zipper niyon. “I was right about your body,” anitong sinuyod ng tingin ang kabuuan niya. “you are a goddess” anitong hinapit ang baywang niya pagkatapos. “tell me sweetheart, is this your first time?” anas ni Andrew na inilapit pa ng husto ang mukha sa kaniya. Marahas ang hinangang pinakawalan ni Lana nang magsimulang maglikot ang dalawang kamay ni Andrew sa kabuuan niya. “Mmmnn, y-yes,” aniyang muling napaungol nang maramdamang kinalas ng binata ang pagkaka-hook ng kaniyang bra. “I’ll be gentle, I promise,” ang binatang ipinasok ang mga kamay sa loob ng lacy panty niya na siyang natitirang saplot nalang ng katawan niya.

    Huling Na-update : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "NICE AND DEEP"

    WALA na sa sarili niyang katinuan si Lana habang tila walang patumangga namang sinusuyo ni Andrew ang pagkababae niya gamit ang sarili nitong bibig at dila. Aware naman siya na ang isang katulad ng binata ay tiyak na mahusay sa ganitong aspeto. Pero ang pakiramdam ng mapaligaya nito mismo ay talagang hindi parin niya magawang paniwalaan.

    Huling Na-update : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "LEAVING THE DREAM"

    MADALING araw nang malingat si Lana at hindi na tuluyang nakabalik sa pagtulog. Napangiti ang dalaga saka pinakatitigan ang perpektong mukha na ngayon ay mahimbing paring natutulog habang mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya.Ang mapupula at maninipis nitong mga labi. Hindi niya inakala minsan man na mararanasan niya ang mahagkan ng mga iyon.Pero nangyari.Kung tutuusin mas higit pa nga sa pinangarap niya, mas higit pa sa pwedeng isipin ang kahit sino ang naranasan niya.Mabilis na nag-init ang mukha ni Lana nang maalala ang lahat ng nangyari sa ka

    Huling Na-update : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "HISTORY REPEATS ITSELF"

    One Month Later…“HINDI mo yata pinanonood iyong bagong teleserye ni Andrew? Maganda pa naman ang kwento,” si Mama Cecille isang lingo ng umaga at kumakain sila ng almusal.Nagkibit siya ng balikat saka sinumulan ang pagkain. Hindi rin naman niya maunawaan ang sarili niya. Ang totoo hindi naman nagbago ang nararamdaman niya para sa lalaki maliban sa nagtumindi pa iyon. Simula iyon na

    Huling Na-update : 2020-09-05

Pinakabagong kabanata

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   SPECIAL CHAPTER "MRS. ANDREW SCOTT"

    AGAD na nag-init ang mga mata ni Lana nang matanawan ang isang pamilyar na cottage na sa loob ng halos limang taon ay ngayon lamang niya muling nabalikan. Iyon ay sa kaparehong resort sa Palawan kung saan sila unang nagkita at nagkakilala ni Andrew ng personal. "Are you okay?" noon siya natigilan nang marinig niya ang amuse na tanong na iyon mula sa kaniyang asawa. Naluluha ang mga mata na tiningala ni Lana ang kaniyang kabiyak. Sa lahat ng pagkakataon palaging sinisikap ni Lana ang hindi maging emosyonal. Lalo na kapag para sa anak niya. Dahil para sa kaniya, hindi siya makakapag-isip ng maayos kung magpapatangay siya ng husto sa kaniyang emosyon. Pero sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung dahil ba sa labis na kaligayahan na nararamdaman niya. O dahil ba iyon sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan niya bago niya nakasama ang lalaking pinakamamahal niya? Kaya parang gusto niyang yumakap kay Andrew, isubsob ang mukha niya sa malapa

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "DREAMS DO COME TRUE"

    TWO MONTHS LATERMalungkot na pinagmasdan ni Andrew ang hanggang ngayon ay wala paring malay na si Lana. Dalawang buwan matapos ang aksidenteng si Patricia mismo ang may kagagawan ay nanatili ito sa loob ng ospital. Sa ICU kung saan niya araw-araw na hinihintay ang pagbabalik sa kaniya ng babaeng pinakamamahal niya.Sa naisip ay wala sa loob na naikuyom ni Andrew ang sariling kamay. Nakakulong na si Patricia sa ngayon at wala siyang balak na iurong ang demanda laban dito. Sinaktan nito si Lana at tama lang na pagbayaran nito ang masamang ginawa nito sa babaeng pakakasalan niya."Sweetheart, bumalik kana, miss na miss kana namin ni Andrea" bulong niya habang nanatiling nakatanaw sa glass wall ng ICU.Hindi niya alam kung ito ang karma niya sa lahat ng pagkakamaling nagawa niya noon. Kung siya nalang sana ang naghihirap, okay lang. Pero dahil sa kaniya pati si Lana ay nagdurusa. At hindi niya matanggap ang bagay na iyon.Alam niya na sa kundisyon ni Lana ngayon ay may chance na paggisin

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "MADWOMAN"

    UMIIYAK habang nanginginig sa galit na sinaid ni Patricia ang lamang alak ng kaniyang baso. Pagkatapos ay muling pinakatitigan ang bagong issue ng isang magazine kung saan nasa cover ang mukha ng pinakakinasusuklaman niyang babae sa buong mundo. Si Lana. Isang buwan narin ang nakalilipas mula nang huli silang magkausap ni Andrew sa opisina nito at katulad ng sinabi ng binata sa kaniya. Hindi na nga ito nag-renew ng kontrata sa agency nito. Suminghot si Patricia saka umiiyak na muling sinalinan ng alak ang kaniyang baso. Alam niyang totoo ang lahat ng sinabi ni Andrew. Alam niyang hindi niya kayang magalit sa binata kahit ano pa ang gawin nito. Pero masyado siyang nasasaktan at hindi niya pwedeng isisi ang lahat sa lalaki dahil sa labis na pagmamahal niya para rito. "Isa lang ang dapat sisihin sa lahat ng ito. Ikaw animal kang babae ka!" ang galit na galit niyang sigaw na ang tinutukoy ay si Lana saka umiiyak na ibinato ang hawak na baso. Gusto niyang maghisterya, gusto na niyang

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "ROSE PETALS"

    "I PROMISE" si Lana na matamis munang ngumiti bago hinaplos ang mukha ng binata.Iyon lang at hinalikan na siya ni Andrew. Kasabay niyon ang muling paglilikot at panggagalugad ng kamay ni Andrew sa bawat parte at kurba ng katawan ni Lana.Ilang sandali lang at mula sa pagkakapikit ay naramdaman

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "LACE CURTAINS"

    "L-LOVE? Mahal mo ako?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Lana habang patuloy sa pag-agos ang masaganang luha sa magkabila niyang pisngi.Noong tuluyang lumuhod sa harapan niya ang binata saka sinapo ng mga kamay nito ang kaniyang mukha. "Sobrang mahal na mahal Lana" si Andrew na inilapit ng husto ang mukha sa kaniya saka siya masuyong hinalikan.

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "BECAUSE I LOVE YOU"

    PASADO alas-seis na nang gabi nang matapos sina Andrew at Sam. Dahil sa pagod ay ipinasiya na lamang ng binata na condo unit na lamang niya siya magpalipas ng gabi dahil doon naman siya mas malapit mula sa branch ng Scott's na pagmumulan niya. Kasasakay lang ng binata sa kotse niya nang marinig ang pagtunog ng kaniyang telepono. Si Sam kasi ay nauna nang umuwi at nagpasundo na lamang sa kanilang family driver.Agad na napangiti si Andrew nang mabasa kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa screen ng kaniyang telepono. Pakiwa

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "TOGETHER, FOREVER"

    MALALIM ang buntong hininga na hinugot at pinakawalan ni Lana sa sinabing iyon ng babaeng kaharap. At hangga't maaari, ayaw niyang mawala ang composure niya dahil dito. Tama ang maging mabait, pero sa pagkakataong ito, at sa tabas ng dila ng babaeng kausap niya, mukhang hindi nito kailangan ng kabaitan niya."Alam kong narinig mo ako, hindi ka naman siguro bingi hindi ba?" ang mataray na tanong ni Rhyza.

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "I FUCKING LOVE HER!"

    "SO, finally nagkita rin tayo" si Patricia nang imbitahan niya ito sa kaniyang opisina sa head office ng Scott's Cafe nang araw ring iyon.Ngumiti lang si Andrew saka pinaupo ang dalaga. "May mga gusto lang ako i-discuss ng personal sa iyo" aniya.Tumawa ng mahina si Patricia at saka nang-aakit

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "DESPERATE WOMEN"

    "STOP calling me! Wala akong maibibigay na impormasyon sa iyo tungkol kay Andrew!" ang iritableng singhal ni Patricia kay Rhyza na huling nakarelasyon ni Andrew bago nagbalik ang tunay na kontrabida sa buhay niya. Walang iba kundi ang mag-ina ng binata."Hindi ba manager ka niya? Bakit hindi mo ba ako pwedeng gawan ng paraan para makausap ko manlang siya?" pagpupumilit ni Rhyza sa tono nitong may katarayan na.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status