Home / Romance / WILD FANTASY (FILIPINO) / “PAINFUL PAST”

Share

“PAINFUL PAST”

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2020-09-02 21:12:40

“AYOKO sa batang iyan Ate! Salot siya! Salot siya sa buhay ko! Huwag mo siyang ilalapit sa akin!” iyon ang naghihisteryang sigaw ni Alice sa nakatatandang kapatid nitong si Cecille.

Nag-init ang mga mata ni Cecille kasabay ang matinding galit na naramdaman niyang umakyat sa kanyang ulo.

“At anong kasalanan ng anak mo sa lahat ng ito? Hindi niya kasalanan na tinakbuhan ka ng lalaking nakabuntis sa’yo!” ang galit na galit niyang sigaw sa bunsong kapatid. 

Isang linggo mula nang makapanganak ang bunso niyang kapatid ay totoo namang hindi na nito hinawakan ang bata.

At masakit iyon para kay Cecille.

Pero wala siyang magagawa, hindi niya mapipilit si Alice dahil una sa lahat alam niyang rebelde talaga ang ugali ng kapatid niya.

“Kahit na! Kung hindi dahil sa kanya nasa Japan na sana ako ngayon! Kumikita na ng malaki. Nabibili ko sana ang gusto ko! Hindi katulad ngayon! Wala akong pera! Problema ko pa nga ang diaper at gatas niya!” sagot ni Alice na hindi nagbabago ang tono.

Magkakasunod na nagpakawala ng mabigat na buntong hininga si Cecille saka niyuko ang sanggol na nakahiga sa papag.

Hindi niya maintindihan kung bakit may mga tao na katulad ng kapatid niya na parang sirang laruan lang kung ayawan ang sariling anak.

Kahit pa kung tutuusin, walang kinalaman ang bata sa lahat. Kahit pa kung tutuusin ang bata ang totoong biktima.

“Aalis na ako, ikaw na ang bahala sa batang iyan. Ipa-ampon mo kung gusto mo? Tama nang binuhay ko siya. Pero hindi pa ako handang magpaka-ina sa kanya,” ang sinabing iyon ni Alice ang pumukaw kay Cecille mula sa malalim na pag-iisip.

Lalong nagpuyos ang galit na nararamdaman ni Cecille. Nilingon niya si Alice na noon ay bitbit na ang isang travelling bag na naglalaman ng mga personal nitong gamit.

“Walang problema. Kung iyon ang gusto mo hindi kita pipigilan. Isa lang naman ang gusto,” si Cecille na tumulo ang mga luha.

Umangat ang ginuhit na kilay ni Alice. “Ano iyon?”

“Huwag ka nang magpapakita sa akin, kahit na kailan,” ang mariin at galit na galit niyang sagot.

Inismiran lang siya ni Alice kasabay ng pagtataas nito ng kilay. “Hindi mo na kailangang sabihin sa akin iyan,” iyon lang at tuluyan na nga itong lumabas ng kwarto.

Dinig na dinig ni Cecille ang ingay na nilikha ng malakas na pagkakahagis ni Alice sa pinto. Kasabay niyon ay ang tuluyan na nga niyang paghagulhol. Pagkatapos ay awang-awa niyang kinarga ang napakagandang bata na mahimbing parin ang pagkakatulog.

Hinalikan niya ang pisngi nito saka pagkatapos ay niyakap ng mahigpit. “Simula ngayon, ako na ang nanay mo, Lana, anak,” aniyang hinaplos ang maliit at matangos nitong ilong.

Ten Years Later…

“AKO nalang ang pamilya ni Lana, hindi ko siya pwedeng pabayaan. Iniwan na siya ng nanay niya, pati ba naman ako na nag-iisang pamilya niya tatalikuran pa siya?” natigilan sa pagbabasa ng kanyang English textbook si Lana nang marinig ang mataas na tinig na iyon ng kanyang Mama Cecille.

“Bakit kasi hindi mo hanapin ang nanay niya? Siya naman ang may obligasyon sa batang iyan, hindi ikaw!” sagot naman ng kanyang Tito Gary, ang nobyo ng kanyang Mama Cecille.

“Alam mo Gary, kung hindi mo kayang tanggapin pamangkin ko, mas maganda siguro na tapusin nalang natin ito,” nasa tono ni Cecille ang pinalidad.

At mula sa pagkakasilip sa uwang ng pinto ay kitang-kita ni Lana ang matinding pagkabigla sa mukha ni Tito Gary.

“Iiwan mo ako para sa batang iyan?” ang malamig at hindi makapaniwalang tanong ni Gary nang makabawi sa pagkagulat.

“Mahal ko si Lana na parang sarili kong anak. Dugo at laman ko ang batang iyon, kaya kung hindi mo siya matatanggap, pasensya na,” noon kumilos si Cecille na nilapitan at pinto saka iyon binuksan. “makakaalis ka na,” pagtataboy nito kay Gary.

“Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito Cecilia,” si Tito Gary na nasa tono ang matinding hinanakit para sa tiyahin niya.

Umiling ang kanyang Mama Cecille. “Kahit kailan hinding-hindi ko pagsisisihang pinili ko ang pamangkin ko,” anito sa karaniwan na nitong mahinahon na tono.

Nang makalabas si Tito Gary ay mabilis na itinulak pasara ng Mama niya ang pinto.

Pagkatapos ay naupo sa sala set na yari sa kawayan at umiyak. Sa umpisa nag-alangan si Lana na lumabas para lapitan ang tiyahin niya. Pero hindi rin siya nakatiis.

“M-Mama,” aniyang hinawakan ang balikat nito.

Mula sa pagkakasubsob nito sa sariling mga palad ay mabilis na pinahid ni Cecille ang mga luha saka nakangiting hinarap siya. “Ano iyon, anak?”

Hindi na nagsalita si Lana. Niyakap nalang niya ang taong mula pagkabata ay nakamulatan na niya bilang kanyang ina. Kahit pa sabihing aware siya sa totoong kwento ng buhay niya.

“Promise po Mama mag-aaral akong mabuti para hindi na kayo mahihirapan sa pananahi. Magpapakabait po ako at tutulungan ko kayo sa mga gawaing bahay,” aniyang hinaplos ang buhok ng ngayon ay umiiyak na naman niyang tiyahin.

Ilang sandali pagkatapos ay tiningala siya ng Mama niya saka siya pinaupo sa kandungan nito.

“Alam ko nag-aalala ka. Hindi kita iiwan, kahit anong mangyari. Sa puso ko, anak kita at ako ang nanay mo. At hindi iniiwan ng isang ina ang kanyang anak,” pangako nito sa kanya.

Hindi na nagsalita si Lana.

Naniniwala siya sa sinabing iyon ng Mama Cecille niya.

At sa puso niya, totoo ang pangakong binitiwan niya. Darating ang panahon, bibigyan niya ito ng isang maganda at masaganang buhay. Hindi sila habang buhay na magiging mahirap.

Eleven Years Later…

“OH, nariyan kana pala. Nagluto ako ng meryenda nasa mesa, kumain ka nalang,” ang bungad sa kanya ng tiyahin na abala sa tinatahi nitong uniporme.

Nakangiting pinagmasdan ni Lana ang tiyahin niyang siyang nagtaguyod sa kanya.

Isang linggo mahigit palang kasi siyang naipapanganak ay iniwan na siya ng kanyang ina. At hindi na binalikan pa.

“May good news ako sa’yo Mama,” aniyang tumayo saka nagtuloy sa kusina. Pagkatapos ay nagbalik dala ang isang bowl ng ginataang kamoteng kahoy.

Mula sa pagkakayuko sa tinatahi ay hinarap siya ng kinikilala niyang ina.

“Ano naman iyon?” ang walang muwang nitong tanong.

Matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ni Lana. “May trabaho na ako!” ang masaya niyang balita.

Umaliwalas ang mukha ni Cecille sa sinabi niyang iyon. “Oh edi maganda. Saan naman?” anitong binalikan ang tinatahi kaya gumawa muli ng ingay ang gamit nitong makina.

“Mercedes Estate, malaking company iyon ng mga bahay at condo,” sagot niya. “kaya huwag ka nang masyadong tatanggap ng order kasi hindi mo na kailangang magpakapagod, ako naman ang kakayod para sa ating dalawa ngayon,” dugtong pa niya na ngiting-ngiti.

Tinawanan muna siya ni Cecille bago ito nagsalita. “At ano naman ang gusto mong gawin ko? Tumunganga? Mahirap iyon, malulumpo ako kung hindi ako kikilos. Ang magandang gawin mo sa pera mo, mag-ipon ka. Saka ka mag-asawa.”

Sa huling sinabi ng tiyahin niya ay hindi napigilan ni Lana ang matawa. “Asawa agad? Boyfriend nga wala eh,”  sagot niyang inubos ang pagkain sa hawak na bowl.

Nagkibit ng balikat ang Mama Cecille niya. “Matagal na si Richard, hindi mo parin ba nakakalimutan?”

Sa narinig na pangalan ay mabilis na naramdaman ni Lana ang kirot na gumuhit sa kanyang dibdib. “First love ko kasi siya, Mama,” ang halos pabulong niyang sagot.

Noon hinubad ni Cecille ang suot na salamin sa mata. “Lana, eighteen ka lang noon. Twenty one ka na ngayon at magtatrabaho na. Hindi mo parin ba siya nakakalimutan?”

Hindi sumagot si Lana kaya nagpatuloy ang tiyahin niya kasabay ng pagpapatuloy rin nito sa pananahi.

“First love ko rin si Gary, pero kasi itinuon ko ang atensyon at pagmamahal ko sa’yo, hindi ako nahirapang kalimutan siya,” anitong sinulyapan pa siya pagkatapos.

            "Sasabihin ko naman sa'yo kung crush ko si Karen eh. Kaso hindi ko nga siya crush, kaya tumigil ka na sa paghihinala mo!"

Nang maalala ang sinabing iyon sa kanya ni Richard ay mapait na napangiti si Lana.

Iyon ay nang komprontahin niya ito gawa nang napapabalitang may nakakita raw rito at kay Karen na magkasamang pumasok sa sinehan noong isang araw.

Isang buwan matapos ang pagtatalo nilang iyon ni Richard ay hiniwalayan na rin siya ng lalaki at inamin sa kanya na totoong lahat at hinala niya.

Na matagal nang literal na may nangyayari rito at sa babaeng iyon na matagal na niyang pinagseselosan.

“Minahal ko siya ng sobra Mama, tapos pinagpalit lang ako sa iba,” ang malungkot niyang sabi.

“Alam ko, iyan naman ang lagi mong sinasabi,” sagot ng tiyahin niya saka nagbuntong-hininga. “umamin ka nga sa akin anak, may nangyari ba sa inyo ni Richard?”

Nagulat si Lana sa deretsahang tanong na iyon ng tiyahin niya. “Naku wala ho Mama! Wala!” aniya kasabay ang magkakasunod na pag-iling. “tingin ko nga iyon ang dahilan kaya hindi siya nakuntento sa akin. Kasi hindi ako pumapayag na may mangyari sa amin,” ang malungkot niyang sagot.

Tumango-tango ang tiyahin niya. “Mas mainam na iyon, sa panahon kasi ngayon marami sa mga lalaki ang naghahanap ng ganyan. Hindi katulad noong panahon namin na importante ang virginity.”

“Ayoko kasing matulad kay nanay, iyon po ang talagang iniiwasan ko,” pagsasabi niya ng totoo saka tumayo para buksan ang TV. “baka nakalimutan na ninyo iyon inabangan ninyong series sa hapon. Hayan, sakto,” aniyang napangiti nang masilayan sa screen ang isang perpektong mukha. “ang gwapo talaga ni Andrew Scott ano Mama? Kinikilig talaga ako sa kanya,” mabilis na mabilis na nagbago ang mood ni Lana pagkakita sa hinahangaang actor.

“Gwapo naman talaga ang batang iyan, magaling pang umarte. Kaya lang duda ako sa pagkalalaki niyan. Matagal na rin siyang sikat pero bakit walang napapabalitang nobya?” ang makahulugang winika ng tiyahin niya na halatang inaasar siya.

Agad na nanulis ang nguso ni Lana sa narinig. “Uy Mama hindi bading si Andrew, talagang wala lang siguro siyang nagugustuhan sa mga nakakatrabaho niya o baka naman kasi, hindi pa kami nagkikita kaya hindi siya nai-in love!” sa huling sinabi ay hindi napigilan ni Lana ang kiligin.

Tumawa ng mahina si Mama Cecille sa sinabi niya. “Iyan ang nakikita kong dahilan kaya hindi ka nagkakagusto sa maraming manliligaw mo. Humaling na humaling ka sa artistang iyan,” anitong sinundan pa ang sinabi ng isang aliw na aliw na tawa.

Lalong nagtumindi ang kilig na nararamdaman ni Lana sa sinabing iyon ng tiyahin niya. “Naku naman Mama, malakas ang pakiramdam ko na meant to be talaga kami. Sa totoo lang kahit hindi ko pa siya nakikita ng personal nararamdaman ko na darating ang araw magkikita kami sa pinaka-romantic na paraan!”

“Kunsabagay, gwapo siya at maganda ka. Bagay kayo, at kung kayo ang magkakatuluyan, aba gwapo o kaya naman eh tiyak na maganda ang magiging apo ko!”

Malakas at magkasabay silang natawa sa sinabing iyon ng Mama niya. “Kahit kailan talaga suportado mo ako Mama, kaya mahal na mahal kita,” totoo iyon sa loob niya.

Hindi sumagot ang tiyahin niyang nakangiti lang siyang pinakatitigan.

Habang sa isip ni Lana, siguro nga totoo ang sinasabi ng Mama Cecille niya. Hindi niya nabibigyan ng atensyon ang mga manliligaw niya gawa ng pagkahumaling niya kay Andrew Scott.

Mahilig kasi sa mga drama at teleserye ang Mama Cecille niya.

At doon nga niya unang nasilayan ang kagwapuhan ni Andrew sa telebisyon.

Nang mga panahong iyon ay papausbong pa lamang ito. Pero dahil nga gwapo at magaling umarte, naging mabilis ang pagsikat ng binata. At isa na siya sa maraming sumubaybay sa career ng lalaki.

Hindi lang talaga siya regular na nakakapanood ng mga pelikula nito gawa nang hirap sila sa buhay. Pero ngayong magkaka-trabaho na siya, alam niya magagawa na niya iyon, kasama ang tiyahin niya.

Si Andrew Scott ay half-British at half-Filipino. Sa London sa United Kingdom ito lumaki at nagpasyang umuwi ng Pilipinas kasama ang kapatid nitong si Samantha na sa pagkakaalam niya’y nag-aaral ngayon ng Culinary sa isang malaking eskwelahan sa Maynila.

Kilalang artista ang Lola ni Andrew noong kabataan nito.

At iyon ang naging daan kaya marami ang nagkaroon ng interes sa binata.

Well, ang lahat naman ng iyon ay nabasa at napanood niya. At ang ilan ay galing mismo sa mga interviews ng binata.

At least sa mundo ng pagiging fan girl niya, walang rejections, walang heartaches. Puro kilig, puro love.

Kahit sa panaginip lang niya ito nayayakap at nahahalikan, masaya na siya doon.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ah artista psla si andrew
goodnovel comment avatar
Inday Rose Calesbon
Next po please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   “DREAM INVASION”

    Three Years Later…“SAAN na nga ulit iyong pupuntahan ninyo kamo?” ang Mama Cecille niya habang tinutulungan siya sa pag-e-empake ng mga damit na dadalhin niya sa kanilang company outing.“Sa Palawan po Mama. Huwag kang mag-alala pasasalubungan kita ng magandang set ng perlas na hikaw at kwintas,” pangako niyang ngiting-ngiti.Inirapan siya ng tiyahin bagaman nakangiti. “Umuwi ka lang sa akin ng buo at ligtas, masaya na ako doon,” sagot nito.

    Last Updated : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   “CONTRACT GIRLFRIENDS”

    BAGO magpananghali ay narating nila ang Palawan.Sa isang maganda at first class na resort sila nagtuloy kung saan agad na inagaw ng magaganda at modernong cottages ang atensyon ni Lana.“Wow bongga!” ang narinig ni Lana na ibinulalas ni Rodora. Isa sa masasabi niyang pinakamalapit sa kanya sa trabaho. Katulad niya, regional manager rin ito at hawak naman ang buong region three. Mas matanda nga lang ito sa kanya na edad twenty eight.“Baka sakaling dito ko makilala

    Last Updated : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   “REALITY KISS”

    KINAGABIHAN nang araw ring iyon matapos ang kanilang team building seminar ay sa restaurant ng resort sila kumain ng hapunan.“Oh Lana, bakit ang tahimik mo naman yata?” si Rodge nang mapuna ang pananahimik niya. “simula kaninang lunch ganiyan ka na. Bakit, hindi mo ba gusto iyong cottage mo?” anitong hinaluan ng pabirong tono ang huling tanong.Magkakasunod na umiling si Lana saka pagkatapos ay inabot ang baso ng orange juice at uminom. “H-Hindi ate, pagod lang ako. Wala pa kasing tulog,” pagdadahilan niya.Tumango-tango si Rodge

    Last Updated : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   “PRIVATE MOMENT”

    PASADO alas-singko kinabukasan ay nagising si Lana gawa ng ingay na nagmumula sa kanyang veranda. Tunog ng kubyertos at mga plato. At ilang sandali lang, ang mabangong aroma naman ng brewed coffee ang tuluyang nagpabalikwas ng bangon sa kaniya.“W-What the---?” ang naisatinig ni Lana na natitigilan nang malabasan sa veranda ang nakahandang masarap na almusal para sa dalawang tao. “Good morning,” si Andrew na nakaupo na at halatang hinihintay siya. “kumain na tayo,” anitong tumayo at umakmang lalapitan siya.

    Last Updated : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   “DANCING QUEEN”

    KINAGABIHAN nang araw ring iyon nagkayayaan ang mga kasamahan sa trabaho ni Lana na mag-bar.Noong umpisa ay ayaw niyang sumama. Aminin man kasi niya o hindi, maghapon ay laman ng isipan niya ang sinabi kanina ni Andrew na magkikita ulit sila.At kahit hindi siya magsalita, hindi rin naman niya maitatanggi sa sariling pinananabikan niya ang mga susunod pang posibleng maganap sa pagitan nila ng binata.Sa naisip ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga.“Sa susunod na araw babalik na tayo ng Maynila. Huwag kang killjoy, ikaw ang pinakabata sa grupo natin pero ikaw ang pinaka-tita kung umasta,” sermon sa

    Last Updated : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "RED DRESS ON THE FLOOR"

    NARAMDAM ni Lana sa paanan niya ang kulay pula niyang dress na inihulog doon ni Andrew matapos nitong ibaba ang pagkaka-zipper niyon. “I was right about your body,” anitong sinuyod ng tingin ang kabuuan niya. “you are a goddess” anitong hinapit ang baywang niya pagkatapos. “tell me sweetheart, is this your first time?” anas ni Andrew na inilapit pa ng husto ang mukha sa kaniya. Marahas ang hinangang pinakawalan ni Lana nang magsimulang maglikot ang dalawang kamay ni Andrew sa kabuuan niya. “Mmmnn, y-yes,” aniyang muling napaungol nang maramdamang kinalas ng binata ang pagkaka-hook ng kaniyang bra. “I’ll be gentle, I promise,” ang binatang ipinasok ang mga kamay sa loob ng lacy panty niya na siyang natitirang saplot nalang ng katawan niya.

    Last Updated : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "NICE AND DEEP"

    WALA na sa sarili niyang katinuan si Lana habang tila walang patumangga namang sinusuyo ni Andrew ang pagkababae niya gamit ang sarili nitong bibig at dila. Aware naman siya na ang isang katulad ng binata ay tiyak na mahusay sa ganitong aspeto. Pero ang pakiramdam ng mapaligaya nito mismo ay talagang hindi parin niya magawang paniwalaan.

    Last Updated : 2020-09-02
  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "LEAVING THE DREAM"

    MADALING araw nang malingat si Lana at hindi na tuluyang nakabalik sa pagtulog. Napangiti ang dalaga saka pinakatitigan ang perpektong mukha na ngayon ay mahimbing paring natutulog habang mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya.Ang mapupula at maninipis nitong mga labi. Hindi niya inakala minsan man na mararanasan niya ang mahagkan ng mga iyon.Pero nangyari.Kung tutuusin mas higit pa nga sa pinangarap niya, mas higit pa sa pwedeng isipin ang kahit sino ang naranasan niya.Mabilis na nag-init ang mukha ni Lana nang maalala ang lahat ng nangyari sa ka

    Last Updated : 2020-09-02

Latest chapter

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   SPECIAL CHAPTER "MRS. ANDREW SCOTT"

    AGAD na nag-init ang mga mata ni Lana nang matanawan ang isang pamilyar na cottage na sa loob ng halos limang taon ay ngayon lamang niya muling nabalikan. Iyon ay sa kaparehong resort sa Palawan kung saan sila unang nagkita at nagkakilala ni Andrew ng personal. "Are you okay?" noon siya natigilan nang marinig niya ang amuse na tanong na iyon mula sa kaniyang asawa. Naluluha ang mga mata na tiningala ni Lana ang kaniyang kabiyak. Sa lahat ng pagkakataon palaging sinisikap ni Lana ang hindi maging emosyonal. Lalo na kapag para sa anak niya. Dahil para sa kaniya, hindi siya makakapag-isip ng maayos kung magpapatangay siya ng husto sa kaniyang emosyon. Pero sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung dahil ba sa labis na kaligayahan na nararamdaman niya. O dahil ba iyon sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan niya bago niya nakasama ang lalaking pinakamamahal niya? Kaya parang gusto niyang yumakap kay Andrew, isubsob ang mukha niya sa malapa

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "DREAMS DO COME TRUE"

    TWO MONTHS LATERMalungkot na pinagmasdan ni Andrew ang hanggang ngayon ay wala paring malay na si Lana. Dalawang buwan matapos ang aksidenteng si Patricia mismo ang may kagagawan ay nanatili ito sa loob ng ospital. Sa ICU kung saan niya araw-araw na hinihintay ang pagbabalik sa kaniya ng babaeng pinakamamahal niya.Sa naisip ay wala sa loob na naikuyom ni Andrew ang sariling kamay. Nakakulong na si Patricia sa ngayon at wala siyang balak na iurong ang demanda laban dito. Sinaktan nito si Lana at tama lang na pagbayaran nito ang masamang ginawa nito sa babaeng pakakasalan niya."Sweetheart, bumalik kana, miss na miss kana namin ni Andrea" bulong niya habang nanatiling nakatanaw sa glass wall ng ICU.Hindi niya alam kung ito ang karma niya sa lahat ng pagkakamaling nagawa niya noon. Kung siya nalang sana ang naghihirap, okay lang. Pero dahil sa kaniya pati si Lana ay nagdurusa. At hindi niya matanggap ang bagay na iyon.Alam niya na sa kundisyon ni Lana ngayon ay may chance na paggisin

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "MADWOMAN"

    UMIIYAK habang nanginginig sa galit na sinaid ni Patricia ang lamang alak ng kaniyang baso. Pagkatapos ay muling pinakatitigan ang bagong issue ng isang magazine kung saan nasa cover ang mukha ng pinakakinasusuklaman niyang babae sa buong mundo. Si Lana. Isang buwan narin ang nakalilipas mula nang huli silang magkausap ni Andrew sa opisina nito at katulad ng sinabi ng binata sa kaniya. Hindi na nga ito nag-renew ng kontrata sa agency nito. Suminghot si Patricia saka umiiyak na muling sinalinan ng alak ang kaniyang baso. Alam niyang totoo ang lahat ng sinabi ni Andrew. Alam niyang hindi niya kayang magalit sa binata kahit ano pa ang gawin nito. Pero masyado siyang nasasaktan at hindi niya pwedeng isisi ang lahat sa lalaki dahil sa labis na pagmamahal niya para rito. "Isa lang ang dapat sisihin sa lahat ng ito. Ikaw animal kang babae ka!" ang galit na galit niyang sigaw na ang tinutukoy ay si Lana saka umiiyak na ibinato ang hawak na baso. Gusto niyang maghisterya, gusto na niyang

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "ROSE PETALS"

    "I PROMISE" si Lana na matamis munang ngumiti bago hinaplos ang mukha ng binata.Iyon lang at hinalikan na siya ni Andrew. Kasabay niyon ang muling paglilikot at panggagalugad ng kamay ni Andrew sa bawat parte at kurba ng katawan ni Lana.Ilang sandali lang at mula sa pagkakapikit ay naramdaman

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "LACE CURTAINS"

    "L-LOVE? Mahal mo ako?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Lana habang patuloy sa pag-agos ang masaganang luha sa magkabila niyang pisngi.Noong tuluyang lumuhod sa harapan niya ang binata saka sinapo ng mga kamay nito ang kaniyang mukha. "Sobrang mahal na mahal Lana" si Andrew na inilapit ng husto ang mukha sa kaniya saka siya masuyong hinalikan.

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "BECAUSE I LOVE YOU"

    PASADO alas-seis na nang gabi nang matapos sina Andrew at Sam. Dahil sa pagod ay ipinasiya na lamang ng binata na condo unit na lamang niya siya magpalipas ng gabi dahil doon naman siya mas malapit mula sa branch ng Scott's na pagmumulan niya. Kasasakay lang ng binata sa kotse niya nang marinig ang pagtunog ng kaniyang telepono. Si Sam kasi ay nauna nang umuwi at nagpasundo na lamang sa kanilang family driver.Agad na napangiti si Andrew nang mabasa kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa screen ng kaniyang telepono. Pakiwa

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "TOGETHER, FOREVER"

    MALALIM ang buntong hininga na hinugot at pinakawalan ni Lana sa sinabing iyon ng babaeng kaharap. At hangga't maaari, ayaw niyang mawala ang composure niya dahil dito. Tama ang maging mabait, pero sa pagkakataong ito, at sa tabas ng dila ng babaeng kausap niya, mukhang hindi nito kailangan ng kabaitan niya."Alam kong narinig mo ako, hindi ka naman siguro bingi hindi ba?" ang mataray na tanong ni Rhyza.

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "I FUCKING LOVE HER!"

    "SO, finally nagkita rin tayo" si Patricia nang imbitahan niya ito sa kaniyang opisina sa head office ng Scott's Cafe nang araw ring iyon.Ngumiti lang si Andrew saka pinaupo ang dalaga. "May mga gusto lang ako i-discuss ng personal sa iyo" aniya.Tumawa ng mahina si Patricia at saka nang-aakit

  • WILD FANTASY (FILIPINO)   "DESPERATE WOMEN"

    "STOP calling me! Wala akong maibibigay na impormasyon sa iyo tungkol kay Andrew!" ang iritableng singhal ni Patricia kay Rhyza na huling nakarelasyon ni Andrew bago nagbalik ang tunay na kontrabida sa buhay niya. Walang iba kundi ang mag-ina ng binata."Hindi ba manager ka niya? Bakit hindi mo ba ako pwedeng gawan ng paraan para makausap ko manlang siya?" pagpupumilit ni Rhyza sa tono nitong may katarayan na.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status